Share

139 - Getting Bold

Author: Verona Ciello
last update Last Updated: 2025-11-21 18:44:34
“PLEASE DON’T DIE ON ME!”

Halos sumuko si Damion dahil ilang minuto na ang nakakalipas, wala pa ring reaksyon ang katawan ni Czarina.

“Please…” pagsusumamo nito, patuloy pa rin sa pag-compress sa dibdib ni Czarina. “Please, don’t do this, Rina…”

Nagkatinginan sina Cassidy at Seth. Bakas ang konsensya sa mga mata ni Seth. Hindi niya aakalaing ganito kalala ang mangyayari. Hindi niya rin alam na hindi marunong lumangoy si Czarina.

Unti-unting napatigil si Damion, nanghihina. Pero bago pa siya tuluyang bumitaw, napaubo si Czarina ng tubig. Mabilis ang paghinga habang tuloy-tuloy pa rin ang paglabas ng tubig sa bibig at ilong.

Napaginhawa si Damion nang makitang buhay si Czarina. Napapikit siya at tuluyang napaupo sa sahig.

Samantala, hindi naman natutuwa si Cassidy. Nangalit ang panga niya. Hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari—malayo sa iniisip niya.

The way Damion was so desperate to save her, how a tear fell from his eyes, it was different. Masyadong malayo ang mga kilos at nar
Verona Ciello

Thanks a bunch for reading! Your comments always make my day. Hope you’re having an amazing one too~ 🌸🫶

| 6
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Nessa R. Pantoja
ang bagal ng story
goodnovel comment avatar
Em's
miss V.more update pleaseeeeee
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   188 - All I Want Is Your Love

    NANG MARATING nila ang ospital, agad na dumaan sa examinations si Czarina at nang matapos ay tila lantang gulay na itong napaupo sa sofa, inaantok.Damion has been very careful with her. Nakamasid sa bawat kilos nito, para alalayan, alagaan at bantayan.“The baby is developing well so there’s nothing to worry about. Mrs. Marquez’s body is a little weak, kaya kailangan niyang mag-exercise at kumain ng masusustansyang pagkain—but not too much, otherwise she’ll be having a hard time giving birth,” sunod-sunod na payo ng doktor.Si Damion naman, halatang mas kabado pa kaysa sa mismong buntis, ay nagtanong pa ng kung anu-anong detalye at mga dapat iwasan—tila gusto niyang isaulo ang bawat salita ng doktor.Samantala, si Czarina ay nanatiling kalmado, halos antukin pa. Paminsan-minsa’y yumuyuko ang ulo niya habang inaantok.Nang mapansin iyon ni Damion, agad niya itong inakbayan at isinandal sa dibdib niya, bakas ang pag-aalala sa mga mata.“Normal lang ba ’to?” tanong niya.Ngumiti ang dok

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   187 - Indescribable Feelings

    KINABUKASAN.Nagising si Czarina sa marahang halik na dumadampi sa kanyang pisngi—isa, dalawa, paulit-ulit, tila ayaw siyang tantanan. Kasabay noon ang init ng isang kamay na dahan-dahang gumagapang sa ilalim ng kanyang damit, maingat ngunit mapang-akit ang galaw.Isang mahina at antok na ungol ang nakawala sa kanyang labi. Bahagya siyang napaliyad, ang katawan ay kusang tumutugon sa pamilyar na haplos.“You should wake up now, wife,” Damion said in a hoarse voice, grazing his lips into Czarina’s neck. Nagpakawala ito ng mahinang ungol habang dinidikit pa lalo ang katawan kay Czarina.“Damion…” namamaos na tawag ni Czarina kay Damion.“Hmm…”“Masyado pang… maaga…”Napatigil si Damion at napatingin kay Czarina na may demonyong ngiti. “Then should we do it by night instead?”Bahagyang namula si Czarina at mabilis na umiwas ng tingin. Ang kaninang antok ay tuluyan nang naglaho dahil sa kalokohan niya.“You’re so cute when you’re flustered, wife,” pang-aasar ni Damion, halatang aliw na a

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   186 - As Long As It’s With You

