“Dahil seryoso akong… ayaw ko na siyang makita pa kahit na kailan.”
Paulit-ulit sa isipan ni Aviannah ang mga huling salitang sinabi niya sa kaibigang si Sandra, nang kausap niya ito kanina sa kanyang cellphone. Desidido naman talaga siya at seryoso siyang ayaw na niyang makita pang muli si Andrei. Iyon ang pinagpaplanuhan niya ng mabuti kanina, kung paano niya maiiwasan ang lalaki gayoong narito na ito ngayon sa bansa. Pero wala pang ilang minuto ang lumilipas ay kinatok siya ng kanyang ama sa kanyang silid, upang pilitin siyang sumabay sa kanila na mag-agahan.
Lahat ng dahilan at palusot na sinabi niya kanina sa kanyang ama ay tila balewala. Dahil nagwagi ito sa huli at ngayon nga ay nasa hapagkainan siya, kasama at kaharap ang lalaking ayaw na talaga sana niyang makita pang muli.
Deretsyo lamang siyang nakatingin sa lalaki habang mataman din naman itong nakatitig sa kanya. Na tila ba ineeksamin siya nito ng mabuti dahil ngayon na lamang siya ulit nagpakita rito pagkalipas ng limang taon.
“Ipinaluto ko talaga lahat ng iyan kay Vangie para sa’yo, anak. Hindi ba’t ang sabi mo ay nami-miss mo kumain ng mga ganitong pagkain?” masayang sabi ni Cristy kay Andrei.
Mula kay Andrei ay bumaba ang mga tingin ni Aviannah sa mga pagkaing nakahain sa kanilang harapan. Bukod sa Ham and Bacon Sandwich, na paboritong almusalin ng kanyang ama, ay sinangag na kanin, pritong galunggong, tuyo, at itlog ang mga naroon. Dahil doon ay hindi niya napigilan ang sarili na balikan ang mga munting alaala niya noong nasa Palawan siya kasama ang mga taong nagpakita ng pagmamahal sa kanya.
“Good morning mga, ija. Halika at mag-almusal na tayo,” bati at yaya ni Mang Gener sa kanila.
“Wow. Favorite ko ang ulam natin! Tuyo at itlog!” masayang sabi ni Tonya pagkakita niya sa pagkaing inihain ni Mang Gener sa harapan nila.
“O siya, kumain na tayo at may pasok pa kayo ni Jake.”
Gusto sana magtanong ni Aviannah kung nasaan si Drei, dahil alam naman niyang mamayang gabi pa ang pasok nito sa trabaho. Pero tila nabasa yata siya ng matanda kaya nagsalita na ito.
“Uhm… si Andrei ay nasa labas at nag-iigib ng tubig. Tinanghali na kasi ng gising kaya ngayon lamang nakapag-igib ng tubig panligo ng dalawang bata,” wika ni Mang Gener sa kanya.
“A-Andrei?” marahan naman niyang tanong dito.
“Opo, Ate Belle. Si Kuya Drei po, Andrei po ang buong pangalan niya,” sagot ni Tonya sa kanya.
“Andrei Tuazon po. Iyon po ang full name ni Kuya Drei,” dagdag pa ni Jake na sandaling ikinatigil niya. Tila pamilyar kasi sa kanya ang pangalan na iyon. Na para bang minsan na niyang narinig iyon sa kung saan.
“Andrei Tuazon?” marahang pag-ulit niya sa pangalan ng lalaki.
“Oo, ija. Iyon ang buong pangalan niya. O siya at kumain na tayo at mamaya ay darating na rin iyon,” wika ni Mang Gener na marahan niyang ikinatango rito saka sila nag-umpisa na sa pagkain.
Habang nasa kalagitnaan sila ng pagkain ay dumating na nga si Drei na tagagtak pa ang pawis sa noo, pero hindi alam ni Aviannah kung bakit kahit na ganoon ay napakagwapo at napaka-cool pa ring tingnan nito.
“Oh, apo. Halika at kumain ka na rin,” yaya ni Mang Gener kay Drei.
