She hate me, disgust me. Ang tingin niya sa'kin ay isang patapon, basura, alipin, walang kwenta, walang silbi, mahina, lampa, pangit, walang class, punching bag, at stress reliever. That's who I am to her, but to me she's still my mother.
Muli akong napabuntong-hininga, ginawa ko na lang ang dapat kong gagawin.
Kinabukasan
Maaga akong gumising, ayaw ko mang pumasok ng maaga pero ayaw kong maabutan sila. Maglalakad na lang ako papuntang school.
Pagkababa ko, nakita kong aligagang nagpupunas ng sahig si Yaya.
"I'm sorry po, ipagtitimpla na lang po kita ulit." hinging paumanhin ni yaya.
Nanatili akong nakatayo, pinagmamasdan lang sila. Pumasok sa kusina si yaya, napadako ang tingin ko sa dalawa. Si dad ay nagbabasa lang ng newspaper habang si Mom, kita mo sa mukha niya ang sobrang inis.
"Napaka-inutil talaga!" iritadong sabi ni mom.
Dumako ang tingin ko kay yaya, may dala siyang bagong timplang kape.
"Madam, ito na po." sambit ni yaya habang inaabot ang kape.
Taas kilay na kinuha ito ni mom, humigpit ang kapit ko sa strap ng bag ko.
"Madam!" tili ni yaya.
Itinapon ni mom ang mainit na kape kay yaya,
"I don't like it anymore." mom said.
Dumako ang mata ko sa kamay niya na may hawak na knife. Mabilis akong kumilos, sinalag ang kutsilyong para kay yaya.
"Rhexyl!" singhap ni yaya.
Bumuhos ang dugo pagkatapos niyang matanggal ang kutsilyong bumaon sa kamay ko.
"Tama na po, ako na lang po ang gagawa sa pinag-uutos po ninyo. Ano po bang kailangan niyo?" mahina kong sabi.
Tumaas ang sulok ng kanyang labi. Tiningnan niya ako ng may ngiti sa labi, ngiting may hindi maganda, ngiting hindi mo gugustuhing makita mula sa kanya.
"What I need? No, I don't need anything. Lahat ba ng gagawin ko ay susundin mo?" nakakaloko niyang tanong.
"Anything, just let my yaya alone." determinado kong sabi.
"Rhexyl! Ano bang ginagawa mo? Ayos lang ako, wag mo 'kong alalahanin." nag-aalalang sabi ni yaya.
Umiling ako kay yaya, siya na lang meron ako. Tanging siya lang ang nag-iisa kong pamilya.
"I want you to kill her, for me." sambit ni mom.
Mabilis na napalingon ako sa kanya. Kunot na kunot ang noo ko siyang tiningnan.
"Kill her?" I asked.
"Yes, kill her. Ayaw kong mabahiran ng mabahong dugo ang kamay ko, I don't want to waste my energy to kill her. That's why, ikaw ang gagawa nito para sa'kin. Gagawin mo naman, 'di ba?" wika ni mom, kita ko sa mga mata niya ang kasiyahan.
Nanay ko ba talaga siya?
Nakangiti niyang inabot sa'kin ang kutsilyong hawak niya, marahan kong kinuha ito mula sa kanya. Kita ang dugong nanatili sa knife, napalunok ako habang nakatingin dito.
"Rhexyl? Nak, bitawan mo yan." utos sa'kin ni yaya.
Hindi ko alam, pero titig na titig ako sa pulang likido. Then, next thing I knew ------
"Rhexyl!" sigaw ni yaya.
"What the hell are you doing?" bulyaw naman sa'kin ni dad.
Natauhan ako bigla, marahan kong tiningnan ang kamay niyang mahigpit na nakakapit sa kamay ko. Lihim akong napangiwi sa sakit na nararamdaman ko, narealize ko na ang hawak kong kutsilyo ay nakakatutok kay mom.
Nanlaki ang mata ko. sh*t! Humakbang siya palayo sa'kin, nanginginig na binitawan ko ang kutsilyo.
Malutong na sampal ang umalingawngaw sa buong lugar, sa lakas ay napasalampak ako sa sahig. Namanhid ang pisngi ko, naramdaman ko ang pagdaloy ng dugo mula sa pumutok kong labi. Hindi kaagad ako nakagalaw, pakiramdam ko para akong hinampas ng matigas na bakal.
"I-i'm so-sorryy, Hindi ko naman intention na-------" nanginginig kong saad.
"CUT THE BULLSHIT! YOU ARE PLANNING TO KILL MY WIFE!" galit na galit na sabi ni dad.
