Share

10

NAIWAN akong nakatitig sa kanyang likuran at hindi makapaniwala sa kanyang binitawang salita. Nakaramdam ako ng hiya dahil pinahiya niya ako sa maraming tao na nanonood sa amin, pinagtatawanan nila ako. Naramdaman ko na lang ang pag-init ng aking pisngi dahil sa hiya.

"Natasha—"

Mabilis akong tumalikod at agad nang bumalik sa kotse. Ang pisngi ko ay nag-init nang sobra.

Wala siyang karapatan na sabihin 'yon lahat sa akin dahil wala siya sa aking p'westo. Kung alam niya lang kung gaano ko kaayaw na may sumusundo at hatid sa akin.

Narinig kong tinanong ako ni Fraysia ngunit agad na pina-tahimik siya ni kuya Franco.

Mabilis na nangilid ang aking luha ngunit mabilis ko rin itong pinigilan. Kung alam niya lang kung gaano ako nasasakal sa kamay ng Mommy ko, na pati ang kurso ko ay dapat siya rin ang magdedesisyon.

"How about you, anak?" Tanong ni Papa sa akin habang nag-aalmusal kami. "Malapit ka na grumaduate ng high school. Anong balak mong course? Kailangan ay dapat may naisip ka na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status