Thirdperson's P.O.V
Sabay na lumisan ang sampung sasakyan, ang susundo sa mga bagong mag-aaral. Kanya-kanya silang lugar na pupuntahan.
Pagkatapos nilang masundo ang kanilang susunduin ay muli silang nagtagpo-tagpo, at sabay-sabay nilang tinungo ang kanilang paroroonan.
Hindi nakikita ng mga nasa loob ng sasakyan ang kanilang dinaraanan kaya naman mas pinili nilang libangin ang kanilang mga sarili.
Maraming oras ang kanilang gugugulin, marating lang ang University of Der Mord. Ito ay isang marangyang paaralan at napakakilalang unibersidad. Ang paaralang hinahangaan ng lahat ngunit iilan lamang ang pinapalad, at pinahihintulutan na makapasok. Mapapatalon ka sa tuwa kapag sinewerte kang makapasok.
Anim na oras ang lumipas bago nila narating ang malaking tarangkahan ng University. Ito ay mataas at malaki. Kulay itim, tingkad na tingkad ang tatlong letrang nakaukit dito. Nakalagay sa gitna nito ang nakaukit na U.D.M, na kulay ginto at pula.
Unti-unti itong bumukas, pumasok ang sampung kotse. Sa pagpasok mo, ang unang bubungad sayo ay ang malawak at magandang garden. Iba't ibang klase ng bulaklak ay makikita dito.
Tinahak nila ang daan hangggang sa marating nila ang kulay silver na gate.
Ang pangalawang pasukan ng University.Bago mo tuluyang marating ang University of Der Mord. Mararaanan mo ang iba't ibang gusali gaya ng Malls, Restaurants, Shops, Bars, Jollibee atbp.
Hindi mo na hahangarin pang lumabas sapagkat kompleto ang university sa iyong pangangailangan. Mukha siyang small city sa loob ng university. Malinis, maayos at tahimik ang buong kapaligiran. Tanging mga studyante lamang ang makikita sa bawat gusali.
Ilang minuto pa, narating na nila ang building ng University of Der Mord. Hanay-hanay na huminto ang sampung sasakyan. Sabay na bumukas ang mga pintuan ng mga ito, at lumabas ang mga bagong mag-aaral o bagong salta para sa mga studyanteng naroon.
Rhexyl's P.O.V
Nang maramdaman kong huminto na ang sasakyan na siyang ikinatuwa ko. Akala ko forever na lang 'to aandar at hindi na hihinto pa. Ibinaba ko ang nakapatong kong paa, at bumangon sa pagkakahiga.
Sa buong byahe, nakahiga lang ako pero 'di ako nakatulog. Nagbibilang ako ng mga insekto sa utak ko, habang naghihintay na huminto ang sasakyan. Hindi naman ako masyadong nabore sa loob ng kotse, katunayan ang ganda nga dito, warm and soft.
Napalingon ako sa pintuan ng bumukas ito. Time to go out na ba? Inayos ko ang suot kong makapal na salamin. Lumabas na rin ako ng sasakyan.
Paglabas ko, una kong napansin ang mga taong kalalabas din ng mga sasakyan. Sinuri ko sila. Mga tinapon din ba sila? Sa itsura nila parang hindi naman. Nakita ko rin si Crelly.
Napansin ko ang kanilang mga suot. Mga mayayaman ang klase. Mukhang ako nga lang ang mukhang dukha at patapon. Sila ang suot nila maayos, samantalang ako. Kupas na maluwag na maong na pantalon, malaking t-shirt, simpleng rubber shoes lang. Tapos ang buhok ko, makapal na nga buhaghag pa. Kulay red ang color ng buhok ko which is hindi bagay sakin.
Dumako ang kanilang paningin sa'kin. Ang mukha nila'y umasim at 'di maipinta. Parang masusuka ang itsura nila.
Paki ko ba? Sumuka sila hanggang gusto nila.
Tsk! Mas malala pa sila sa patapon.
Inalis ko ang paningin ko sa kanila, baka madukot ko pa ang mga mata nilang mapanghusga.
Napa-speachless naman ako sa ganda ng gusaling nasa harap ko. Wala sa sarili kong sinuyod ang taas niya. Mataas ang building, malaki at maganda. Sa gitna, makikita mo ang karatulang UNIVERSITY OF DER MORD, pinaghalong black at red ang kulay nito.
