Mabilis na hinanap ng mga mata ni Aviannah ang taong kanyang pakay kung bakit siya naririto ngayon sa party ng lalaking kinaiinisan niya. Mula sa kanyang boutique shop kanina ay dumeretsyo na siya rito dahil importante para sa kanya ang deal sa pamilya Zhang. Pinagtrabahuhan nila ng isang buwan ng kanyang team ang project na ito kaya naman hindi siya makapapayag na hindi ito makuha.
“Ang mabuti pa ay maghiwa-hiwalay tayo,” sabi ni Aviannah kina Ruffa at Nimfa.
“Sige, doon ako,” ani Nimfa.
“Ay sige, doon naman ako sa kabila. Ang daming gwapo eh,” saad naman ni Ruffa saka ito tuluyang umalis sa harapan niya. Napailing na lamang siya saka nagpatuloy sa paghahanap.
“Aviannah!” Agad na napalingon si Aviannah nang tawagin siya ng isang pamilyar na tinig.
“Yaya…” usal niya pagkalingon niya.
“Akala ko ay hindi ka makadadalo sa party ng kapatid mo,” lapit ni Vangie sa kanya.
“Wala naman po talaga akong balak na magpunta rito.”
“Eh kung ganoon ay bakit ka narito?”
“Narito po kasi ngayon si Mrs. Cheska Zhang.”
“Ah, ganoon ba?”
“Nakita niyo po ba siya rito?” tanong niya.
“Ay naku, sa dami ng bisita ngayon dito ay hindi ko na malalaman pa kung sino ang Mrs. Cheska Zhang na iyan. Alam mo namang hindi ako pamilyar sa mga taong mayayaman na nakakasalamuha ninyo,” tugon ni Vangie sa kanya na bahagyang ikinalungkot niya. Sa dami kasi ng tao ngayon doon ay kinakailangan niya pang suyurin ngayon ang bawat lugar upang mahanap ang ginang.
“Pero hindi ka ba muna magpapalit ng damit mo?” pagkuwan ay tanong pa ni Vangie sa kanya.
“Po?” Yumuko siya upang tingnan ang kanyang sarili. Saka niya naisip na tila hindi nababagay ang suot niya sa tema ng party at sa suot din ng mga taong naroroon. “Okay lang naman po siguro ito. Isa pa ay si Mrs. Cheska Zhang naman po talaga ang pakay ko ngayon dito. Hindi naman po ako nagpunta rito upang makipagkasiyahan—”
“Ms. Aviannah Madrigal!” Natigil sa pagsasalita si Aviannah nang may muling tumawag sa kanya. Agad siyang napalingon at mula roon ay nakita niya si Mrs. Cheska Zhang kasama ang alalay nito. Matamis itong nakangiti sa kanya.
“Mrs. Cheska Zhang,” magalang na tawag niya rin dito kasabay ng matamis na pagngiti niya.
“Siya na ba ‘yong hinahanap mo?” bulong ni Vangie kay Aviannah.
“Opo, yaya. Maiwan ko na po muna kayo, magtatrabaho lang po ako,” ganting bulong niya kay Vangie saka niya ito tuluyang iniwanan upang daluhan si Mrs. Cheska Zhang.
“Magandang gabi po,” magalang na bati ni Aviannah pagkalapit niya.
“Magandang gabi rin sa iyo, ija.”
“Uhm… kanina pa po ba kayo rito?”
“Halos kadarating ko lang. May dinaanan pa kasi ako.”
“Ganoon po ba? Uhm… kumusta naman po kayo?”
“Maayos naman ako. Pasensya ka na at kinailangan nating baguhin ang oras at ang meeting place natin ha.”
“Naku, okay lang po iyon. Wala naman pong problema roon,” aniya habang nakangiti pa rin sa ginang.
“Kasi naman, iyong anak kong lalaki. Kinulit ako na magpunta rito. Invited daw kasi ako sabi ng kapatid mo.”
“T-Talaga po?”
“Oo, kaya naisip ko na ring magpunta rito para personal ko ring ma-meet ang parents mo. Isa pa, your brother is a good friend of my son. And actually, siya ang nag-recommend sa akin sa iyo para nga sa nalalapit na kasal ng anak kong babae,” nakangiting pahayag ng ginang sa kanya na unti-unting ikinalaho ng mga ngiti sa kanyang mga labi.
