LOGINMay mga pag-ibig na kailangang dumaan sa unos bago tuluyang makarating sa tahanan.May mga pusong kailangang mabasag bago matutong magpatawad.At may mga katotohanang kailangang mabunyag upang tuluyang maging malaya ang mga taong matagal nang ikinulong ng maling paniniwala.Isang taon ang matulin na lumipas. Isang taon mula nang magwakas ang lahat ng lihim. Isang taon mula nang mabunyag ang katotohanang nagpabago sa buhay nina Andrei at Aviannah.Sa loob ng isang taon, unti-unting naghilom ang mga sugat na iniwan ng nakaraan.Hindi iyon naging madali. May mga gabing binabagabag pa rin sila ng mga alaala. May mga umagang mabigat pa rin dahil wala na ang mga nakasanayan. At may mga pangalang nanatiling masakit banggitin.Ngunit natutunan nilang mabuhay nang hindi na alipin ng nakaraan. Natutunan nilang patawarin ang iba. At higit sa lahat, natutunan nilang patawarin ang kanilang mga sarili.Dahil ang tunay na paghilom ay hindi ang paglimot.Kundi ang pagpiling magmahal sa kabila ng laha
Tahimik ang buong paligid. Tanging mga hikbi lamang ni Aviannah ang maririnig habang yakap-yakap niya ang wala nang buhay na si Vangie. Hindi niya magawang bitiwan ang matandang babaeng itinuring niyang pangalawang ina sa loob ng maraming taon.“Yaya…”Nanginginig ang mga kamay niya habang marahang hinahaplos ang mukha nito.“Bakit kailangang umabot sa ganito?”Wala nang sumagot sa kanya. Wala nang ngiting sasalubong sa kanya tuwing umaga. Wala nang tinig na paulit-ulit na magpapaalala sa kanya na mag-ingat.Sa kabila ng lahat ng ginawa ni Vangie, hindi pa rin kayang burahin ni Aviannah ang lahat ng masasayang alaala nila.Lumapit si Andrei at marahang yumuko at lumuhod sa tabi niya.“Aviannah…”“Bakit? Bakit kailangang maging ganito ang lahat?” patuloy na pag-iyak niya habang lalong niyakap ang katawan ni Vangie.Wala ring maisagot si Andrei sa mga iyak at tanong ni Aviannah. Dahil sa totoo lang, kahit siya ay hindi alam kung paano haharapin ang lahat ng nangyari.Samantala, ilang ha
Mahigit isang oras nang nawawala si Aviannah.Matapos kausapin ni Andrei ang kanyang ina, agad niyang sinundan si Aviannah sa loob ng bahay. Ngunit nakapagtatakang wala ito sa sala, sa silid nito, sa garden, o sa kahit saang bahagi ng bahay.Unti-unting lumipas ang mga minuto. Hanggang sa tuluyan nang mag-panic ang lahat.“Na-check na ba ang buong bahay?” tanong ni Andrei habang mabilis na naglalakad sa hallway.“Oo, boss. Pati ang garden, service area, at rooftop, wala rin siya,” sagot ni Rome.Napahawak si Andrei sa kanyang noo. Hindi puwedeng basta mawala si Aviannah. Lalo na pagkatapos ng nangyari sa Mindoro.Naalala niyang si Vangie ang huling nakita niyang kasama ni Aviannah nang pumasok ito sa loob ng bahay.“Nasaan si Yaya Vangie?”“Bukod kay Aviannah, ay nawawala rin siya,” sagot ni Rome na ikinatigil ni Andrei sa paglalakad. “Posibleng… pareho silang kinuha pero posible ring…” Hindi maituloy ni Rome ang nais niyang sabihin.Ayaw nilang mag-isip ng masama sa ginang pero…“And
Nanatiling tahimik ang buong paligid. Walang sinuman ang makapagsalita matapos ang pag-amin nina Andrei at Aviannah.Si Ark ay nakaupo lamang sa kanilang harapan, nanginginig ang buong katawan sa matinding galit at pagkabigla.“I’m sorry, Dad. Patawarin niyo po kami,” lumuluhang sabi ni Aviannah habang nakatingin sa ama.“Patawarin?” mapait na natawa si Ark. “Alam mo ba ang ginagawa ninyo?”“Alam po namin,” sagot naman ni Andrei.“Hindi!” Mariing umiling si Ark. “Hindi ninyo alam!” Biglang tumaas ang boses nito. “Mahal ninyo ang isa’t isa? Pwes, hindi ko tatanggapin ang relasyong ito!”“Dad—”“Enough!”Napapikit si Aviannah. Ramdam niya ang labis na pagkadismaya ng kanyang ama sa kanya.“Hindi ko kailanman matatanggap ang pagmamahalan at relasyon ninyong iyan!” galit na sabi ni Ark bago siya tumalikod at naglakad papasok sa bahay.Naiwan ang lahat sa garden. Tahimik at naroon pa rin ang pagkabigla at tensyon.