Muli akong tumingin sa mga kasama ko. Mukha silang excited at tuwang-tuwa animo'y parang nanalo sila sa loto. Humarap ulit ako sa gusali.
So, this is the University of Der Mord? Nasa harap na nga ako.
"Miss," ani ng kung sino.
Lumingon ako sa kanya, si kuyang nakablack suit lang pala. Kinuha ko ang backpak kong bag sa kanya. Agad ko naman itong sinuot.
"Hi, dear future students of Der Mord. I am French, your head admin. I am happy to officially meet you all, and I am here to lead and bring you to our dean." nakangiti niyang wika.
Nakangiti siya pero may kakaiba sa kanya. Ang ngiti niya ay kakaiba, sa unang tingin para siyang friendly smile lang, pero ang ngiti niya. Ngiti ni kamatayan.
Dumako ang tingin niya sa'kin. Nakipag eye to eye ako sa kanya. Ngumiti rin ako sa kanya. Hindi nakaligtas sa'kin ang pagbago ng mukha niya. I shrug when she look away and fucos to all of us.
"Shall we?" tanong niya.
Sumagot ang mga kasama ko. Nauna na siyang lumakad, sumunod kami sa kanya. Humakbang kami sa hagdan na may benteng tapakan o akyatan. Pagkatapos, bumungad na sa'min ang entrance ng paaralan.
Mayroon akong naramdaman sa katawan ko, I feel the exitement when I saw the entrance of it.
"H'wag na 'wag niyo siya sa'king ibalik ng buhay."
Ibalik ng buhay? As if, babalik ako sa kanya. Tsk! I guess, may kabaong na 'yun para sa'kin. Well, hahayaan kong mabulok ang kabaong niya para sa'kin. Ang buhay ko ay hindi nakalaan para sa kanya.
"Ms. Salvez, are you still with us?" Natauhan ako sa tanong ni Ms. French.
"Y-yes, I'm s-sorry." utal kong saad.
'Di ko napansin na nakapasok na pala kami sa loob ng university.
"You are really stupid. Tatayo ka na lang ba r'yan?" sambit ni Crelly.
'Dun ko napansin na ako na lang ang nakatayo sa harap nila. Nasa loob na sila ng ------ elevator?
Agad akong humakbang papasok ng elevator.
Pinahihiya mo ang University na pinagmulan natin." mariing saad ni Crelly sa'kin.
Umandar na pataas ang glass elevator. Yes, glass siya. Hindi ko agad napansin na elevator siya kasi salamin. Hindi lang ang elevator ang salamin, maging ang wall ng paaralan.
Ang buong school ay salamin ang pader nila. Sumisigaw sa karangyaan, kalinisan at kaayusan ang kanilang school. Mukhang ang tahimik nila. Napansin ko ang kilos ng mga studyanteng nakikita ko. Ang desinte nilang kumilos, may mga dala silang books. White and black ang uniform nila. White sa taas, black sa ibaba.
"You are a lucky newbie. Nasa white code sila, kaya ang tahimik." wika ni Ms. French.
White code?