Una sa lahat, ngayon niya lamang nalaman na kaibigan pala ng anak ni Mrs. Cheska Zhang si Andrei. At lalong wala siyang kaide-ideya, na kaya lang pala lumapit si Mrs. Cheska Zhang sa kanya, ay dahil sa recommendation ni Andrei. Bagay na hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Ang buong akala niya, kaya siya nilapitan ng ginang dahil sa angking talento niya at sa dekalidad ng mga gawa niya. Iyon pala ay dahil lamang sa sinabi ni Andrei. Pakiramdam niya tuloy ay nang dahil sa koneksyon ni Andrei, kaya lamang siya napansin ng pamilya Zhang.
Hindi alam ni Aviannah kung paano siya magre-react sa mga sinabi ng ginang. Mabuti na lamang din at agad silang nakita nina Nimfa at Ruffa, kaya naman mabilis na lumapit sa kanila ang dalawa.
“Magandang gabi po, Mrs. Cheska Zhang,” magalang na bati ng dalawa.
“Magandang gabi rin sa inyo,” nakangiting ganting bati naman ni Mrs. Cheska Zhang.
“Uhm… ito po si Ruffa, ang designer namin, at ito naman po si Nimfa, ang sales assistant po naming,” pagpapakilala ni Aviannah sa dalawa niyang kasama sa ginang.
“Ikinagagalak ko kayong makilala.”
“Kami rin po,” wika ni Nimfa.
“Habang hindi pa naman nagsisimula ang party, ang mabuti pa’y umpisahan na natin ang dapat nating pag-usapan,” saad ni Mrs. Cheska Zhang.
Nakangiting tumango si Aviannah sa ginang. Kahit pa nakaramdam siya ng kakaunting pagkadismaya, ay isinantabi na lamang niya iyon saka niya sinimulan ang pagtatrabaho. Ayaw niyang matalo siya ng emosyon niya, at sa huli ay mabalewala ang lahat ng pinaghirapan at pinagpuyatan nila ng kanyang team para lamang makuha ang project na ito.
Naupo sila sa isang bakanteng mga upuan at doon ay nagsimula na sila sa diskusyon. Ipinakita isa-isa ni Aviannah ang mga designs nila kay Mrs. Cheska Zhang, at isa-isa naman iyong maingat na sinuri ng ginang.
“I like this,” maya-maya pa’y nakangiting sabi ni Mrs. Cheska Zhang.
“That’s a good choice, Mrs. Zhang,” masayang sabi naman ni Ruffa na tila proud na proud sa mga designs na kanyang nagawa.
“At ito, sa tingin ko’y magugustuhan din ito ng aking anak,” sabi pa ng ginang. “Tamang-tama, maya-maya lang ay narito na rin siya—”
“Mom!”
Natigil sa pagsasalita si Mrs. Cheska Zhang nang biglang may tumawag sa kanya. Agad namang napalingon ang lahat sa isang maganda at singkit na babae na naglalakad papalapit sa kanila. May kasama itong dalawang lalaki.
“Oh, speaking of, that’s my daughter, Charmie,” saad ni Cheska Zhang saka ito tumayo. Tumayo rin naman sina Aviannah, Ruffa, at Nimfa.
“Good evening!” magalang na bati nina Ruffa at Nimfa sa mga dumating.
“Charmie, this is Aviannah and her team, sila ang gagawa ng wedding gown mo.”
“Hi, good evening, I’m Aviannah Madrigal. And this is Ruffa and Nimfa,” nakangiting sabi ni Aviannah.
“Good evening. It’s nice to meet you all,” sabi naman ni Charmie.
“Oh, ikaw pala si Aviannah.” Napalingon ang lahat nang magsalita ang isa sa mga lalaking kasama ni Charmie. “Kung ganoon ay ikaw pala ang kapatid ni Andrei,” nakangiting dagdag pa nito.
“Huh?” tanging naging reaksyon lamang ni Aviannah. Ayaw na ayaw niya talaga na sinasabi ng iba na magkapatid sila ni Andrei. Dahil hindi niya talaga iyon matanggap.
“Uhm… this is Chris, my bother,” ani Charmie, tukoy sa lalaking nagsalita. “And this is my fiancé,” pagpapakilala naman nito sa isa pang lalaking kasama nito.
“Nice to meet you all,” nasabi na lamang ni Aviannah kasabay ng pilit na pagngiti niya sa mga ito.
“Nice to meet you too, Aviannah,” saad ni Chris kasabay ng paglahad nito ng kamay sa harapan niya.