“Sige po, lo. Gutom na rin po ako,” nakangiting sabi nito saka ito naupo sa harapan niya. Sumulyap pa ito sa kanya na kaagad niyang ikinaiwas ng tingin at mabilis na ikinasubo ng pagkain. Kaya lang ay bigla siyang nasamid na ikinaubo niya.
“Oh, ija, ayos ka lang ba?” alalang tanong ni Mang Gener sa kanya. Kaagad naman siyang inabutan ni Drei ng tubig.
Nang abutin niya iyon ay aksidente pang nagdikit ang mga kamay nila at tila nakaramdam siya ng kuryente dahil doon. Namilog ang mga mata niya at sandali silang nagkatitigan ni Drei.
“Sige na, ija, inom na ng tubig,” sabi ni Mang Gener sa kanya na ikinakilos niya.
Naramdaman niya ang pag-init ng magkabilang pisngi niya habang iniinom ang tubig na iniabot ni Andrei sa kanya.
“Thank you, Ma. Tama po kayo, sobrang na-miss ko po ang mga ganitong pagkain. Madalas po kasi kaming ipagluto ni lolo ng ganito,” magalang na tugon ni Andrei kay Cristy, na siyang nagpabalik kay Aviannah sa kasulukuyan.
Gumalaw ang lalamunan ni Aviannah saka siya muling sumulyap ng tingin sa lalaki, at bahagyang kumislot ang puso niya nang makitang nasa kanya pa rin ang mga titig nito. Sa huli ay kusa na rin siyang sumuko at pinili na lamang niyang mag-iwas ng tingin sa lalaki.
“Kung ganoon ay heto at kumain ka nang kumain,” masayang sabi ni Cristy saka nito nilagyan ng mga pagkain ang pinggan ni Andrei.
“Thank you, Ma,” narinig niyang sagot ni Andrei.
“Ikaw anak, kumain ka na rin,” pagkuwan ay sabi naman ng kanyang daddy sa kanya.
“Sorry, dad, pero hindi po kasi ako nagugutom—”
“May gusto ka rin bang ipaluto sa yaya mo?” putol na tanong ng daddy niya sa kanya.
“Wala po, dad. Wala po talaga akong gana pa kumain.”
“Pero kailangan mong kumain.”
“Kakain na lang po ako mamaya pagdating ko sa shop,” pilit niya sa kanyang ama dahil gustong-gusto na niyang tumayo sa kanyang kinauupuan. Hindi na kasi talaga siya komportable lalo pa at nararamdaman niyang hindi inaalis ni Andrei ang mga titig nito sa kanya.
“Ganoon ba? Pero sayang naman ang mga pagkain na ito. Isa pa ay ngayon na lamang ulit natin nakasama ang kapatid mo,” saad ng kanyang ama na siyang nagpatigil sa kanya.
“Hon, it’s okay. Huwag mong pilitin si Aviannah kung wala pa siyang gana kumain,” wika ni Cristy sa kanyang ama saka ito nakangiting bumalin sa kanya. “Ang mahalaga naman ay dadalo siya mamaya,” dagdag pa nito na bahagyang nagpakunot ng noo niya.
“Po?”
“Ah, I forgot. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya ang tungkol sa bagay na iyan,” wika ni Ark, ang kanyang ama.
“Ano po bang mayroon mamaya?” naguguluhang tanong niya sa dalawa.
“Uhm, mayroon kasing welcome party mamaya para sa kuya Andrei mo. Maliit na celebration lang naman sa natapos niyang graduation at sa pagbalik niya dito sa atin,” nakangiting paliwanag ni Cristy sa kanya.
“What?” mahinang usal niya saka siya marahang sumulyap kay Andrei. At ganoon pa rin ang lalaki. Nakatitig pa rin ito sa kanya na tila ba sinusubukan nitong basahin ang kanyang isipan.
“May mga inimbitahan kaming importanteng bisita ng Tita Cristy mo. Darating din ang iba naming mga kaibigan at ang iba nating kamag-anak,” dagdag pa ng kanyang ama.
“At darating din ang itay pati na ang mga bata,” masayang pahayag pa ulit ni Cristy sa kanya.
Nag-iwas siya ng tingin kay Andrei at ibinalik muli ang tingin sa kanyang ama.
“Kaya huwag kang mawawala mamaya—”
“Sorry, dad, but I have prior commitment later,” mabilis na putol niya sa ama.
