Share

Chapter 7

                Mrs. Villaruel P.O.V

After calming my students about false alarm, I did talk to Ms. Rhexyl Salvez. I was indeed harsh to her, but what she did is unforgivable.

I never saw here wearing school uniform, always late. Maraming professor ang nagrereklamo sa kanya, ayaw nila itong tanggapin dahil lagi lamang siyang tulog sa klase. Maging ang exams and quizzes niya ay mga bagsak lahat.

Pinagbigyan ko na siya 'nung una pa lang. Pero ngayon, hindi na pwede. Napabuntong hininga na lang ako. Being dean is really a stressful.

Napa-angat ako ng tingin para tingnan kung sino ang pumasok ng hindi kumakatok.

"Hey! Friend, miss me?" she asked.

"Rhena?" gulat kong sabi.

"What's with your face? Para kang nakakita ng multo, and look at your face. You look awful, ang dami mo ng wrinkles." natatawa niyang wika.

Tumaas ang kilay ko.

"Kailan ka pa dumating?" tanong ko sa kanya.

Prente siyang umupo sa upuan na nasa harap ng table ko.

"About 3 or 4 days ago? I'm sorry, I can't remember the exact day of my arrival." she answered.

Sumandal ako sa swivel chair ko.

"Why are you here?  Do you have no hobbies abroad and have you thought of coming back?" seryoso kong sabi.

Nandito lang siya para pahirapan pa ng husto ang isang tao.

"You are so mean." nakanguso nitong sabi sa'kin.

Hindi ko siya pinansin. Isa pa 'to, mas lalo akong naiistress.

"I'm sorry na okay. I wanted to surprise you. But I guess, ako ang mas nasurprise." wika niya sa seryosong tono.

"And why?" I asked.

"I heard about what's happening to your school. So, I came here to help." nakangiti niyang saad.

I rolled my eyes secretly. Hindi niya ako madadaan sa ganyan, but I indeed need her help.

"At ano namang balita ang nakalap mo?" pagte-test ko sa kanya.

Ngumisi siya. Napailing ako, marami talaga siyang sources of information. Wala akong maitatago sa taong ito.

"Who is the killer? Nahanap mo na ba? Kailan pa naging killing area ang paaralan mo?" sunod-sunod niyang tanong.

Sumeryoso lang ang mukha ko. 'Yan ang bagay na pinakaproblema ko. I can't find whoever killed my students.

"We still can't trace her or him. It's been f*cking years hindi ko pa rin siya mahuli-huli." malamig kong sagot.

"Don't worry, I already ask some help. We need to add more CCTV in all areas you have." suhestiyon niya.

"I already did that." sagot ko.

"Let me check it." she said.

Sabay kaming tumayo. Pumunta siya sa gawi ko, hinayaan ko siyang maupo sa swivel chair ko. She faces my computer desk, starts typing, and opens all the CCTV footage.

Umupo ako sa mesa, I let her do her favorite work. She is Rhenalyn Salvez,  my friend since elementary. She is beautiful, witty, mabait, at mapagkumbaba. Many guys wanted her, and Franco is the only guy who caught her. What a lucky guy he is.

She is good at hacking, mabilis siyang makapasok sa kahit saang website. May malambot siyang puso pero hindi sa isang tao, hindi sa kanya.

Marami na kaming napagdaanang dalawa. Alam ko lahat ng ginagawa niya, sa isang bagay lang ako hindi. Tumutol man ako pero wala akong magagawa.

Muli akong sumulyap sa kanya, napangiti ako. Hindi pa rin siya nagbabago, computer lover pa rin. Buti na lang tao ang pinakasalan niya hindi computer or laptop.

"Nothing strange sa lahat ng CCTV mo, sis. Maging sa mga students mo." she said.

"I've been observing all my students hoping na isa siya sa mga ito. Sadly, wala akong nakitaan na kahina-hinala." sambit ko.

It's been years simula ng may matagpuan kaming mga patay na studyante. Kahit saang sulok ay may nakikita kami, mas madalas sa back school. Maging ang mga pulis, katulong ko sa pag-iimbestiga pero lagi lamang mabilis na nasasarado ang case.

"What's him or her reason to kill your students?" Rhena asked.

"I don't know." I answered hopelessly.

We did everything to cover this situation. Para hindi mag-panick lahat ng students, binabayaran ko ang mga magulang ng namatayan upang hindi sila magsalita. Ayaw kong masira ang image ng university ko, pinaghirapan ko itong itinayo.

Ngunit, may nakalusot pa rin. May naunang makakita ng bangkay and worst studyante pa. I talked to her, ask her to be quite. Luckily, she did.

"I like your kiddos." narinig kong saad ni Rhena.

Natauhan ako sa pag-iisip at napalingon sa gawi niya. Nakangiti siyang nakaharap sa computer habang may pinapanood. Na-curious ako kaya sumulyap ako.

"What did you like there? Bullying is not your thing." taas kilay kong sabi.

Nakita kong some of my students bully their co-students. Maraming bully sa paaralan ko, some of them pinagsabihan ko na. Dahil matitigas ang ulo nila hindi sila nakikinig. Napansin kong dehado na ang binubully.

