Share

Chapter 8

 

                       Rhexyl's P.O.V

Marahan kong iminulat ang mga mata ko. Bumaling ako sa bandang kanan ko. Muli akong napapikit dahil nabigla ang paningin ko sa sikat ng araw. Itinaas ko ang kanang kamay ko para matakpan ang liwanag.

Nang maka-adjust ang paningin ko, inilibot mo ang paningin ko sa lugar kung nasaan ako.

Nasa sariling kwarto na ako? Paano ako napunta dito?

Bumangon ako, napadaing ako. Pakiramdam ko parang may nakapatong na sampung hallowblocks sa batok sa bigat at sakit. Marahan kong itinabingi ang leeg ko, kanan at kaliwa.

Marahan kong hinaplos ang leeg ko. Naalala ko kung bakit masasakit ang katawan ko.

Tsk! Kahit anong iwas ko talaga, lumalapit pa rin sila.

Tumayo ako at umalis ng kama. Pinatunog ko ang katawan ko, at nag-exercise. Buti na lang sanay na ang katawan sa mga hampas, sampal at tilapon. Mabilis lang nakamomove-on ang katawan ko, parang walang nangyari.

Binanat ko ng todo ang katawan ko para ma-stretch siya. Tumingki ako, inangat ang dalawang kamay at pinagsiklop ko ang dalawang palad ko sabay inat.

Ang sarap sa pakiramdam kapag nababanat ng husto ang katawan. Nahinto ako sa ginagawa ko ng bumukas ang pinto.

"Gising ka na!" gulat na wika ni yaya.

Mayroon siyang dalang tray na may maliit na pinggan at towel sa tabi nito. Agad niya itong inilapag, tumakbo siya papunta sa'kin at niyakap ako.

"Buti na lang nagising ka na. Pinag-alalala mo ko ng husto." alalang saad ni yaya.

"Parang di ka na sa'kin sanay, yaya." sabi ko.

Kailan ba natahimik ang buhay ko? Tatahimik lang siguro kapag patay na ako.

"Ayos lang po ako." saad kong muli.

"Lagi naman 'yan ang sinasabi mo kahit hindi naman ikaw talaga okay." sambit ni yaya.

"Paano po ba ako napunta dito?" pag-iiba ko ng topic.

Umayos siya mg tayo.

"Aalis sana ako at mamalengke. Pagbukas ko ng gate nakita kitang nakahandusay. Walang malay, maraming pasa, galos at puno ng lupa ang mukha." sagot ni yaya.

'Yun pala ang itsura ko. Ang sagwa!

"Tatlong araw ka ring tulog, kaya mas lalo akong natakot. Dadalhin sana kita sa hospital kapag 'di ka pa nagising ngayon." dagdag na sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. Pinakaayaw kong lugar ay hospital.

"Biro lang!" pahabol niyang sabi.

Alanganin siyang ngumiti, palihim din siyang umatras hanggang sa makaabot siya sa tray na dala niya kanina.

Takot na takot si yaya? Parang aanuhin ko naman siya. Napailing na lang ako.

"Baba lang ako sa kusina, ipaghahanda kita ng makakain." sabi ni yaya.

Tumango ako bilang sagot. Maliligo rin ako. Ang lagkit ko na, panay punas lang yata ang ginawa sa'kin ni yaya.

Palabas na si yaya ng tawagin ko siya. May nahagip kasi ang mga mata ko.

"Bakit?" tanong niya.

"Kanino 'yang mga gamit na 'yan?" tanong ko habang nakatingin sa mga maleta.

"Ah, yan ba? Tumawag ang bago mong school. Ang sabi susunduin ka raw pagkatapos ng tatlong araw. Sinabi ko rin sa kanila ang tungkol sa situation mo. Kapag hindi ka pa gising, at nandito na sila. H'wag ka munang sunduin." mahabang sagot ni yaya.

Oo nga pala, pinatapon nga pala ako.

"Ngayong araw na pala sila darating. Anumang oras nandyan na sila." saad ni yaya.