Sandaling napatingin doon si Aviannah. Hindi niya alam kung gaano kalalim ang pagkikipagkaibigan ng lalaki kay Andrei. Tila kasi may iba itong alam sa paraan ng mga tingin nito sa kanya.
Ilang sandali pa, bago pa man tanggapin ni Aviannah ang pakikipagkamay ni Chris sa kanya, ay naagaw na ang atensyon nilang lahat nang marinig nila ang pagdating ng kanyang ama kasama ang stepmother niya.
“Mrs. Cheska Zhang!” nagagalak na bati ni Cristy.
“Mrs. Madrigal, at last, we’ve met!” ganting bati naman ni Mrs. Cheska Zhang saka nagbeso ang dalawa.
“I I'm glad you made it here tonight,” saad ni Cristy.
“Of course. It’s my pleasure to be here,” tugon naman ni Mrs. Cheska Zhang. “By the way, this is my son, Chris, and this is my daughter Charmie. Ito naman ang mapapangasawa niya.”
“Good evening, tita,” sabay-sabay na bati naman ng mga Zhang kay Cristy.
“Good evening din sa inyo.” Maya-maya pa’y dumapo kay Aviannah ang mga tingin ni Cristy. “Oh, Avie is here!” masayang sambit niya saka niya nilapitan si Aviannah. “This is Aviannah, my lovable stepdaughter.”
“Oh yeah. Siya ang kinuha naming designer sa wedding gown ni Charmie,” saad ni Mrs. Cheska Zhang.
“Oh, really?”
“Andrei told me that she’s the best, so I told Mom about her,” singit naman ni Chris habang nakatingin at nakangiti ito kay Aviannah.
Isang pilit na ngiti naman ang iginawad ni Aviannah sa lahat. Pagkatapos no’n ay nagpatuloy pa sa pag-uusap sina Cristy at Mrs. Cheska Zhang, habang nilapitan naman si Aviannah ng kanyang ama.
“Dad…”
“I thought you were not coming.”
“Supposedly, but Mrs. Cheska Zhang wants to meet me here,” walang buhay na sagot ni Aviannah sa ama.
“That’s good then.” Mabilis na napalingon si Aviannah sa nagmamay-ari ng boses. Nagulat siya nang makita si Andrei sa kanilang likuran.
“Andrei,” usal ng kanyang ama sa lalaki.
“Tito,” nakangiting bati naman nito. Napairap siya sa ere saka bahagyang lumayo sa lalaki. “I’m glad you’re here,” balin pa ni Andrei sa kanya.
“Well, I am not,” mataray na sagot naman niya rito na ikinangisi lamang ni Andrei.
“Son!” balin ni Cristy kay Andrei, dahilan upang mapunta na ang atensyon ng lahat sa kanila.
Binati si Andrei ng lahat at masayang nakipagsalamuha naman siya sa mga ito. Habang si Aviannah ay tumabi na lamang kasama sina Ruffa at Nimfa.
“Are you okay?” pagkuwan ay tanong ni Ruffa kay Aviannah.
“Huh? Yup. Of course, I’m okay.”
“Sure ka?” paninigurado pa ni Nimfa.
“Oo naman. Bakit niyo ba tinatanong ang ganyan?”
“Eh kasi naman, parang hindi maipinta ang mukha mo dyan. May ayaw ka bang makita rito sa party ng kapatid mo?” ani Ruffa.
“Geez. He’s not my brother,” saad niya sa dalawa.
“Huh? Anong he’s not your brother? Bakit? Hindi mo siya tanggap as your brother?” kunot-noong tanong ni Nimfa sa kanya.
“Ano ka ba naman, girl? Bakit ba hindi mo pa rin matanggap bilang kapatid ang gwapong iyon? Mukha naman siyang mabait at matalino. Saka… ang gwapo niya huh! Ayaw mo ba magkaroon ng ganyang klaseng kuya?” ani Ruffa.
Sinulyapan ni Aviannah si Andrei na ngayon ay masayang nakikipagkwentuhan sa kaibigan nitong si Chris. Limang taon ang lumipas at masasabi niyang mas lalo pang gumwapo ang lalaki kumpara noon.
“Ayaw ko. Hindi ko siya kuya. Wala akong kapatid,” sagot niya habang nakapako ang mga tingin niya sa lalaki.
Ilang sandali pa nang biglang may lumapit na grupo kina Andrei at Chris. Tatlong lalaki at dalawang babae na sa tingin ni Aviannah ay mga kaibigan din ng dalawa.
