Share

06

NANG makapasok siya sa field ay napabuntong-hininga na lang ako. Gusto kong mag-stay pa rito mamaya kapag natapos namin ang report.

"Ate, p'wede kumuha?" Tanong ni Rasher sa akin.

"Oo naman, kuha ka lang." Inilapit ko ang plato na may laman na biscuits and sandwiches. Kinuha naman ni Fraysia ang mga baso upang mag-salin ng orange juice para sa amin.

"Salamat po!" Excited na usal niya at agad na nilantakan ang egg sandwich. Ngumiti lang ako sa at muling nagtipa.

"Ang sweet niyo naman ng mommy mo, Natasha," Komento ni Trinity. Ngumiti lang din ako sa kanya. "Pero, hindi mo siya kamukha, 'tsaka si sir Ryder, hindi mo rin kamukha. Pero hawig kayo ng mata. May picture ka ba no'ng totoo mong nanay?"

Isa sa dahilan kung bakit wala akong kaibigan dahil isa akong anak sa labas ng mga Arden, anak sa pagkakamali. Simula noong nalaman ng buong Sabtang na anak ako sa labas, wala nang lumalapit sa akin. Usap usapan palagi ito ng buong Sabtang. Na hindi ko alam na big deal ito sa kanila.

Hindi ko sinagot si Trinity dahil na-offend ako sa kanyang sinabi. Alam kong hindi dapat ako ma-offend dahil nagtatanong lang naman siya.

Kahit nakaka-offend ang sinabi ni Trinity ay ngumiti lamang ako at sumagot siya, "wala akong picture ni mama."

Wala akong mga picture niya, but I remember every shape or form of her face and I also remember the sound of her voice kahit bata pa ako noon. 

Hugis bilog ang kanyang itim na mga mata. Ang ilong naman nito ay maliit ngunit matangos na nakuha ko rin, at ang labi naman nito ay shape heart na mapupula na mas lalong nagpapaganda sa kanya. She has a thick and straight black hair na hindi ko nakuha sa kanya. Kay papa ko nakuha ang buhok niyang kulot. Maputi si Mama na 'yon din ang nakuha ko, ang nakuha ko lang kay papa ay 'yung tangkas, kulay ng mata, at buhok.

"Pero drinowing ko siya," dagdag ko.

"P'wede patingin?" Excited na tanong niya.

Natawa ako. "Hindi ko dala pero titigan mo lang ako, makikita mo na si mama."

"Kamukha mo siya?"

Tumango ako. "Oo."

"Wow! Maganda siguro mama mo 'no? Ganda ba naman ng bunga."

Bakit may siguro? Eh, maganda naman talaga si mama.

Tumawa lang ako at kinuha ang aking baso na may lamang juice na isinalin ni Fraysia para sa akin. Ininom ko ito at muling binaling ang atensyon sa report namin.

Isang sentence na lang matatapos ko na ngunit noong muli akong nag tipa ay iyon na naman ang boses nung lalaki kanina. Mabilis agad akong nag-angat ng tingin sa kanya. Nagtama ang mata namin, nakita ko ang matalim niyang mga titig sa akin bago bumaling sa kanyang kapatid.

"Baki, kuya?"

"Umuwi ka na. Nakauwi na rin si mama," seryosong saad niya.

Pinasadahan ko siya ng tingin sa kabuuan ng katawan niya. Navy blue na ngayon ang suot niyang longsleeve at itim na jeans pero nababalot ng mga putik ang kanyang katawan, lalo na ang paa nito. Hindi ko alam kung ano ang trabaho niya pero satingin ko ay magsasaka siya.

"Pero, kuya, hindi pa tapos 'tong assignment ko," reklamo naman ng kanyang kapatid.

"Tutulungan kita."

"Mauna ka na lang, kuya. Mamaya na lang ako uuwi," saad ni Rasher at muling kumuha ng sandwich. "At saka sabi mo kanina, hindi mo ako tutulungan—"

"Wala akong sinabing ganiyan. Umuwi ka na." Bakas ang boses no'ng Axis ang pagka-irita at pagka-inip.

Padabog na tumayo si Rasher at kinuha ang gamit niya 'tsaka agad na tumalikod at akmang aalis na ngunit humarap muli siya sa akin upang ubusin ang juice niya at saka tuluyan nang umalis. Malalim na bumuntong hininga si Axis at saka rin sumunod sa kapatid na noo'y nakabusangot na naglalakad habang ang tinapay ay nasa bunganga.

"Mabuti naman," usal ni Fraysia sa aking katabi. "Wala nang maingay.m, makakapag-focus na ako."

Pinagmasdan ko silang magkapatid. Ngunit paglingon ko ay nakita kong lumiko sila sa kanan at naharangan sila ng mga bahayan.

