Share

3 - Live In?

Author: Verona Ciello
last update Last Updated: 2025-09-05 15:18:20

MATAPOS siyang iwanan ng lalaki ay doon na kumawala ang luhang pinipigilan niya. Mga salitang tumarak sa kanyang dibdib ang dahilan kung bakit siya labis na nasasaktan ngayon.

“This is really a mess, Zari…” bulong niya sa sarili, habang nakahiga sa carpet ng silid, yakap ang sarili, hindi dahil sa sakit ng binti sa pagkakatama at lamig ng silid dahil sa aircon, kundi dahil sa lamig at sakit na nararamdaman niya sa kanyang puso.

Kung hindi niya naman talaga kailangan ang pera, hindi siya papasok sa ganitong gulo. Pwede naman siyang umutang at kumayod, pero masyadong malaking halaga ang kailangan para maoperahan na ang kanyang lola sa madaling panahon.

Hindi ito ang inaasahan niyang kasal. Pero nandito na siya ay wala na siyang magagawa pa. Kailangan siya ng Lola niya at hindi na siya pwedeng umatras.

“Hmp!” aniya at mabilis na pinunasan ang mga luha. “Hindi mo kailangan ang pag-ibig niya, Zari. Ano naman? Pera lang ang kailangan mo.”

Ngayong alam na niyang kinasusuklaman siya ng lalaki, sapat na iyon para malaman niya ang lugar niya sa pamilyang ito.

MATAPOS linasin ni Damion ang silid ng kanyang mapapangasawa ay sinalubong siya ni Jojo, ang butler ng kanyang ama. 

“Sir Damion, hinihintay ka po ng iyong ama sa study room niya.”

Agad na inayos ni Damion ang nagusot nitong damit at sinunod ang sinabi ni Jojo sa kanya.

Sa study room, nakaupo sa gitna ang lalaking nasa late fifties. Nagsalin ito ng wine sa dalawang wine glass. Ang isa ay inalok niya sa anak at ang isa ay para sa kanya.

“So, you met her already?” panimula ni Alejandro Marquez. “Mabait siyang bata, huwag mong awayin.”

Pero lingid sa kaalaman ni Alejandro Marquez ay inaway na ng anak ang mapapangasawa nito.

Napaismid naman si Damion saka napahalukipkip sa kinauupuan. “I told you, there’s no way I’m marrying her.” His voice dripped with disdain. “A woman who would marry a stranger just for money? She disgusts me.”

Gumalaw ang panga ni Alejandro. Nilapag niya ang hawak na wine glass saka taimtim na tinignan ang anak.

“No,” aniya sa mababa at malamig na boses. “You must marry her. This is not a matter of choice, Damion.”

Damion chuckled bitterly, tila ba tawang puno ng panunuya kesa sa pagkamangha. “No choice? Then, I’m afraid you’ll be disappointed, Dad.”

Hindi na hinintay pa ni Damion ang sagot ng ama. Bigla itong tumayo at tumalikod saka kalmadong naglakad palabas ng silid.

“Damion Marquez! Don’t you dare walk away from me!”

Pero hindi na siya napigilan pa.

Malalim na ang gabi nang lumabas si Damion sa mansyon. Malamig ang simoy ng hangin, pero hindi nito kayang mapawi ang init ng nararamdaman dahil sa inis at galit. 

Kinuha niya ang panyo mula sa bulsa at marahas na pinunasan ang labi na tila ba may rumi roon na hindi matanggal-tanggal. Ilang sandali lang ay itinapon niya iyon sa basurahan. Nang naalala niya ang pagkagat niya sa labi ng babae ay tila masusuka ito.

“Dmn it.”

MAHIMBING na nakatulog si Czarina matapos iwanan ni Damion kahit na may sakit itong nararamdaman. Hindi alintana sa kanya iyon sa lambot ng higaan. Ilang taon na rin ng makahiga ito sa gano’n klaseng lambot ng kama matapos mamatay ang kanyang mga magulat at angkinin ng kanyang tiyuhin ang lahat na pinaghirapan ng kanyang mga magulang, kasama na roon ang kompanyang para sa kanya. 

Kaya ngayon ay hindi niya mapigilang makatulog ng mahimbing at maayos, somehow she felt sense of security.

 MAGANDA ang gising ni Czarina kinabukasan. Malawak ang ngiting sinalubong ang ama ni Damian na nasa sala nagbabasa ng diyaryo. 

“Good morning, Papa.”

“Zari! Gising ka na pala.” Tumayo ito para lapitan ang babae. “Hindi ko alam kung anong gusto mong kainin kaya sinabihan ko ang chef na ipagluto ka na lang ng kahit anong masustansiyang pagkain.”

Sabay na naglakad ang dalawa patungo sa kusina. “If you have any preferences, sabihan mo si Jojo para sa susunod ay maipaghanda ka namin ng pagkaing ayon sa gusto mo.”

“Nako, hindi na kailangan, Papa…” wika ni Czarina bahagyang nahihiya. “Kumakain naman po ako ng kahit ano.”

