CELESTINE'S P.O.V "Ang palayain niya ako at ang itama niya lahat ng maling nagawa niya. By that, baka sakaling mawala na ang anumang sama ng loob na meron ako para sa kanya." That was my wish for him and he did exactly like it. Nang magising ako kanina ay alas nuwebe na ng umaga. Magtatanghali na. Ang una kong ginawa ay ang bumangon at ayusin ang lahat sa paligid ko— lalung lalo na ang pinaghigaan ko. After that, I started to do my morning self care routine. Naligo ako, nagbihis, bago ko napagpasyahang bumaba na para tingnan kung may pagkain na ba. Gutom na rin kasi ako at nabanggit din sa akin ni Pau kahapon nang mag usap kami na medyo busy daw sila ngayon. Dahil doon ay naisipan ko agad na ako na lang ang magluto para kahit papaano ay makatulong naman ako at makagaan. Hindi man kay Damien ay at least kay Drake at Pau na lang na nagpakita na rin naman sa akin ng kabaitan kahit na papaano. I was about to go down when suddenly, I remembered I had forgotten something upstairs. Mahala
CELESTINE'S P.O.V Three days. Tatlong araw na mula nang palayain ako ni Damien. Unti unti na rin akong nakabalik sa normal kong araw-araw na gawain. But there are still times when I would suddenly cry out of nothingness as I felt lonely and... longing for him. Maaga akong pumasok sa trabaho. Although alam ko na wala naman akong gaanong gagawin. I just wanto to have some escape and going to work is one of my greatest escapades. Umaasa ako na sa pagpasok ko ng mas maaga sa trabaho ay mababawasan ang oras o kahit minuto lang na bigla akong malulungkot at iiyak. Nakakasawa na kasi. Pakiramdam ko, patay na ako kahit buhay pa naman at humihinga. "Alam mo, anak, hindi masamang tumanggap ng pagkatalo. Alam kong alam mo iyan. You are a lawyer, after all. A very good one. The moment you thought your husband cheated on you almost a decade ago, alam kong sumumpa ka sa sarili mo na gagawin mo ang lahat para lang hindi na magtagpo ang mga landas niyo. And if destiny made your paths cross once ag
CELESTINE'S P.O.V That day at Damien's rest house, umalis ako nang walang napapala. I still didn't know where to find that annoying husband of mine. At naiinis ako sa kanya. Pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil nang magkaroon ako ng chance ay hindi ko man lang nasunggaban iyon. Eh, 'di sana hindi ako namomroblema ngayon kung saan ko siya hahanapin. That's great and you deserve that pain, witch. Ngayon, alam mo na ang pakiramdam niya noong hinahabul-habol ka niya pero wala kang pake as if willing ang buong mundo na ibaba ang pride para lang maka-adjust sa gusto mo. Naiiyak na napdukdok na lang ako sa mesa na puno na ng filed documents—bagay na hindi naman nangyayari dati dahil never akong naipunan ng mga gagawin. Ngayon lang talaga. Ngayon lang na lunod ako kaiisip ng tungkol kay Damien. Naputol ang pagmumuni-muni ko nang makarinig ako ng boses mula sa intercomm. "Miss Chavez, are you there? Pinapatawag ka ni CEO sa office niya," anang pamilyar na boses doon. Natigilan ako. "
CELESTINE'S P.O.V "Argh, I hate to leave this job but I have to. Para kay baby." Inilagay ko na ang huli kong gamit sa box na dadalhin ko paalis sa firm na pinagtatrabahuhan ko. Temporary bed rest lang ang advice ng doktor but I chose to follow to CJ. Gusto ko rin kasing matutukan ang paglaki ng anak ko. Isa pa, makabawi man lang ako sa mga nagawa kong kamalian lately sa kanya na muntik na niyang ikapahamak. "So, sinasabi mong sagabal ang baby mo sa trabaho mo?" prangkang saad ni Charie. "Tsaka huwag mo nga akong dramahan diyan. Hindi ka naman na-terminate at hindi ka rin naman nag resign. Maternity leave ka lang, gaga." Napabungisngis ako sa sinabing iyon ni Charie. "Eh, bakit ba?! Sa ito ang nararamdaman ko, eh," pairap ko pang saad. "Tsaka excuse me rin, ha? Wala rin akong sinabi na sinisisi ko ang anak ko. He was the reason, yes. Pero hindi ko siya sinisisi." Muling napuno ng katahimikan ang office matapos ang sinabi kong iyon. "Hay. Mami-miss ko ang lugar na ito sa oras na