“What?”
“Pasensya na po talaga, dad. But I think I can’t make it later.”
“You should come later, anak,” giit ng kanyang ama.
“But dad—”
“If it is about your business, baka pwedeng magawan mo ng paraan na ma-cancel na muna—”
“I can’t, dad. I’ll meet Mrs. Cheska Zhang para sa wedding ng anak niya.”
“It’s okay, tito.” Natigilan naman ang lahat nang biglang sumingit at magsalita si Andrei. Dahil doon ay naagaw nito ang kanilang atensyon. “If Aviannah can’t really make it, I think that’s fine. Huwag po natin siyang pilitin,” seryosong dagdag pa ni Andrei habang mataman na nakatingin kay Aviannah.
“Okay fine. But still, kung makakahabol ka mamaya, pumunta ka,” wika ni Ark.
“Okay, dad,” sagot na lamang ni Aviannah sa kanyang ama. “I’ll go now,” paalam niya pa saka siya tumayo mula sa kinauupuan at tuluyang umalis sa lugar na iyon.
Nang makabalik siya sa kanyang sariling silid ay nagpakawala siya ng malalim na paghinga. Na para bang ang tagal niyang inipon ‘yon at ngayon lamang niya nailabas lahat. Sa wakas at nakaalis na rin siya sa lugar na iyon. Hindi na niya kasi kinakaya ang mabibigat na tingin ni Andrei sa kanya. Na para bang binabasa siya nitong mabuti.
Ilang sandali pa nang mag-ingay ang cellphone niya dahil sa isang tawag. Kinuha niyo iyon at agad na sinagot.
“Yes, hello?”
“Ms. Aviannah, ready na po ang team para sa proposal meeting natin mamaya kay Mrs. Zhang,” saad ng nasa kabilang linya.
“I’ll be there in 40 minutes,” sagot niya saka niya pinatay ang cellphone niya at mabilis na nag-ayos ng kanyang sarili.
Kahit pa nawiwindang pa rin siya sa katotohanang narito na si Andrei at nakita niya ito kanina ay pilit niya iyong iwinaksi sa kanyang isipan. Kailangan niya munang isantabi ang tungkol sa lalaki upang makapag-focus siya ng maayos sa kanyang trabaho.
Nang matapos siya sa pag-aayos ng kanyang sarili, ay dali-dali na siyang lumabas ng kanyang silid upang hanapin si Mang Lito, ang kanilang family driver. Pero halos naikot na niya yata ang buong bahay nila pero hindi niya ito makita.
“Oh, Aviannah, bakit narito ka pa?” tanong at lapit sa kanya ni Vangie nang makita siya nito sa labas.
“Yaya, I can’t find Mang Lito. Hindi ko rin po siya matawagan,” sumbong niya sa kanyang yaya.
“Huh? Eh saan naman magpupunta iyon? Teka nga at ako ang tatawag,” ani Vangie pero bago pa man nito matawagan si Lito sa cellphone nito ay…
“Mang Lito is on one week leave.”
Kapwa silang napalingon sa nangmamay-ari ng boses.
“What the hell?!” naibulong ni Aviannah sa kanyang sarili. Mainit na nga ang kanyang ulo dahil late na siya, ay nagpakita pang muli ngayon ang lalaking kinaiinisan niya.
“One week leave? Wala po yatang nasabi sa akin si Lito—”
“Kanina ko lang din kasi siya sinabihan,” mabilis na putol ni Andrei kay Vangie.
“Ah… g-ganoon po ba?” nasagot na lamang ni Vangie sa binata.
“One week leave? Ikaw ang nagbigay sa kanya ng one week leave?” Hindi na napigilan ni Aviannah ang sarili. Kahit na ayaw niyang kausapin at bigyan ng pansin si Andrei ay inis na inis siya ngayon dito.
Kalmadong tumango si Andrei sa kanya. “Ganoon na nga. Huwag kang mag-alala, I can drive for you—”
Napapalatak siya. “At kailan ka pa nagkaroon ng karapatan na magdesisyon dito?” matigas na tanong niya, hindi maitatanggi ang galit at pagkainis sa kanyang mukha.
