Too Late to Win Back His Betrayed Wife

Too Late to Win Back His Betrayed Wife

last updateLast Updated : 2026-09-27
By:  Maria BonifaciaUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
16 ratings. 16 reviews
195Chapters
11.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Inagaw ni Kiara si Cassian sa matalik niyang kaibigan, at pinikot ito upang maging kanya. Ngunit sa limang taon nilang pagsasama, siya lamang ang nagmahal. Nang bumalik ang babaeng minamahal nito, nasaksihan niya ang pagtataksil na dumurog sa kanya. Nag-ipon siya ng ebidensya habang nauubos ang natitirang bait at respeto sa sarili. Nang piliin niyang palayain si Cassian, tumanggi itong makipaghiwalay. Hindi dahil mahal siya nito, kundi dahil kailangan ng kumpanya ang talento niya bilang jewelry designer. Kaya ginawa ni Kiara ang kasalanang alam niyang hindi kayang patawarin ng asawa, sinadya niyang madatnan siya nito sa kama kasama ang isang lalaki. Pinalayas siya ni Cassian at naghain ng annulment. Agad siyang pumirma bago niya natuklasang buntis siya. Bumalik siya at nagmakaawa. Ngunit itinaboy siya nito. Bumangon siya para sa anak at pangarap niya. Ngunit nang muli silang magkita, gusto siyang bawiin ni Cassian, bilang designer at asawa sa mahigpit nitong karibal sa negosyo. Sapat ba ang pagsisisi nito upang burahin ang limang taong ipinadama nitong hindi siya kailanman naging sapat? Tuluyan na ba niyang isasara ang kanyang puso?

View More

Chapter 1

Kabanata 1 The Billionaire’s Unloved Wife

Alas nuwebe singkuwenta na ng gabi, ngunit nanatiling walang bawas ang hapunang inihanda sa mahabang mesa ng mansyon ng mga Montecillo. Hindi nagalaw ang dalawang steak, malamig na ang soup, at halos naubos na ang kandilang nakasindi sa gitna.

Sa tapat ng bakanteng upuan ni Cassian, tahimik na nakaupo si Kiara.

Ikalimang wedding anniversary nila.

Nangako ang asawa na darating ito bago mag-alas otso. Ngunit makalipas ang sampung tawag niya, wala pa rin itong sagot.

Muling pinindot ni Kiara ang pangalan nito sa screen. Sa pagkakataong iyon, sumagot si Cassian.

“Bakit?” malamig nitong bungad.

Napahigpit ang hawak niya sa cellphone. Walang ingay ng mga nag-uusap o tunog ng keyboard sa background na karaniwang maririnig sa isang conference room.

“Anong oras ka darating?” Mahina ang boses niya. “Hinihintay kita. Anniversary natin. Sabay sana tayong mag-dinner.”

May ilang segundong katahimikan sa kabilang linya.

“I’m sorry. May emergency meeting. Huwag mo na akong hintayin.”

Napatingin si Kiara sa malaking orasan sa dingding. “Emergency meeting ng alas diyes ng gabi? Cassian, baka naman—”

Bago pa niya matapos ang sasabihin, naputol na ang tawag.

Dahan-dahang ibinaba ni Kiara ang cellphone. Hindi naman iyon ang unang anibersaryong siya lamang ang nagdiwang. Sa loob ng limang taon, nasanay na siyang palaging pangalawa sa trabaho, business trips, at kung ano mang itinuturing ni Cassian na mas mahalaga kaysa sa kanya.

Pero ngayong gabi, umaasa siyang tutuparin nito ang pangako.

Napunta ang tingin niya sa maliit na velvet box sa tabi ng plato. Nasa loob niyon ang isang pares ng cuff links na siya mismo ang nagdisenyo, puting ginto, may maliliit na itim na diyamante, at nakaukit sa likod ang petsa ng kanilang kasal.

Ilang linggo niya iyong pinagpaguran. Ilang beses niyang ipinabago ang hulma hanggang sa maging perpekto.

Tila siya lang ang nagsisikap buhayin ang kanilang pagsasama.

Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Kuya Romy, ang driver ni Cassian.

“Ma’am Kiara?” Halata ang pag-aalinlangan sa boses nito. “May problema po ba?”

“Nasaan si Cassian?”

“Hindi po ba sinabi ni Sir?”

“Nasa office ba siya?”

Sandaling hindi nakasagot ang lalaki. Sapat na iyon upang lalo siyang kabahan.

“Kuya Romy, anniversary namin. Sabi niya, may meeting siya. Kailangan ko lang malaman kung saan.”

Huminga ito nang malalim bago ibinigay ang pangalan ng isang five-star hotel. “Doon ko po siya ibinaba kaninang alas otso. Sa twenty-seventh floor daw po ang meeting. Sinabi niyang balikan ko siya bukas ng umaga.”

Bukas ng umaga.

Parang may malamig na kamay na pumisil sa puso ni Kiara. Kumabog ang kanyang dibdib.