Sunod-sunod ang pag-iling ko,
"N-no, I c-can't do that. Hindi ko a-lam kung a-anong gin-ginagawa ko. I w-was lo-st." pagtatanggol ko sa sarili.
Nanlaki ang mata ko ng kinuha niya ang kutsilyo, palapit siya sa'kin. Ambang hahawakan niya ako, dahil sa taranta ko, tumayo ako at tumakbo palabas.
I ran as far as I can, umiiyak na umupo ako sa swing ng playground. Holding my wound, I'm a mess because of the blood.
Sanay na ako sa ganito, kahit nga gaano pa kalaki ang sugat, 'di ko na nararamdaman ang sakit. Mas masakit yung nararamdaman ko inside, mas matalim pa sa pinamatalim na kutsilyo.
May nakita akong mini house,
umalis ako sa swing. Lumapit at pumasok ako sa loob. 'Yong ngayon ko na lang ulit sila nakita tapos ganito pa. Nakakatawa di ba? I pity myself, umaasa sa wala.Pinagdikit ko ang aking mga tuhod, ipinatong ko ang aking ulo dito. Hinayaan ko ang sarili kong mapagod sa kakaiyak.
"Nak," narinig kong sabi.
Marahan kong inangat ang aking sarili, nakita ko si yaya.
"Ya," sabi ko.
Suminok-sinok ako dahil sa sobrang iyak ko. Ngumiti siya sakin, I scan her body.
"I'm fine, halika. Lumabas ka na riyan, at ng magamot na kita. Madaming dugo na ang nawawala sayo." may bahid na pag-aalala ni yaya.
Sinunod ko ang sinabi niya, lumabas ako sa pinagtataguan kong mini house. Inalalayan niya akong umupo sa swing, agad naman niyang inilabas ang medicine kit.
"Hindi mo na dapat iyon ginawa." pag-aalala niyang wika.
Hindi ako sumagot o kumibo.
Tahimik lang akong naghihintay na matapos siya sa paglilinis.
"Hindi pa rin sila nagbabago, hanggang kailan kaya nila ito gagawin sa'yo? Paano nila nasisikmurang saktan ang kanilang sariling anak?" saad ni yaya.
"I don't care about them. I'm fine in whatever they want to do to me, pero ang saktan ka nila ay ibang usapan na." sabi ko.
" Ikaw talagang bata ka, sinabi ng ayos lang sakin." sambit ni yaya.
"I'm not okay with it, you are the only family i have." saad ko.
I love her ng higit pa sa pagiging yaya ko, for me parang nanay ko na siya, hindi niya ako iniwan. Wala man ako ng mamahaling bagay, nasa tabi ko lang si yaya sapat na sa'kin.
"Ayan! okay na. Tara na, uwi na tayo." Tumayo siya pagkatapos niyang malinis ang sugat ko.
Umiling ako
"Ikaw na lang po, Ya. Papasok pa po ako ng school." sabi ko
"Papasok? Pero ---" alinlangan niyang sabi.
"Pwede po bang dalhin niyo po dito ang gamit ko?" tanong ko.
Ayaw kong umuwi ng bahay, papasok na lang ako. Hindi ko siya gustong makita, lalo pa at nakagawa na naman akong mali.
Alinlangan man ng una, pero umalis pa rin siya. Habang naghihintay ako, todo ang tago ko ng mukha dahil pinagtitinginan ako ng mga tao. Marahil sa itsura ng damit ko, may bahid pa kasi ng dugo tapos may mga tapal pa ang sugat ko.
Nakakahiya!
"Nak, ito na." narinig kong wika ni yaya.
Napa-angat ako ng ulo, lumawak ang ngiti ko. Kaagad kong hinablot ang bag na dala niya, humanap ng mapagbibihisan. Nang makapagbihis na ako, naghiwalay na rin kami ni yaya. Me, going to school. Tapos siya, umuwi na ng bahay.
-------- School --------
Pagkadating ko, napakunot-noo ako dahil napansin kong may mga police cars na nakaparada sa labas ng gate. May ambulansya rin akong nakita. Nangyare? Anong event?
"Iha, wala kayong pasok." saad ng kung sino.
Napalingon ako sa nagsalita, si manong guard lang pala.
"Wala? Bakit po?" tanong ko.
Sa halip na sagutin ako, sa ibang direksyon siya tumingin. Sinundan ko ang tinitingnan niya. Kusang tumabi ako para bigyan ng daan ang mga medic.
Dumako ang tingin ko sa hawak nilang stretcher.
"May natagpuang ulit na patay." sabi ni manong guard.
Nanlaki naman ang mata ko. Kahapon lang merong natagpuan, tapos ngayon meron ulit.
