Share

Chapter 4:

last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-02 18:24:14

Pawisang naupo si Aviannah sa swivel chair ng kanyang maliit na opisina sa kanyang boutique shop. Bukod doon ay habol-habol niya rin ang kanyang paghinga na para bang kagagaling niya lamang sa isang pakikipaglaban.

“Ms. Aviannah? Okay lang po ba kayo?”

“I’m not okay,” hingal na tugon niya. “Napaka-traffic sa kalsada. Ang dami pang hinintuang kanto no’ng driver ng jeep. Napakainit at napakausok,” reklamo niya pa.

Agad naman siyang inabutan ng tubig ni Ruffa, ang baklang staff at designer niya sa kanyang boutique. “Ito, uminom ka na muna.”

Agad namang kinuha ni Aviannah ang tubig na binigay ni Ruffa saka ininom.

“Ano po bang nangyari? Nasiraan ba kayo ng sasakyan kaya nag-commute kayo?” tanong naman ni Nimfa, ang sales assistant ni Aviannah.

“Mabuti pa sana kung ganoon nga lang. Pero hindi. Bukod sa wala akong driver kanina ay may asungot pang sumira ng umaga ko!” inis na wika ni Aviannah.

Agad na nagbalik sa isipan niya ang inis niya para kay Andrei nang maalala niyang ito ang dahilan kung bakit naranasan niya ang ganoong hirap kanina sa kalsada. Wala namang masama kung mag-leave ang kanilang driver na si Mang Lito, pero naiinis siya dahil hindi man lang nito pinaalam muna sa kanya. Araw-araw ay pinagda-drive siya ni Mang Lito, kaya naiinis din siya na bakit hindi rin ito nagsabi sa kanya. O baka sadyang pakana ni Andrei ang lahat ng iyon.

“Wala po si Mang Lito? Kung ganoon, sana ay nagpasundo ka na lang sa amin,” ani Nimfa.

“Hindi ko naman kayo pwedeng abalahin na lang. Alam kong marami rin kayong ginagawa at sobrang busy rin kayo lately, para makuha ang project kina Mrs. Zhang,” tugon ni Aviannah. “Anyways, kalimutan na natin iyon. Ang mabuti pa ay magsimula na tayo ng preparation para sa meeting natin mamaya kay Mrs. Cheska Zhang.”

“Alright. Here.” Iniabot ni Ruffa sa kanya ang isang portfolio na may lamang mga sample designs para sa gustong maging wedding gown ng kanilang kliyente.

Agad namang natigilan si Aviannah nang makita ang isa sa mga designs na naroroon.

“This…” mahinang usal niya.

“Ah, ayan. Inspire siya sa gown ng Disney Princess na si Belle ng Beauty and The Beast. Nabanggit kasi ni Mrs. Zhang na favorite Disney Princess daw iyon ng kanyang anak,” saad ni Ruffa sa kanya.

Dahil doon ay may mga alaalang nagbalik sa isipan ni Aviannah.

"When she came back to the palace, she found the beast ill in his bed. She didn't want him to die and she told him she'll marry him. Beast disappeared all of the sudden and its place was taken by a beautiful prince. He told her all about a fairy enchanting him and how the spell could have only been broken by a girl falling in love with him. After her father got better, they threw a wedding and then they all lived happily ever after."

Matamis na ngumiti si Aviannah matapos mabasa ng kanyang ina ang paborito niyang libro. Ni hindi na nga niya matandaan kung ilang beses na niya nga ba itong paulit-ulit na napapabasa sa kanyang ina, dahil hindi siya nagsasawang balik-balikan ang kwento ni Beauty at ni Beast.

"I want to grow up now, so, I can meet my own Beast!" masaya at tila excited na sambit niya sa kanyang ina.

"No, Baby. Don't grow up so fast. Gusto kong maging baby lang kita nang matagal na matagal!" tugon sa kanya ng kanyang ina kasabay ng pag-ayos nito ng kumot niya.