Makalipas ang ilang minuto, siya mismo ang nagmaneho patungo sa hotel. Hindi niya alam kung ano ang inaasahan niyang makita. Baka totoong business meeting iyon. Baka may investor na ayaw makipagkita sa opisina. Baka nagkataon lamang na kailangang manatili roon si Cassian hanggang umaga.

Kumapit siya sa bawat dahilan kahit alam niyang unti-unti na siyang sinasakal ng mga iyon.

Mahigpit niyang hawak ang velvet box habang umaakyat ang elevator. Ngayong gabi sana niya sasabihin kay Cassian na pagod na siyang mabuhay na parang dalawang estrangherong nakatira sa iisang bahay.

Gusto niyang hilinging magsimula silang muli.

Gusto niyang pag-usapan nila ang pagkakaroon ng anak, isang pamilyang baka maging dahilan upang maging masaya ang pagsasama nila.

Pagbukas ng elevator sa twenty-seventh floor, agad siyang lumabas. Makapal ang carpet sa hallway kaya halos walang tunog ang mga hakbang niya.

Nakita niya si Cassian, ngunit hindi ito nag-iisa.

Huminto si Kiara.

Kasama nitong naglalakad ang isang matangkad na babaeng nakasuot ng pulang dress. Nakatagilid ang mukha nito habang may sinasabi kay Cassian, ngunit nang tumawa ito at bahagyang lumingon, tila gumuho ang sahig sa ilalim ng mga paa niya.

Si Natasha.

Ang unang pag-ibig ni Cassian.

Ang dati niyang matalik na kaibigan.

Nanigas si Kiara sa kanyang kinatatayuan. Gusto niyang tawagin ang asawa, ngunit walang boses na lumabas sa lalamunan niya. Binuksan ni Cassian ang p***o ng suite.

Hindi tuluyang sumara ang p***o.

Hindi alam ni Kiara kung paano siya nakalapit. Basta namalayan na lamang niyang nasa tapat na siya ng suite, nanginginig ang buong katawan.

Mula sa siwang ng p***o, narinig niya ang mahinang tawanan.

“Hindi ko akalaing pagkatapos ng limang taon,” sabi ni Natasha, “ako pa rin ang babalikan mo.”

May kung anong tuluyang napunit sa loob ni Kiara.

Marahan niyang itinulak ang p***o, sapat lamang upang makita ang loob nang hindi siya mapansin.

Nakatayo sina Cassian at Natasha sa gitna. Nakayakap ang babae sa asawa niya, habang nakapalibot naman sa baywang nito ang mga braso ni Cassian.

Masuyong hinawakan ni Cassian ang mukha ni Natasha.

Hindi ang yakap ang pinakamasakit.

Hindi rin ang paghaplos nito.

Kundi ang lambing sa mga mata ni Cassian, ang tinging limang taon niyang hinintay, ipinagdasal, at ipinakiusap, ngunit hindi nito maibigay.

Buong akala niya ay likas lamang na malamig si Cassian. May ganito pala itong tingin.

Hindi nga lamang para sa kanya.

“I miss you so much, Tash,” sabi ni Cassian.

“I miss you too, Cassian.”

Pagkatapos ay yumuko ito at hinalikan ang babae.

Parang sumabog ang puso niya at nagkapira-piraso. Hindi niya alam kung paano pupulutin ang bawat bahagi.

Napasandal si Kiara sa malamig na pader sa labas ng suite. Pinagdikit niya ang mga labi upang pigilan ang hikbi, ngunit malayang umagos ang mga luha sa kanyang pisngi.

Muli siyang sumilip.

Magkayakap pa rin ang dalawa.

“Kung gusto mo pa rin ako,” mahinang tanong ni Natasha, “bakit hindi mo pa hinihiwalayan ang asawa mo?”

Saglit na natahimik si Cassian.

Sa kabila ng sakit, may hangal na bahagi kay Kiara na naghintay. Isang bahagi ng pusong umaasang sasabihin nitong hindi siya kayang iwan. Na kahit kaunti, may halaga rin siya bilang asawa.

Ngunit nang magsalita si Cassian, pinatay nito ang huling pag-asang iyon.

“Hindi pa puwede. Kailangan ko siya sa kumpanya. You know her skills.”

“Baka naman mahal mo na siya,” tanong ni Natasha na may himig ng pagtatampo.

“Never. My heart has always belonged to you, Tash.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviewsMore

Maria Bonifacia
Maria Bonifacia
Cheers to our first 10K and to the journey ahead! Maraming salamat sa lahat ng nagbabasa, naghihintay ng updates, at patuloy na sumusuporta.
2026-09-18 18:02:34
1
0
Mylaflor Heredero
Mylaflor Heredero
5 star highly recommend
2026-09-16 23:29:44
1
1
Sim Ply
Sim Ply
Nice story
2026-09-16 15:56:20
1
1
Docky
Docky
highly recommended basta tatak Maria Bonifacia
2026-09-05 16:13:44
1
1
Maria Bonifacia
Maria Bonifacia
Cheers to 5K views! Maraming salamat dear readers sa walang sawang suporta! I appreciate every single one of you!
2026-09-02 21:21:32
1
0
195 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status