“Ano ang plano mo?” tanong ni Avery.Hindi pa niya kayang sabihin ang lahat, marahil dahil hindi pa rin niya matanggap na kaya niyang umabot sa ganoong paraan.“Alam ko ang kahinaan ni Cassian. Ang pride niya.”Kumunot ang noo ni Avery. “Ano ang balak mong gawin?”“Uunahin kong kumalap ng sapat na ebidensya. Pagkatapos, kakausapin ko siya tungkol sa annulment at ipapakita ko ang lahat.” Tumigas ang boses ni Kiara. “Kapag ayaw niyang mapahiya ang pamilya at kumpanya niya, pakakawalan niya ako nang mapayapa.”“At kapag tumanggi siya?”“May plan B ako.”“Kiara, huwag kang gagawa ng bagay na maaari mong pagsisihan.”Hindi siya sumagot. Sa limang taong pagsasama nila, alam niyang kayang tiisin ni Cassian ang luha, pagsusumamo, at galit niya. Ngunit may isang bagay itong hindi kayang palampasin, ang masaling ang ego nito.Lumapit si Avery at umupo sa tabi niya. “Bago ka kumilos, kailangan muna nating protektahan ang pamilya mo, pera mo, at mga original design. Maaari kang mapahamak sa legal
Last Updated : 2026-08-10 Read more