“Ayan, kaunting retouch lang sa makeup mo dahil napakaganda mo pa rin naman. Actually, kahit walang makeup ay mananalo at mananalo ka pa rin naman talaga sa gabing ito. Sa ganda mo ba namang ‘yan eh! Siguro nga ay ako ang nawawalang ina mo, magkamukha tayo eh!” wika ng baklang nag-aayos kay Aviannah na siyang ikinatawa nilang lahat.Kasulukuyan silang nasa maliit na kubo at doon ay muli siyang inayusan ng kaunti ng bakla. Kasama niya roon si Tonya at si Jake, habang si Mang Gener naman ay nasa labas kasama ang apo nitong si Archer.“Oh siya, ija. Iwan na muna kita sandali huh. At aawra lang muna ang bakla ng taon. Dito ka lang hanggang hindi ka pa tinatawag no’ng host huh,” sabi pa nito kay Aviannah na nakangiting tinanguan naman ng babae. At sa huli ay tuluyan na ngang umalis.“Ate Belle, sabi sa iyo at ikaw po ang mananalo eh. Ikaw po ang pinakamaganda sa lahat kaya sigurado na sigurado po talaga ako kanina pa,” masayang sabi naman ni Tonya kay Aviannah.“Thank you huh. Ang lakas di
“Sa akin ka lang, Binibining Belle Ajero.”Kahit na maingay ang buong paligid ay tila wala nang ibang narinig pa si Aviannah kung ‘di ang mga salitang iyon na binitiwan sa kanya ni Andrei. Hindi niya alam kung bakit sinabi iyon ng lalaki sa kanya o seryoso ba ito sa sinabi nito. Pero isa lang ang natitiyak niya nang mga sandaling iyon. At iyon ay ang hulog na hulog na siya. Hulog na hulog na ang puso niya sa binata.“Magsasara na ang botohan in five, four, three… two and one!” malakas na pagbibilang no’ng host.Natapos na ang botohan ngunit nananatili pa rin silang nakatingin lamang sa isa’t isa ni Andrei. Na para bang balewala ang dami ng lahat ng mga taong naroroon at tanging silang dalawa lamang ang mahalaga sa isa’t isa nang mga sandaling iyon.“Ayan! Malinaw na malinaw mga ka-baryo! May nanalo na!” malakas na sabi muli no’ng host. “Kitang-kita naman nating lahat kung sino ang may pinakamahaba—ay este… kung sino ang may pinakamaraming boto ngayong gabi. At iyon ay walang iba kung
“Napakaganda mo, ija! Hinding-hindi talaga kami nagkamali na pasalihin ka sa pagsayaw sa binibini!” masayang sambit ni Aling Wenky kay Aviannah habang pinagmamasdan ito.Maliit naman na ngumiti si Aviannah sa ginang dahil sa pagpuri nito sa kanya.“Oo nga po, Ate Belle. Ang ganda-ganda niyo po! Para po kayong buhay na barbie! At isa pa ay bagay na bagay po talaga sa inyo ang suot ninyong dress na iyan!” sambit at puri naman ni Tonya sa kanya.Ngayong araw na ang pista sa kanilang baryo at ilang oras na lang ay magsisimulang ganapin na nga ang pagligsahan sa pagsayaw sa binibini, na nakaugalian nang itanghal sa kanilang baryo taon-taon sa araw ng kanilang pista.At ngayon nga ay naririto si Aling Wenky sa bahay ni Mang Gener, kasama ang isang bakla na siyang nag-ayos at naglagay ng makeup sa kanya. Simpleng makeup lang naman at kaunting pag-aayos sa mahabang straight na buhok niya ang ginawa ng bakla, ngunit lutang na lutang na ang kagandahan niya na siyang paulit-ulit na pinupuri ng g
“Ay, talaga ba, ija? Gusto mong sumali?” masayang tanong ni Aling Wenky kay Aviannah habang inihahanda nito ang isang notebook at ballpen. “Ililista ko na ang pangalan mo.”“Opo, gusto ko pong sumali,” tugon naman ni Aviannah saka siya marahang bumalin ng tingin kay Mang Gener, na tila humihingi siya ng pahintulot mula sa matanda.“Ija, sigurado ka ba diyan sa gusto mong gawin?” alalang tanong naman ni Mang Gener sa kanya na mabilis niyang tinanguan bilang pagtugon.“Opo, lolo. Sigurado po ako dahil gusto ko po talagang sumali,” sagot niya sa matanda.“Pero hindi ka naman kasi taga-rito,” pagkuwan ay singit ni Rowena habang may mataray na itong tingin sa kanya.“Pwede naman siyang sumali kahit na hindi siya taga-rito. Hindi naman kami mahigpit pagdating doon,” tugon ni Mang Kanor kay Rowena.“Oo nga. Pwedeng sumali ang kahit na sino. Kaya pwede siyang sumali,” sabi pa ni Aling Wenky saka ito nagsimulang magsulat sa notebook nito. “Ilalagay ko na ang pangalan mo, ija. Ano ngang buong p
Hindi malaman ni Aviannah ang kanyang gagawin dahil sa paulit-ulit na pangongonsensya ng kanyang sarili sa kanya. Hindi niya maatim na lokohin ang lahat ng taong nag-aalaga at nagbibigay ng halaga sa kanya. Lalo pa nang isipin ng mga ito na kasalanan nila ang nangyari sa kanya, gayong una pa lang naman ay alam na alam na niya ang pwedeng mangyari sa kanya kapag kumain siya ng pusit. Pero dahil sa katigasan ng ulo niya ay ginawa niya pa rin, at nang mapahamak siya ay ibang tao pa ang nagkaroon ng pananagutan sa kanya sa halip na ang sarili niya ang dapat na mismong managot.Gustong-gusto na niyang sabihin kay Andrei ang lahat ng katotohanan tungkol sa tunay niyang pagkatao. Gusto na niyang aminin ang lahat-lahat dito, kaya lang ay pinanghihinaan pa siya ng loob dahil natatakot siyang baka magalit ito ng husto sa kanya. Bagay na baka hindi niya kayanin kung sakali man na mangyari.“Mukhang malalim ‘yang iniisip mo ah.” Nagitla siya nang biglang dumating si Andrei. Kasulukuyan kasi siyan
Agad na napabalikwas ng bangon si Aviannah nang maramdaman niya ang masakit na sinag ng araw na tumatama sa kanyang balat, mula sa bintana ng silid na kinaroroonan niya. Sa sobrang taas na kasi ng sikat ng araw ay tumatagos na ang sinag nito sa kurtina na nasa bintana ng kwarto. At sa wari niya ay tanghali na. Tinanghali na naman siya ng bangon. Kung bakit ba naman kasi napuyat na naman siya kagabi sa kaiisip sa lalaking nagpapatibok ng malakas sa puso niya. Nahihiya na tuloy siya sa kay Mang Gener dahil hindi na siya nakakatulong dito sa mga gawaing bahay.Nagmamadali niyang inayos ang kanyang sarili at pagkatapos ay kaagad na siyang lumabas ng silid.“Mukhang napuyat ka kagabi sa kung ano mang dahilan, ija, huh,” nakangiti at tila makahulugang bungad ni Mang Gener sa kanya pagkalabas niya ng kwarto.“P-Po?”“Tamang-tama ang bangon mo at nakapagluto na si Andrei,” nakangiting sabi ng matanda sa kanya.Magtatanong pa sana siya sa matanda nang bigla namang dumating si Tonya. “Ate Belle