“I want you to touch me, Engineer.” She's not begging. It's an order. Xantina is willing to play a dangerous game with Yohan Escobar. They had a carnal affair, just pure pleasure, no pressure. Ang unang ma-in love ang siyang talo. Ngunit pareho silang sanay na manalo at makuha ang kanilang gusto, kaya sa larong kanilang sinimulan, sino ang uuwing luhaan? Handang wasakin ni Xantina si Yohan para sa paghihiganting kaniyang inaasam. Hindi siya papayag na maging talunan. Ngunit paano kung puso’y biglang tumibok sa lalaking tinuturing niyang kaaway?
Lihat lebih banyakXANTINAKinabukasan ay tanghali na ako nang magising. Mag-aalas diyes na ng umaga. Dahil hindi naman umuwi ang kapatid ko ay walang gumising sa akin. Hindi rin naman ako ginigising ni Xander kapag natutulog ako dito.Bumangon na ako, nag-inat pa ako bago ako bago nakayapak na nagtungo sa banyo. Pagkatapos ay nagtungo ako sa kusina para magtimpla ng kape. Hindi naman ako nagmamadaling umuwi. Kalmadong nagkakape lang ako. Tumingin ako sa buong paligid. Sakto lang sa binatang gaya ng kapatid ko ang buong lugar.I think it’s time for me to find my place too. Nang matapos akong magkape ay tumayo na ako. Hinugasan ko ang tasang ginamit ko dahil nakakahiya naman sa kapatid ko kung nakitulugan na ako ay mag-iiwan pa ako ng hugasan. Isa pa, malinis sa lugar si Xander. Okay lang sa kaniya na pumarito ako kahit kailan basta siguraduhin kong huwag akong magkakalat dahil alam niyang minsan ay magulo talaga ako.Nang matapos ako ay sinuot ko na ang heels ko at kinuha ko na ang bag ko na nasa couch
XANTINA’S POV”You said Xander called you. Bakit ka naman tatawagan ng kapatid ko para sabihin na hindi pa ako umuuwi?” nagdududang tanong ko kay Yohan habang nagmamaneho siya. “Sanay naman sila na umaga na ako umuuwi minsan. And why do you care?"Hindi ba siya naabala na sinundo niya ako ng ganitong oras dahil lang tumawag ang kapatid ko sa kaniya?Tumingin siya sa akin pero hindi siya nagsalita. Ito ang nakakapikon kapag may kausap ka tapos daig pa ang pipi at bingi na hindi nagsasalita. Napakawalang kwenta niyang kausap.“Don’t send me home,” saad ko na lang. Napalingon siya sa akin. “Sa pinakamalapit na hotel na lang.”Hindi pa rin siya sumagot kaya inisip ko na pumayag siya sa sinabi ko. Alam kong tahimik siyang tao at hindi kami madalas mag-usap dati pero ganito ba talaga siya? Wala man lang kahit tango? Lihim akong napairap sa kaniya.Wala akong balak na umuwi muna sa bahay dahil bukas paggising ko, sigurado akong bubulabungin na naman ako ni Mama. Siguro nga mas mabuting bumuk
XANTINADumiretso na ako sa bar ko. Doon ko ginugol ang oras ko kaysa sa isipin ko pa ang pamilya ko. Inabala ko ang sarili ko buong magdamag, nakisaya ako sa mga tao sa bar. Kulang na lang ay parang nagpa-party ako at sila ang mga bisita. Nag-bartending at waitress ako. Pagkatapos ay nakisaya ako sa dancefloor.Uminom at sumayaw ako buong magdamag. Nang lumapit ako sa may bar counter ay pawisan na ako at medyo umiikot na ang mga mata ko pero kaya ko pa naman ang sarili ko.Tumingin ako sa buong paligid. Marami pa ring tao kahit ala una na nang madaling araw.“Why you look too hyper tonight?” Napatingin ako kay Noie na mukhang paalis na.Ngumiti ako sa kaniya bago ako umupo sa high stool.“Nothing. I just want to have fun. Uuwi ka na?”“Yes, may site visit ako bukas sa Batangas kaya kailangang maagap ako,” paliwanag niya kaya tumango ako.“Sige, ingat ka.”“No, you take care here. Don’t drink too much, kanina ko pa napapansin na madami ka nang naiinom. Or do you want me to drive you