“Bakit? Hindi pa ba ako parte ng pamilyang ito? Wala pa ba akong karapatang magdesisyon dito—”
“You will never be part of this family!” galit na sigaw at putol niya sa lalaki na ikinabigla ni Vangie.
“S-Sandali, Aviannah, huwag na kayo magtalo. Ang mabuti pa ay itatawag na lang kita ng taxi—”
“Kung ganoon ay hindi mo pa rin pala tanggap ang lahat,” kalmadong sagot ni Andrei sa galit na si Aviannah, dahilan upang matigil sa pagsasalita si Vangie.
“Yes,” deretsyong sagot ni Aviannah habang sinasalubong nito ang mataman na titig ni Andrei sa kanya. “At kahit na kailan ay hinding-hindi kita matatanggap,” dagdag niya pa na ikinaigting ng panga ng lalaki.
“Ayan, kaunting retouch lang sa makeup mo dahil napakaganda mo pa rin naman. Actually, kahit walang makeup ay mananalo at mananalo ka pa rin naman talaga sa gabing ito. Sa ganda mo ba namang ‘yan eh! Siguro nga ay ako ang nawawalang ina mo, magkamukha tayo eh!” wika ng baklang nag-aayos kay Aviannah na siyang ikinatawa nilang lahat.Kasulukuyan silang nasa maliit na kubo at doon ay muli siyang inayusan ng kaunti ng bakla. Kasama niya roon si Tonya at si Jake, habang si Mang Gener naman ay nasa labas kasama ang apo nitong si Archer.“Oh siya, ija. Iwan na muna kita sandali huh. At aawra lang muna ang bakla ng taon. Dito ka lang hanggang hindi ka pa tinatawag no’ng host huh,” sabi pa nito kay Aviannah na nakangiting tinanguan naman ng babae. At sa huli ay tuluyan na ngang umalis.“Ate Belle, sabi sa iyo at ikaw po ang mananalo eh. Ikaw po ang pinakamaganda sa lahat kaya sigurado na sigurado po talaga ako kanina pa,” masayang sabi naman ni Tonya kay Aviannah.“Thank you huh. Ang lakas di
“Sa akin ka lang, Binibining Belle Ajero.”Kahit na maingay ang buong paligid ay tila wala nang ibang narinig pa si Aviannah kung ‘di ang mga salitang iyon na binitiwan sa kanya ni Andrei. Hindi niya alam kung bakit sinabi iyon ng lalaki sa kanya o seryoso ba ito sa sinabi nito. Pero isa lang ang natitiyak niya nang mga sandaling iyon. At iyon ay ang hulog na hulog na siya. Hulog na hulog na ang puso niya sa binata.“Magsasara na ang botohan in five, four, three… two and one!” malakas na pagbibilang no’ng host.Natapos na ang botohan ngunit nananatili pa rin silang nakatingin lamang sa isa’t isa ni Andrei. Na para bang balewala ang dami ng lahat ng mga taong naroroon at tanging silang dalawa lamang ang mahalaga sa isa’t isa nang mga sandaling iyon.“Ayan! Malinaw na malinaw mga ka-baryo! May nanalo na!” malakas na sabi muli no’ng host. “Kitang-kita naman nating lahat kung sino ang may pinakamahaba—ay este… kung sino ang may pinakamaraming boto ngayong gabi. At iyon ay walang iba kung
“Napakaganda mo, ija! Hinding-hindi talaga kami nagkamali na pasalihin ka sa pagsayaw sa binibini!” masayang sambit ni Aling Wenky kay Aviannah habang pinagmamasdan ito.Maliit naman na ngumiti si Aviannah sa ginang dahil sa pagpuri nito sa kanya.“Oo nga po, Ate Belle. Ang ganda-ganda niyo po! Para po kayong buhay na barbie! At isa pa ay bagay na bagay po talaga sa inyo ang suot ninyong dress na iyan!” sambit at puri naman ni Tonya sa kanya.Ngayong araw na ang pista sa kanilang baryo at ilang oras na lang ay magsisimulang ganapin na nga ang pagligsahan sa pagsayaw sa binibini, na nakaugalian nang itanghal sa kanilang baryo taon-taon sa araw ng kanilang pista.At ngayon nga ay naririto si Aling Wenky sa bahay ni Mang Gener, kasama ang isang bakla na siyang nag-ayos at naglagay ng makeup sa kanya. Simpleng makeup lang naman at kaunting pag-aayos sa mahabang straight na buhok niya ang ginawa ng bakla, ngunit lutang na lutang na ang kagandahan niya na siyang paulit-ulit na pinupuri ng g
