Thank you for reading po!
Draco“Hi, Draco!” masiglang bati ni Margareth habang halos tumalon sa tuwa. Medyo nagulat ako, hindi dahil sa pagbati, kundi sa kakaibang liwanag sa mukha niya. Parang may kung anong kislap sa mga mata niya ngayon na magaan, masigla, at ‘ika nga, parang may good news.Napatingin ako sa kanya habang lihim na nagtatanong sa isipan ko. Anong meron sa kanya ngayon?“Huwag kang magtaka sa kanya dahil naka-enrol na siya ng college,” sabi ng aking biyenan. Doon ko lang naintindihan. Kaya pala gano’n ang aura niya. Para bang naabot niya ang isang matagal nang pinapangarap.“Gusto ko na talagang makatapos ng pag-aaral, Draco,” sabat ni Margareth. “Para matulungan ko si Margaux sa kumpanya at maging proud sa akin sila Dad."Napangiti ako. At least, hindi lang si Margaux ang nagmamalasakit sa Skidmark. Mukhang may katuwang na siya sa laban.“Halika na sa dining area bago pa lumamig ang mga pagkain na niluto nila Manang Nena,” aya ni Margaux habang nakangiti. Nakapulupot ang braso niya sa bewang
DracoSinundan ko ng tingin ang papalabas kong asawa, ang bawat hakbang niya ay tila ba may laman at may dalang sigla pero may bahid din ng pagtataka sa akin.Hindi ko maintindihan kung bakit tila sabik siyang matuloy ang lunch namin with her family. Hindi naman sa ayaw ko, pero may kung anong kakaiba sa kilos niya. She seems very eager, almost... urgent.Pagka-disconnect ko sa tawag sa biyenan ko, agad kong tinawagan si Gustavo. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ko, lalo na pagdating sa pagtingin kay Margaux kapag wala ako."Boss," sagot niya agad.“May napapansin ka ba kay Margaux sa tuwing magkasama kayo?” tanong ko agad, walang paligoy-ligoy.“Wala naman, Boss. Bakit po?”“Kahit ano? Kahit maliliit na bagay, wala talaga?” paniniguro ko. Tahimik siya saglit. Narinig ko pa ang mahinang tunog ng kanyang paghinga na parang sinisikap alalahanin ang mga nakalipas na araw.“Basta tahimik lang siya minsan. Parang may malalim na iniisip. Pero hindi ko na binibigyan ng masyadong pansin kasi
MargauxPagdating ko sa kitchen ay agad kong sinabi kay Manang Nena ang plano. Hindi ko na kailangang ulitin pa, mabilis siyang tumalima, pati na rin ang tatlo pang kasambahay.Sa mga ganitong pagkakataon, hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan sila. Napaka-bilis nilang kumilos, parang alam na agad nila ang kailangang gawin. Thankful talaga ako na kasama namin sila sa bahay. Hindi lang bilang mga tauhan, kundi para na rin naming kaanak.Pero sa likod ng pasasalamat na 'yon, may konting inis din akong nararamdaman tuwing bigla na lang silang sumusulpot kapag nagkakalandian kami ni Draco. Hindi naman sa ayaw ko, pero nakakabitin kapag kailangan naming itigil ang sandaling kapusukan dahil baka may makakita. Kaya tuloy, nakasanayan na naming sa kwarto lang namin o sa study room niya namin ginagawa ang aming... “milagro.”“Okay na po ba ang apat na putahe, Ma’am Margaux?” tanong ni Manang Nena habang inaayos ang hiwa ng mga gulay.“Okay na po ‘yan, biglaan lang naman ito. Pero
Margaux“Cupcake, hindi ka ba pwedeng maabala kahit sa lunch lang mismo?” tanong ko kay Draco habang nakaupo siya sa harap ng laptop sa study room. Sabado ngayon, dapat ay araw ng pahinga at paglalaan ng oras para sa isa’t isa. Pero heto kami, may kinakaharap na naman siyang trabaho na tila ba hindi nauubos.Magla-lunch dapat kami kasama ang pamilya ko sa bahay nila. Pero dahil sa dami ng kailangang ayusin ni Draco, malabo na kaming makakaalis.“Okay lang naman kung ikaw muna ang magpunta doon,” sagot niya nang hindi inaalis ang tingin sa laptop screen.Napakagat ako sa labi. Hindi iyon ang gusto ko.“Ang gusto ko, kasama ka eh,” sagot ko, punong-puno ng lambing ang tinig. Pilit kong itinago ang pag-aalala sa boses ko. Hindi ko kayang ipahalata sa kanya ang totoo kong intensyon, hindi pa ngayon. Lalo na’t kilala ko ang asawa ko: mabilis makahalata, at higit sa lahat, hindi marunong magtago ng nararamdaman. Laging lumilitaw sa mukha niya kung may kinaiinisan o pinaghihinalaan siyang ba
Third PersonTahimik ngunit may dalang tensyon ang pagpasok ng babae sa loob ng bahay ng mga Pinto. Diretso siya sa sala, animo’y kabisado na ang bawat hakbang, ngunit may halatang pagkabahala sa likod ng kanyang kumpiyansang kilos.Doon siya umupo, hinintay ang mag-asawa na kagagaling lang sa kumpanya, isang pag-uusap ang kailangang mangyari. Hindi siya sumama sa opisina ngayong araw dahil kailangan na niyang makausap ang isa sa mga tauhan upang maisakatuparan ang isang mahalagang plano. Ang pansamantalang pagtatago sa tunay na Margareth. Sa palagay niya, tapos na ang papel nito. Hindi na niya ito kakailanganin.Bahagya siyang napapikit habang inaalala ang mga huling linggo. Dahil sa matinding kagustuhan ni Margaux na mas mapalapit sa pamilya, napilitan siyang makipagpalit ng katauhan sa tunay na Margareth. Isang desisyong dala ng kutob na totoo nga palang hindi siya lubos na pinagkakatiwalaan ng asawa ng babae.At hindi siya nagkamali.Mula noon, naging regular na ang mga weekend din
Third PersonSa isang nakaparadang itim na van sa hindi kalayuan sa property ng mga Pinto, nasa loob ang dalawang babae at ilang lalaki na nagsisilbing driver at gwardya."Siguraduhin mo lang na wala kang pinakitang iba sa pamilyang ‘yon. Dahil kung hindi, hindi mo na rin sila makikitang buhay."Nagtagis ang bagang ni Margareth. Nanginginig ang kanyang buong katawan, hindi lamang sa galit kundi sa takot na pilit niyang ikinukubli. Sobrang tindi ng poot na nararamdaman niya sa babaeng kaharap, isang aninong kopya ng kanyang mukha, ngunit puno ng panlilinlang at kasamaan.Nang una niya itong makita, inakala niyang isang himalang magkakambal sila. Pareho ang mata, ang hugis ng labi, pati ang tono ng boses. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, mas lalong luminaw kay Margareth ang katotohanang hindi sila kailanman magkapareho. Isa itong huwad. Isang perpektong kopyang nilikha para sirain siya.Noong una ay maayos ang pakikitungo nito. Mapagkumbaba. Mabait. Mapagmasid. Ngunit ngayon alam na