"But I can still be your baby even if I meet my own Beast," inosenteng sabi niya sa kanyang ina.

"Hmm. Well, pwede naman iyon, pero ayaw ko pang magkaroon ng kahati sa iyo. Kaya huwag mo munang madaliin ang paglaki mo, anak. Okay?"

"Okay po, mom. I won't na po. I'll just wait for the right time na lang po to meet my own Beast," magalang na tugon niya sa ina.

"Very good, baby. I love you so much!"

"I love you too, mommy!"

Punong-puno ng pagmamahal na kinintilan siya ng halik sa noo ng kanyang ina. At maya-maya lang ay may mahihina at maliliit na pagkatok silang narinig mula sa pintuan ng kanyang silid. Bumukas ang pinto at bumungad sa kanila ang kanyang ama, na kagagaling lamang sa trabaho.

"Daddy!" masayang sambit niya kasabay ng pagbangon at pagsalubong niya ng mahigpit na yakap dito.

"Hey, baby!" Mahigpit din siyang niyakap ng ama at kinarga. Saka ito kumilos at lumapit sa kanyang ina upang gawaran ito ng isang halik sa noo. "How was my queen and my princess?" malambing na tanong pa nito sa kanila saka ito naupo sa kama niya sa tabi ng kanyang ina, habang karga-karga pa rin siya.

"We're good, dad. Mom just read me my favorite story," masiglang tugon niya sa ama.

"Really? Is it Beauty and the Beast?" tanong ng kanyang ama sa kanya na kaagad niyang tinanguan bilang pagtugon. "You really love that story, huh. Can you tell me why?"

"Because, like you and mom, someday, I want to find my own Beast. I want to find my true love."

"Pero, hindi ba kami ang true love mo ng mommy mo?"

"Yes, you are. But Beast is different. You know, dad, I want my own Prince Charming. Tulad po ni mommy, she has her own Prince Charming and that is you."

"Oh? Prince Charming naman ngayon. Ang bata-bata mo pa para sa mga ganyang bagay, anak. Saan mo ba natututunan 'yan?" tanong ng kanyang ama sa kanya.

"Prince Charming is in all the stories we've read. Right, mom?" balin niya sa kanyang ina.

"Yes, baby. But that is enough na," sabi ng kanyang ina saka siya nito kinuha mula sa kanyang ama at maingat at marahan na ibinalik at inihigang muli sa kanyang kama. "It's your bedtime na. It's time to sleep na," dagdag pa nito sa kanya.

"It's your bedtime na pala, baby. You should sleep na. Close your eyes na," saad naman ng kanyang ama sa kanya.

"Okay po, daddy, mommy!" mabait niyang tugon sa kanyang mga magulang saka niya ipinikit ang kanyang mga mata.

"Good girl!" puri ng kanyang ama sa kanya saka nito inayos ang kumot sa kanya.

Pero mabilis niya ring iminulat muli ang kanyang mga mata. "I love you mommy, I love you daddy!"

"We love you too, baby!" sabay at natutuwang tugon naman sa kanya ng kanyang mga magulang, saka siya nito kinintilan ng halik sa kanyang noo at pisngi.

Matamis na ngumiti si Aviannah saka niya marahang muling ipinikit ang kanyang mga mata, at tuluyan na nga siyang hinila ng kanyang antok.

“I like this one,” mahinang usal ni Aviannah nang magbalik siya sa kanyang sarili.

“Talaga? Sa tingin mo rin ba ay magugustuhan nila ito?” masayang tanong ni Ruffa sa kanyang tabi.

“Huh? Uhm… o-oo naman. Sigurado akong magugustuhan nila ito.”

“Mabuti naman kung ganoon!” excited na wika ni Ruffa.

“Ms. Aviannah, narito pala ‘yong sales report natin for this week,” sabi naman ni Nimfa sabay abot din nito ng portfolio sa kanya.

