Share

Chapter 2

Hindi ako nakinig sa kanya, dumiretso pa rin ako. Nagulat ako sa nakita ko, mga patay. Ang brutal ng pumatay sa kanila.

"Jusko, sino ang walangyang gumawa nito sa kanila? Bakit ganito katindi?" rinig kong sabi ng isang professor.

Anim silang patay sa tingin ko studyante rin sila dito, dahil suot nila ang uniform ng university.

Napalunok ako sa nakikita ko, ang buong back school ay walang ibang makikita kundi kulay pula. Nagkalat ang kanilang dugo, ang parte ng kanilang katawan ay hiwalay sa katawan nila, ang braso, binti at ulo nila ay hindi mawari kong sino ang tunay na nagmamay-ari nito. May nakita rin akong mga daliri, mata, laslas ang leeg, ang ilan sa kanila mulat pa ang mga mata.

Hindi ko nakayanan kaya umatras ako, sumuka rin ako sa tabi. Parang chinap-chop sila, grabe ang pumatay sa kanila. Sino kaya siya? wala naman siyang puso, ng mahimasmasan ako sa pagsusuka, tumayo ako ng maayos.

Dumating na ang mga pulis, kaagad silang rumesponde.

"Lumayo kayong lahat, 'wag kayong hahawak ng kahit ano." police officer na pinagtutulukan kaming maka-alis sa crime scene.

Wala kaming nagawa kundi ang umalis, kasi talagang hindi mo kakayanin ang amoy ng dugo at ang mga lagay ng mga patay. Nilisan namin ang lugar, hinayaan ang mga pulis na mag-imbestiga. Inutusan kami ng mga professor na bumalik sa kanya-kanya naming classroom.

Dahil sa nangyari, wala kaming pasok. Naging tahimik din ang araw ko, wala sa wisyo ang mga nambubully. Nagkalat ang mga pulis tinatanong ang lahat ng taong nakakakilala sa mga namatay, nakasama rin ako sa mga taong natanong.

Ayon kasi sa sinabi ng isa kong kaklase, ako raw ang huling taong nakasama nila which is totoo naman. 'Nung araw kasi na 'yon, hapon na. Oras na ng uwian, inabangan nila ako na lagi naman nilang ginagawa. Silang grupo ang laging present sa pambubully sa'kin, pero pagkatapos nila akong iwan na parang basahan, pagbabatuhin, sira-sirain ang damit ko. Umalis na sila na may ngiting tagumpay, pagka-alis nila tahimik na niligpit ko ang gamit ko at umuwi na.

Hindi ko naman sila pinapatulan, kasi wala din akong mapapala marami sila iisa lang ako. Wala akong laban sa kanila, saka paki-alam ko ba sa kanila. 

Pero kahit ganun, naaawa pa rin naman ako sa kanila, grabe kasi yung tinamo nila talagang di mo makikilala mga pagmumukha nila.

Nang walang napala sa'kin ang pulis. hinayaan nila na akong maka-uwi.

"Ya, nandito na po ako." sigaw ko pagkapasok ko pa lang ng bahay.

Lumabas galing kusina si yaya, kunot-noo siyang tumingin saakin.

"Anong klaseng tingin yan, Yaya?" tanong ko.

Umupo ako sa one seater couch. Lumapit sa'kin si yaya ng nakapamewangan ng bewang, at nakataas ang isang kilay tila nagtataka kung bakit ang maaga akong umuwi.

"Bakit 'kay aga mo yata? Tumakas ka na naman 'no! Ikaw talagang bata ka! kailan ka ba titino? Hindi na ako magugulat kung bukas tanggal ka na naman sa school mo."  panenermon niya.

Hinubad ko ang suot kong rubber shoes.

"Hindi na nga ako umaangal dyan sa klase ng pananamit mo, 'kay ganda-ganda mong dalaga!" naiiling niyang sabi ng may pagkadismaya.

"Yaya, wala po kaming pasok. Kasi may nangyari pong 'di maganda, kaya pina-uwi po kami ng maaga." paliwanag ko.

Alam ko kasing di siya titigil, hanggat hindi ako nagpapaliwanag.

"Nangyari? Bakit? Binully ka naman ba? Sinaktan ka naman ba nila? Sumagot ka nga, iha!" yung ekspresiyon niya napalitan ng pagkahestirikal.

"Yaya, relax! Isa-isang tanong lang, nag-iisa lang ako. Para ka naman si manong guard, e." reklamo ko.

Tumahimik naman siya, pero naghihintay pa rin siya sa sasabihin ko. Lihim naman akong sumimangot, bumuntong hininga ako.

"Wala pong nangyari sa'kin. May natagpuan po kasing patay sa school namin, mga kaklase ko." sabi ko.

Lumaki ang kanyang mata.

"Anoo? Sino daw ang may gawa?" gulat niyang tanong ni yaya.

Kumibit-balikat ako.

"Malay ko." walang buhay kong sagot.

"Jusko! mag-iingat ka lagi, iba na ang panahon ngayon." pagpapayo niya.

Tumango ako bilang tugon.

