Share

Kabanata 11

Author: Jhantida
last update Last Updated: 2025-06-16 14:26:02

"Nandito na lahat ng impormasyon na gusto mong malaman."

Inilapag ni Sandro ang brown envelope sa ibabaw ng desk. Tahimik na kinuha iyon ni Clifton at pinasadahan ng tingin ang bawat nakaukit na impormasyon.

"Taga Santa Rosa ang babaeng pina-iimbestigahan mo. Nag-iisang anak sa pamilya at lumuwas dito para magtrabaho kaya naiwan ang mga magulang sa lugar." May kinuha pa itong isang envelope sa drawer. "Pero may nakita ako. You see it."

Binuksan ni Clifton ang isang envelope at nakita doon ang litrato ng isang batang lalaki.

"That is Jelrex Clide Romero, a five years old and now a kindergarten. Kasama iyan ng mga matanda sa Santa Rosa."

Nakatinginan ang dalawa. Matunong na ngumisi si Sandro saka umiling-iling. Hinuha niya ay alam na nito kung sino ang batang nasa larawan.

"You mess up, man. May binuntis ka pala. How can you fix that? How about Rhesa?"

Masamang tinignan ni Clifton ang lalaki bago ibinalik sa litrato ang mata. Parang nakikita niya lang ang sarili doon noong bata siya.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Trap In His Arms   Kabanata 11

    "Nandito na lahat ng impormasyon na gusto mong malaman."Inilapag ni Sandro ang brown envelope sa ibabaw ng desk. Tahimik na kinuha iyon ni Clifton at pinasadahan ng tingin ang bawat nakaukit na impormasyon. "Taga Santa Rosa ang babaeng pina-iimbestigahan mo. Nag-iisang anak sa pamilya at lumuwas dito para magtrabaho kaya naiwan ang mga magulang sa lugar." May kinuha pa itong isang envelope sa drawer. "Pero may nakita ako. You see it."Binuksan ni Clifton ang isang envelope at nakita doon ang litrato ng isang batang lalaki. "That is Jelrex Clide Romero, a five years old and now a kindergarten. Kasama iyan ng mga matanda sa Santa Rosa."Nakatinginan ang dalawa. Matunong na ngumisi si Sandro saka umiling-iling. Hinuha niya ay alam na nito kung sino ang batang nasa larawan. "You mess up, man. May binuntis ka pala. How can you fix that? How about Rhesa?"Masamang tinignan ni Clifton ang lalaki bago ibinalik sa litrato ang mata. Parang nakikita niya lang ang sarili doon noong bata siya.

  • Trap In His Arms   Kabanata 10

    "Nurse Romero, pinapatawag ka ni Doc. Auxilio sa office niya."Nagkasalubong ang kilay ni Hashana sa sinabi ng isang nurse na nasa information desk. Kakahatid lang sa kanya ni Rheo at nang mag-log in siya ay iyon agad ang ibinalita ng katrabaho. Nalilitong tumango siya dito saka tinapos ang ginagawa. Isinilid ni Hashana ang dalawang kamay sa bulsa sa nursing uniform bago lumakad papuntang opisina ni Clifton. Naabutan niya doon ang lalaki na nakayuko habang nakatukod ang isang kamay sa ulo. Nakakuyom iyon at lumalabas ang malalaking ugat. Agad naglapat ang labi ni Hashana. Umangat ang matalim na tingin sa kanya ni Clifton. Umiigting ang panga nito kasabay ng paghagis ng isang papel at litrato sa ibabaw ng lamesa. Nanlaki ang mata ni Hashana nang mapagtanto kung ano iyon. Mariin ang pagkakalapat ng kanyang labi habang pinipigilan ang paghinga. Paano nito iyon nakuha?"How can you explain that to me?" Ang malamig na boses ni Clifton ang bumalot sa silid. Kumurap si Hashana nang mad

  • Trap In His Arms   Kabanata 9

    Life is not easy. Lahat tayo may hinaharap na mabibigat na problema. At tanging magagawa lang natin ay harapin ito at gawan ng maayos na solusyon. Tahimik na pinaglalaruan ni Hashana ang mga daliri habang hinihintay si Clifton sa labas ng hospital. Nasa parking lot ang doktor at sinabi nitong doon paghintayin ang dalaga para sabay silang pumunta sa bahay ng mga ito. Malakas ang lawiswis ng hangin. Kanina pa din kumukulog at may maliliit na kidlat na lumalabas sa madilim na kalangitan. Umaambon ang papawirin na para bang may bagyong paparating. Lumanghap ng hangin si Hashana saka inayos ang suot na di kakapalang jacket. Mahina niyang pinokpok sa kamay ang mobile phone dahil bigla iyong namatày nang akmang tatawagan niya si Cathy. Marahas na huminga na lang ang dalaga at saktong naaninag ang sasakyan ni Clifton. Huminto mismo ito sa harap niya kaya walang salita siyang pumasok sa loob. "Kaunti na lang ang gas kaya dadaan tayo sa gas station para magpa-refill." Si Clifton bago pina

  • Trap In His Arms   Kabanata 8

    Nahihirapan. Kinakabahan. Mabibigat ang dibdib ni Hashana habang hawak ang resulta ng DNA test na kani-kanina lamang niya nakuha. Kamakailan lamang palihim siyang pumunta sa isang DNA testing center para ipa-test ang toothbrush ni Jelrex at ni Clifton. Naalala pa niya kung paano niya patagong pinalitan ng bago ang toothbrush ng doktor. Hindi naman iyon mahahalata dahil kapareho ng disenyo at porma nito ang binili niya. Ginamit din niya ang pangsipilyo ng anak nang magstay ito sa kanya ng isang linggo para pang-test. Halos tatlong linggo na siyang naghintay sa resulta. At ngayon, hawak-hawak niya mismo ang katotohanan na magpapatunay na mag-ama ba ang dalawa. Malamig ang kamay na umayos ng upo si Hashana sa kama. Nanginig pa iyon nang unti-unti niyang buklatin ang nakatuping papel. Tuluyang nawalan ng dugo ang buo niyang katawan nang makita ang resulta ng paternity test. It was clearly stated that result of paternity test is 99.999 percent. Muntik ng mabitawan ni Hashana ang papel

  • Trap In His Arms   Kabanata 7

    Madaling araw pa lang ay gumising na si Hashana at nag-ayos ng ilang gamit para dadalhin. Buong araw sila sa San Francisco kaya nagdala siya ng extrang damit para pampalit kung sakaling pagpawisan. Ayon sa announcement kahapon, alas singko trenta aalis ang van na sasakyan nilang mga nurses. Ang hospital mismo ang mag-poprovide noon kaya kailangan niyang maging maaga. Hindi na umaasa ang dalaga sa sinabi ng tatay ni Rheo na susunduin siya nito. Hindi nga niya alam kung kasama ba ito sa gagawing medical mission. Alas kwatro pa naman kaya agad siyang naligo at nag-ayos sa sarili. Sinuot na din ng dalaga ang nursing uniform na pinatungan ng itim na jacket. Balak sanang magpahatid ni Hashana kay Cathy dahil may sasakyan ang kaibigan ngunit nang dumungaw siya sa bintana ay naroon sa labas nakaparada ang kotse ni Clifton. May mga poste ng ilaw doon kaya klaro niyang nakikita ang lalaking nakasandal sa kotse habang nakatutok sa cell phone nito. Natigilan siya at lapat ang labing tinignan

  • Trap In His Arms   Kabanata 6

    Hindi na nagulat si Hashana nang may makahulugang pinagtitinginan siya ng mga kasama pagpasok sa umagang iyon. Tinutukso siya ng mga ito at tinadtad ng tanong. Napilitan tuloy siyang sabihin ang totoo, na ang anak ng doktor ay boyfriend niya kaya sila magkakilala. Labis ang nakuha niyang kantiyaw. Ang sabi pa ay ang swerte daw niya. "Akala ko may something kayo. Yung tingin kasi ni doc sa'yo kahapon. Yun pala jowa mo ang anak niya." Si Laila nang mapag-iwanan silang dalawa. Napailing na sinimulang ayusin ni Hashana ang buhok. Ikinumpol niya iyon at tinali bago inilagyan ng hairnet. Naglagay din siya ng katamtamang foundation sa mukha at lipstick. "Mauuna na ako. Mamayang lunch na lang tayo magkita para sabay tayo." Nakasanayan na kasi ng dalaga na ito ang palaging kasama. Bukod sa mabait ito, nagustuhan din niya ang kapormalan sa kilos ng babae. Hindi ito gaya ng iba na talak ng talak at hindi mapagkakatiwalaan. Tumango si Laila kaya tahimik na nilisan ni Hashana ang kwarto. Nag-

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status