"Kapag di mo pa kaya, sabihin mo lang. Sasabihin kong kakagising mo lang, pakikiusapan ko sila na kung pwede bukas ka na lang nila sunduin." sabi ni yaya ng may pag-aalala.

"No need, I'll go there." sabi ko sa kanya.

Napatitig ako sa mga maleta.

"S-Sure ka?" tanong ni yaya.

Nawala ang atensyon ko sa maleta. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Pahanda po ng pagkain. I'm sure po after kong makakain, fully recharge na po ako." magalang kong saad.

Tumango si yaya at ngumiti. Tuluyan na siyang lumabas. Nawala ang ngiti ko, at muling napadako sa maleta.

Tumaas ang sulok ng aking labi. Kalauna'y pumasok na rin ako ng banyo.

After minutes kong pag-aayos. Bumaba na ako, bitbit ang mga dalawang maleta at bag. Pagkababa ko, inilapag ko malapit sa couch ang mga gamit ko.

"Muling may natagpuang patay sa likod ng Vanzon University. Sampu ang natagpuan patay habang may isang nakaligtas. May mga laslas sa leeg ang mga biktima." rinig kong wika ng reporter sa tv.

Napagawi ang paningin ko sa tv.

"Ang iba, di na makilala dahil sa duguang mukha nito." reporter said.

Pinakita nila ang kalagayan ng back school. Gaya 'nung una ay puno rin ito ng mga dugo. Natulog lang ako namatay na agad sila. Paano pa kaya kapag naglaho ako, maglalaho rin sila?

Siguro nga may sumpa ako, namamatay kasi ang bumubully sa'kin. Ang karma talaga matindi kong  gumanti.

"Kumain ka na, iha." tawag sa'kin ni yaya.

Napabaling ako sa kanya, tapos bumaba sa mesa ang tingin ko dahil puno ito ng pagkain. Natakam ako bigla.

Walang atubiling tumakbo ako sa mesa. Umupo at dali-daling sumandok ng pagkain. Narinig ko ang paghagikhik ni yaya pero dedma. Hindi ko na narinig pa ang sinasabi ng reporter dahil tutuk na ako sa pagkain.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang favorite ko, ang lumpiang shanghai. Agad akong kumuha.

"Hinay-hinay lang sa pagkain." natatawang saad ni yaya.

Abala ako sa pagkain ng may napansin ako.

"Where are they?" tanong ko.

Tinutukoy ko ang dalawang demonyo ay este mga magulang ko.

"Umalis sila, rinig kong nagkaproblema sa business nila. Tatlong araw na rin silang wala." sagot ni yaya.

Tumatango-tango ako. Kaya pala magaan ang pakiramdam ko dahil wala sila.

"Sana bumagsak negosyo nila." mahina kong bulong sa sarili.

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Saktong pagkatapos ko, narinig namin ang tunog ng doorbell sa labas. Agad na tiningnan ni yaya.

Kumuha ako ng tissue, pinunasan ko ang kamay ko. Tumayo na rin ako. Isinalansan ko ang mga plato, tsaka nilagay lahat sa hugasan. Pagkalabas ko, nakita ko si yaya.

"Nandito na sila." pagbibigay alam niya sa'kin.

Tumango ako.

"Ilalabas ko na itong mga gamit mo." sabi ni yaya.

"Sige po, salamat po." sabi ko.

Kinuha ko ang cellphone ko. Kinalikot pagkatapos ay tinago kong muli saka lumabas.

Pagkalabas ko, I saw two men, wearing a black suit. Napansin kong may kulay ginto rin sa suot nila. May logong nakasabit sa bandang kaliwa na kulay gold din.

Inilagay nila ang mga gamit ko sa loob ng sasakyan.

Napatingin ako sa kotseng dala nila. Ano bang klaseng school ang University of Der Mord? Ang gara ng sasakyan. May tagasundo pa. FYI! Pinatapon lang ako, dapat basura ang tingin nila sa mga itinatapon.

