LOGINNAKASIMANGOT na pumasok sa trabaho si Czarina. Lugmok ito sa narinig mula sa ama ni Damian.
“Live-In?” agad siyang kinalibutan sa kanyang sinabi, at hinaplos ang magkabilang balikat nang tumaas ang kanyang mga balahibo sa katawan.
“A-Anong gagawin sa iisang bahay? Isang lalaki at isang babae? I know that he hates me, pero…No!” agad niyang inihilig ang ulo para mawala ang mga pinag-iisip nito.
“Hinding mangyayari iyong mga pinag-iisip mo, Zari! Maghunos-dili ka nga!”
She may be young, but she’s not that innocent when it comes to something like this… Intimate moments with couples. Pero hindi naman sila couple. She’s just marrying him for money.
Huminga ng malalim si Czarina at ilang beses na pinagsasampal ang pisngi para magising sa katotohanan—ang katotohanang hinding-hindi mangyayari ang mga pinag-iisip niya.
Inayos niya ang sarili bago lumabas ng banyo. Doon nakita niya ang kanyang boss na si Lena Valle.
Isang intern reporter si Czarina sa isang maliit na news media magazine, pero siniseryoso niya ang kanyang trabaho.
Nang makita siya ni Lena ay agad siyang inutusan na maghanda para isama siya sa isang interview.
“Yes, Chief Nana,” aniya saka kinuha ang notepad at camera bag.
Napansin ni Czarina ang pagiging maasim ng mood ng kanyang boss kaya hindi ito nagtanong pa kung sino ang iinterviehin nila. Basta na lang siya sumama ng walang kaalam-alam sa nangyayari.
NAKARATING sa isang kilalang restaurant ang dalawa. Pero pagpasok nila ay hindi mahagilap ni Lena ang taong iinterviehin.
Kaya naupo muna sila sa isa sa bakanteng lamesa.
Ilang sandali lang ay tumunog ang cellphone ni Lena na nakapatong sa lamesa, at sa pagmamadali ay nasagi niya ang tubig dahilan para matumba ang baso at matapunan ang dalang designer Chanel bag
“Ah! Sht!” mura nito, napasimangot. That bag was brand-new. Nilingon niya si Czarina. “Zari, dahil mo muna ito sa banyo, please wash it gently and let it dry. Sasagutin ko lang ang tawag.”
“Yes, Chief,” magalang na tugon ni Czarina.
Kinuha ni Czarina ang bag na may pag-iingat saka naglakad papasok sa comfort room.
As soon as Czarina left, agad na sinagot ni Lena ang tawag. Bahagyang nagbago ang tono ng pananalita. Nawala na ang lamig at iritado sa boses at napalitan na ng mababang boses at puno ng lambing.
“Kathy, hi, this is Nana,” bati ni Lena. “Nasa restaurant na ako. Nasaan na kayo ni Mr. Marquez?”
“You should come quickly,” Kathy said. “Kakatapos lang kumain ni Mr. Marquez, and I’m about to settle the bill. You have five minutes. If you catch him, seize the opportunity.”
Agad na nakaramdam ng pagka-excitement si Lena. Napatayo ito mula sa pagkakaupo at dumiretso sa private area kung nasaan naroon ang mga private room for VIP guests, iniwan na si Czarina. She wanted to meet this person so bad kaya ito nagmamadali.
NANG matapos nang linisin at patuyuin ni Czarina ang bag ay lumabas na ito ng banyo, pero saktong paglabas niya ay may nabangga itong matigas na bagay.
“Aray,” wika niya sabay hagod sa kanyang noo. “Sorry, hindi ko sinasad—” Napaangat siya ng tingin at nakita niyang napabangga ito sa matigas na dibdib ng isang lalaki.
Lumitaw ang pagka-iritable sa mukha ng lalaki. He’d seen far too many women intentionally throw themselves at him, and now here was another one. His lips curled with disgust.
Pero nang bumaba ang tingin niya sa babae ay bahagya itong nanigas.
“This woman…”
May imahe ang biglang lumitaw sa kanyang isip, kaya naman ay ang malamig na ekspresyon nito ay bahagyang lumambot. He suddenly changed his mind.