"May natagpuan bang ebidensya? I mean, nalaman po ba kung sino ang pumatay? " pagtatanong ko.
Malungkot na umiling lang siya.
"Walang natagpuan ang mga pulis, agad nga nagsara ang kaso na yun. Wala kasi talaga silang makuhang lead," malungkot na wika ni manong guard.
Muli kaming tumabi, dahil may dumaan na naman ulit bitbit ang mga patay.
"Ikaw? Bakit ngayon ka lang? Late ka na naman!" pag-eenterogate ni manong guard.
Ngumiwi ako, napansin niya pa rin ang pagiging late ko.
"May emergency lang sa bahay, saka wala namang pasok." pagpapalusot kong sagot.
"Eh, yang kamay mo. Anong nangyari?" taas kilay niyang tanong with pagdududa.
"Nahulog ako sa hagdan kanina, sa pagmamadali ko." palusot ko ulit.
Yan na lang dinahilan ko, alangan namang sabihin ko ang nangyari kahapon at kaninang umaga.
"Alis na po ako, wala naman palang pasok." walang gana kong sabi.
Pipihit na ako ng mapadako ang tingin ko sa isang patay, nahinto ako.
Dumako ang tingin ko sa kaibigan nitong umiiyak. Yakap-yakap niya ito habang humahagulhul.Napapitlag ako ng may tumapik sa'kin, agad na nabaling ang tingin ko sa kanya.
Bumungad sa'kin ang isang police officer, dumistansya ako sa kanya. Nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan siya, titig na titig siya sa'kin. Ang gwapo niya, mala-anghel sa kagwapuhan. Ang tangos ng ilong niya, ang perfect ng pagkakahulma. Maging ang hugis ng mukha niya, mala-anime ang sukat.
"What are you doing here?" he asked.
Lihim na napangiwi ako, bagsak sa voice. Ang lamig, nakakatakot din siya kung makatingin, tagos sa kaluluwa mo. Napalunok ako.
"Ah, eh. A-ano?" Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
What the! What is wrong with me? I don't know why, but I feel something to him. Feeling of being scared?
Humakbang ako paatras, naitago ko rin ang kamay kong may benda sa likuran. Ang talim kasi ng titig nito sa kamay ko. Hindi ko mapigilan na mapakunot-noo. Ang weird niya kasi, may kakaiba talaga akong nararamdaman sa kanya.
"Ay! Pasensya na po. Studyante po siya dito, 'di lang halata. Kararating niya lang, kaya hindi niya alam ang nangyayari." paghinging paumanhin ni manong guard.
Bait ni manong guard, ah. Nakain?
Yung tingin ni kuyang police officer ay hindi man lang naalis saakin.
"Go home." mahinahon pero ramdam mo pa rin ang ang lamig sa boses niya.
"I ---- " Umiwas ako ng tingin sa kanya.
Kanina po ako di makabuo ng salita na sasabihin.
Pagtingin ko sa kanya, tumalikod na siya sa'kin.
"Everything is clear." sabi ng kasama niyang co-police officer.
"Umuwi ka na, iha." sabi ni manong guard.
Pagkasabi niyang 'yon ay umalis na rin siya, sinarado ang gate at pumasok sa guard post.
Tumalikod na ako, pero muli akong lumingon sa police na nakaharap ko, pasakay na siya ng police car. Paalis na rin ang ambulansya. Dumako naman ang tingin ko sa kaibigan ng namatay.
Weird?
Ay ewan! Bumuntong hininga ako. What a day! Ang ganda talaga ng buhay ko.
Ipinilig ko ang aking ulo, inalis ang mga thoughts na pumapasok sa utak ko.