CELESTINE'S P.O.V I wake up the next morning feeling tired. Ayoko pa ngang bumangon at parang gusto ko na lang na humiga magdamag. Matulog at matulog lang nang matulog. But I have no choice. Kailangan kong bumangon dahil today is the day that I am gonna interview a potential man to be my... bodyguard. Kaya kahit hirap at tinatamad ay maaga pa rin akong bumangon. Hindi na rin muna ako naligo. Nagpunas na lang muna ako gamit ang malinis na towel at maligamgam na tubig. Nag toothbrush, nagpalit ng damit, nagligpit ng higaan... ah, basta. Iyong mga usual morning routine na gawain ng isang matino at normal na tao. Pagkatapos ng lahat ng iyon ay bumaba na ako. Nasa hagdan pa lang ako ay sumalubong na sa akin ang mabangong aroma ng gatas— eh? Kailan pa nagkaroon ng ganoon kalakas na aroma ang gatas at pababa pa lang ako sa hagdan ay naaamoy ko na iyon? Anyway, habang pababa ako ng hagdan ay padagdag din nang padagdag ang mga amoy ng pagkain na nanunuot sa ilong ko. Shocks, ganito ba tal
CELESTINE'S P.O.V "So, how did you end up working in the security sector?" Iyon ang una kong naitanong kay Lije nang muli ko siyang babain para kausapin na. Naalala ko kasi na hindi ko pa pala siya nai-interview— okay. That was only a part. Hindi ko na kasi matiis ang gutom ko kaya bumaba na ako para magpahanda ng makakain. Alam ko rin na sinabi kong wala sa job description niya ang makialam sa kakainin ko pero... hindi ko na kasi mapigilang isipin ang tungkol sa mga pagkaing niluto niya mula nang maamoy ko iyon kanina! "To be honest, I don't know. Ang alam ko lang, sobra ang naging pagsisisi ko nang mawala sa akin ang asawa ko. Wala akong nagawa and from that, I swore to myself na babawi ako. Hindi man sa kanya, pero sa ibang tao na lang siguro. And that's how I ended up here," sagot niya. "Mukha ngang hindi naman ako nagkamali ng desisyon." Napakunot noo ako. "Desisyon na...? Pasukin ang security sector at maging bodyguard?" usisa ko ulit. "Na magsalita na lang kasi mukhang ma
CELESTINE'S P.O.V "Up for your husband haunting again?" Napapitlag ako at napatigil sa pagbaba ng hagdan nang marinig ko ang malalim na boses na iyon ni Lije. We've been together for almost a month now. But nothing changed in his on the job voice. Malalim pa rin iyon lagi. Malamig. Nakakatakot. "Ahm... No. May... appointment ako ngayon with my OB. 'Tapos didiretso na rin akong mag ikot sa mga malls and department store. To unwind at para magtingin na rin ng mga gamit na pwede kong bilhin para kay baby," alanganin kong turan. "Ikaw lang mag isa?" Tumango ako. "Para saan pa na kinuha mo ako kung lalabas ka lang din pala ng bahay na ito nang mag isa? Tss," masungit na sabi niya na naman. Napakunot noo na ako. Lately, napapansin ko na napapadalas ang pagsusungit niya ng ganito. Whenever I do things that are 'risky' or 'inappropriate' for a pregnant woman like me, bigla na lang mag iiba ang tono niya. Magsusungit at animo'y sinesermunan pa ako. I understand that maybe, he's just conc
CELESTINE'S P.O.V Three months of my pregnancy and yep, Lije is still with me. At magsisinungaling ako kung sasabihin kong hanggang ngayon ay hindi pa rin ako komportable sa kanya. Over the months, I started find him... cool. Hindi pa rin nawawala ang weird actings niya but other than that, everything is good about us. Napapansin ko rin na maging sina CJ at Jela ay napapalapit na rin sa lalaki. Although hindi pa rin niya kinakausap sila gamit ang boses niya. And rigth, I am starting to find it... cute. With all of them in my life, at sa nalalapit nang pagdating ng baby ko, masasabi ko na okay na ako. All in my life is almost perfect. Almost. Dahil magiging absolute perfect lang iyon kapag nakita at nakasama ko na ulit si Damien. Because yes, as of now I still misses my husband. And how I wish to see him again. "There's the sad face again. Didn't I tell you to always start your day smiling? Kapag talaga pumangit si baby..." Awtomatiko akong napangiti nang marinig ko ang tinuran ni