Share

Chapter 5

Author: iamAexyz
last update Last Updated: 2025-02-22 23:23:39

Malakas na itinulak ko ang pinto ng kwarto ni Papa dahilan para lumikha iyon ng ingay at sabay silang mapatingin sa akin.

“X...” naiiyak na saad ni Mama.

Napailing naman ang ama ko nang makita niya ang reaksyon ng ina ko. Para bang nagpapakampi siya sa akin.

“Why don't you just leave us?” tanong ko habang nakatingin sa ama ko. “You keep on fighting, aren't you tired? Nakakasawa na. Kailan ba matatapos? Ano bang nangyari? Hindi naman tayo ganito dati hindi ba? Pa, bakit? Hindi pa ba kami sapat para humanap ka ng iba?” puno ng panunumbat na tanong ko sa kaniya. “Will you just leave us? Baka kapag umalis ka matahimik na tayong lahat.”

Gusto ko silang hayaan palaging mag-away. Pero bakit si mama iyong kailangang magmakaawa palagti para mag-stay ang ama ko gayong si papa naman ang may kasalanan? Bakit kailangang si mama ang makiusap sa kaniya gayong siya ang biktima.

“Kapag iniwan ko ba ang mama, sasama ka sa akin?” tanong ni Papa.

Mapait na napangiti ako sa kaniya. Masakit na makitang maghiwalay na silang dalawa pero ayaw ko naman na magsama sila tapos hindi naman na sila nagkakasundo.

Pero iiwan pala talaga niya si Mama. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan pa niya akong isama? Matanda na ako, tinatanong na nga niya ako kung kailan ko balak mag-asawa pero kung makatanong siya na kung sasama ba ako sa kaniya para bang bata pa ako na hindi kayang mabuhay na wala siya. Higit sa lahat hindi ko iiwan ang ina ko.

“Arnold, tumigil ka! Hindi ka aalis. You will stay here, walang aalis sa pamamahay na ito,” mariing saad ni Mama. “Sige na, X. May pupuntahan ka pa hindi ba? Huwag mo na lang kaming pansinin ng papa mo. We will just talk. Go,” pagtataboy sa akin ng ina ko.

Wala na akong nagawa kundi iwan silang dalawa. Hindi ko sila maintindihan. Hindi ko ma-gets kung bakit ayaw pakawalan ng ina ko ang ama ko. Bakit pilit niyang pinagsisiksikan ang sarili sa isang tao na hindi naman na siya mahal?

Suko na ako sa pagiging tanga ng ina ko.

Mas pinili ko na lang na maligo at maghanda para pumunta sa trabaho ko. Kaya minsan nakakatamad umuwi ng bahay, dahil kay mama at papa. Hindi ko masisi si Xander kung bakit umalis agad siya ng bahay noong magkaroon siya ng chance.

Ready na akong umalis. Kinuha ko na ang susi ko at lumabas na ako ng kwarto nang makasalubong ko si Mama.

“Pwede ba tayong mag-usap muna sandali?” tanong niya at kahit hindi pa ako sumasagot ay nagtungo na siya sa may terrace kaya sumunod ako sa kaniya.

“Pasensya ka na kung palagi mo kaming nakikitang nag-aaway ng ama mo. Pero sana hayaan mo na lang kami. Ayaw kong madamay ka pa sa away namin ng ama mo. Kaya X, pagpasensyahan mo na si Mama, ha? Hindi ko gustong makita mo kaming ganoon ng papa mo, alam kong nasasaktan ka sa mga nangyayari kaya sorry.”

“Bakit hindi n'yo na lang siya pakawalan?”

“Anak... mahal ko ang papa mo. Alam kong katangahan ang ginagawa ko, pero sana maintindihan mo. Kapag nagmahal ka na—”

“Kapag nagmahal ako, magtitira ako para sa sarili ko, Ma. Hindi ako magpapakatanga para sa isang lalaking hindi naman ako kayang mahalin hanggang sa dulo,” putol ko sa sasabihin niya. “Mom, sometimes we should when to hold on and to let go. Kasi may mga bagay na kapag pinilit natin, mas masasaktan lang tayo.” Ang dami ko nang payo sa kaniya pero wala naman siyang pinakikinggan kahit isa.