~~~~ AFTER 6 MONTHS ~~~~Marahan kong inilapag ang bouquet of flowers sa puntod niya. Kay tagal rin mula ng dumalaw ako sa kanya."Hi daddy Leo, its been a while since I visit you. Sorry, marami lang kasing nangyari. Ngayon lang ako nagkaroon ng panahon to visit you. Hindi ka naman magtatampo hindi ba?" nakangiti kong ani."But I know you don't, you love me so much kaya hindi mo iyon magagawa." I added.Naalala ko ang memories namin together. He maybe not my real father but for me he is. Kahit kailan hindi ko siya ipagpapalit. Sa kanya ko naramdaman ang pagmamahal ng isang ama."Aljea," Napalingon ako kay Sylvester.And yes, I'm alive.Buhay ako, hindi ko kayang iwan ang taong nag-iisang nagmamahal sa'kin.~~~~
Helaria P.o.vHindi ko napansin na sarado na pala at tuluyang nailibing na si Rhexyl.Rhexyl might be cold pero sweet at mapagmahal siya inside.Believe me kapag nakilala mo na siya, at napamahal na siya sa'yo. He will treat you like her family.Nagtataka siguro kayo if who I am.I am Helaria, the girl they talk about na patay na. I am Breeze girlfriend na hindi ko alam if ako pa rin.And I'm step sister of Crelly na ako talaga ang tunay na anak ng mga inakalang magulang ni Crelly.Maliit pa lang ako ay sadyang lapitin na talaga ako ng disgrasya.Then, I met Rhexyl. She save me from my kidnapper.Same age lang kami pero namangha na ako sa kanya sa oras na iyon dahil sa murang edad she knows how to fight. Pinatay niya ng walang hirap ang mga kidnapper ko.She is very snob and cold. Akala ko hindi ko na muli siya maki
Rhexyl's P.O.VMarahan kong iminulat ang aking tingin. Bumungad sa'kin ang kulay asul na kalangitan. Naririnig ko ang mga huni ng ibon. Nakikita ko ang nagliliparang paru-paro at tutubi.Napabangon ako, bumungad sa'kin ang malawak na lugar na napupuno ng mga bulaklak. Nasa gitna ako nito.Kunot-noo akong tumayo.Where I am? Why I am here? Nagsimula akong maglakad. Hindi ko alam kung nasaan ako eksaktong naroroon. But I feel so light, walang nararamdaman na iba.Pakiramdam ko, I am content and happy.Tinuloy ko ang paglalakad. Habang naglalakad ako ay nawiwili akong tumitingin sa paligid ko. And ganda at ang sariwa ng hangin.I wanna stay here, forever.Dito na lang ako.Ito ang tipo ng lugar na gusto ko. Tahimik with good ambiance. Hindi ko aka
Rhena's P.O.V Walang paglayan ang sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko bilyon-bilyong karayom ang nakatusok sa'king dibdib.Walang tigil ang pagtulo ng aking mga luha. Hindi ko na alam kung ilang oras na akong umiiyak.Isa-isa kong tiningnan ang album. Lahat ng larawan ni Rhexyl ay nandito. Mula sa nasa loob siya ng incubator, noong isang taon siya, dalawa hanggang umabot ng walong taon.Ngunit lumilipas ang taon napansin kong unti-unting umiiba ang kulay niya.Naramdaman ko ang sakit ng unti-unti na niyang tinatago ang itsura niya.Nakita ko ang aking larawan sa loob ng kahon. Marahan ko itong kinuha. Pagtingin ko sa likuran mayroong nakasulat.~~~Grandma said, she's my mother. I can't deny it cause we are look a like. But I know she hated me. She doesn't love me. She don't want me. And since she doesn't want me, I don't
Lahat ng ginawa ko sa kanya ay bumalik lahat sa'kin. Lahat ng sakit, pahirap, pang-aalipusta ay naalala ko lahat.Nanginig ang buo kong pangangatawan. Nanghina at hindi ako makapaniwala.Hindi ito totoo. I am just dreaming.Marahan akong napabaling sa dalawang brown envelope na nasa ibabaw ng kama. Nanghihinang pumunta ako ng kama saka inabot ito.Nanginginig na binuksan ko ang isa sa mga ito.99.9% positive Nakalagay sa DNA results na Ang biological father ni Rhexyl ay si Franco, ang asawa ko.Kahit sobrang nanginginig ang kamay ko ay pilit ko pa ring binuksan ang isa.Malakas na humagulgol ako, nailagay ko sa bibig ko ang aking kamay.Same results as my husband. Nanghihina akong napaupo sa sahig."I-It c-can't be." nanghihina kong ani.Nanlalabo ang aking panin
Dapat ko bang sabihin sa kanya? Muli akong humugot ng hininga."She's in critical condition. Ang lason na nilagay niya sa dagger ay mabilis na kumalat sa katawan niya. Sylvester's trying to revive her. Rhexyl is determined to give your wish." ani ko.Hindi ko alam kung saan siyang lugar dinala ng apo ko. Binibigyan niya lang kami ng update about Rhexyl's condition.I know my son won't give up on her. Sylvester's love Rhexyl so much. He will do everything for her."And this, pinabibigay sa'kin ito ni Rhexyl, it's for you." Inilapag ko ang puting sobre sa kanya.Ngumiti ako sa kanya."Hindi na rin ako magtatagal pa. I have to go." ani ko saka marahang tumayo.Tahimik kong nilisan ang Restaurant. I'm hoping na sana makahanap pa ng reason si Rhexyl para muling mabuhay at manatili sa tabi ng apo ko.