Galit na si Cupcake.
Margaux“Alam mo,” panimula ni Yvonne habang iniikot-ikot ang straw ng kanyang inumin, “naiintindihan ko si Draco. Protective siya. Natural 'yon sa isang taong nagmamahal. Pero…”Tumingin siya sa akin, diretso sa mga mata ko.“Pero dapat mong ipaalala sa kanya na hindi porket nagmamahal siya, eh siya lang ang may karapatang magdesisyon kung sino ang dapat mong pagkatiwalaan. You have to tell him how you feel about Margareth."Napakurap ako. Tinamaan ako sa sinabi niya.“Margaux, matalino ka. Hindi ka magpapadala sa emosyon lang. At higit sa lahat, kilala mo ang pamilya mo. Kung naramdaman mo na si Margareth ay parte ng puso mo, hindi mo ‘yon dapat balewalain. At kung may pagdududa man si Draco, dapat open kayo sa isa’t isa. Hindi yung siya lang ang laging may say.”Napayuko ako. Piniga ko ang tasa sa harap ko. “Kaya siguro ako nalilito. Kasi hindi ko alam kung tama pa ba na masaya ako. Parang may guilt... kasi hindi siya ganun ka-convinced.”“Hoy,” sabay tapik niya sa kamay ko. “Walan
MargauxHindi ko maiwasan ang mapaisip sa sinabi ni Draco.Mahal niya ako. Ramdam ko iyon sa bawat kilos niya, sa bawat pag-aalala, kahit sa mga bagay na tila maliit lang sa paningin ng iba. Alam ko rin na para sa kabutihan ko lang ang lahat ng ginagawa niya. Kaya naiintindihan ko kung bakit siya mas naging maingat. Kung bakit bawat hakbang ay gusto niyang pag-isipan, suriin, timbangin.Pero sa kabila ng lahat ng ‘yon… hindi ko rin maiwasang maramdaman ang bahagyang kirot. Kirot na parang nahahati ako sa dalawang bagay na mahalaga sa akin.Siniguro ng mga magulang ko ang lahat bago pa man nila dalhin si Margareth sa bahay. Hindi sila pabaya. Hindi sila basta-basta nagtitiwala. At yung mga naramdaman ko nung unang beses ko siyang nakita, yung init sa dibdib, yung parang may kumpletong piraso na bumalik sa puso ko, hindi ba sapat 'yon?Hindi ba sapat ang saya na sabay-sabay naming naramdaman nang makita namin siya? Ang mga luhang hindi mapigilan, ang mga yakap na tila kaytagal bago naib
DracoTahimik kaming pumasok ng bahay, at tulad ng nakagawian, dumiretso kami sa kwarto. Bitbit ko ang mga gamit ni Margaux habang siya naman ay pabagsak na humiga sa kama at nanatiling nakasayad ang mga paa sa sahig, mukhang pagod pero halatang masaya.“Magpahinga muna tayo saglit, Cupcake bago maglinis ng katawan,” sabi niya habang inaabot ang kamay ko para hilahin ako sa tabi niya.Sumunod ako. Humiga ako sa tabi niya habang naunan ang aking ulo sa isa kong braso, habang ang isa naman ay nanatili sa gilid ko, sa pagitan naming dalawa.Hindi rin ako agad nagsalita. Ang isip ko, punong-puno ng mga detalyeng kanina ko pa binabalikan sa patio. Mga sulyap, kilos, at reaksyon ni Margareth na hindi ko basta-bastang maikakibit-balikat.“Cupcake?” tawag niya sa akin habang inabot ng kamay niya ang aking pisngi at hinagod iyon. “Okay ka lang ba?”“Oo naman,” mabilis kong sagot, pero hindi ko siya tiningnan.Napabuntong-hininga siya. “Cupcake, wag mo akong paikutin. Ang tahimik mo simula pa ka
DracoNasa patio na kami ngayon. Presko ang simoy ng hangin, may kaunting hampas ng malamig na hangin mula sa mga halaman at puno na nasa paligid. Ang liwanag ng araw ay malambot na bumabalot sa buong paligid, perpekto para sa isang tanghalian kasama ang pamilya.“Wow, Ma! Binalik mo ‘tong sinigang na ‘to ah!” bulalas ni Margaux habang inaabot ang mangkok. “Paborito ‘to ni Draco.”“Ay syempre! Dapat special, kasi kumpleto na tayo,” masayang tugon ng biyenan kong babae habang abalang naglalagay ng kanin sa plato ni Mr. Pinto.Nginitian ko si Margaux at tinapik ang kamay niya. “Ikaw lang ang sinigang ko,” bulong ko sa kanya.Napangiti siya. “Corny mo na naman.”Pero ngumiti rin siya nang mahaba.Tumingin ako kay Margareth. Tahimik lang siya, parang pinag-aaralan ang bawat isa sa amin habang nagsasalo. Hindi ko alam kung kinakabahan siya, o sadyang hindi pa sanay sa ganitong set-up. Nang subukan niya ang sinigang, napangiwi siya ng bahagya.“Maasim ba?” tanong agad ng biyenan ko.“Ha? Hin
