เข้าสู่ระบบ“Xavier is married.”Napatitig si Ana kay Kurt. “Ano'ng sinasabi mo?”“It's true. Tingnan mo.”Binuksan nito ang folder sa kanyang mesa. Naroon ang kopya ng marriage record nina Xavier Velasco at Elise Villareal, kasama ang petsa at lugar ng kasal.“I'm not making this up, Ana.”“Hindi ko sinasabing nagsisinungaling ka.” Sinipat niya ang dokumento. “Bakit mo siya pinaimbestigahan?”“Because he's pursuing my wife. I wanted to know who he really is. I'm protecting you.”“Huwag mong pakialaman ang buhay ko, Kurt.”“I'm still your husband.”“Sa papel. Pero hindi ibig sabihin niyan, ikaw ang magpapasya kung sino ang lalapitan o kakaibiganin ko.”“Hindi kita pinagbabawalang makipagkaibigan. Pero may ibang intensyon ang lalaking iyon.”“Aling parte ang mahirap unawain sa pakiusap kong tigilan mo na ako?”Napakuyom ang kamay nito, ngunit hindi na nakipagtalo.Muling tiningnan ni Ana ang pangalan ni Elise. Wala naman silang relasyon ni Xavier, ngunit ipinakilala niya itong nobyo sa harap ng mg
“But I don't want to spend the rest of my life pretending I never loved you.”Napatitig si Ana kay Kurt. Tatlong taon niyang hinintay ang mga salitang iyon. Noon, baka sapat na ang pag-aming iyon para makalimutan ang mga masasakit na pangyayari.Ngayon, wala siyang nararamdaman. Kahit katiting na saya o lungkot ay wala.“Minahal mo ako? Kurt, naririnig mo ba ang sarili mo?”“Yes.”“Hindi mo ako mahal. May mahal bang sinasaktan?”Hindi ito sumagot. Sa pagitan nila, malamig na ang pagkaing halos hindi nagalaw ni Ana.“I cared too much about what people would think,” sabi nito. “I was ashamed to admit I married someone I thought didn't belong in my world.”“Kahit asawa na kita, ikinahiya mo pa rin ako.”“Yes. And I'll regret that for the rest of my life.”“Hindi ko kailangan ng pagsisisi mo. At totoo namang langit at lupa ang pagitan natin.”“Ana, please listen to me.”“At nauunawaan ko kung bakit ikinakahiya mo ako.” Nanginig ang boses niya. “Pero tapos na ‘yon. Mag-move on na tayong pa
“At ako raw ang personal shopper mo.”“Personal shopper? Ikaw?” Napatingin si Ana kay Kurt. “Tatlong taon tayong kasal. Hindi mo nga alam ang sukat ng damit ko o paborito kong kulay.”Nawala ang ngiti nito. “Then today is my chance to learn.”“Hindi mo na kailangang matuto. Maghihiwalay na tayo.”“Okay. Assignment na lang mula kay Grandpa.”Nagpaalam si Ana kay Ms. Ruth at inayos ang mga kailangang iwan sa opisina. Nang bumalik siya sa paradahan, naghihintay si Kurt sa sariling sasakyan. Ito ang nagmaneho papunta sa mall.Tahimik ang biyahe hanggang sa tumunog ang cellphone niya. Isang mensahe mula kay Xavier.“Okay ka lang ba? Gusto mo bang sumunod ako?”“Okay lang ako. Salamat sa pag-aalala.”Pag-angat ng tingin, napansin niyang sumulyap si Kurt sa cellphone niya.“Sa daan ka tumingin. Nagmamaneho ka.”“So thoughtful naman ng manliligaw mo.”“Boyfriend ko siya,” sagot ni Ana, bagaman hindi iyon totoo. Ayaw niyang magpaliwanag sa asawa.“I don't think so. You're trying to make me jea
“Paano ko mapapatunayang karapat-dapat ako sa tiwala ni Lolo?” bulong ni Ana habang nakatitig sa abiso ng meeting.Tinawagan niya ang abogado.“Attorney, ayokong pumunta roon na wala akong alam.”“Hindi mo kailangang patunayan ang karapatan mong magmay-ari. Nakatala na ang shares sa pangalan mo. Ang kailangan mong paghandaan ay ang mga pag-uusapan.”“Maaari po ba akong makahingi ng mga naunang ulat at patakaran ng kumpanya?”“Magrequest tayo ng mga dokumentong maaari mong suriin. Sasamahan din kita sa pagpupulong.”“Salamat po. Gusto kong maintindihan ang mga desisyong gagawin ko.”Kinabukasan, dala ang mga ulat na natanggap, nagtungo si Ana sa opisina ni Xavier. Inilapit nito ang laptop sa bakanteng upuan sa tabi niya.“Alin ang gusto mong unahin?”“Dumami ang bisita matapos ang renovation. Bakit hindi ganoon kalaki ang nadagdag sa net profit?”“Compare revenue with operating expenses. Ano ang napansin mo?”Sinundan niya ng daliri ang mga numero.“Mas malaki ang gastos sa kuryente at
“Dating receptionist, naging pinakamalaking shareholder matapos atakihin sa puso ang may-ari ng resort,ginamit ba niya ang lihim na kasal para maagaw ang negosyo ng pamilya Altamirano?”Muling binasa ni Ana ang caption sa cellphone. Magkatabi ang larawan niya at ni Don Alejandro na nakahiga sa ospital. Hindi lang siya ang sinisiraan. Pinalalabas ding hindi kayang magpasya ng matanda para sa sarili.“Ma'am Ruth, kailangan nating makita ang CCTV para may ebidensiya ng nangyari.”“Oo. Baka gusto mo munang magpahinga?”“Hindi po. Ayusin muna natin ang maaari nating gawin.”Kasama si Ms. Ruth, nagtungo siya sa security office sa likod ng reception. Ipinakita ng supervisor ang kuha ng camera na nakaharap sa desk. Nandoon ang pagdating ni Donya Victoria, ang paglapit ni Ana, at ang pagdating nina Kurt at Xavier. Walang malinaw na audio ang recording.“Pakitabi po ang orihinal na kuha at ang tala ng oras,” hiling ni Ana.“Opo, Ma'am. Kailangan lang ng pahintulot bago makapaglabas ng kopya.”H
“Si Ana Robles ay tatlong taon nang asawa ng anak kong si Attorney Kurt Altamirano, at hanggang ngayon, legal pa rin silang mag-asawa!”Natahimik ang reception ng Wonder World Resort. Napahinto ang isang bisitang papalapit sa desk. Nagkatinginan ang mga empleyado habang nanatiling nakatayo si Ana sa tabi ni Ms. Ruth.“Ana, totoo ba iyon?” tanong ng manager.Kay Kurt napunta ang tingin niya. Tatlong taon niyang itinagong asawa siya nito. Ngayong nabunyag iyon sa lugar na gusto niyang simulan ang bagong buhay“Yes. Ana is my wife,” sagot ni Kurt. “Tatlong taon na kaming kasal. Kung may tanong kayo kung bakit namin itinago iyon, ako ang dapat managot.”“What are you saying?” singit ni Donya Victoria.“I was the one who insisted on keeping our marriage private. At nagkamali ako.”Nanikip ang dibdib ni Ana. Noon, ipinagdarasal niyang ipakilala siya ni Kurt bilang asawa. Ngayon, nangyari iyon sa harap ng mga katrabaho niya, kung kailan sinimulan na nilang asikasuhin ang annulment.“Totoong