Mataman na pinagmasdan lamang ni Aviannah mula sa isang tabi si Andrei na masayang ipinapakilala ang mga bagong dating sa ina na si Cristy, at sa iba pang mga bisita na naroon. At isang babae ang pumukaw sa atensyon niya, dahil bukod sa napakaganda nito ay tila napakalapit din nito kay Andrei. Nanlaki pa ang mga mata ni Aviannah nang makita niyang pumulupot ang mga kamay ng babae sa braso ni Andrei, habang maarte itong tumatawa.
Hindi namalayan ni Aviannah na napako na pala roon ang mga tingin niya hanggang sa makarating ang mga ito sa kanyang harapan.
“And this is Aviannah, my sister,” pagpapakilala ni Andrei sa kanya sa babaeng kasama niya.
“Oh, siya pala ang sister mo,” masayang komento ng babae. “It’s so nice to finally meet you,” sabi pa nito sa kanya.
“Avie,” seryosong sambit ni Andrei sa pangalan niya, dahilan upang salubungin niya ng deretsyo ang mga tingin nito sa kanya. “This is Khyline, my girlfriend.”
And with that, Aviannah felt the stab in her heart.
“P-Pero… ngayon ko lang yata nalaman na takot ka pala sa linta,” nauutal na sabi ni Rowena kay Andrei habang si Aviannah ay nananatiling napako ang tingin sa lalaki.“Marami ka pa namang hindi alam sa akin,” pagkuwan ay sagot ni Andrei kay Rowena saka ito nagpatuloy sa ginagawang pagsasabon ng mga damit.“Ouch huh,” komento ni Rowena sa sinabi ni Andrei rito. “Pero totoo naman talaga. Marami pa akong hindi alam sa iyo. Pero hindi pa naman huli ang lahat at pwede pa kitang mas kilalanin, hindi ba?” Lumapit si Rowena kay Andrei at naupo rin ito sa tabi ng lalaki saka mabilis na yumakap sa braso nito. “Ikaw naman kasi eh, kailan ba kasi magiging tayo?” dagdag pa nito habang marahang hinimas ang braso ng lalaki na yakap nito. “Oo mo na lang naman ang hinihintay ko—ay!”Natigilan sa pagsasalita si Rowena at sa halip ay napatayo at napasigaw sa gulat, nang biglang tumayo at maghagis ng maliit na bato si Aviannah sa tubig.“Ay sorry, may nakita kasi akong linta banda roon,” wika ni Aviannah
Maagang nagising ang diwa ni Aviannah dahil sa maingay na pagtilaok ng mga manok. Saka niya nakangiting marahang iminulat ang mga mata. Hindi niya alam kung bakit kahit na napuyat siya ay napakagaan pa rin at napakaganda pa rin ng gising niya.“Good morning, Ate Belle!” nakangiting bungad sa kanya ni Tonya.“Good morning, Tonya!” nakangiting ganting bati naman niya sa bata.“Mukhang maganda po yata ang gising niyo ngayong umaga, ate.”Bumangon siya at matamis na ngumiti sa bata. “Sa tingin mo ba?”“Opo, ate. Hmm… mukha pong may maganda kayong napanaginipan o ‘di kaya ay mukha pong may magandang nangyari sa inyo kagabi bago kayo natulog.”Sandaling natigilan si Aviannah nang mabilis na nagbalik sa isipan niya ang nangyaring tagpo sa pagitan nila ni Andrei kagabi. Hindi mawala-wala sa isipan niya ang paraan ng pagngiti ng lalaki sa kanya at ang marahang paghaplos nito sa ulo niya. Napanguso siya nang tila hindi niya kayang maitago ang kilig na nararamdaman sa bata. Paano ba naman kasi a
Mariing nakagat ni Aviannah ang ibabang labi niya habang mainam na pinagmamasdan si Andrei na nakaupo sa isang tabi. Kasulukuyang nasa peryahan pa rin sila.“Kuya, kumusta? Nahihilo ka pa rin po ba?” tanong ni Tonya kay Andrei matapos nitong mapainom ito ng gamot.Mabuti na lang at nandito at kasama nila si Tonya. Dahil kung hindi ay hindi niya alam ang gagawin kay Andrei sa ganitong sitwasyon.“Okay na ako, Tonya. Salamat,” sagot ni Andrei sa batang babae.“Ikaw naman kasi, kuya eh. Bakit ka pa kasi sumakay roon? Eh hindi ka naman pinilit ni ate,” panenermon pa ni Tonya sa lalaki.Hindi umimik si Andrei sa bata at sa halip ay sinulyapan lamang siya nito. Mas lalo tuloy siyang nakaramdam ng guilt dahil sa mga titig na iyon ng lalaki sa kanya.Kahit na kung tutuusin ay wala naman siyang kasalanan, ay para pa ring siya ang may kasalanan dahil sa inamin ng lalaki sa kanya kung bakit ito napilitang sumakay roon.Sa huli, nang bumuti na ang lagay ni Andrei at nang mawala na ang pagkahilo n
