LOGINXANTINA
Kumakain akong mag-isa ngayon. It's already four in the afternoon at kagigising ko lang mula nang matulog ako kaninang mag-aalas diyes ng hapon. Nagugutom na ako kaya sa kusina ako dumiretso may nakita akong sinigang na mukhang tira kaninang pananghalian. Kusa na akong gumalaw sa kusina dahil nakita kong namamalantsa si Kris at si Ate Belen naman ay inuutusan yata ni Mama. May dalawang kasama kami sa bahay. Madalas ay wala naman ang aking ama, habang si Mama ay may negosyo siya. May mga salon at spa na pagmamay-ari ang aking ina, habang abogago naman ang aking ama. Hindi masyadong busy si Mama dahil hindi may mga tauhan naman siya sa bawat branches at dumadalaw lang siya roon, hindi gaya ng aking ama na busy na sa trabaho, busy pa sa babae niya. Nagpatuloy lang ako sa pagkain nang dumating si Dad. Tumingin siya sa akin pero nagpanggap akong hindi siya nakikita. Kumuha siya ng tubig at uminom. Ramdam kong tumingin siya sa akin pero hindi pa rin ako pa rin siya pinapansin. Hindi na yata ito nakatiis at umupo siya sa tapat ko. “What is your plan in your life?” biglang tanong niya kaya napaangat ako ng tingin. Tumigil na rin ako sa pagkain ko dahil bigla akong nawalan ng gana. Mula ng malaman ko ang kalokohan ng ama, hindi na kami nagkasundong dalawa. Sino ba naman ang matutuwa kapag nalaman mong niloloko ng ama mo ang ina mo? “What do you mean? Maayos naman ang buhay ko.” I am doing good in my life. “You are not young anymore. You are already twenty-nine; do you even have a boyfriend?” tanong niya sa akin. Kinagat ko ang labi ko sa loob ng bibig ko dahil sa tanong ng ama ko. Pinakatitigan ko siya. Is he trying to make a conversation with me? Well, palagi namang ganito. Honestly, mabait naman talaga sa akin ang ama ko. Hindi nga lang kami magkasundo dahil ako ang mainit ang dugo palagi. Sino ba naman ang matutuwa sa ginagawa niya. I smirked at him. “Boyfriend?” Umiling ako sa kaniya. “I don't have a plan to get married and be miserable like my mother, your wife.” Sarcastic na tumingin ako sa kaniya. Nakita ko ang pagtigas ng panga ng ama ko at ang pagtalim ng tingin niya sa akin. “We are different.” “Or are you trying to say that not all men are like you?” “You don't know what you are saying,” galit na sagot ng ama ko at mabilis siyang tumayo para iwan akong mag-isa. Muli akong sumubo ng pagkain ko na parang walang nangyari. Isa siguro sa dahilan kung bakit malakas ang loob ko palagi na sumagot kay Papa ay dahil kahit anong sabihin ko, hindi niya ako pinagtataasan ng boses. Hindi gaya ni Mama at Xander. Kapag si mama ang kaaway niya, kulang na lang ay lamunin niya ito, habang si Xander naman, mabilis siyang magalit sa kapatid ko. Habang sa akin, kahit minsan ay sinasadya ko nang galitin siya, hindi talaga niya ako pinapatulan. Madalas ay iniiwan na lang niya ako para hindi kami magtalo pero minsan nagkakasagutan talaga kami ng malala. Pero madalas siya rin ang kumakausap sa akin kinabukasan. Matapos kong kumain ay niligpit ko ang pinagkainan ko. Kinuha ko ang brownies na tinaninko kanina at kinain ko iyon. Masarap talaga ang brownies ni Tiita Yonna at alam niyang paborito ko ito kaya madalas talaga niya akong binibigyan. Mulu kong ibinalik sa ref ang tira ko dahil kakainin ko ulit iyon bukas. Babalik na sana ako sa kwarto ko para maghanda na dahil pupunta ako sa Freedom nang marinig ko ang malakas an boses ng ama ko. “Shut up, Nimfa!” malakas na sigaw ni Papa. Lumapit ako sa kwarto na inookupa ni Papa, medyo bukas ang pinto kaya sumilip ako doon. Nakita kong magkaharap sila ni Mama. "Aren't you tired? Because I am sick of it! I am sick of you!" Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa narinig ko. Gusto kong sugurin ang ama ko ngayon din pero nanatili ako sa pwesto ko. “I know! Pero hindi kaalis sa pamamahay na ito!” ganting sigaw ni Mama. “Sa tingin mo ba, kapag umalis ka, makikita mo pa ang anak mo? She will hate you, ayaw mo mangyari iyon hindi ba? Kaya wala akong pakialam kahit na sawang-sawa ka na sa buhay na meron tayo, pero kahit anong mangyari, ako pa rin ang asawa mo. Ako lang ang magiging asawa mo!” Kita ko ang galit na sa mga mata ni Papa pero hindi siya nagsalita. Bigla namang lumambot ang mukha ng aking ina. Nawala ang tapang niya. “Arnold, let's forget about it. We can start again, isipin mo si X,” pakiusap ng ina ko at hahawakan sana siya ng ina ko pero umiwas si Papa. Naguguluhang pinapanood ko sila. Lagi silang nagtatalo pero ang ina ko pa rin ang laging nagpapakumbaba. “Sa tingin mo ba kapag umalis ka sasama siya sa iyo?” “Stop using her. Hindi pa ba sapat na dito pa rin ako umuuwi? Sinusunod ko na ang gusto mo, but you can't force me to love you again. We were technically over years ago.” “Arnold...” “Enough, Nimfa. Stop it, you know what will happen if she finds—” “SHUT UP!” malakas na sigaw ni Mama, muling bumalasik ang mga mata niya. Napapansin ko ang pabago-bagong emosyon ng ina ko. “Takot ka ba?” mapanuyang tanong ng ama ko. “We both know what will happen, so stop pestering me. We are married, but I will never consider you as my wife again,” parang ako ang nasasaktan sa sinasabi ng ama ko. Kita ko ang pamamasa ng mga mata ni Mama. Mas nasasaktan akong makitang nasasaktan ang aking ina.YOHAN’S POV“Hey, baby boy!” nakangising bati sa akin ni Czarina nang lumapit ako sa table kung nasaan siya. Nakaupo siya sa tabi ni Noie. Habang si Xander naman ay tumatango-tango habang umiinom at sinasabayan niya ang malakas na tugtog.Nandito kami ngayon sa freedom. Pauwi n asana ako ng bahay nang tawagan ako ni Xander at dahil mag-isa lang naman ako sa bahay kaya pumayag akong sumunod sa kanila.Agad na kinuha ko ang isang baso ng at nagsalin ako ng alak. Kumuha rin ako ng yelo. Saka ko iyon ininom.“Mukhang masyado ka yatang busy? Ang hirap mong hagilapin,” saad ni Czarina sa akin.“Dad is giving me new assignment,” sagot ko na lang sa kaniya.May father has other family. May iba rin akong kapatid sa labas pero maayos naman ang relasyon nila ng ina ko. I am a product of short romance. Hindi kinasal ang mga magulang ko pero nagsama sila ng tatlong taon. I just a rich father, the reason why I able to build my own firm. He gave me finances hanggang sa makatayo akong mag-isa.“Akala
THIRD PERSON POVMakalipas ang mahigit isang taon….“Xander, bilisan mo!” sigaw ni Nimfa sa anak niyang nasa taas pa.Agad namang bumaba si Xander. Naka-casual attire lang siya ngayon.“Ang bagal mong kumilos. Sabi ko naman sa iyo, agapan mo ang gising dahil dadalaw tayo sa ate mo,” pagsesermon ni Nimfa sa anak.“How about dad?” tanong ni Xander sa ina niya habang palabas na sila ng bahay. Hindi na niya pinansin ang sermon ng ina.“Papunta na rin daw siya. Magkita na lang tayo doon,” sagot ni Nimfa sa anak.Tumango naman si Xander bago naunang lumabas ng bahay. Isang taon na ang nakakaraan. Maayos nang naghiwalay ang mga magulang nila pero mas naging maayos ang takbo ng buhay nila. Nagkabati na sina Nimfa at Arnold, pero mas pinili na nilang maghiwalay ng maayos at maging magkaibigan na lang. Si Xander naman ay bumalik na siya sa bahay para samahan ang kaniyang ina.Dumaan muna sila sa flowershop para sa bulaklak na dadalahin nila. Saka sila muling nagpatuloy papunta kay Xantina.Kasa