"Oh siya! magpahinga ka na, nang makakain ka na ng meryenda." kalmado niyang sabi.

Tumango ako, bumalik na ulit siya sa ginagawa niya. Tumayo na ako, aakyat na sana ako ng hagdan ng magsalita si yaya

"Ay, iha! Nakalimutan kong sabihin, may package na dumating para sayo." biglang sabi ni yaya.

Package?

"Kanino po galing?" takang tanong ko.

"Walang nakalagay, pangalan mo lang ang nakasulat." sagot ni yaya.

Kahit nagtataka pa rin ako, tumango na lang ako. Umakyat at pumunta ako ng kwarto.

Pagbukas ko pa lang, nakita ko kaagad ang package nasa ibabaw ng kama ko. Sinarado ko ang pinto, itinapon ko naman sa kung saan ang bag ko. Hinawi ko ang lahat ng nakakalat, mga librong nasa sahig, damit, mga plastic ng junk foods na kinain ko kagabi, mga unan, kumot. Para ngang may dumaan na buhawi, dahil sa sobrang kalat.

Muntik na akong madapa, dahil sa natisod ako. Inis kong sinipa ang bagay na nakaharang. 

Pagkalapit ko sa package, tiningnan ko ito ng maigi. Hinanap ang address o pangalan man lang ng sender pero wala, pangalan ko lang talaga.

Kumuha ako ng cutter to open it. Pagkabukas ko, isang kahon ang bumungad saakin. Kunot-noo ko itong kinuha, binuksan ulit. Tumaas ang kilay ko na kahon pa rin ang laman.

Pinaglalaruan ba ako, ng kung sinong hudas na sender?

Binuksan ko ito ng binuksan, hanggang sa makita ko ang puting sobre.

" A letter? " I said questioningly.

Seriously? Talagang pinackage pa, para lang sa isang letter? Ano 'to? Sobre pero wala namang bukasan o nakalagay. Wala namang lagayan ng papel, inikot-ikot tapos tinataktak baka sakaling mahulog kung may sulat man.

May napansin ako sa ibaba nito. Sa bandang kanan, may nakasulat na U.D.M

" U.D.M? " wika ko.

What is the meaning of this three letters? 

Hinaplos ng hinlalaki ko ang tatlong letter, nagulat ako ng biglang magbago ang kulay ng sobre from white to black with gold.

What is this thing?

May naka-ukit na design sa both side nito, may bilog sa gitna, which I think the lock of this envelope.

Binuksan ko siya, pero di ko mabuksan. Napatingin ako sa kamay ko at sa cutter. Di kaya?

Sinugatan ko ang daliri ko gamit ang cutter. Napapikit ako sa hapdi, tiniis ko na lang. Itinapat ko ang aking daliri sa bilog nito, hinayaan kong matuluan ito ng dugo ko.

Inilayo ko ang aking kamay ng narinig ko ang pag-click at paggalaw nito. Pinanood ko ang kusa nitong pagbukas, pagkatapos may lumitaw na holographic human.

" Good day, Ms. Maria Aljea

Rhexyl

Salvez. We are inviting you to come to our school. Our University is suitable and appropriate for you, to cultivate and develop your hidden ability. If you are interested, press CONFIRMED, and if undecided, we'll give you one day to decide." she said.

"What's school?" I asked.

" I'll tell you when you are fully decided. Enjoy your day, Ms. Salvez." she said saka siya naglaho.

Napalingon ako sa pinto ng bumukas ito, pumasok si yaya na may dalang pagkain.

"Dinalhan na kita ng makakain." sabi niya saka inilapag ang tray of food.

Dumapo ang tingin niya sa package.

"Binuksan mo na? Anong laman?" tanong niya.

"Nothing, just a sh*t! I mean, a prank. Wala namang laman, wrong send siguro." sagot ko.

"Anong nangyari sa daliri mo?" pag-aalalang tanong niya.

Napadako ang tingin ko sa sobre. Bumalik na ito sa dati, kulay puti na ulit.

"Nasugatan po ng cutter habang binubuksan ang package." sagot ko kay yaya.

"Saglit, kukuha ako ng panggamot." sambit ni yaya.

Hinawakan ko ang kamay niya.

"No need, Ya. I'm okay, ako na lang po ang gagamot." pagtanggi ko.

Tiningnan niya ako ng maigi.

"Wala lang po ito, maliit na bagay lang po ang sugat na 'to, hindi ako mamatay." sabi ko.

"Speaking of patay, panigurado akong ibabalita yun mamaya. Yung mga sinabi mong natagpuang patay sa school niyo." saad niya.

"Panigurado po yun, highlight pa." walang gana kong sabi.

Humiga ako sa kama, ipinikit ko ang aking mata. Biglang pumasok sa isip ko ang itsura 'nong mga namatay, nakakadiri kasi talaga. Babaliktad talaga ang sikmura ng sinuman ang titingin o makakakita.

"Jusmeyong bata ka talaga! kakalinis ko pa lang ng kwarto mo. Pero ngayon, mukha na namang binagyo." narinig kong panenermon ni yaya.