    TUWANG-TUWA SI ALEJANDRO sa narinig. Sa sobrang tuwa niya ay agad na niyang binigay ang pinakamaganda at pinakamahal na regalo kay Czarina at sa magiging apo nito.“Just sign your name and it’ll be yours!”Tinanggap ni Czarina ang dokyumento ng hindi alam kung ano iyon hanggang sa mabasa niya ang ‘Share Transfer Agreement’. Binasa pa ni Czarina ang nilalaman at nakita niyang binigay sa kanya ang forty percent shares ng Marquez Group.Nanlalaki ang medyo singkit nitong mga mata at binalik ang dokyumento kay Alejandro. “Pa, hindi ko po ito matatanggap—”Ngumiti lang si Alejandro at marahang tinapik ang kamay niya. “Just accept it, Zari. Matagal ko nang inihanda ’yan—mula pa noong ikinasal kayo ni Damion. Para sa’yo at sa magiging anak niyo.”Huminga siya nang malalim bago magpatuloy, mas seryoso ang tinig. “Sa apo ko rin naman mapupunta ang kompanya paglaki niya.”“Pero Pa,” mariing giit ni Czarina, “it’s too expensive…”Ang ganitong shares ay parang gintong itlog—isang bagay na kayang

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   185 - Did You Abort It?

    “R-RINA… W-WHERE’S THE CHILD?”“P-Paano mo nalaman?” She stammered, her eyes filled with panic and fear.Hindi alam ni Czarina kung ano ba dapat ang mararamdaman. Nalilito siya at hindi niya alam kung paano haharapin si Damion.Nang makita ni Damion ang ekspresyon ni Czarina, may kung ano sa kanya ang sumabog. Tumayo siya at hinila ang kamay ni Czarina papuntang rooftop. Nagulat si Czarina at muntikan ng matumba sa biglaang paghila sa kanya.“Ano bang ginagawa mo?!” Sigaw ni Czarina, nagpupumiglas sa hawak sa kanya ni Damion. Pero tila walang narinig si Damion hanggang sa narating nila ang rooftop. Binitawan niya si Czarina na halos muling ikatumba niya kung hindi lang ito agad napakapit sa dinding.“What’s wrong with you?” Inis na tanong ni Czarina, naluluha. Damion clenched his fist until his knuckles turned white. Nagngingitngit ang panga sa galit. Ang ugat sa ulo ay tila sasabog na. May kung anong init din sa puso niya na parang sinusunog siya.“Why did you abort our child?”“W

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   184 - Where’s The Child?

    MADALING ARAW pa lang gising na si Czarina. Naligo siya at nagbihis at tahimik na umalis ng villa ng walang nakakapansin.Narating niya ang klinika sa isang tagong lugar. Tahimik ito, kaunti lang ang tao. Hindi nagmamadali si Czarina, kaya umupo siya at pinagmamasdan ang paligid. Nang makita ang ilang mommy na hinahaplos ang tiyan, napahaplos rin siya at tahimik na humingi ng tawad sa bata.“May I sit here?”Nagulat si Czarina sa boses. Huminto siya, napaangat ng tingin, at dahan-dahang tumango.Umupo ang babae at nagpakilalang Josefa, nagpakilala rin si Czarina. Mula sa hitsura ni Josefa, halata ang pinagmulan—mayamang pamilya. Every piece of her attire is a custom-made.“You… you’re here for an abortion too?” tanong ni Josefa, mahinahon at maingat.Napalawak ang mata ni Czarina. “Are you here for an abortion?”Tumango si Josefa, ibinaba ang tingin. “I’m just a mistress. I have no right to give birth to this child.”Nagulat si Czarina—hindi niya inasahan na ang tila banayad at kaakit

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   183 - Overheard

    MARQUEZ VILLA.Tuwang-tuwa si Alejandro nang makita si Czarina, pero napasimangot ng makita ang anak. Pinilit na lang nitong ngumiti para kay Czarina—tila ba na mas anak pa nito si Czarina kesa kay Damion.“Now that you two are back, why don’t you take a day off Damion and stay with us?”“Okay,” mabilis na sagot ni Damion—halatang wala naman siyang balak pumasok.Habang nasa harap ni Alejandro, tinanggal niya ang panlalamig kay Damion, pero ramdam niya ang inis na kumukulo sa dibdib. Kahit ang umaga niyang pagsusuka ay parang nawala dahil sa pagkainis. Hindi niya maintindihan kung ano ba talaga ang gusto ni Damion.Napansin naman iyon ni Damion—nagkukunyari lang siyang walang napansin. Naglalaro ng chess ang mag-ama at nasa gilid si Czarina, tahimik na nagbabalat ng orange para kay Alejandro. Ni isa ay hindi man lang siya inabutan ni Czarina.Nakatitig lang siya sa orange sa kamay ng ama, para bang gusto niyang butasin iyon sa titig. Napansin iyon ni Alejandro; sinundan niya ang ting

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status