“No, magkakabati pa kami ng papa mo. Magiging maayos pa ang pamilya natin. Magtiwala ka kay Mama.”

Minsan naaawa ako kay Mama, minsan naiinis na ako sa kaniya.

Malungkot na ngumiti siya sa akin. Parang mukha siya palaging kawawa, pero sa ginagawa niya naiinis na ako. Sobra na. Sobra na ang katangahan niya, parang hindi ko na kinakaya pa.

Iniwan ko na lang siya. Nauumay na akong makinig sa kaniya. Ano bang meron kay Papa at hindi niya magawang iwan. Kahit naman maghiwalay silang dalawa, kaya naman niyang tumayo sa sarili niyang mga paa.

Palabas ako ng bahay ay nakita ko kotse ng ama ko na muling umaalis. Gabi na, pero umalis ulit siya. Mabilis akong sumakay ng kotse ko at sinundan siya. Tumawag na naman ba ang babae niya kaya nagmamadali siyang umalis? Kauuwi pa lang niya pero parang hindi nag-iinit ang pwet niya sa pamamahay namin.

Sinundan ko ang sasakyan niya. Gusto kong mahuli sa aktong may ibang babae ang ama ko. Lagi kasing babae sinasabi ni Mama na may ibang babae si Papa, iyon ang alam kong dahilan kaya madalas silang mag-away pero hindi ko pa talaga nakikita si papa kasama ang kabit niya. Kaya ngayon, gusto ko siyang mahuli sa akto. Gusto kong makilala ang babaeng dahilan kinalolokohan ng ama ko. Ang dahilan ng pagkawasak ng pamilya ko.

Mabilis ang pagpapatakbo ni Papa pero sinugurado kong hindi siya mawawala sa paningin ko.

Pumasok siya sa isang subdivision. Bumilis ang tibok ng puso ko. Medyo nanginginig ang mga kamay ko na nakahawak sa steering wheel.

Hinarang pa ako ng guard dahil wala akong ticket sa kotse ko para makapasok ako pero ibaba ko ang bintana at makita niya ako ay ngumiti siya sa akin. Hindi ito ang unang beses na pumasok ako sa Land Ville Subdivision. Maraming beses na akong nakapunta dito kaya maaring pamilyar na ako sa naka-duty na guard. Kinuha lang niya ang ID ko gaya ng sa protocol bago ako pinapasok.

Dito ang bahay nina Yohan. Madalas na pumupunta ako dati kay Tita Yonna kasama si Mama kaya alam ko ang lugar na ito. Pero anong ginagawa ni Papa rito? Dito rin ba nakatira ang kabit niya?

Nawala sa paningin ko ang sasakyan ni papa, kaya binagalan ko takbo ko para hanapin ang kotse niya. Didiretso na sana ako sa may court malapit sa may playground nang makita ko ang sasakyan ng ama ko sa dulo sa may pagliko sa kanan.

Napahinto ako at tinataw ang sasakyan niya.

Gumalaw ang panga ko at umusbong ang galit na nararamdaman ko. Ibig sabihin may pinuntahan talaga siya. Hindi ako eskandalosa pero sa pagkakataong ito, parang gusto kong magwala.

Handa na akong lumapit sa sasakyan niya nang mapahinto ako. Napagtanto ko kung kaninong bahay nakatigil ang sasakyan ng ama ko. Kasabay noon ay nakangiting lumabas si Papa, kasama niya ang isang matangkad na babae.

Pinagbuksan ito ng ama ko ng pinto ng kotse para makasakay ito bago umikot si Papa papunta sa driver's seat.

Habang ako naman ay nanigas lang sa loob ng kotse. Hindi makapaniwala sa kakikita ko. Ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko. Dahil sa galit at gulat na nararamdaman ko ngayon. Dumoble iyong sakit na nararamdaman ko. Gusto ko silang sugurin pero hindi ako makagalaw. Parang may pumipiga sa puso ko at nahihirapan akong huminga.