Kinuha ko ang phone ko para matawagan si manong guard, para maawat ang nangyayari sa back school. Pipindutin ko na ang call when she stop me.

"Don't! Let them." nakangiti niyang pigil sa'kin.

Kunot-noo ko siyang tiningnan. Bakas sa mukha niya ang saya at mukhang enjoy-enjoy siya sa ginagawa ng mga bully kong studyante.

Kaibigan ko pa ba ang nasa harap ko?

Muli akong sumulyap sa pinapanood niya. Nakita kong hinahampas, sinusuntok, sinasampal at itinatapon ang babaeng binubully which is hindi ko na kayang panoorin pa.

Ilalayo ko na sana ang paningin ko, pero nakilala ko ang babaeng binubully. Kaya pala masaya dahil anak niya ang sinasaktan.

"Are you gonna watch her? Not doing anything? You are her mother." saad ko.

Kumibit balikat lang siya.

"Let her die." tanging sagot niya.

Rhexyl Salvez is her daughter. Naaawa ako sa batang 'yan. She suffered a lot, at ang masakit sa kamay pa ng kanyang sariling ina. Rhena is both good, in and out. Pero hindi sa kanyang anak. Kung gaano siya kalambot para sa iba, ga'nun din siya katigas sa anak niya.

Hindi ko siya masisi kung bakit siya ganyan pero sana h'wag sa anak niya ibunton lahat ng galit niya.

"Paalala ko lang sa'yo, inire mo siya at sinilang. Hindi mo siya nilabas para saktan lang." sambit ko.

Kaya ko pinagbibigyan si Rhexyl, dahil anak siya ng kaibigan ko. Nakikita ko ring pursigido siya, pero minsan sa tuwing kaharap ko siya. Hindi ko alam kung bakit nagsisitaasan ang balahibo ko sa kanya. She is just a plain lady.

"Hindi ko hinihingi ang opinion mo." galit na wika niya.

"Hanggang nabubuhay siya hindi ako matatahimik. Kasalanan ito ni mama, hinayaan siyang mabuhay." galit na galit na dagdag niyang sabi.

Bumuntong hininga ako. Bilang kaibigan niya, wala akong magawa kundi ang supportahan siya at tulungan. Kung ako ang masusunod hindi ko siya paaalisin sa paaralan ko, gusto ko rin namang bigyan ng maayos na buhay ang bata.

"Are you sure about your desicion? Sigurado ka na ba talaga na ipatatapon mo siya? Sa University of Der Mord pa talaga?" tanging nasambit ko na lang.

Kinuha ko ang key chain na nakita ko. Hinagis-hagis ko ito sa ere. Siya ang may desisyon na palayasin ko ang anak niya sa unibersidad ko. Babawiin ko sana ang binitawan kong salita ng magmakaawa ang bata sa harap ko. Pinigilan ko lang ang sarili ko.

"Hindi na ako magugulat kung may kabaong ka ng nakahanda para sa kanya." I said.

"You are right, everything is prepared. Bangkay niya na lang ang kulang." malamig na wika niya.

Nasalo ko ang key chain. Nagbibiro lang ako sa sinabi ko.

"At umaasa akong magagawa nila iyon." dugtong niyang saad.

University of Der Mord, ay isang sikat na paaralan. Hinahangad ng lahat na pasukan, but kunti lang ang nakaka-alam kung anong klaseng paaralan ito. Hindi mo malalaman kung hindi mo papasukan. Isa rin itong marangyang universidad.

Hindi kaya may alam siya kung anong mayroon sa paaralang iyon, kaya niya pinatapon 'dun ang anak niya. Sa lahat ng ina na nakilala ko, siya lang ang klaseng ina na handang magbayad ng bilyong halaga kapalit ng buhay ng anak niya.

"Rhena, sana balang araw hindi mo ito pagsisihan. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko once na makita kitang lumuluhod at nagmamakaawa sa anak mo." seryoso kong saad.

"Don't worry, hindi 'yan mangyayari." confidence niyang saad.

Gusto ko sanang magsalita pang muli ngunit mas pinili ko na lang na manahimik.

"Alright, the show is done. Ang anak mo ay nasa bingit na ng kamatayan. Sana naman ay natuwa ka na. Itigil mo na yan, let's have plan on how to catch the killer." sambit ko.

Tumayo ako, pero nahagip pa rin ang mata ko ang huling kalagayan ni Rhexyl. Pumunta ako sa sofa at umupo. Napalingon ako sa nakapatong kong cellphone sa mesa. Narinig ko ang pag-beep nito. Agad ko itong kinuha.

One unknown message?

Agad kong binuksan ang message.

"Sei una benedizione." basa ko sa message. (You are such a blessing.)

Napakunot-noo ako.

"What's that? Sino nag-message?" Rhena asked.

Napalingon ako sa kanya, umupo siya sa kaharap kong one seater couch. Umiling ako. Binura ko rin ang message. Muli kong nilapag ang phone sa table.

"Nothing, a wrong send." tanging sambit ko.

I'm not familiar sa language. So, I assume hindi ito para sa'kin. Pareho kaming napalingon ni Rhena sa sabay na pagtunog ng mga cellphone namin. Nagkatinginan muna kami bago sabay na dinampot ang phone.

"What the hell!" sabay na sambit namin ni Rhena.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status