DracoNasa harap ko ngayon ang kakambal ni Margaux. Hindi ko alam kung bakit may bahagyang kaba sa dibdib ko habang pinagmamasdan siya. Parang may hawak na salamin sa harap ko at pinapatingin ako sa isang bersyon ng asawa ko na hindi ko kilala.Kung titignan ay talagang magkamukhang-magkamukha sila, mula sa hugis ng mata, linya ng labi, at pati ang bahagyang pagtaas ng kilay kapag nagsasalita. As in, walang pinagkaiba. Sigurado akong kahit sinong makakita sa kanila na magkatabi ay malilito, lalo na kung pareho silang nakasuot ng iisang damit.“Kamusta, Draco,” bati niya sa ‘kin, nahimigan ko ang pag-aalangan niya dahil mukhang ngiming-ngimi ito.Napakurap pa ako ng marinig ko ang boses niya dahil... parehong-pareho rin ng kay Margaux.Sa isang iglap, parang may sumagi sa isip kong hindi ko agad mapangalanan. Pero kahit na ganun ang reaksyon ko sa loob-loob ko, pinilit kong huwag ipakita. Ayokong mahalata nila na nabigla ako.“Okay lang ba na sa pangalan na lang kita tawagin?” tanong pa
Margaux“Ang pogi naman ng asawa ko,” sambit ko kay Draco habang lumalabas siya ng walk-in closet. Hindi iyon ang nakasanayan kong coat and tie look niya. Casual lang siya ngayon, pero grabe ang dating. Isang simpleng gray na sweatshirt na nakalislis hanggang siko ang manggas at pinarisan niya ng cream na jogger pants. Ang gaan niyang tingnan. Parang binata lang ulit, mga twenty-something lang ang itsura, at sa totoo lang, parang ako yung naiilang sa gwapo niya.Napangiti siya nang makita niya akong nakatitig, tapos hinapit niya ako sa bewang at dinala sa isang marahang halik sa labi. Malambing, pero may lalim. Parang sinasabi ng halik na iyon na "asawa kita, akin ka, mahal kita."“Of course,” bulong niya matapos ang halik, “kailangan kong pantayan man lang ang kagandahan ng asawa ko kung ayaw kong maagaw ka ng iba sa akin.”Natawa ako, pero kasabay noon ang marahang tibok ng puso ko. “Don’t worry,” sagot ko, sabay pisil sa mukha niya, “hinding-hindi ako magpapakuha sa iba… dahil kuhan
Margaux“Sigurado ka ba?” tanong ko kay Draco matapos niyang sabihing maaari na raw kaming bumisita sa aking mga magulang at makilala ang aking kakambal. Nasa bahay lang kami noon—magkaharap sa lanai habang tinatamasa ang tahimik na hapon, sabay ng simpleng meryenda.Nakataas ang isang binti ko, nakapatong sa kanyang mga hita, habang banayad niyang hinahagod iyon gamit ang malambot niyang palad. Isa iyon sa mga bagay na palagi kong kinagigiliwan sa kanya. Ang mga simpleng haplos na tila ba laging may kasamang pangakong hindi niya ako iiwan.“Syempre naman. Bakit, parang hindi ka makapaniwala?” may pagtatakang tanong niya, sabay ngiti.“Akala ko kasi sobrang busy ka pa. Hindi pa ako handang agawan ng oras ang mga importanteng bagay sa'yo,” sagot ko, sabay kagat sa ibabang labi. May kaunting kaba sa dibdib ko hindi dahil sa takot, kundi sa anticipation."Ikaw ang pinaka-importante sa buhay ko, ang iba ay pangalawa lamang." Ngumiti ako sa sinabi niya. “Isa pa, okay na ang mga magulang ni
MargauxDalawang linggo na ang matuling lumipas mula nang ilibing si Chiara. Ayon kay Draco, naiuwi na ng mga magulang niya ang bangkay ng anak sa Germany. Mahirap man sa kanila ang lahat, ramdam ko ang kaunting kapanatagan sa kanilang mga tinig nang makausap ko sila kahapon bago umalis ang mga ito.“Thank you, Margaux,” naiiyak na wika ng ina ni Chiara. "I know what she did was unforgivable. Our daughter has given you nothing but fear, but still, you forgive her. I hope she's happy wherever she is right now."Alam ko na walang kapatawaran ang takot na binigay sayo ng mga ginawa ng aming anak pero nagawa mo pa rin siyang patawarin. Sana ay maging payapa na siya ngayon."Ang sakit sa puso ko habang pinakikinggan ang bawat salitang may halong pagsisisi at lungkot. Gusto kong sabihin na wala silang kasalanan, pero alam kong kahit ilang salita pa ang banggitin ko, hindi na maibabalik si Chiara."If only we had found out that she was in a relationship with Joseph," pahabol ni Mr. Ode. "We w
MargauxPagdating namin sa kumpanya ay nagtinginan na ang ibang empleyado sa lobby pa lang. Bakas ang pagtataka at pagkagulat sa kanilang mukha ngunit nagpatuloy lang kami sa paglakad hanggang sa makarating na kami sa aking office.“Ito ang ating company,” nakangiti kong sabi kay Margareth matapos naming maupo sa aking maliit na receiving area. Napalingon siya sa paligid, halata sa mga mata niya ang halo ng paghanga at kaba.Tinanong ko siya kanina kung ayos lang ba na tawagin ko siyang "Margareth" at hindi naman daw siya tumutol. Pinoproseso na nina Dad ang lahat ng papeles niya kaya siguro ay tuluyan na siyang magiging parte ng pamilyang ito. Ng buhay ko.“Ang laki naman pala,” ani niya, may bahid ng pagkamangha ngunit halatang naiilang.Tahimik siyang tumitig sa paligid, tila hinuhulaan kung paano siya magfi-fit in sa mundong ito.“Dear, babalik ka sa pag-aaral mo,” biglang singit ni Mommy na may lambin