Parang ang hirap paniwalaan. Ayaw kong paniwalaan pero kitang-kita ng dalawang mata ko. Sana pala hindi ko na lang nalaman kung sino ang kabit ni Papa. Sana hindi ko na lang siya sinundan. Sana hindi ko na lang inalam.

I saw my father's mistress. But why her? Sa dami ng babae sa mundo, bakit siya pa?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Touch Me, Engineer    Finale

    YOHAN’S POV“Hey, baby boy!” nakangising bati sa akin ni Czarina nang lumapit ako sa table kung nasaan siya. Nakaupo siya sa tabi ni Noie. Habang si Xander naman ay tumatango-tango habang umiinom at sinasabayan niya ang malakas na tugtog.Nandito kami ngayon sa freedom. Pauwi n asana ako ng bahay nang tawagan ako ni Xander at dahil mag-isa lang naman ako sa bahay kaya pumayag akong sumunod sa kanila.Agad na kinuha ko ang isang baso ng at nagsalin ako ng alak. Kumuha rin ako ng yelo. Saka ko iyon ininom.“Mukhang masyado ka yatang busy? Ang hirap mong hagilapin,” saad ni Czarina sa akin.“Dad is giving me new assignment,” sagot ko na lang sa kaniya.May father has other family. May iba rin akong kapatid sa labas pero maayos naman ang relasyon nila ng ina ko. I am a product of short romance. Hindi kinasal ang mga magulang ko pero nagsama sila ng tatlong taon. I just a rich father, the reason why I able to build my own firm. He gave me finances hanggang sa makatayo akong mag-isa.“Akala

  • Touch Me, Engineer    Chapter 45

    THIRD PERSON POVMakalipas ang mahigit isang taon….“Xander, bilisan mo!” sigaw ni Nimfa sa anak niyang nasa taas pa.Agad namang bumaba si Xander. Naka-casual attire lang siya ngayon.“Ang bagal mong kumilos. Sabi ko naman sa iyo, agapan mo ang gising dahil dadalaw tayo sa ate mo,” pagsesermon ni Nimfa sa anak.“How about dad?” tanong ni Xander sa ina niya habang palabas na sila ng bahay. Hindi na niya pinansin ang sermon ng ina.“Papunta na rin daw siya. Magkita na lang tayo doon,” sagot ni Nimfa sa anak.Tumango naman si Xander bago naunang lumabas ng bahay. Isang taon na ang nakakaraan. Maayos nang naghiwalay ang mga magulang nila pero mas naging maayos ang takbo ng buhay nila. Nagkabati na sina Nimfa at Arnold, pero mas pinili na nilang maghiwalay ng maayos at maging magkaibigan na lang. Si Xander naman ay bumalik na siya sa bahay para samahan ang kaniyang ina.Dumaan muna sila sa flowershop para sa bulaklak na dadalahin nila. Saka sila muling nagpatuloy papunta kay Xantina.Kasa

  • Touch Me, Engineer    Chapter 44

    NIMFA’S POVTatlong araw na mula nang maaksidente si Xantina pero hindi pa rin ito nagkakamalay. Araw-araw din akong dumadalaw dito para bantayan siya.Pinapayagan namang pumasok sa loob ng ICU pero limitadong oras lang kaya madalas ay sa labas lang ako. Pero kahit na nakaupo lang ako sa labas, hindi ako umaalis. Umaasang bigla na lang siyang magigising.“X, gumising ka na,” pagkausap ko sa kaniya habang pinipigilan kong bumagsak ang luha ko “Pangako, kapag gumising ka. Hindi na ako magagalit. Hindi ko na ako makikialam sa iyo, okay lang kahit na makipag-date ka pa kay Yohan. Hindi na ako magagalit. Kaya please… gumising ka na… Babawi si Mama. Magiging magkakampi na ulit tayo, makikinig na ako sa iyo. Hindi na ako magiging unfair… Magbabago na ako, basta gumising ka lang…”Hinawakan ko ang kamay ni Xantina na may nakatusok na karayom. Pinagsisihan ko na ang lahat ng nagawa ko sa kaniya.Hindi ko pala kayang mawala siya sa akin. Hindi man ako ang nagsilang sa kaniya, anak ko pa rin siy