Bahagya siyang ngumiti at nagtanong sa mahina at nakakaakit na boses. “Are you okay?”
Agad na napailing ng ulo si Czarina pero agad ring tumango. “O-Oo, pasensya na… Hindi ko sinasadya.”
Napayuko siya agad at napapikit ng mariin dahil sa pagiging utal-utal nito sa harap ng lalaki.
Sino ba naman hindi? Aba! Nakatagpo siya ng napakagwapong nilalang!
Dumadagundong na ang puso ni Czarina sa kanyang dibdib tila gustong tumalon para mapunta ito sa lalaki ng sa gayon ay ipaalam kung gaano kabilis ng kanyang tibok ng puso.
“Ang gwapo!” bulong ni Czarina sa sarili. Muli itong nag-angat ng tingin sa lalaki.
Para itong lalaking nakikita niya sa mga Italian movies. Mestizo, matangos ang ilong, matalim ang panga at ang mga mata niyang bronse na parang walang hangganan ay may halong panganib at misteryoso. Mahahaba at makakapal ang pilit-mata at makapal ang kilay. May bahagyang kurba ang gilid ng labi niya na lalong nagdagdag ng awrang tila hirap maabot.
Naka-black custom-made suit siya, perpektong naka-akma sa broad shoulders at makitid na baywang. Matangkad at matipuno ang pangangatawan. Kahit nakatayo lang siya, ramdam agad ang matinding presensya—a presence that hard not to notice.
Uminit ang pisngi ni Czarina. Sa dalawampu’t apat na taon ng buhay niya, ngayon lang siya nakakita ng ganito ka kagwapong lalaki. Ayaw na niyang kumurap, dahil baka may ma-miss itong detalye.
Agad na inihilig ni Czarina ang ulo.
“May fiance ka na, Zari! Huwag kang mag-landi, ano ba!” wika sa sarili. “Ano bang nangyayari sa’kin? Bawal kang ma-tempt. Handsome guys are dangerous! Tandaan mo ‘yan, Zari!”
Pinilit niyang ikumpirmi ang sarili. Umubo siya ng dalawang beses, itinuwid ang likod at nagpanggap na kalmado. “I was just… distracted kanina. Sorry kung hindi kita napansin.”
Naningkit ang mga mata ni Damion habang pinagmamasdan niya ang namumulang pisngi ng babae. Bahagya siyang ngumiti. He haven’t felt this kind of curiosity for so long.
“Interesting,” aniya sa kanyang isip. “This little woman is far more amusing than I expected.”
Sa kakaikot ni Lena ay napatigil ito sa harap ni Damion at nang makita ang lalaki ay napatigil ito. Matagal na siyang nakakarinig na gwapo nga ang lalaki, pero hindi niya inaasahan na ganito ka grabe.
Agad siyang ngumiti ng nakakaakit. “Hello, Mr. Marquez, I am Lena, editor-in-chief of Insight Daily. May I trouble you for a moment? We’d like to request an exclusive interview.”
Isang malamig na tinig ang tumugon sa babae. “Don’t you know? I never accept interviews.”
Nanigas ang ngiti ni Lena nang agad siyang ma-reject. Pero ang katabi nitong si Czarina ay parang binuhusan ng malamig na tubig.
Hindi siya mapakaniwala sa narinig. Tinawag ni Lena ang lalaki ng Mr. Marquez?
Bumilis ang tibok ng puso niya. “Could it be this man…”
“Hindi!” aniya sa isip niya. “This guy cannot be Damion Marquez! Isa pa maraming Marquez sa buong mundo. Hindi siya iyon. Hindi pwedeng fiance ko ay… siya… right?”
“Mr. Marquez, baka pwede niyo pong i-reconsider? Please?” pagmamakaawa ni Lena.
Bago pa makasagot si Damion ay sumingit na si Czarina sa pagitan nilang dalawa.
“Chief, heto na po ang bag niyo,” malumanay na saad ni Czarina.
Wala sa sariling kinuha ni Lena ang bag, halatang inis sa hindi pagpansin sa kanya ni Damion.