Sinuri niya iyon at nagpatuloy sila sa kanilang meeting nang araw na iyon. Ilang oras pa ang lumipas nang makatanggap naman siya ng tawag mula sa bisitang kanina pa nila hinihintay at pinaghahandaan na makaharap, si Mrs. Cheska Zhang.

Isa ang pamilya Zhang sa kilalang pinakamatagumpay na negosyante sa kanilang siyudad. Kaya naman nang lumapit si Mrs. Cheska Zhang sa kanya upang personal na magpagawa ng wedding gown ng anak nitong babae, para sa nalalapit nitong kasal, ay hindi siya nag-atubili at inumpisahan niya agad ang pagtatrabaho.

“Magandang araw po, Mrs. Cheska Zhang,” masayang bati ni Aviannah sa kausap na nasa kabilang linya ng telepono.

“Magandang araw din sa iyo, Aviannah. Alam kong may usapan tayo ngayon na magkikita tayo sa shop mo, kaya lang ay baka hindi na ako makadaan dyan.”

Agad namang napawi ang mga ngiti sa mga labi ni Aviannah nang marinig ang sinabi ng kausap. “Huh? Uhm… ganoon po ba?”

“Ang totoo niyan ay nakatanggap kasi ako ng imbitasyon para sa party ng kapatid mo, at papunta na kami roon ngayon ng mga anak ko,” saad ni Mrs. Cheska Zhang na ikinagulat ni Aviannah.

“A-Ano po? Imbitasyon sa party ng kapatid ko?” pag-ulit niya pa dahil iniisip niyang baka naman nagkamali lamang siya ng dinig.

“Oo. Hindi ba’t kapatid mo… si Mr. Andrei Tuazon?”

Umawang ang mga labi ni Aviannah kasabay ng pagsapo niya sa kanyang noo. “Huh? Uhm…” Tila hindi niya malaman ang isasagot sa ginang.

“Kaibigan kasi siya ng aking anak na lalaki. Magkaklase sila sa Canada at sabay na dumating dito sa bansa. Ang gusto kasi ng anak ko ay dumalo kami roon dahil iniimbita rin daw kami ng iyong kapatid. Kaya naman naisip kong dumeretsyo na roon at doon na lamang tayo mag-usap ng personal para sa wedding gown ng anak kong si Charmie,” mahabang sabi ni Mrs. Cheska Zhang na ikinapikit ng mariin ni Aviannah. Ang buong akala niya ay nakalusot na siya sa kanyang ama upang hindi dumalo sa kasiyahan ng kanilang pamilya mamaya. Pero nagkakamali pala siya dahil sa dinami-dami ng pwedeng maging kaibigan ng anak ni Mrs. Cheska Zhang, ay ang kinaiinisan niya pang lalaki na si Andrei.

Nagpakawala ng marahang paghinga si Aviannah saka sumagot sa kausap. “Okay po. Sige po.”

“Okay, see you later, Aviannha.” Iyon lang at tuluyan nang naputol ang tawag.

“Anong nangyari? Okay ka lang ba? Nasaan na daw si Mrs. Cheska Zhang?” sunod-sunod na tanong ni Nimfa kay Aviannah nang maibaba nito ang telepono.

“May problema ba? Hindi ba matutuloy ang meeting mo kay Mrs. Cheska Zhang?” tanong naman ni Ruffa.

“Matutuloy ang meeting namin, pero hindi na rito,” walang buhay na tugon ni Aviannah sa dalawa.

“Huh? Kung ganoon ay saan na?” tanong ni Nimfa.

Humigit ng malalim na paghinga si Aviannah saka sumagot. “Sa bahay… sa party ng napakagaling kong kapatid,” inis na wika niya.

“Huh?”