  • Touch Me, Engineer    Chapter 43

    THIRD PERSON POVNakayuko lang si Yohan hawak ang ulo at nakapatong ang mga siko niya sa hita niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa kalagayan ngayon ni Xantina. Hindi niya alam na maglalasing ito, at magmamaneho dahilan para maaksidente ito.Matagal na niyang alam ang tungkol sa tunay na pagkatao ni Xantina, pero pinagbawalan siya ng ina niya banggitin ang tungkol doon. Ayon kay Yonna, tanging ang mga magulang lang ni Xantina ang pwedeng magsabi sa kaniya ng totoo. Hindi niya pwedeng pangunahan ang mga ito.Kaya nanahimik si Yohan. Hindi siya nagsalita kahit na may alam siya. Dahil iyon ang pakiusap ng ina niya.Hindi niya alam kung kailan magising si Xantina, pero sana oras na magising ito. Sabihin na ng mga matatanda ang lahat ng dapat nitong malaman, dahil kung hindi pa sila magpapaliwanag ay siya na ang magsasabi ng totoo. Alam niyang maaring magalit sa kaniya si Xantina, dahil tanging ito na lang ang walang alam sa tunay nitong pagkatao, pero tatanggapin niya ang galit nito.“Y

  • Touch Me, Engineer    Chapter 42

    XANTINA’S POVUmiikot na ang paningin ko. Malapit ko nang maubos ang alak na iniinom ko. Alam kong lasing na ako pero tila kahit ilang alak pa ng inumin ko ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nalaman ko.Hindi ako anak ni Mama. Anak ako sa labas ni papa. Hindi ko alam kung sino ang tunay kong ina.Pinilit kong tumayo kahit parang matutumba na ako dahil lumalalim ang inaapakan ko. Dala-dala ko pa rin ang bote ng alak na tinutungga ko kanina. Mataas pa rin ang sikat ng araw ng makalabas ako.Mabilis akong sumakay sa sasakyan at pinaandar ko iyon pero pinilig ko ang ulo ko dahil napapapikit ako. Mas binilisan ko ang pagpapatakbo ko pero nagulat ako nang may sasakyang biglang sumulpot patawid kaya mabilis kong niyakan ang preno pero imbes pero hindi na umabot. Mariin na lang akong napapikit ng makita kong sumalpok ang unahan ng kotse ko sa isang delivery truck.THIRD PERSON POV“Welcome back,” saad ni Yohan kay Xander nang pumasok ito sa opisina niya. Mula sa airport ay sa opisina ito d

  • Touch Me, Engineer    Chapter 41

    XANTINA’s POV“SAGUTIN N’YO AKO! AM I NOT YOUR DAUGTHER?!”Gusto kong maiyak pero pinipigilan ko. Puno ng tanong ang isip ko ngayon. Habang si Mama at Papa, tila hindi alam kung ano ang isasagot sa akin.“I am sorry,” saad ni Papa.Sapat na ang salitang iyon para makumpirma ko ang totoo.Hindi ako anak ni Mama. Kaya ba ganito siya sa akin ngayon? Kaya ba wala na siyang pakialam sa nararamdaman ko? Dahil hindi naman niya ako tunay na anak?Muling tumulo ang mga luha ko. Parang may parte ng pagkatao ko ang biglang kinuha sa akin. Nanginginig ako at hindi ko alam kung manunumbat ba ako, magtatanong o tatakbo palayo. Pero sa kabila ng lahat ay para akong na-magnet sa kinatatayuan ko.“No. Arnold, ano ba?!” saad ni Mama na parang sinasaway si Papa. “X, you are my daughter. Mama mo ako, hindi ba? Ako iyong kasama mong lumaki. I was the one who always there with you kapag may event ka sa school. Ako iyong palagi mong kasama. Ako ang mama mo,” paliwanag niya. Humakbang siya papalapit sa akin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status