Pinanood lang sila ni Damion, bahagyang nagniningning ang mga mata. Napagtanto niyang itong maliit na babae ay kasama rin pala sa magazine. Napangiti siya at biglang may naisip na plano.
“My rules cannot be changed,” singit niya sa dalawang babae. Matigas ang boses na may halong lamig saka itinuro si Czarina. “Unless… kung siya ang mag-iinterview sa’kin.”
Napaturo si Czarina sa sarili, nanlalaki ang mga mata. “A-Ako?” hindi mapakaniwala niyang saad. “Ako ang mag-iinterview sa’yo?!”
HABANG NAGSASAMPAY si Rose, nasaksihan niya ang pagbagsak ni Czarina. Agad niya itong tinulungan at dinala sa loob. Nagising si Czarina, humingi ng tubig, at nang maibigay, nagpasalamat agad. Sinubukan niyang tumayo para umakyat at magpahinga, ngunit nanginginig ang binti at nanginghina pa rin. Nag-alala si Rose at tinulungan siyang makaakyat sa itaas, kitang-kita pa rin ang panghihina niya.“Miss Zari, e kung pupunta na po tayo sa ospital?” Umiling si Czarina. “Hindi na, Rose. Magpapahinga lang ako.”Czarina slept the whole afternoon until night.Sa hapag-kainan, napansin ni Damion ang pagkawala niya. “Where’s Czarina?” tanong niya, may halong pag-aalala.Habang umiinom ng sopas, bahagyang nakaramdam ng guilt si Cassidy kaya mabilis siyang nagsalita, “Baka galit pa siya. Inutusan ko siyang labhan mga damit ko kanina. Kung kaya ko lang sana, ako na. Pero ayun, nagalit ata—ni hindi bumaba para tanghalian.”Naniwala si Damion, pero nang marinig na hindi kumain si Czarina buong araw, ma
“…I BET HE’D LIVE A MISERABLE LIFE… KNOWING YOU’RE HIS MOTHER.”Bawat salita ay parang kutsilyo ay tumatarak sa dibdib ni Cassidy.Namutla ito, nanginginig, halos matumba. Totoo—may ilang gabi na ring sinusundan siya ng imaheng bata sa panaginip, nakatingin sa kanya na parang nanghuhusga.Nang makita iyon ni Czarina, gumaan ang dibdib niya.Pero bago siya makagalaw, napansin ni Cassidy si Damion sa likuran ni Czarina. Mabilis itong nagpakawala ng luha, nanginginig ang boses: “Miss Zari… how could you? Alam mong sobra na ang pinagdadaanan ko… bakit mo ako ginaganito? Ginawa mo talaga on purpose, ’di ba?”Nang lumingon si Czarina—tumama agad ang tingin niya sa malamig, nagtatakang mga mata ni Damion.At doon niya na-realize—nahulog na naman siya sa bitag ni Cassidy.“Cassy, don’t cry,” mahinahon nitong sabi habang hinihimas ang likod nito. “Masama sa mata mo.”Sumubsob si Cassidy sa leeg niya, humahagulgol. “Damion… ayaw talaga akong tigilan ni Miss Zari… Alam niyang wala na ang anak ko
“THEN… WILL YOU LET HER TAKE CARE OF ME? BILANG PARUSA SA KANYA?” Nanginginig ang boses ni Cassidy, pero kita ang matinding galit sa mga mata.Natigilan si Damion, in resolved to this issue, he reluctantly agreed on Cassidy’s suggestion. Kahit ayaw dahil alam niyang hindi magkasundo ang dalawa, pero wala na siyang magawa.Pag-uwi ni Damion kinabukasan, nadatnan niyang nakaupo si Czarina sa sofa, tahimik na nakatanaw sa maliwanag na umagang para bang hinahanap ang kapayapaang hindi niya mahanap.Pero agad iyong gumuho nang marinig niya ang malamig na boses sa likuran.Nanigas si Czarina. Dahan-dahan siyang tumingin, hindi makapaniwala. “Anong sabi mo? Damion, hindi ako nag-summa cum laude para maging tagapag-alaga ng tao. At hindi ko gagawin ang gusto niyo—lalo na’t wala akong kasalanan.”Alam niyang ang pag-aalaga kay Cassidy ay parang pag-amin sa kasalanan. At hinding-hindi niya iyon gagawin.Tila wala namang nabago sa ekspresyon ni Damion. “You have no right to refuse. You killed Ca
“GINAWA NA NAMIN ANG LAHAT. THE CHILD… CANNOT BE SAVED. PERO LIGTAS ANG INA.”Pagkarinig niyon, walang bakas ng lungkot sa mukha ni Damion—ni pagsisisi. Sa halip, may bahagyang ginhawa, parang ang pagkawala ng bata ay sagabal lang na natanggal sa pagitan niya at Czarina. Nagalit siya sa sarili sa naramdaman niya… pero hindi niya maikakailang hindi siya nagkaroon ng kahit anong pagmamahal sa batang dinadala ni Cassidy.Pagpasok niya sa ward, gising na si Cassidy, tahimik na umiiyak. Nang makita siya, tuluyang ngumawa ito.“Damion… we lost our child… everything’s gone…”Naramdaman ni Damion ang kurot ng awa. Pinahid niya ang luha nito, mahinang bulong, “Don’t cry. You can have another child. Ang importante—ligtas ka.”“My child…” humagulgol si Cassidy, mahigpit na kumapit sa kamay niya, parang nalulunod na naghahanap ng masasandalan.Hindi alam ni Damion kung paano siya patatahanin, kaya pinunasan na lang niya ang luha nito.Then Cassidy’s grief twisted into hatred. “Damion, you must st
NAKATAYO SI CASSIDY sa balkonahe, tinatanaw ang pag-alis ni Czarina. May ngiti sa kanyang labi—kahit pansamantala, wala na si Czarina. Determinado siyang sulitin ang oras na wala ito para makuha ang pabor ni Alejandro at mapalapit kay Damion.Pero bago pa siya makaisip ng paraan para mapasaya si Alejandro, muling nagsimula ang pagdurugo niya, at mas malala pa kaysa dati. Natakot si Cassidy na baka may mangyari sa bata, pero hindi niya nagawang sabihin kay Damion. Wala na siyang magawa kundi tawagan si Seth.“Seth, ano ang gagawin ko? Nagdurugo ulit ako, mas malala pa kaysa dati. Baka masaktan ang baby…” nanginginig niyang tanong.“Don’t be scared, Cass. The baby will be fine, don’t worry, okay? Papunta na ako sa’yo, hang on…” Kalmadong saad ni Seth, pero ang totoo ay kabadong-kabado ito.Agad na dinala ni Seth si Cassidy sa ospital matapos magpaalam kay Alejandro—na walang pakialam, kaya pumayag agad ito.Nang marating ang ospital, agad na nagpa-check up at kinuha ang results—the chil
“SETH, BOOK US TICKETS BACK TO THE CITY. WE’RE GOING HOME.”Napatigil si Cassidy, nanlaki ang mga mata. Pati si Seth, nagulat.Seeing Cassidy’s obvious disappointment, Seth subtly tried to help her. “Damion, bakit hindi ka na lang mag-stay ng ilang araw? Nag-enjoy pa si Cassy. And since nasa bahay na si Zari, she should be fine.”Cassidy clung to Damion’s sleeve, pilit na nagpapakyut. “Damion, please? Stay pa tayo ng konti. I really like it here… hindi pa ako tapos mag-enjoy.”Pero walang gana si Damion sa kahit anong sightseeing. Ang nasa isip lang niya ay makabalik agad.“Cassy, next time na lang tayo ulit lalabas,” malamig pero mahinahon niyang sagot—walang puwang para sa pagtutol.Alam ni Cassidy kung gaano katigas ang desisyon ni Damion. Pero hindi pa rin siya sumusuko. “Damion… three more days. Please? Tatlong araw lang.”“No!” napasigaw si Damion na ikinaatras ni Cassidy—nanginginig sa takot. Kaya naman sa huli ay wala na silang nagawa pa kundi sundin ang kagustuhan ni Damion n