NIMFA’S POVTatlong araw na mula nang maaksidente si Xantina pero hindi pa rin ito nagkakamalay. Araw-araw din akong dumadalaw dito para bantayan siya.Pinapayagan namang pumasok sa loob ng ICU pero limitadong oras lang kaya madalas ay sa labas lang ako. Pero kahit na nakaupo lang ako sa labas, hindi ako umaalis. Umaasang bigla na lang siyang magigising.“X, gumising ka na,” pagkausap ko sa kaniya habang pinipigilan kong bumagsak ang luha ko “Pangako, kapag gumising ka. Hindi na ako magagalit. Hindi ko na ako makikialam sa iyo, okay lang kahit na makipag-date ka pa kay Yohan. Hindi na ako magagalit. Kaya please… gumising ka na… Babawi si Mama. Magiging magkakampi na ulit tayo, makikinig na ako sa iyo. Hindi na ako magiging unfair… Magbabago na ako, basta gumising ka lang…”Hinawakan ko ang kamay ni Xantina na may nakatusok na karayom. Pinagsisihan ko na ang lahat ng nagawa ko sa kaniya.Hindi ko pala kayang mawala siya sa akin. Hindi man ako ang nagsilang sa kaniya, anak ko pa rin siy
THIRD PERSON POVNakayuko lang si Yohan hawak ang ulo at nakapatong ang mga siko niya sa hita niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa kalagayan ngayon ni Xantina. Hindi niya alam na maglalasing ito, at magmamaneho dahilan para maaksidente ito.Matagal na niyang alam ang tungkol sa tunay na pagkatao ni Xantina, pero pinagbawalan siya ng ina niya banggitin ang tungkol doon. Ayon kay Yonna, tanging ang mga magulang lang ni Xantina ang pwedeng magsabi sa kaniya ng totoo. Hindi niya pwedeng pangunahan ang mga ito.Kaya nanahimik si Yohan. Hindi siya nagsalita kahit na may alam siya. Dahil iyon ang pakiusap ng ina niya.Hindi niya alam kung kailan magising si Xantina, pero sana oras na magising ito. Sabihin na ng mga matatanda ang lahat ng dapat nitong malaman, dahil kung hindi pa sila magpapaliwanag ay siya na ang magsasabi ng totoo. Alam niyang maaring magalit sa kaniya si Xantina, dahil tanging ito na lang ang walang alam sa tunay nitong pagkatao, pero tatanggapin niya ang galit nito.“Y
XANTINA’S POVUmiikot na ang paningin ko. Malapit ko nang maubos ang alak na iniinom ko. Alam kong lasing na ako pero tila kahit ilang alak pa ng inumin ko ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nalaman ko.Hindi ako anak ni Mama. Anak ako sa labas ni papa. Hindi ko alam kung sino ang tunay kong ina.Pinilit kong tumayo kahit parang matutumba na ako dahil lumalalim ang inaapakan ko. Dala-dala ko pa rin ang bote ng alak na tinutungga ko kanina. Mataas pa rin ang sikat ng araw ng makalabas ako.Mabilis akong sumakay sa sasakyan at pinaandar ko iyon pero pinilig ko ang ulo ko dahil napapapikit ako. Mas binilisan ko ang pagpapatakbo ko pero nagulat ako nang may sasakyang biglang sumulpot patawid kaya mabilis kong niyakan ang preno pero imbes pero hindi na umabot. Mariin na lang akong napapikit ng makita kong sumalpok ang unahan ng kotse ko sa isang delivery truck.THIRD PERSON POV“Welcome back,” saad ni Yohan kay Xander nang pumasok ito sa opisina niya. Mula sa airport ay sa opisina ito d
XANTINA’s POV“SAGUTIN N’YO AKO! AM I NOT YOUR DAUGTHER?!”Gusto kong maiyak pero pinipigilan ko. Puno ng tanong ang isip ko ngayon. Habang si Mama at Papa, tila hindi alam kung ano ang isasagot sa akin.“I am sorry,” saad ni Papa.Sapat na ang salitang iyon para makumpirma ko ang totoo.Hindi ako anak ni Mama. Kaya ba ganito siya sa akin ngayon? Kaya ba wala na siyang pakialam sa nararamdaman ko? Dahil hindi naman niya ako tunay na anak?Muling tumulo ang mga luha ko. Parang may parte ng pagkatao ko ang biglang kinuha sa akin. Nanginginig ako at hindi ko alam kung manunumbat ba ako, magtatanong o tatakbo palayo. Pero sa kabila ng lahat ay para akong na-magnet sa kinatatayuan ko.“No. Arnold, ano ba?!” saad ni Mama na parang sinasaway si Papa. “X, you are my daughter. Mama mo ako, hindi ba? Ako iyong kasama mong lumaki. I was the one who always there with you kapag may event ka sa school. Ako iyong palagi mong kasama. Ako ang mama mo,” paliwanag niya. Humakbang siya papalapit sa akin