Muli ko na lang tinuon ng pansin ang ginagawa ko para matapos na rin. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako kuryosidad bigla sa kanila. Mukha naman silang mayaman pero… bakit kaya sila umalis ng Maynila?

Matapos naming gumawa ng report ay umuwi agad kami ni Fraysia. Si Trinity ay umuwi na rin bitbit ang ginawa kong notes upang i-review iyon. Ako naman ay mag-rereview na lang ako sa PowerPoint na ginawa namin.

Narito kami ngayon ni Fraysia sa kwarto ko, nagdradrawing ng dream house nila, iyon ang assignment niya sa Arts. May alam ako sa Arts, lalo na sa pagpipinta at pagguhit. Ngunit hindi ko gaano galingan sa assignment niya dahil baka mag-taka ang kanyang guro at baka isali pa siya sa pa-contest.

"Ate," tawag niya sa akin habang nakaupo siya sa aking kama.

Ako naman ay nasa table desk, ginagawa ang assignment niya.

"Hmm?" Ungot ko at kinuha ang pulang crayola para sa rosas na nakapaligid sa kanyang bahay.

"Ang gwapo ni kuya Axis 'no?" Biglaang tanong niya. 

Halos nabilaukan ako sa sarili kong laway noong bigla niyang sinabi 'yon. Agad ko siyang nilingon na may masama ang tingin.

"Ano bang pinagsasabi mo, Fray?"

"Eh, kasi Ate, nagtataka lang ako. Si kuya Axis, gwapo, samantalang si Rasher ang pangit, mukhang shokoy," iritang usal niya na ikinatawa ko.

"Gwapo naman si Rasher, ah. Hindi mo ba nakikita?" Tanong ko at muling nilingon ang ginuguhit.

"Sige na nga. Gwapo na siya pero kasi, ate, lagi niya akong inaasar sa room. Halos araw-araw inaasar niya ako." Hindi ko makita ang reaction niya pero alam kong nakanguso 'to.

Napangiti ako. "Alam ko na ang ganyang galawan, Fray."

"Anong galawan po?" Takang tanong niya.

"May gusto siya sa 'yo."

"Ate naman!" Agap niya dahil sa kanyang narinig mula sa akin.

"Kilig ka naman?" Nakangising baling ko sa kanya, nang-aasar.

"IYon? May gusto sa akin?" Tinuro ang pintuan na tila naro'n siya. "Eh, palagi niya nga po akong inaasar!" Inis siyang humalukipkip.

"Kasi nga, sa gano'ng paraan niya ipinapakita ang nararamdaman niya sa'yo," sagot ko at kinuha ang brown na kulay para sa puno. "Nagpapapansin siya sa'yo."

Bigla ay wala akong natanggap na sagot kaya nilingon ko siya.

"Oh? Natahimik ka?"

"Totoo ba 'yan, ate?"

"Oo naman. Subukan mong 'wag siyang pansinin bukas, iwasan mo siya. Makikita mo na tatahimik 'yan at titigil sa pag-papansin sa'yo."

"Sure ka ba ate na may gusto talaga siya sa akin?" 

"Oo nga," giit ko. "Minsan ba nahuhuli mo ba siyang tinitignan ka nya?"

Agap siyang umiwas ng tingin dahil sa sinabi ko. "O-opo."

"Oh, 'di ba? Gano'n 'yon, tapos iiwas agad siya ng tingin 'no?"

"Ako po 'yung umiiwas ng tingin," Nakangusong usal niya.

"Naku! Patay tayo riyan—"

"Pero wala po akong gusto sa kanya!" Agap niya noong inasar ko siya. "Naiilang lang po talaga ako sa mga titig niya."

"Sus!"

"Oo nga po—"

Hindi natuloy ang sasabihin ni Fraysia noong bumukas ang pinto. Agaran siyang umalis sa aking kama noong makitang si mommy 'yon.

"S-sorry, Madam." Paumanhin ni Fraysia noong makitang nakatitig si mommy sa kanya.

Tinaas ni mommy ang isang kilay kay Fraysia na makikita ang takot niya.

"Mommy," agad ko siyang tinawag.

"Hindi pa ba kayo tapos?"

"Isang kulay na lang po mommy," saad ko ngunit agad na inagaw ni Fraysia ang kulay berde na hawak ko.

"Ay, ate! Ako na lang po," sabat naman ni Fraysia at agad na kinuha rin ang bond paper. "Ako na lang po tatapos, ate."

Ngumiti ako sa kanya at umiling. "Ako na. Isang kulay na lang naman na."

'Tsaka ko kinuha ang crayola. Naramdaman ko sa gilid ng aking mata ang panginginig ni Fraysia kaya mabilis ko itong tinapos at binigay sa kanya.