XANTINA“Why do you look shocked?” mapanuyang tanong ko kay Papa.Umayos siya ng upo.“Dahil mula nang maniwala ka sa ina mo na may mga babae ako, tumigil ka nang pumunta sa opisina ko. Anong nangyari at bigla mong naisipang pumunta doon ngayon?”“Sinasabi mo bang wala kang naging babae?” matapang na tumingin ako sa kaniya. “Paano mo ipapaliwanag ang nakita ko noon? At ang babae mo ngayon?”“You will never believe me so what’s the use of answering your question?” balik tanong niya sa akin.Dahil puro kasinungalingan lang naman ang sinasabi niya. Noong una ay akala ko selosa lang si Mama, na baka hindi totoong niloloko siya ni Papa pero nakita ko mismo kung paano may babaeng humalik sa kaniya kaya mula noon, napatunayan kong hindi lang pala tamang hinala ang ina ko. Talagang nagloloko ang ama ko.“I already talked to Yohan. Ipinaliwanag niya sa akin ang nangyari, walang kasalanan si Xander kaya sana huwag mo na siyang pagalitan pa. Hindi siya ang nagsimula ng gulo, ipinagtanggol lang n
XANTINAPumasok ako sa loob ng opisina ni Dad. Maraming nakatambak na mga papel sa ibabaw ng table niya. Tungkol iyon sa iba’t ibang kasong hinahawakan niya. May two seater black leather couch na magkaharap sa gitna ng opisina niya. Maraming libro tungkol sa batas na nakalagay sa wall cabinet. May mga award din doon.Pumunta ako sa may table niya. Wala na ang family picture na nakikita ko madalas noong bata pa ako na nakalagay doon. Pero napahinto ako nang makita ko ang larawan ko. Tanging larawan ko na lang ang naka-lagay sa picture frame. High school pa lang ako base sa larawan dahil naka-uniform pa ako noon at malaki ang ngiti ko sa camera. May napansin akong isang frame na nakataob sa tabi noon. Kinuha ko iyon at binuklat. Iyon ang family picture naming. Bakit hinayaan niyang nakataob na lang ito? Dahil ba wasak na ang pamilya namin?Naupo ako sa upuan niya. Hindi ko alam kung gaano siya katagal bago bumalik pero maghihintay muna ako sandali sa kaniya.Inilibot ang tingin ko sa b
XANTINATinitigan ko si Tita Yonna.“Kaibigan kayo ni Mama, hindi ba?”“Oo naman, bakit?” nagtatakang tanong niya.“Magagawa n’yo ba siyang saktan?”Gusto kong marinig sa kaniya mismo ang sagot. Kung sino man ang Sabrina na tinutukoy nila, mukhang wala siyang balak na banggitin pa ang tungkol sa kaniya pero ang tungkol sa kanila ni Dad. Wala akong balak na balewalain iyon.“Syempre, hindi. Mahalaga siya sa akin, alam iyan ng mama mo.”Seryoso akong tumingin sa kaniya. Ang alam ni Mama, hindi siya kayang saktan ni Tita Yonna pero iyon nga rin ba talaga ang ginagawa niya? Hindi ko alam kung panghahawakan ko ba ang sinasabi niya. Mula nang makita ko silang dalawa ni Papa ng gabing iyon, nawala na ang tiwala ko sa kaniya.Kung sakali man na mali akong wala silang relasyon ni Papa. Sigurado akong may inililihim sila sa ina ko. At kung ano man iyon, aalamin ko. Pero kung wala talaga silang relasyon ni Papa, bakit sila magkikitang dalawa ng gabi? Nagyakapan pa sila.Tumango-tango ako sa kani
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen