Share

07

ANG pangarap ko ay maging pintor. Ngunit noong sinabi ko sa kanya na gusto kong maging pintor, ang sabi niya na wala akong patutunguhan sa pagpipinta. Ayaw ko rin ma-disappoint siya kaya kinuha ko ang kursong gusto niya para sa akin.

Napa-buntong-hininga ako at pilit na h'wag makinig sa kanila. Hanggang sa natapos ang kaming kumain. Napag-desisyunan kong mag-shower na para matulog. Maaga akong magigising bukas para may time pa ako mag-review ng report namin.

Nalaman ko kanina na tatlong araw lang sila rito dahil may pasok pa si Rain. Nagpunta sila kuya rito para bisitahin ang ibang lupa namin pero nang narinig ito ni Rain ay gusto niya ring sumama para lang sa dagat.

Binagsak ko ang aking sarili sa malambot kong kama. Tumingin ako sa drawing ni mama na ginuhit ko noong natuto akong gumuhit. Ginawa ko itong frame dahil wala talaga akong picture niya.

Hinayaan kong tumulo ang aking luha. It's been 16 years and yet I still miss you every single day and wishing that you are here to guide me, and the pain is still here. Sariwa pa rin ang sakit simula noong naintindihan ko ang lahat. Ano kaya ang mangyayari kapag hindi nawala si mama? Mahahanap din kaya kami ni papa? Mararanasan ko pa rin ba ang mga bagay na hindi ko naranasan noon?

Pilit akong binabagabag sa mga tanong na 'yan. Taon na ang lumipas ngunit 'yan pa rin ang mga katanungan ko sa sarili.

Niyakap ko nang mahigpit ang frame at hinayaang balutin ako ng antok.

Ngunit sa alas tres pa lang ng umaga ay nagising ako sa hindi alam na rason. Nagising ako na wala ang frame sa aking tabi. Napagtanto ko na naka-patong ito sa bedside table ko. Siguro'y si mommy ang nag-ayos.

Bumangon ako at nagtungo sa banyo upang maghilamos, 'tsaka ako nagtungo sa balkonahe ko at magpahangin muna. Ito ang palagi kong ginagawa kapag hindi pa ako dinadalaw ng antok kaya't palagi akong late sa klase.

Nag-angat ako ng tingin sa mga bituin na kumikislap, kasabay ng buwan na nagbibigay liwanag sa lahat.

Muli ay tumulo ang aking luha, si mama ang dahilan. Ngumiti ako ng mapakla sa kalangitan na animo'y naro'n si mama.

"I miss you, Mama," bulong ko habang nakatingin sa buwan. "How have you been? Were you doing good there? Are you having a good rest? Was it fun? If it does, then continue having fun, okay? Don't mind me here. You raise a strong woman. I wouldn't let this lose me. Be happy there though I know you already found your happiness.True happiness to be precise. I love you, mama."

Gasgas ang bawat salitang binibitawan ko. I burst out crying. Remembering my mother is easy, I do it everyday but missing her is the most heartache that never goes away.

Kahit na sa apat na taon kong nakasama si mama na hindi niya pinaramdam ang pagmamahal sa akin ay mahal na mahal ko pa rin siya. Masakit sa puso dahil wala na siya sa aking tabi.

Mabilis kong pinunasan ang aking luha at malalim na bumuga ng hangin. Akma akong tatayo na sana ngunit napatingin ako sa dalampasigan dahil may boses ng mga lalaki ang aking narinig.

Gano'n na lang ang panlalaki ng aking mata noong nakita ko ang pamilyar na matipunong katawan na nakatingin sa gawi ko. Kahit na malayo siya sa akin ay nakita kong madilim ang mata niyang nakatitig sa akin.

Kanina pa ba siya nakatingin sa akin? He saw me crying!

Napalunok ako. Nakita ko naman na tinawag siya nung kasama niyang nga lalaki na para bang tinatanong kung ano ang tinitignan niya at saka sila lumingon sa gawi ko dahilan upang mabilis akong tumayo at pumasok sa kwarto.