Pinasadahan ko ng tingin ang sasakyan. Black ang kotse habang gold ang design nito. Napansin ko ang tatlong letra na nakita ko sa puting sobreng natanggap ko.

Ang U.D.M.

Naka-imprint ito sa kotse. Pinagsamang gold and red ang kulay nito. Don't tell me University of Der Mord ang meaning ng tatlong letters na yan.

"Let's go." rinig kong wika ng isa sa mga naka-itim.

Natauhan ako, at wala sa sariling napatango. Yumakap sa'kin si yaya na ginantihan ko naman.

"He'll protect you there. Be more strong and always be brave. You are in his place." bulong ni yaya sa tenga ko.

Napakalas ako sa yakap ni yaya. Kunot-noo ko siyang tinitigan.  What is wrong with her? At sinong tinutukoy niya?

Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. Nakangiti siya pero nagbabadya ang mga luha niyang malapit ng lumabas.

"I'm gonna miss you. Ang makulit at mapaglinlang kong alaga." nakangiti niyang sabi.

Napasimangot ako.

"Kailan pa po ako naging mapanlinlang?" nakabusangot kong sabi.

Ang weird ni yaya.

Tumawa lang siya.

"Yaya naman, parang ang pupuntahan kong lugar ay kamatayan." saad ko.

Niyakap niya akong muli. Hinalikan niya rin ang ulo ko. Napangiti ako, naglalambing na naman si yaya.

"Oh s'ya! Go na, naghihintay na sila." Nakangiti niya akong binitawan, humakbang din siya palayo.

Nag-wave hand ako sa kanya.

"Be careful here, yaya. H'wag kang paaapi sa kanila. Kapag nalaman kong sinaktan ka nila, hindi ako magdadalawang isip na sugurin sila." seryoso kong sambit.

"Don't worry, ako ng bahala sa kanila." sabi niya.

Muli akong ngumiti sa kanya, tumango siya na nagsasabing pumasok na ako sa loob ng kotse.

Malungkot akong tumalikod sa kanya. Hindi ako sanay ng hindi ko siya kasama. Pero wala akong magagawa, kaysa naman sa hindi ako makapagtapos ng pag-aaral.

Binuksan ng isa pang nakablack suit ang pinto ng kotse. Hinawakan niya ang kamay ko at inilalayan. Nakaramdam ako ng kakaiba ng maglapat ang aming mga kamay. Parang pumintig bigla ang puso ko. What is wrong with me? Again? Katulad ito sa naramdaman ko sa police officer na nakausap ko, pero hindi naman ganito kalala.

"Hey!" Napalingon kami sa nagsalita.

Nakita ko si mom. Kababa niya lang sa sasakyan. Dumating na pala sila.

"Ibinigay ko siya sa inyo ng buhay, ibalik niyo rin siya sa'kin ----" sambit na wika ni mom.

Naramdaman kong binitawan niya ang kamay ko, kaya nakahinga ako ng maayos. Hindi na pala ako humihinga pero nanigas ako ng sa bewang ko na lumapat ang kamay niya.

What the!

Nagulat ako ng hilahin niya bewang ko palapit sa kanya. What the f*ck is wrong with this man? Hinawakan ko ang kamay niya upang alisin na pero nahinto ng marinig ko ang sunod na sinabi ni mom.

"---ng patay." seryosong sambit ni mom.

Napalingon ako sa kanya. Nanubig ang mga mata ko.

"You heard me. H'wag na h'wag niyo siya sa'king ibalik ng buhay." seryoso pa ring sambit ni mom.

Gusto niya talaga akong mamatay.

"Get in." bulong sa'kin ng lalaking nasa likuran ko.

Agad akong pumasok sa loob.

"Noted madam." narinig kong sagot nila bago tuluyang magsarado ang pinto.

Bumagsak na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Bakit ganito? Maayos naman ako. Bakit ganitong sakit ang binibigay nila sa'kin? Anak niya ba talaga ako?

Pinunasan ko ang luha ko ng umandar na ang kotse. Pero kahit anong punas ko ay lumalabas pa rin sila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status