Share

2 - First Night, Fight Fight

Penulis: Verona Ciello
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-05 15:17:36

HINDI alam ni Czarina kung ano ang mararamdaman niya ng gabing iyon. Bago pa siya makita ay agad na itong napabalik sa kanyang kwarto at dahan-dahan na napaupo sa sahig habang yakap ang sarili.

So hindi dahil delayed ang flight niya kaya hindi siya nakadating kundi dahil ayaw niya talagang pumunta? Hindi mapakaniwala si Czarina. 

Nanginig ang mga labi at buong katawan ni Czarina. “Kung ayaw akong pakasalan… Bakit pinipilit pa ni Mr. Marquez ang kasalang ito? Bakit ako pa?”

Sumasakit ang ulo ni Czarina sa kakaisip pero iisa lang ang alam niya. Wala na siyang kawala pa.

Naghintay siya sa kanyang silid sa hindi niya alam na dahilan. Nagbabakasaling darating ang fiance matapos ang isang oras gaya ng utos ni Mr. Marquez sa anak. 

Pero isang oras na ang lumipas, at wala pa ring dumating. She waited another hour, yet the room remained silent—no footsteps, no knock on the door.

“Hindi siya darating, Zari,” mahina niyang bulong sa sarili, pilit na pinapakalma ang tibok ng kanyang puso. She even let out a small laugh, though it sounded hollow in the quiet night. “Ano bang pinag-iisip mo? Imposible namang bigla na lang siyang susulpot dito.”

Pagod at pagkabalisa ang humila sa kanya pababa sa kama. She lay on her back, eyes half-closed, letting the heaviness of sleep slowly claim her. The tension that had knotted her chest throughout the day was finally loosening. Nagbabakasakali na ngayong gabi ay tuluyan siyang makapagpahinga ng maayos.

Ngunit bago pa man siya tuluyang makatulog, biglang may mabigat at malaki na katawan ang dumagan sa ibabaw niya, halos pinipiga ang kanyang hininga.

Nanlaki ang mga mata ni Czarina nang mamulatan ang malamlam na silweta ng isang lalaki sa gitna ng dilim. Ang kanyang mukha ay halos hindi niya makita, ngunit ang mainit na hininga nito ay dumadampi sa kanyang pisngi.

“Ahhhh—!”

But the man pinned her arms over her head and shut her mouth by putting his hand over her mouth.

Nagpumiglas naman si Czarina, pero ayaw tanggalin ng lalaki ang kamay nito kaya wala siyang ibang pagpipilian kundi ang kagatin ang kamay na nakatakip sa kanyang bibig.

“Help!” sigaw niya ng buong lakas, habang dumadain pa ang lalaki sa sakit, ngunit hindi ito umalis sa kanyang harapan. “Sino ka? Hel—”

Agad na natigil ang pagsisigaw ni Czarina nang maramdaman niya ang malambot na labi sa kanyang leeg. 

“Shut up,” mahinang bulong ngg lalaki sa kanya.

Nanginig sa takot si Czarina. Ramdam niya ang mainit na paghinga na dumadampi sa kanyang balat, kasabay ng lalong pagbigat ng presensya nito.

Pero hindi pa rin napapalitan ang ekspresyon sa mukha ni Czarina. 

Gusto niyang mapaismid sa pagpapatahimik sa kanya. “Shut up? Siya nga itong pumasok bigla sa kwarto ko tapos ‘shut up’? Dinaganan pa ako! Anong akala niya? Magaan siya?!” Gusto niyang isigaw iyon sa taong nasa kanyang harapan, pero hindi niya nagawa, lalo na’t ramdam niyang nasa panganib ito. 

Paano hindi? May isang lalaki. May lalaking nakapasok sa kanyang silid. “Paano ito nakapasok dito?” bulong niya. “A-Anong gagawin niya?”

Pinilit niyang hindi ipakita ang kaba, mahigpit na napakuyom ng kamay saka mariing nagsalita. “I’m telling you, I am the future wife of the young master of this family. Kapag may nangyari sa’kin na masama, siguradong mamamatay ka.”

Ang Marquez family ang pinakamakapangyarihan sa buong bansa. Kahit sinong mangahas na kalabanin sila ay may kalalagyan. Kung kaya wala siyang choice kundi gamitin ang pamilya bilang proteksyon sa sarili.

Marahang napatawa ang lalaki na nasa kanyang ibabaw, puno ng panunuya. “Are you that proud of marrying into the Marquez family?”

“A-Ano ba ang kailangan mo?” Kinakabahan niyang tanong. Pilit siyang pumipiglas pero dahil sa laki ng lalaki ay hindi niya magawa.

Inilapit pa lalo ng lalaki ang kanyang mukha habang nakatitig sa kanya. “Kailangan? Hindi ba ito ang gusto mo? You went to so much trouble para lang mapakasal sa’kin. Fine, I’ll grant your wish.”

Tila nawala lahat ng antok ni Czarina nang marinig ang katagang “mapakasal sa’kin.”

That means, this guy was no other than the cold and powerful zillionaire’s heir, ‘Damion Marquez’.

“I-Ikaw si Mr. Damion…” hindi mapakaniwalang saad ni Czarina. Hindi niya maaninag ang mukha ng lalaki dahil sa sobrang dilim ng kanyang silid.

“Sir… Bi-bitawan niyo po ako…” nanlaban si Czarina at gaya ng unang pagsubok na makawala sa lalaki ay hindi iyon nangyari.

Mas lalo lang siyang idiniin ng lalaki. “Bitawan? You’re making a tough request, missy..”

Kaagad na ibinaba ni Damion ang kanyang ulo. Nanigas naman si Czarina. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya na kulang na lang ay lumukso iyon palabas ng kanyang dibdib. Buong akala niya ay hahalikan siya ng lalaki, pero nakaramdaman ito ng sakit sa kanyang labi nang kagatin ito ng lalaki.

“Ugh!” buong lakas na naitulak ni Czarina ang lalaki. “Let go! Let me go!”

Mas lalong napatawa si Damion, tawang puno ng panunuya. “Since you wanted to marry me, then you’ll have to accept everything that comes with it… Or…” aniya sa mababang tono, saka muling inilapit ang mukha sa babae halos magkasalubong na ang tungki ng kanilang mga ilong, ngunit hindi rin maaninag ni Damion ang mukha ng babae.

“...Or leave.”

Napatigil sa pagpupumiglas si Czarina, pikit-matang nilunok ang lahat ng sakit at takot. “No…” buong lakas niyang tugon. “Hindi ako aalis.”

Kailangan niya ng pera. Para sa Lola niya at kahit gaano kahirap, kahit gaano kabigat ang kailangan niyang tiisin, titiisin niya. She can’t ran away. It’s now or never.

Agad na nakaramdam ng galit si Damion sa naging tugon ng babae sa kanya, pero nakuha niya pang ngumisi. “Heh, stubborn, huh? Fine. Then don’t regret it, missy.”

Mabilis siyang hinila pataas mula sa pagkakahiga sa kama at marahas ding itinulak dahilan para matumba ito at tumama ang binti niya sa matigas na gilid ng kama, halos mawalan siya ng hininga sa pagpigil niya ng sakit.

“Disgusting woman.” Napatingin sa kanya si Damion na puno ng galit at pagkasuklam, kahit na hindi nito maaninag ang mukha ng babae sa dilim. “Do you really think I would ever touch you? You’re dirty. And what?” Natawa ito. “You want me to marry you? Dream on.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Mehmet Dasci
türkçe konuşur musun
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   179 - A Suspicion Begins

    HABANG NAGSASAMPAY si Rose, nasaksihan niya ang pagbagsak ni Czarina. Agad niya itong tinulungan at dinala sa loob. Nagising si Czarina, humingi ng tubig, at nang maibigay, nagpasalamat agad. Sinubukan niyang tumayo para umakyat at magpahinga, ngunit nanginginig ang binti at nanginghina pa rin. Nag-alala si Rose at tinulungan siyang makaakyat sa itaas, kitang-kita pa rin ang panghihina niya.“Miss Zari, e kung pupunta na po tayo sa ospital?” Umiling si Czarina. “Hindi na, Rose. Magpapahinga lang ako.”Czarina slept the whole afternoon until night.Sa hapag-kainan, napansin ni Damion ang pagkawala niya. “Where’s Czarina?” tanong niya, may halong pag-aalala.Habang umiinom ng sopas, bahagyang nakaramdam ng guilt si Cassidy kaya mabilis siyang nagsalita, “Baka galit pa siya. Inutusan ko siyang labhan mga damit ko kanina. Kung kaya ko lang sana, ako na. Pero ayun, nagalit ata—ni hindi bumaba para tanghalian.”Naniwala si Damion, pero nang marinig na hindi kumain si Czarina buong araw, ma

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   178 - Maid—?

    “…I BET HE’D LIVE A MISERABLE LIFE… KNOWING YOU’RE HIS MOTHER.”Bawat salita ay parang kutsilyo ay tumatarak sa dibdib ni Cassidy.Namutla ito, nanginginig, halos matumba. Totoo—may ilang gabi na ring sinusundan siya ng imaheng bata sa panaginip, nakatingin sa kanya na parang nanghuhusga.Nang makita iyon ni Czarina, gumaan ang dibdib niya.Pero bago siya makagalaw, napansin ni Cassidy si Damion sa likuran ni Czarina. Mabilis itong nagpakawala ng luha, nanginginig ang boses: “Miss Zari… how could you? Alam mong sobra na ang pinagdadaanan ko… bakit mo ako ginaganito? Ginawa mo talaga on purpose, ’di ba?”Nang lumingon si Czarina—tumama agad ang tingin niya sa malamig, nagtatakang mga mata ni Damion.At doon niya na-realize—nahulog na naman siya sa bitag ni Cassidy.“Cassy, don’t cry,” mahinahon nitong sabi habang hinihimas ang likod nito. “Masama sa mata mo.”Sumubsob si Cassidy sa leeg niya, humahagulgol. “Damion… ayaw talaga akong tigilan ni Miss Zari… Alam niyang wala na ang anak ko

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   177 - Nightmare? Miserable Life?