~~~~ AFTER 6 MONTHS ~~~~Marahan kong inilapag ang bouquet of flowers sa puntod niya. Kay tagal rin mula ng dumalaw ako sa kanya."Hi daddy Leo, its been a while since I visit you. Sorry, marami lang kasing nangyari. Ngayon lang ako nagkaroon ng panahon to visit you. Hindi ka naman magtatampo hindi ba?" nakangiti kong ani."But I know you don't, you love me so much kaya hindi mo iyon magagawa." I added.Naalala ko ang memories namin together. He maybe not my real father but for me he is. Kahit kailan hindi ko siya ipagpapalit. Sa kanya ko naramdaman ang pagmamahal ng isang ama."Aljea," Napalingon ako kay Sylvester.And yes, I'm alive.Buhay ako, hindi ko kayang iwan ang taong nag-iisang nagmamahal sa'kin.~~~~
Helaria P.o.vHindi ko napansin na sarado na pala at tuluyang nailibing na si Rhexyl.Rhexyl might be cold pero sweet at mapagmahal siya inside.Believe me kapag nakilala mo na siya, at napamahal na siya sa'yo. He will treat you like her family.Nagtataka siguro kayo if who I am.I am Helaria, the girl they talk about na patay na. I am Breeze girlfriend na hindi ko alam if ako pa rin.And I'm step sister of Crelly na ako talaga ang tunay na anak ng mga inakalang magulang ni Crelly.Maliit pa lang ako ay sadyang lapitin na talaga ako ng disgrasya.Then, I met Rhexyl. She save me from my kidnapper.Same age lang kami pero namangha na ako sa kanya sa oras na iyon dahil sa murang edad she knows how to fight. Pinatay niya ng walang hirap ang mga kidnapper ko.She is very snob and cold. Akala ko hindi ko na muli siya maki
Rhexyl's P.O.VMarahan kong iminulat ang aking tingin. Bumungad sa'kin ang kulay asul na kalangitan. Naririnig ko ang mga huni ng ibon. Nakikita ko ang nagliliparang paru-paro at tutubi.Napabangon ako, bumungad sa'kin ang malawak na lugar na napupuno ng mga bulaklak. Nasa gitna ako nito.Kunot-noo akong tumayo.Where I am? Why I am here? Nagsimula akong maglakad. Hindi ko alam kung nasaan ako eksaktong naroroon. But I feel so light, walang nararamdaman na iba.Pakiramdam ko, I am content and happy.Tinuloy ko ang paglalakad. Habang naglalakad ako ay nawiwili akong tumitingin sa paligid ko. And ganda at ang sariwa ng hangin.I wanna stay here, forever.Dito na lang ako.Ito ang tipo ng lugar na gusto ko. Tahimik with good ambiance. Hindi ko aka
Rhena's P.O.V Walang paglayan ang sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko bilyon-bilyong karayom ang nakatusok sa'king dibdib.Walang tigil ang pagtulo ng aking mga luha. Hindi ko na alam kung ilang oras na akong umiiyak.Isa-isa kong tiningnan ang album. Lahat ng larawan ni Rhexyl ay nandito. Mula sa nasa loob siya ng incubator, noong isang taon siya, dalawa hanggang umabot ng walong taon.Ngunit lumilipas ang taon napansin kong unti-unting umiiba ang kulay niya.Naramdaman ko ang sakit ng unti-unti na niyang tinatago ang itsura niya.Nakita ko ang aking larawan sa loob ng kahon. Marahan ko itong kinuha. Pagtingin ko sa likuran mayroong nakasulat.~~~Grandma said, she's my mother. I can't deny it cause we are look a like. But I know she hated me. She doesn't love me. She don't want me. And since she doesn't want me, I don't
Lahat ng ginawa ko sa kanya ay bumalik lahat sa'kin. Lahat ng sakit, pahirap, pang-aalipusta ay naalala ko lahat.Nanginig ang buo kong pangangatawan. Nanghina at hindi ako makapaniwala.Hindi ito totoo. I am just dreaming.Marahan akong napabaling sa dalawang brown envelope na nasa ibabaw ng kama. Nanghihinang pumunta ako ng kama saka inabot ito.Nanginginig na binuksan ko ang isa sa mga ito.99.9% positive Nakalagay sa DNA results na Ang biological father ni Rhexyl ay si Franco, ang asawa ko.Kahit sobrang nanginginig ang kamay ko ay pilit ko pa ring binuksan ang isa.Malakas na humagulgol ako, nailagay ko sa bibig ko ang aking kamay.Same results as my husband. Nanghihina akong napaupo sa sahig."I-It c-can't be." nanghihina kong ani.Nanlalabo ang aking panin
Dapat ko bang sabihin sa kanya? Muli akong humugot ng hininga."She's in critical condition. Ang lason na nilagay niya sa dagger ay mabilis na kumalat sa katawan niya. Sylvester's trying to revive her. Rhexyl is determined to give your wish." ani ko.Hindi ko alam kung saan siyang lugar dinala ng apo ko. Binibigyan niya lang kami ng update about Rhexyl's condition.I know my son won't give up on her. Sylvester's love Rhexyl so much. He will do everything for her."And this, pinabibigay sa'kin ito ni Rhexyl, it's for you." Inilapag ko ang puting sobre sa kanya.Ngumiti ako sa kanya."Hindi na rin ako magtatagal pa. I have to go." ani ko saka marahang tumayo.Tahimik kong nilisan ang Restaurant. I'm hoping na sana makahanap pa ng reason si Rhexyl para muling mabuhay at manatili sa tabi ng apo ko.