“Let’s go, guys,” yaya niya pa sa dalawa saka siya tuluyang kumilos upang umalis.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Too Wrong to Love   Chapter 30:

    “P-Pero… ngayon ko lang yata nalaman na takot ka pala sa linta,” nauutal na sabi ni Rowena kay Andrei habang si Aviannah ay nananatiling napako ang tingin sa lalaki.“Marami ka pa namang hindi alam sa akin,” pagkuwan ay sagot ni Andrei kay Rowena saka ito nagpatuloy sa ginagawang pagsasabon ng mga damit.“Ouch huh,” komento ni Rowena sa sinabi ni Andrei rito. “Pero totoo naman talaga. Marami pa akong hindi alam sa iyo. Pero hindi pa naman huli ang lahat at pwede pa kitang mas kilalanin, hindi ba?” Lumapit si Rowena kay Andrei at naupo rin ito sa tabi ng lalaki saka mabilis na yumakap sa braso nito. “Ikaw naman kasi eh, kailan ba kasi magiging tayo?” dagdag pa nito habang marahang hinimas ang braso ng lalaki na yakap nito. “Oo mo na lang naman ang hinihintay ko—ay!”Natigilan sa pagsasalita si Rowena at sa halip ay napatayo at napasigaw sa gulat, nang biglang tumayo at maghagis ng maliit na bato si Aviannah sa tubig.“Ay sorry, may nakita kasi akong linta banda roon,” wika ni Aviannah

  • Too Wrong to Love   Chapter 29:

    Maagang nagising ang diwa ni Aviannah dahil sa maingay na pagtilaok ng mga manok. Saka niya nakangiting marahang iminulat ang mga mata. Hindi niya alam kung bakit kahit na napuyat siya ay napakagaan pa rin at napakaganda pa rin ng gising niya.“Good morning, Ate Belle!” nakangiting bungad sa kanya ni Tonya.“Good morning, Tonya!” nakangiting ganting bati naman niya sa bata.“Mukhang maganda po yata ang gising niyo ngayong umaga, ate.”Bumangon siya at matamis na ngumiti sa bata. “Sa tingin mo ba?”“Opo, ate. Hmm… mukha pong may maganda kayong napanaginipan o ‘di kaya ay mukha pong may magandang nangyari sa inyo kagabi bago kayo natulog.”Sandaling natigilan si Aviannah nang mabilis na nagbalik sa isipan niya ang nangyaring tagpo sa pagitan nila ni Andrei kagabi. Hindi mawala-wala sa isipan niya ang paraan ng pagngiti ng lalaki sa kanya at ang marahang paghaplos nito sa ulo niya. Napanguso siya nang tila hindi niya kayang maitago ang kilig na nararamdaman sa bata. Paano ba naman kasi a

  • Too Wrong to Love   Chapter 28:

    Mariing nakagat ni Aviannah ang ibabang labi niya habang mainam na pinagmamasdan si Andrei na nakaupo sa isang tabi. Kasulukuyang nasa peryahan pa rin sila.“Kuya, kumusta? Nahihilo ka pa rin po ba?” tanong ni Tonya kay Andrei matapos nitong mapainom ito ng gamot.Mabuti na lang at nandito at kasama nila si Tonya. Dahil kung hindi ay hindi niya alam ang gagawin kay Andrei sa ganitong sitwasyon.“Okay na ako, Tonya. Salamat,” sagot ni Andrei sa batang babae.“Ikaw naman kasi, kuya eh. Bakit ka pa kasi sumakay roon? Eh hindi ka naman pinilit ni ate,” panenermon pa ni Tonya sa lalaki.Hindi umimik si Andrei sa bata at sa halip ay sinulyapan lamang siya nito. Mas lalo tuloy siyang nakaramdam ng guilt dahil sa mga titig na iyon ng lalaki sa kanya.Kahit na kung tutuusin ay wala naman siyang kasalanan, ay para pa ring siya ang may kasalanan dahil sa inamin ng lalaki sa kanya kung bakit ito napilitang sumakay roon.Sa huli, nang bumuti na ang lagay ni Andrei at nang mawala na ang pagkahilo n

  • Too Wrong to Love   Chapter 27:

    Napanganga si Aviannah nang makita niya ang peryahan na sinasabi ni Tonya. Hindi niya alam na peryahan pala ang tawag sa ganitong lugar. It was like an amusement park na paboritong puntahan nila ng mga kaibigan niya. Na-miss niya tuloy bigla ang dalawa niyang kaibigan, sina Sandra at Jamie. Napaisip tuloy siya kung kumusta na kaya ang dalawa ngayon. Tiyak siyang labis na itong nag-aalala sa kanya dahil hindi na niya kinontak pa ang mga ito pagkaalis niya ng siyudad.“Ate, tara mag-rides po tayo. Ano pong gusto ninyong unahin?” masayang lapit sa kanya ni Tonya.“Huh? Uhm…”“Sanay ka ba sa rides?” tanong naman ni Andrei sa kanya at pagkuwan ay bumalin ito ng tingin kay Tonya. “Tonya, huwag mo siyang dalhin sa matataas na rides. Doon lang sa kaya niya,” bilin nito sa bata.“Opo, kuya!” magiliw na sagot ni Tonya saka ito tumingin sa kanya. “Tara na po, Ate Belle!” Hinila siya ni Tonya patungo sa caterpillar ride. Bumili roon ng ticket si Tonya para sa kanilang dalawa.“Dalawa lang?” nagta

  • Too Wrong to Love   Chapter 26:

    Mainam na pinagmasdan ni Aviannah ang single na motor na sasakyan ni Andrei. Nawala sa isipan niya na kahit kailan ay hindi pa pala siya nakakasakay sa ganitong klase ng sasakyan. Ito ang unang beses kung sakali. Kaya namang pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman niya ngayon.“Ate! Tara na po,” masayang sabi sa kanya ni Tonya saka ito lumapit sa motor.Kasunod nito ay ang paglabas naman ni Andrei mula sa loob ng bahay. Dumeretsyo ito ng lapit sa motor nito saka ito bumalin ng tingin sa kanya. “Marunong kang umangkas?” tanong nito sa kanya na hindi niya alam kung paano sasagutin. “Okay. Pwedeng first time mo or… hindi mo maalala,” sagot ng lalaki sa sarili nitong tanong sa kanya.“Huwag ka mag-alala, Ate Belle! Ako po ang bahala sa iyo,” mayabang na sabi sa kanya ni Tonya kasabay ng paglapit nito sa kanya. Hinawakan siya nito sa kamay saka marahang hinila palapit sa motor. Nagpatianod naman siya sa bata.Pinagmasdan niya si Andrei na binuksan ang maliit na box sa motor nito sa

  • Too Wrong to Love   Chapter 25:

    Sa huli ay wala na ngang nagawa pa ang matanda at pinagbigyan na lamang siya sa kagustuhan niya.“Hahaluin ko po ito gamit ang kamay ko? Sigurado po ba kayo?” takang tanong ni Aviannah sa matanda habang nasa harapan niya ang isang kalderong may bahaw na kanin.“Oo, ija. Durugin mo ang kanin at haluin gamit ang kamay mo para hindi ka mahirapan. Isasangag natin ‘yan para hindi sayang,” tugon sa kanya ng matanda na hindi pa rin niya mapaniwalaan. O sadyang hindi lang niya alam na ganoon talaga ang proseso nito?Bago niya haluin gamit ang kamay niya ang bahaw na kanin ay naghugas muna siya ng mabuti. Siniguro niyang malinis ang kanyang mga kamay bago siya humawak sa pagkain. Nang matapos siya ay ginisa na iyon ni Mang Gener sa mainit na kawaling may mantika at sibuyas. Nauna na kasing nakapagprito ng isda ang matanda. Hindi niya na ring sinubukang magpaturo no’n dahil takot siya sa pagpilansik ng mainit na mantika mula sa kawali.Pinagmasdan niya ang matanda sa masipag nitong paghahalo ng

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status