Chapter 99:Tahimik at payapa ang buong bahay ng mga Madrigal. Hindi engrande ang selebrasyon ng kaarawan ni Aviannah. Gaya ng gusto niya, pamilya at malalapit na kaibigan lamang ang naroon.Sa garden ay may simpleng dekorasyon, ilang ilaw na nakasabit sa mga puno, at isang mahabang mesa na puno ng mga paborito niyang pagkain.Matapos ang lahat ng nangyari sa Mindoro, sapat na para sa kanya ang makitang magkakasama ang mga taong mahal niya.“Happy birthday, Avie!” masayang bati ni Sandra habang yakap-yakap si Aviannah. “Napakaganda mo!”“Thank you!” nakangiting tugon ni Aviannah. “Maganda ba? Ang bagal ko pa rin maglakad dahil sa sugat ko.”“Eh ano ngayon? Maganda ka pa rin kahit may sugat ka, ‘no!”Napailing na lamang si Aviannah habang natatawa.“Sandra, huwag mo nang yakapin nang mahigpit si Avie. Baka bumuka ang tahi niya,
Tahimik ang conference room ng Tuazon Build & Design. Nakaharap si Andrei sa maliit na grupo ng mga taong nagtatrabaho para sa kanya. Hindi sila malaking kompanya. Wala silang dose-dosenang executives o malalaking board members. Ang naroon lamang ay ang mga taong pinagkakatiwalaan niya—si Rome, ang operations coordinator ng kompanya, si Attorney Benedicto, ang retained legal counsel nila, si Marlon, ang finance officer, at si Denise, ang business development manager.Nakatutok ang lahat sa financial reports na naka-project sa screen.“Sir,” panimula ni Marlon, “na-review na namin ang financial records ng Madrigal Pharmaceuticals.” Tumango si Andrei. “Ang problema nila ay hindi lang simpleng kakulangan sa pera,” pagtutuloy ni Marlon saka nito nilipat ang slide. “Nagkaroon sila ng malaking cash flow problem. Delayed ang bayad sa suppliers. May recall issue sa isang product line nila. At natigil ang expansion project nil
Mabigat ang pakiramdam ni Aviannah nang magmulat siya ng kanyang mga mata. Kahit na tirik na tirik na ang araw na natatanaw niya mula sa bintana, ay hindi niya maunawaan kung bakit lamig na lamig siya. Bukod doon ay masakit din ang ulo niya at para bang wala siyang ganang kumilos o gumawa ng kahit
“Ito, ija. Humigop ka na muna ng mainit na sabaw,” wika ni Mang Gener kay Aviannah saka siya nito inabutan ng tasa na may lamang mainit na sabaw ng tinolang manok na niluto ng matanda.“S-Salamat po, lolo,” marahang tugon naman niya saka niya dahan-daha na hinigop ang sabaw. Kaagad na gumuhit ang m
“P-Pero… ngayon ko lang yata nalaman na takot ka pala sa linta,” nauutal na sabi ni Rowena kay Andrei habang si Aviannah ay nananatiling napako ang tingin sa lalaki.“Marami ka pa namang hindi alam sa akin,” pagkuwan ay sagot ni Andrei kay Rowena saka ito nagpatuloy sa ginagawang pagsasabon ng mga
Maagang nagising ang diwa ni Aviannah dahil sa maingay na pagtilaok ng mga manok. Saka niya nakangiting marahang iminulat ang mga mata. Hindi niya alam kung bakit kahit na napuyat siya ay napakagaan pa rin at napakaganda pa rin ng gising niya.“Good morning, Ate Belle!” nakangiting bungad sa kanya