Hindi ko pinansin ang lintanya ni yaya, narinig kong bumukas ang pinto. Akala ko umalis na siya, pero nagulat ako ng may bumato sa'kin ng unan.

"IKAW NA BABAE KA! MATANDA KA NA, HINDI KA PA RIN MARUNONG MAGLINIS NG KWARTO MO. MARUMI PA RIN KASING RUMI MO! " bulyaw ng bumato sa'kin ng unan.

Napabangon ako sa pagkakahiga, gulat akong nakatingin sa kanya.

" Mom? " Me

Anong ginagawa niya dito? Naligaw ata.

"Don't mom-mom me! Look at your place, sobrang kalat. Linisin mo mga ang mga basura mo." malamig niyang sabi.

Tumingin ako kay yaya, sinagot niya ang nagtatanong kong mata with her apologizing look.

Tahimik akong tumayo, pinulot ang mga kalat isa-isa. Marahan akong gumalaw, nag-iingat na wag makagawa ng hindi maganda sa mata niya.

"BILISAN MONG KUMILOS! MAGLILINIS KA PA NG KWARTO NAMIN. ANG KUPAD-KUPAD MO TALAGA!"  inis at iritableng sabi ni mom.

Tumango ako, medyo binilisan ko ang kilos.

"Ikaw, Rosie! Bakit naka-anga ka pa dyan?" tanong ni mom kay yaya.

Tiningnan ko si yaya na biglang natauhan, at tarantang lumabas ng kwarto.

" You and that stupid ugly, are both stupid and useless!" salubong ang kilay nito at galit na saad ni mom.

I close my eyes, napa-iling na lang ako. Kapal ng mukha!

"Maraming taon na nga akong hindi naka-uwi, tanga at walang kwenta ka pa rin!" inis niyang sabi.

Pagkatapos kong mapulot lahat, itinabi ko muna sa tabi. Itinago ko rin sa bag ang puting envelope. Hindi ko alam kung bakit pinadala saakin iyon, ang weird nga, kasi di naman sinabi kung anong school.

Natauhan ako sa pag-iisip ko ng tumilapon na lang ako, tumama ang kamay ko sa matulis na bagay. Nahilo rin ako sa impact ng pagtama ng ulo ko sa pader.

Kalma self! Patience Rhexyl!

"Stop daydreaming, idiot!" bulyaw na sabi sa'kin ni mom.

Good thing, nakalabas na si Yaya. Marahil ay nagtataka kayo. Yes, she's indeed my mother. Swerte ko di ba? Mula ng mamatay si Grandma, nagbago ang buhay ko, mula sa maganda at masaya napunta sa mala-impyernong buhay.

Lahat ng klaseng pananakit physically, mentally at emotionally ay ginawa niya na. She hate and despite me, hindi ko alam kung bakit.

When I was 8 years old. I did everything to survive. I almost died, I was beaten, poison and whipped. Itinapon nila ako sa bangin and left me like a garbage. Mabuti na lang, nahanap ako ni yaya, at dinala dito.

Naging tahimik ang buhay ko, nang mapadpad ako dito sa bahay na 'to. Pagmamay-ari ng kamag-anak ni yaya, which is binigay sa kanya.

14 years na ang nakalipas. I survived at the young age, I work hard para may makain kami at makapag-aral ako.

But still, mapaglaro sa'kin ang tadhana. Nakawala ako sa kamay ng sarili kong pamilya, pero nabuhay pa rin ako kasama ang mga taong mapang-husga, mapang-api at mapanakit. 

Walang araw na hindi ako ang center of the eye ng mga bully. Sa lumipas na taon, natutunan kong dedmahin ang lahat ng ginagawa nila, kusa na akong lumalayo at umiiwas.

And now, after a long years. Here she is, standing like nothing happened. Grandma remind me, not to hate her, love her, and just understand her. I did what she said, whatever they did to me before, I let it past cause they are my parents, my family.

"Honestly, I'm impressed." I heard she said.

She squat in front of me, tumingin siya saakin ng matalim at blangko.

"Your still alive, after poisoning you. Tell me, how did you survive? What did you do?" taka niyang sabi pero may bahid ng pagka-uyam.

"Ow! Oo nga pala, that woman! Your sh*t yaya help you, and there you are. Do you think you can hide from me?" she add coldly.

"I am not hiding." mahina kong sabi, nakayuko ako avoiding her gaze.

"Really? What if, just what if. I kill her, after all she's use----" I cut her.

"LEAVE!" I coldly said, not looking at her.

I respect her, I really do.

I clinched my fist firmly, Cool down self!

Marahan akong tumayo, ignoring the wound I've got.

"Maglilinis na po ako ng kwarto ninyo." mahina at magalang kong sabi.

Hahawakan niya sana ako, pero kusa na akong umiwas sa kanya. Alam ko ang susunod niyang gagawin, dali-dali akong lumabas ng kwarto. Tinungo ang guest room para linisin.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Sa totoo lang, I admire her. She's beautiful in and out, innocent, charming, lovable, thoughtful, and caring. Siya 'yong klase ng ina na hihilingin mong maging ina. But sad to say, hindi siya ganyan sa'kin, kabaliktaran.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status