    “THEN… WILL YOU LET HER TAKE CARE OF ME? BILANG PARUSA SA KANYA?” Nanginginig ang boses ni Cassidy, pero kita ang matinding galit sa mga mata.Natigilan si Damion, in resolved to this issue, he reluctantly agreed on Cassidy’s suggestion. Kahit ayaw dahil alam niyang hindi magkasundo ang dalawa, pero wala na siyang magawa.Pag-uwi ni Damion kinabukasan, nadatnan niyang nakaupo si Czarina sa sofa, tahimik na nakatanaw sa maliwanag na umagang para bang hinahanap ang kapayapaang hindi niya mahanap.Pero agad iyong gumuho nang marinig niya ang malamig na boses sa likuran.Nanigas si Czarina. Dahan-dahan siyang tumingin, hindi makapaniwala. “Anong sabi mo? Damion, hindi ako nag-summa cum laude para maging tagapag-alaga ng tao. At hindi ko gagawin ang gusto niyo—lalo na’t wala akong kasalanan.”Alam niyang ang pag-aalaga kay Cassidy ay parang pag-amin sa kasalanan. At hinding-hindi niya iyon gagawin.Tila wala namang nabago sa ekspresyon ni Damion. “You have no right to refuse. You killed Ca

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   176 - The Blame

    “GINAWA NA NAMIN ANG LAHAT. THE CHILD… CANNOT BE SAVED. PERO LIGTAS ANG INA.”Pagkarinig niyon, walang bakas ng lungkot sa mukha ni Damion—ni pagsisisi. Sa halip, may bahagyang ginhawa, parang ang pagkawala ng bata ay sagabal lang na natanggal sa pagitan niya at Czarina. Nagalit siya sa sarili sa naramdaman niya… pero hindi niya maikakailang hindi siya nagkaroon ng kahit anong pagmamahal sa batang dinadala ni Cassidy.Pagpasok niya sa ward, gising na si Cassidy, tahimik na umiiyak. Nang makita siya, tuluyang ngumawa ito.“Damion… we lost our child… everything’s gone…”Naramdaman ni Damion ang kurot ng awa. Pinahid niya ang luha nito, mahinang bulong, “Don’t cry. You can have another child. Ang importante—ligtas ka.”“My child…” humagulgol si Cassidy, mahigpit na kumapit sa kamay niya, parang nalulunod na naghahanap ng masasandalan.Hindi alam ni Damion kung paano siya patatahanin, kaya pinunasan na lang niya ang luha nito.Then Cassidy’s grief twisted into hatred. “Damion, you must st

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   175 - Cannot Be Saved

    NAKATAYO SI CASSIDY sa balkonahe, tinatanaw ang pag-alis ni Czarina. May ngiti sa kanyang labi—kahit pansamantala, wala na si Czarina. Determinado siyang sulitin ang oras na wala ito para makuha ang pabor ni Alejandro at mapalapit kay Damion.Pero bago pa siya makaisip ng paraan para mapasaya si Alejandro, muling nagsimula ang pagdurugo niya, at mas malala pa kaysa dati. Natakot si Cassidy na baka may mangyari sa bata, pero hindi niya nagawang sabihin kay Damion. Wala na siyang magawa kundi tawagan si Seth.“Seth, ano ang gagawin ko? Nagdurugo ulit ako, mas malala pa kaysa dati. Baka masaktan ang baby…” nanginginig niyang tanong.“Don’t be scared, Cass. The baby will be fine, don’t worry, okay? Papunta na ako sa’yo, hang on…” Kalmadong saad ni Seth, pero ang totoo ay kabadong-kabado ito.Agad na dinala ni Seth si Cassidy sa ospital matapos magpaalam kay Alejandro—na walang pakialam, kaya pumayag agad ito.Nang marating ang ospital, agad na nagpa-check up at kinuha ang results—the chil

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   174 - Heartache

    “SETH, BOOK US TICKETS BACK TO THE CITY. WE’RE GOING HOME.”Napatigil si Cassidy, nanlaki ang mga mata. Pati si Seth, nagulat.Seeing Cassidy’s obvious disappointment, Seth subtly tried to help her. “Damion, bakit hindi ka na lang mag-stay ng ilang araw? Nag-enjoy pa si Cassy. And since nasa bahay na si Zari, she should be fine.”Cassidy clung to Damion’s sleeve, pilit na nagpapakyut. “Damion, please? Stay pa tayo ng konti. I really like it here… hindi pa ako tapos mag-enjoy.”Pero walang gana si Damion sa kahit anong sightseeing. Ang nasa isip lang niya ay makabalik agad.“Cassy, next time na lang tayo ulit lalabas,” malamig pero mahinahon niyang sagot—walang puwang para sa pagtutol.Alam ni Cassidy kung gaano katigas ang desisyon ni Damion. Pero hindi pa rin siya sumusuko. “Damion… three more days. Please? Tatlong araw lang.”“No!” napasigaw si Damion na ikinaatras ni Cassidy—nanginginig sa takot. Kaya naman sa huli ay wala na silang nagawa pa kundi sundin ang kagustuhan ni Damion n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status