Mabilis na naghanda ang mga kasambahay ng pagkain sa lamesa. Hindi inaasahan ni Czarina na makakain ulit ng ganito kasarap at ka-bonggang almusal—parang pang five-star hotel buffet. 

Nandoon ang mainit at fluffy pancakes na may maple syrup at butter, egg-fried rice na may bits ng ham at green peas, crispy bacon, toasted bread, at fresh vegetable salad. May kasama ring cucumber juice with honey and lemon para pampalinis ng panlasa.

Kasunod pa nito ang creamy scrambled eggs, sizzling garlic longganisa, at golden hash browns na may kaunting herbs sa ibabaw. May freshly baked croissants at pain au chocolat, pati na rin assorted muffins—blueberry, banana, at chocolate chip. 

Hindi rin pinalampas ang classic champorado with tuyo on the side, at isang basket ng tropical fruits tulad ng mango slices, papaya, watermelon, at pineapple.

“A-Ang dami, Papa…” gulat na tanong ni Czarina.

Napatawa naman ito sa naging reaksyon ng babae. “Kumain ka lang, huwag kang mahiya.”

Sa hapag-kainan ay napag-usapan nila ang tungkol kay Damion. “Hindi po ba sasabay si…” hindi niya kayang ibigkas ang pangalan.

“Ah, si Damion,” wika ng ama. “Hayaan mo na siya. Masyadong abala sa business kaya sa siyudad ito nakatira. Nahihirapan siya sa pabalik-balik. Pero kung gusto mo na makasama siya e pwede ko naman ayusin ang tirahan sa siyudad para magkasama kayong dalawa.”

Biglang nabilaukan si Czarina sa narinig. “Does that mean e live-in? LIVE-IN?!” The thought of living with that demon freaks her out.

Agad na napailing si Czarina. “H-Hindi na po Papa, baka makaabala pa ako sa trabaho niya.”

“Nako, ayos lang naman iyon, Zari,” natatawang wika ni Alejandro. Gusto niya ring magkasundo ang anak at manugang. Kaya kung ipagsasama sila sa iisang bahay ang dahilan para maging malapit sila sa isa’t isa ay gagawin niya.

“Isa pa, ikakasal na rin naman kayo ni Damion. Hindi naman pwedeng magkahiwalay ang mag-asawa hindi ba? Ipaghahanda ko iyon. Sabihan kita kung tapos na ang paghahanda.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   72 - Admit Your Mistakes

    SIERRA HOSPITAL.Pagkarating ni Damion ay saktong nagising na rin si Czarina. Nakita nitong gumalaw si Czarina kaya agad niya itong dinaluhan.Ramdam ni Czarina ang pananakit ng buo nitong katawan at ang hapdi at kirot sa tagiliran niya. “You should lay down, Rina. Hindi pa gumagaling ang sugat mo.”Nang marinig nito ang boses ng lalaki napahinto siya. Doon niya naalala ang nangyari.“O-Okay lang ako…” nahihiyang wika ni Czarina, hindi makatingin kay Damion ng maayos kay Damion.Saglit niya itong binalingan at nakitang maayos naman ang lagay ng lalaki, nakahinga siya ng maluwag.At dahil unti-unti na ring nawawala ang anesthesia, kaya sa bawat galaw niya, hindi niya mapigilang mapakunot ng noo, iniinda ang kirot at hapdi sa sugat niya.Nakita iyon ni Damion kaya agad siyang nag-panic at tumawag ng doktor.Ilang sandali lang ay dumating rin ang doctor at sinabihang maayos ang lagay ni Czarina. Napatitig si Damion kay Czarina, na nakahiga, pero may butil ng pawis ang noo at leeg. Saka

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   71 - The Demon Damion (III)

    “RINA, NO! PLEASE, WAKE UP!”Napapikit ng mga mata si Czarina, may ngiti sa labi at dahan-dahan na inabot ang pisngi ng lalaki. “I-I’m so…”“Don’t speak!” nanginginig na saad ni Damion.“I’m s-sorry… Dam…”Inabot ni Damion ang nanlalamig na kamay ni Czarina na nakadapo sa kanyang pisngi, pero bago niya tuluyang maabot iyon, tuluyan itong bumagsak sa sahig.“No! Don’t do this to me, Rina… Please, wake up!”AT THE HOSPITAL. Hindi mapakali si Damion na palakad-lakad sa harap ng operating room habang naghihintay na mailabas ng mga doktor si Czarina. Dalawang oras ng nakakaraan pero hindi pa rin lumalabas si Czarina, habang ilang beses ng lumalabas ang nurse para kumuha ng dugo.Napasabunot siya sa buhok, napailing, halatang pinipigilan ang sarili na hindi sumugod sa loob.Ang puting polo niya ay may mga bahid pa ng dugo ni Czarina, at sa hitsura niya, para siyang galing sa isang crime scene.“Sir Damion, please kalma lang po muna,” sabi ni Lorenzo, pero hindi siya nakinig. Patuloy lang

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   70 - Mission... Failed?

    MARQUEZ GROUP.Dalawang oras na ang nakalipas pero wala pa rin silang balita kay Czarina. Hindi na maintindihan ni Damion ang nararamdaman niya at sa oras na malaman niya kung sino ang dumakip kay Czarina, hinding-hindi siya magdadalawang isip na saktan ito.Napahawak sa ulo si Damion, hinihilot ang sentido. Praying that Czarina would be safe.Hindi mawala-wala sa isip niya ang umiiyak nitong mukha. He felt guilty. Kung hindi lang siya nagalit rito ay malamang inihatid na nito si Czarina sa kompanya nito.But what Czarina did—deceiving him—is not something he could tolerate. May nararamdaman siya rito, pero hindi sapat iyon para mapatawad niya ito ng basta-basta.Napaangat ng tingin si Damion ng maramdaman niyang may pumasok sa opisina niya. Nakita niya si Lorenzo na pumasok may dalang tablet.“Sir, hindi pa rin po namin nahahanap si Miss Zari. Masyadong maalam ang mga dumakip sa kanya para maitago ng maayos si Miss Zari—”“Do you think that’s the kind of news that I want to hear rig

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   69 - It’s Your Fault

    SA ISANG ABANDONADONG WAREHOUSE.Isang babae ang pumasok sa loob ng warehouse, naka-high heels, ang tunog ng bawat hakbang ay malamig at matalim. Tumigil ito sa harap ni Czarina na nakahandusay sa sahig.“Kailan siya magigising?” tanong ng babae, malamig ang boses at puno ng inis.Tumingin ang kalbo at matabang lalaki sa kanya, saglit na nag-alinlangan bago sumagot. “Malapit na siguro. Medyo malakas lang kasi ‘yong gamot na itinurok ko sa kanya.”“Malapit na siguro?” mariing ulit ng babae, tumaas ang kilay at lumalim ang tono ng boses. “Gaano karami ang binigay mo sa kanya?”Napangiwi ang lalaki sa tono ng babae, halatang nainis, pero nang maalala niyang hindi pa niya natatanggap ang kabuuang bayad, pinigilan niya ang sarili niyang sumagot nang bastos.“Hindi naman sobra,” mariin niyang sagot. “Pero kung gusto mo, pwede kong gisingin ‘yan ngayon.”“Wake her up for me—bilis!” malamig na utos ng babae, punô ng awtoridad at walang pasensya.Halos kumulo ang dugo ng lalaki sa tono nito. N

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   68 - Find Her

    NEWS MEDIA COMPANY.Aligaga si Wendy sa kanyang kinauupuan. Panay ang tingin sa orasan at sa entrada, pero ilang oras na ang nakalipas, hindi pa ring dumadating si Czarina.Alas diyes na ng umaga at dapat nandito na si Czarina. Kaninang alas-otso pa niya ito tinawagan, pero hanggang ngayon ay ni anino ng kaibigan niya ay hindi niya nakita.Kabadong-kabado siyang tinawagan ang cellphone ni Czarina, pero hindi ito sumasagot. Tinawagan niya ulit at wala pa rin.Tatawagan na niya sana sa ika-pangatlong beses ng huminto si Miss Ramilo sa tapat ng lamesa niya. “Wenwen, nasaan na si Zari? Bakit hindi ko pa siya nakikita? Nasa banyo pa rin ba siya?” Namutla si Wendy, hindi na alam kung paano nito ipapaliwanag. Paalam lang nito kanina ay nasa banyo si Czarina, pero dalawang oras na ang nakakaraan, wala pa rin ito.Pilit na napatawa si Wendy. “H-Hindi ko rin ho alam e,” tugon niya at biglang napatayo. “Titignan ko lang sa banyo, baka nakatulog na iyon!”Bago pa makapag-react si Miss Ramilo, ma

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   67 - Kidnap

    “...KUNG MAAARI HUWAG KA NG MAGPAKITA PA SA’KIN.”Napatigalgal si Czarina. Hindi na niya alam kung paano paniniwalain si Damion sa kanya.Ayaw niyang umalis. Hindi siya aalis hangga’t hindi naniniwala si Damion sa kanya. Ayaw niyang magalit ang lalaki sa kanya. Kasi kapag nakikita niya ang mga mata nitong diring-diri sa kanya, parang tinataga ang puso niya.“Bakit hindi ka pa umaalis?” tanong ni Damion, puno ng galit at lamig ang boses at ekspresyon sa mukha. “Do you want to stay here shamelessly?”Seeing the disgust in Damion’s eyes, hindi mapigilan ni Czarina na napaiyak. “Maniniwala ka man o hindi…” nanginginig ang boses ni Czarina habang pilit niyang pinupunasan ang mga luha sa kanyang pisngi. “...pero sinasabi ko, hindi ko plano at sadyang lokohin ka.”Tumawa si Damion, mapait at puno ng panunuya. “You’re a complete liar, Czarina. Bakit mo pa sinasabi lahat ‘to ngayon? What do you want me to do? Gusto mong maawa ako? Gusto mong paniwalaan pa kita?” Itinaas niya ang kilay, ang t

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status