Ngunit sa katangahan ko ay nauntog ako sa nakasaradong sliding door ko. Dahilan din niyon upang marinig ko ang tawanan mula sa dalampasigan. Maraming tawa kaya satingin ko ay nakita ako nung mga kasamahan niya na!

Dali-dali kong binuksan ang sliding door at mabilis na pumasok sa loob at saka ito sinarado muli. Inis akong napakamot ako sa aking noo.

Sinilip ko sila ngunit muli na naman akong nauntog pagkasilip ko. Dahil sa inis ay tinadyakan ko ang sliding door.

Nakakahiya! Ano na lang ang sabihin nila kapag nakita nila ako bukas? Baka pagtawanan nila ako, lalo na 'yung si Axis na 'yon.

Lumapit ako sa bintana. Nakita kong tatawa-tawa ang mga kasamahan niya habang tinutulak ang bangka sa dagat. Bumaling ako sa kanya na nakatingin sa aking kwarto kaya agaran kong pinatay ang ilaw ko 'tsaka siya muling sinilip.

He's not smiling or laughing. Nakita ko ang pagtaas at pagbaba ng kanyang balikat na satingin ko ay bumuntong-hininga siya. At saka niya hinarap ang kasamahan.

May sinabi siya ro'n dahilan upang matigil sila sa pagtawa.

Hindi ko na gaano sila maaninag noong sumakay siya sa bangka. Mangingisda ba siya?

Tumambad ang mukha ni Fraysia noong lumabas ako ng banyo. Nakaupo ito sa sofa habang hawak ang libro ko. Naka-school uniform na siya, suot ang bag at I.D niya.

"Fray, kumain ka na?" Tanong ko sa habang nagpupunas ako ng aking buhok.

Agad niya akong nilingon noong narinig ang kanyang pangalan. "Hindi pa po ate, eh. Hindi kasi nakaluto si mama ng pagkain dahil naubusan kami ng bigas."

"Sige. Magbibihis lang ako at sabay na tayong bumaba," Sabi ko at agad nang pumasok sa aking walk-in closet.

Nang matapos ay nakita kong nakanguso pa rin siya habang nakatingin sa aking libro.

"Ate, nakakahiya," saad niya nang makita ako. "Nando'n ang kuya mo at baka magalit pa si Madam sa akin."

"Hindi siya magagalit dahil sinabi ko," usal ko habang nagsusuklay ng aking buhok. Nilingon ko siya mula sa salamin. "Kay sa naman sa pumasok ka nang gutom."

"Gagamitin ko na lang po ipon ko—"

"Hindi!" Mabilis kong tanggi. "'Di ba sabi ko sa 'yo h'wag mo munang gagamitin ang mga ipon mo?"

"Pero kasi, Ate…" Mas lalong humaba ang nguso niya.

"Magsabi ka lang sa akin kung ano ang kailangan mo. Ibibigay ko 'yon. Okay? Basta h'wag mo munang gagalawin 'yang ipon mo." Seryoso ako ngunit naro'n ang kalmadong boses.

Pinaparangalan ko siya para sa kanyang kinabukasan. Naniniwala ako na may pag-gagamitan siya sa perang iniipon niya.

"Sige po, ate," mahinang usal niya.

Ngumiti ako at hinaplos ang kanyang buhok.

"Bakit hindi ka nakatali? Ngayon lang kita nakitang hindi nagtali ng buhok."

"Baka asarin na naman po ako ni Rasher, eh." Umirap siya na para bang narito si Rasher. 

"Sige, hindi na rin ako magtatali ng buhok," nakangiting usal ko at muling sinuklay ang buhok.

Hawak ko ang kamay ni Fraysia habang pababa kami ng hagdanan. Habang pababa kami ay nakita namin si Rain na may nakasabit na headset sa kanyang leeg at may hawak na cellphone habang busy ang mata niya ro'n. Akma siyang aakyat ngunit napatingin siya sa amin.

"Good morning," bati ko sa kanya.

"Good morning," bati rin niya sa akin ngunit ang paningin ay na kay Fraysia.

Napangisi ako.

"Sa akin ka bumati pero kay Fraysia ang paningin mo."