Napanganga si Aviannah nang makita niya ang peryahan na sinasabi ni Tonya. Hindi niya alam na peryahan pala ang tawag sa ganitong lugar. It was like an amusement park na paboritong puntahan nila ng mga kaibigan niya. Na-miss niya tuloy bigla ang dalawa niyang kaibigan, sina Sandra at Jamie. Napaisip tuloy siya kung kumusta na kaya ang dalawa ngayon. Tiyak siyang labis na itong nag-aalala sa kanya dahil hindi na niya kinontak pa ang mga ito pagkaalis niya ng siyudad.“Ate, tara mag-rides po tayo. Ano pong gusto ninyong unahin?” masayang lapit sa kanya ni Tonya.“Huh? Uhm…”“Sanay ka ba sa rides?” tanong naman ni Andrei sa kanya at pagkuwan ay bumalin ito ng tingin kay Tonya. “Tonya, huwag mo siyang dalhin sa matataas na rides. Doon lang sa kaya niya,” bilin nito sa bata.“Opo, kuya!” magiliw na sagot ni Tonya saka ito tumingin sa kanya. “Tara na po, Ate Belle!” Hinila siya ni Tonya patungo sa caterpillar ride. Bumili roon ng ticket si Tonya para sa kanilang dalawa.“Dalawa lang?” nagta
Mainam na pinagmasdan ni Aviannah ang single na motor na sasakyan ni Andrei. Nawala sa isipan niya na kahit kailan ay hindi pa pala siya nakakasakay sa ganitong klase ng sasakyan. Ito ang unang beses kung sakali. Kaya namang pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman niya ngayon.“Ate! Tara na po,” masayang sabi sa kanya ni Tonya saka ito lumapit sa motor.Kasunod nito ay ang paglabas naman ni Andrei mula sa loob ng bahay. Dumeretsyo ito ng lapit sa motor nito saka ito bumalin ng tingin sa kanya. “Marunong kang umangkas?” tanong nito sa kanya na hindi niya alam kung paano sasagutin. “Okay. Pwedeng first time mo or… hindi mo maalala,” sagot ng lalaki sa sarili nitong tanong sa kanya.“Huwag ka mag-alala, Ate Belle! Ako po ang bahala sa iyo,” mayabang na sabi sa kanya ni Tonya kasabay ng paglapit nito sa kanya. Hinawakan siya nito sa kamay saka marahang hinila palapit sa motor. Nagpatianod naman siya sa bata.Pinagmasdan niya si Andrei na binuksan ang maliit na box sa motor nito sa
Sa huli ay wala na ngang nagawa pa ang matanda at pinagbigyan na lamang siya sa kagustuhan niya.“Hahaluin ko po ito gamit ang kamay ko? Sigurado po ba kayo?” takang tanong ni Aviannah sa matanda habang nasa harapan niya ang isang kalderong may bahaw na kanin.“Oo, ija. Durugin mo ang kanin at haluin gamit ang kamay mo para hindi ka mahirapan. Isasangag natin ‘yan para hindi sayang,” tugon sa kanya ng matanda na hindi pa rin niya mapaniwalaan. O sadyang hindi lang niya alam na ganoon talaga ang proseso nito?Bago niya haluin gamit ang kamay niya ang bahaw na kanin ay naghugas muna siya ng mabuti. Siniguro niyang malinis ang kanyang mga kamay bago siya humawak sa pagkain. Nang matapos siya ay ginisa na iyon ni Mang Gener sa mainit na kawaling may mantika at sibuyas. Nauna na kasing nakapagprito ng isda ang matanda. Hindi niya na ring sinubukang magpaturo no’n dahil takot siya sa pagpilansik ng mainit na mantika mula sa kawali.Pinagmasdan niya ang matanda sa masipag nitong paghahalo ng