“Ay, talaga ba, ija? Gusto mong sumali?” masayang tanong ni Aling Wenky kay Aviannah habang inihahanda nito ang isang notebook at ballpen. “Ililista ko na ang pangalan mo.”“Opo, gusto ko pong sumali,” tugon naman ni Aviannah saka siya marahang bumalin ng tingin kay Mang Gener, na tila humihingi siya ng pahintulot mula sa matanda.“Ija, sigurado ka ba diyan sa gusto mong gawin?” alalang tanong naman ni Mang Gener sa kanya na mabilis niyang tinanguan bilang pagtugon.“Opo, lolo. Sigurado po ako dahil gusto ko po talagang sumali,” sagot niya sa matanda.“Pero hindi ka naman kasi taga-rito,” pagkuwan ay singit ni Rowena habang may mataray na itong tingin sa kanya.“Pwede naman siyang sumali kahit na hindi siya taga-rito. Hindi naman kami mahigpit pagdating doon,” tugon ni Mang Kanor kay Rowena.“Oo nga. Pwedeng sumali ang kahit na sino. Kaya pwede siyang sumali,” sabi pa ni Aling Wenky saka ito nagsimulang magsulat sa notebook nito. “Ilalagay ko na ang pangalan mo, ija. Ano ngang buong p
Hindi malaman ni Aviannah ang kanyang gagawin dahil sa paulit-ulit na pangongonsensya ng kanyang sarili sa kanya. Hindi niya maatim na lokohin ang lahat ng taong nag-aalaga at nagbibigay ng halaga sa kanya. Lalo pa nang isipin ng mga ito na kasalanan nila ang nangyari sa kanya, gayong una pa lang naman ay alam na alam na niya ang pwedeng mangyari sa kanya kapag kumain siya ng pusit. Pero dahil sa katigasan ng ulo niya ay ginawa niya pa rin, at nang mapahamak siya ay ibang tao pa ang nagkaroon ng pananagutan sa kanya sa halip na ang sarili niya ang dapat na mismong managot.Gustong-gusto na niyang sabihin kay Andrei ang lahat ng katotohanan tungkol sa tunay niyang pagkatao. Gusto na niyang aminin ang lahat-lahat dito, kaya lang ay pinanghihinaan pa siya ng loob dahil natatakot siyang baka magalit ito ng husto sa kanya. Bagay na baka hindi niya kayanin kung sakali man na mangyari.“Mukhang malalim ‘yang iniisip mo ah.” Nagitla siya nang biglang dumating si Andrei. Kasulukuyan kasi siyan
Agad na napabalikwas ng bangon si Aviannah nang maramdaman niya ang masakit na sinag ng araw na tumatama sa kanyang balat, mula sa bintana ng silid na kinaroroonan niya. Sa sobrang taas na kasi ng sikat ng araw ay tumatagos na ang sinag nito sa kurtina na nasa bintana ng kwarto. At sa wari niya ay tanghali na. Tinanghali na naman siya ng bangon. Kung bakit ba naman kasi napuyat na naman siya kagabi sa kaiisip sa lalaking nagpapatibok ng malakas sa puso niya. Nahihiya na tuloy siya sa kay Mang Gener dahil hindi na siya nakakatulong dito sa mga gawaing bahay.Nagmamadali niyang inayos ang kanyang sarili at pagkatapos ay kaagad na siyang lumabas ng silid.“Mukhang napuyat ka kagabi sa kung ano mang dahilan, ija, huh,” nakangiti at tila makahulugang bungad ni Mang Gener sa kanya pagkalabas niya ng kwarto.“P-Po?”“Tamang-tama ang bangon mo at nakapagluto na si Andrei,” nakangiting sabi ng matanda sa kanya.Magtatanong pa sana siya sa matanda nang bigla namang dumating si Tonya. “Ate Belle