Ngumiwi siya. "Hindi naman po talaga ikaw ang binati ko. Siya." Tinuro niya ang babaeng nagtatago sa aking likod.

Napaawang ang aking bibig dahil sa sinabi. "Oh? Magkakilala na agad kayo?"

"Yes, ate. We bump into each other last night because she's running, and I don't know na katulong mo pala siya, Ate. Are you abusing a child?"

Nagulat ako sa huli niyang sinabi. Siya man ay nagtataka.

"Hoy, ano ka ba! Hindi 'no!" Mabilis kong tanggi. "Ano ka ba! Tinutulungan ko lang siya! Boang ka, kung ano ang sinasabi mo."

"Okay." Nagkibit-balikat siya. "I will going with you later," aniya pa at bumaling muli sa cellphone na hawak at agad na tinalikuran kami, bumalik papunta sa dining area.

Nilingon ko naman agad si Fraysia na noo'y grabe ang pula ng kanyang pisngi. "Nagkakilala na kayo? Balak ko sanang ipakilala kita sa kanya."

"O-opo. Galing po kasi siyang kusina, tapos ako naman tumatakbo palabas ng bahay," pag-k'wento niya. "Bakit kaya gano'n ate? Una niyang tinanong taon ko bago pangalan ko? 'Di ba po pangalan muna kapag magpapakilala?"

"Ewan ko ro'n. Minsan hindi ko rin siya maintindihan dahil panay ang pag-English." Natatawa kong saad. Humalakhak din siya sa aking sinabi.

Sumunod kami kay Rain sa dining area. Nakita kong wala si Kuya Thunder at Ate Sarah. Sila mommy, papa, Lola at si Rain lang ang narito.

"Good morning!" Bati nilang lahat sa akin.

Lumapit naman ako sa kanila upang humalik. 'Tsaka ako naupo sa katabi ni Papa. Nilingon ko si Rain na nakasalampak ang headset sa kanyang tenga. Agad ko itong inangat dahilan upang matigilan siya at tumingin sa akin.

"Can Fraysia sit in your seat?" Kalmadong tanong ko na nakangiti.

"But, Hija, mukhang tapos na kumain si Fraysia," sabat ni Mommy.

"Hindi pa po siya nag-agahan. Wala po kasi silang bigas," mabilis kong sagot na hindi makapaniwala sa kanyang narinig mula sa akin.

"Pero, anak, we can't let—"

"It's okay, My. Hija, you can join us," pag-putol ni papa sa dapat na sasabihin ni mommy. "Rain?"

"Fine, Lolo Dad." Lumapit si Rain sa katabi niyang upuan.

Tumingin ako kay Fraysia na nakatayo lang sa aking gilid. Ngumiti ako sa kanya at inabot ang kanyang kamay at saka siya inalalayang maupo sa aking tabi. Pinag-gitnaan namin siya ni Rain.

"Anong gusto mo?" Tanong ko.

"K-kahit ano po," mahina ang kanyang boses dahil sa hiya.

Ako mismo ang nag-sandok ng kanin sa kanyang plato 'tsaka ako kumuha ng egg at hotdog.

"S-salamat, ate." Halos hindi ko marinig ang kanyang boses dahil hiya.

Hinaplos ko lamang ang kanyang buhok at nag sandok na rin ng pagkain ko. Nilingon ko si Mommy, base sa kaniyang reaksyon sa mukha ay dismayado siya ngunit ngumiti ito nang tipid sa akin.

Natapos ang agahan na ang mga matatanda lang ang nag-uusap. Kaming tatlo nila Fraysia at Rain ang tahimik lang na kumakain. Nalaman ko na si Kuya Thunder at Ate Sarah ay nag-libot sa buong Sabtang.

Nang makalabas kami ay naro'n na si kuya Franco. Agad niya kaming pinagbuksan ng pintuan. Nilingon niya ang aking pinsan na busy pa rin ang mga mata sa cellphone na hawak niya.

"Sasama raw siya, kuya," saad ko kay kuya Franco at bumaling sa aking pinsan. "Rain, sa likod kayo ni Fraysia maupo."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status