"S-salamat, ate."

"Walang anuman. Gusto mo bang sumabay mag-hapunan sa amin?" Tanong ko sa kanya na nakitaan ko naman na mabilis siyang tumingin kay Mommy noong sinabi ko 'yon at muli siyang nagbaba ng tingin sa akin.

"H-h'wag na po! Hinahanap na rin yata ako ni mama," agap niya. "Mauuna na po ako. Salamat po sa pag-drawing. Good night, ate. M-mauuna na po ako, Madam."

Hindi na niya hinihintay pa ang sagot ko, agad na siyang lumabas ng aking kwarto. Nag-angat ako ng tingin kay mommy na noo'y pinanood muna si Fraysia na lumabas bago bumaling sa akin.

Ngumiti siya't lumapit siya sa akin at hinaplos niya ang aking buhok at ngumiti.

"Let's eat?" 

Bumuntong-hininga ako at pilit na ngumiti kay mommy at saka kami sabay na bumaba. Hawak niya ang aking balikat habang papunta sa kusina, tila ba may surprise ito dahil hawak niya ang aking balikat.

"Bakit po?" Hindi ko na maiwasang magtanong.

"Well..."

Naputol ang sasabihin ni mommy no'ng may sigaw ang aking narinig. Agad akong lumingon sa aking likod.

"Surprise!"

Gano'n na lang ang gulat ko no'ng makitang narito si kuya Thunder at ang pamilya niya, kasama si lola. Wala si kuya Cloud at lolo.

"Lola!" Agad ko siyang sinalubong ng yakap sa kaniya. "Lola, na-miss ko po kayo!"

Naramdaman ko ang kanyang haplos sa aking buhok. "Ako rin apo. Pasensya na at ngayon lang ako nakadalaw."

Nag-angat ako ng tingin kay Lola. "Ayos lang po. Naiintindihan ko naman."

Hindi siya sumagot bagkus muli niya akong niyakap. Tumugon din ako sa yakap niya. Napatingin ako kina kuya Thunder at ate Sarah na nakangiti sa akin.

Kumalas si Lola sa pagkakayakap sa akin upang yakapin ko rin si Kuya at ate Sarah, ang kanyang asawa.

"Ang liit ng baywang mo. Nag-dadiet ka ba?" Tanong ni ate Sarah sa akin.

"Opo. Sabi ni mommy, eh." Bumaling ako kay mommy.

"For her future naman." Nakangiting tugon rin ni Mommy.

Nagbaba naman ako ng tingin kay Rain, pamangkin ko, na noo'y may hawak na ice cream. Satingin ko ay magkasing edad lang sila ni Rasher. Halos nakuha niya lahat kay kuya, kutis lang yata ni ate Sarah ang nakuha niya.

"Ate, you want ice cream?" Sa bawat bisita nila rito ay 'yan palagi ang tanong na bumungad sa akin.

Natawa ako at ginulo ang buhok. "Ang laki mo na. May crush ka na siguro 'no?" Pang-aasar ko.

"I have no crush, ate." Mabilis niyang tanggi.

"'Di nga?"

"Opo." Ngayon ay ngumuso siya't nag-iwas ng tingin. Natawa na lang ako at ginulo muli ang buhok.

Bumaling muli ako kay Lola at muli siyang niyakap bago kami magtungo sa kusina upang kumain.

"Si papa po pala?" Tanong ko kay mommy habang nagsasalin ako ng pagkain.

Ngayong oras ay nandito na si papa.

"I'm here!" Isang baritonong boses ang aming narinig.

"Lolo dad!" Agad na tumayo si Rain upang yakapin si papa.

"Akala ko ba bukas pa kayo darating?" Gulat na tanong ni papa sa kanila habang yakap ang apo.

"Nag-pumilit si Rain, eh," Si ate Sarah ang sumagot.

"Oh! Really?" Tanong ni papa kay Rain. "Because of me?"

"Because of the ocean, Lolo dad," Excited na saad naman ni Rain sa kanya dahilan upang matawa ang lahat.

"Ikaw talaga." Ginulo naman niya ang buhok ni Rain saka ito lumapit kay Lola at nakipag-besohan. "Where's Cloud?"

"He's not coming. He needs to focus on his studies dahil graduating na ang anak mo," Si mommy ang sumagot.

Tumango-tango naman si papa at lumapit sa akin upang halikan ang noo at naupo sa gitna.

"How about the business, Thunder?"

Hanggang sa nag-usap-usap na sila tungkol sa mga business namin. Ang totoo niyan, business is not really my thing. Ayoko ang kurso na kinuha ko. Si mommy ang may gusto na business ang kunin kong kurso.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status