MargarethHindi ko na alam kung ano pa bang dapat kong maramdaman kay Margaux. Kanina lang ay parang may bumabagabag sa akin, isang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Pero ngayon na tuluyan ng nahubad sa akin ang relo na malinaw na hindi ko tinanggal ay tila may kung anong bigat na naibababa sa dibdib ko.Sa wakas, malaya na akong makakakilos. Malaya na akong makakapag-isip, makakausap sila ng walang anumang nakasubaybay, o iyon ang akala ko?Pero malaya nga ba talaga?Nilingon ko ang paligid, pinakiramdaman ang katahimikan. Likas na eleganteng tahimik ang bahay nila Margaux, pero sa likod ng katahimikang iyon ay may nanunuksong pag-aalinlangan. Wala kayang nakapasok na espiya sa loob ng mismong tahanan nila? Baka may kasabwat si Teresa na nagkukubli sa mga anino, nakikinig, nagmamasid?Mula sa dining area, dahan-dahan kong inikot ang aking paningin. Maaliwalas ang lugar, may malalaking bintana na sigurado akong dinadaluyan ng liwanag kung umaga, mga mamahaling muwebles na sumisigaw
Margaux“Alam mo, nagtataka ako kung bakit ‘yan na lang paulit-ulit na alahas ang suot mo, eh ang dami-dami naman doon sa bahay,” sabi ko kay Margareth pagpasok namin sa kwartong pansamantala niyang tutulugan habang nandito sa bahay. Tinapik ko siya sa balikat at ngumiti, pero sa loob-loob ko'y unti-unting humihigpit ang kaba sa dibdib ko.Sinamahan ko siya rito sa itaas, habang sina Gustavo at Draco ay naiwan sa ibaba. Alam kong mag-uusap pa sila patungkol sa plano kong gustong maisakatuparan bukas. Plano na, kung tutuusin, ay delikado. Medyo komplikado. At posibleng ikapahamak naming lahat lalo na ako kung may isang maling hakbang lang.Pero kailangan kong sumugal. Para sa amin. Para sa katotohanan.At para magawa ito, kailangan kong tiyaking si Margareth nga talaga ang kasama namin. Hindi ang peke. At kung may nagmamatyag sa kanya, kailangang alisin sa katawan niya ang anumang bagay na maaaring ginamit ng kalaban lalo na kung iyon ay may kakayahang manmanan siya.“Hintayin mo ako d
Draco“Confirm, Draco. Lumuwas si Marites.”“And?” tanong ko habang awtomatikong pinindot ang loudspeaker. Mabilis ang tibok ng dibdib ko. May kaba. May init. May pakiramdam ng isang planong malapit nang sumabog.“May nag-abang na sa kanya sa panatalan at guess what.”“What? Idiretso mo na ang mga sasabihin mo, Kevin.” Naiinis akong napapahigpit ang hawak sa desk. Pakiramdam ko'y sinasadya niya akong bitinin. Ganon talaga siya, mahilig magpa-excite, pero sa mga ganitong usapan, wala akong panahon sa paligoy-ligoy. Delikado ang oras.Tumawa siya, malakas at walang pakundangan. Walang pakialam kahit kabado ako sa kabilang linya.“Alright, heto na,” aniya, saka ko pa nga nahuling umiiling si Gustavo. Pareho kami ng reaksyon. Kilala na namin si Kevin, siraulong totoo pero may pakinabang. Kaya kahit nakakainis siya, hindi ko maalis ang tiwala ko sa kanya.“Sa bahay kung nasaan ang pekeng Margareth,” dagdag niya. Walang pasakalye.Nagsalubong ang tingin namin ni Gustavo. Biglaan ang lamig s
DracoHindi ko talaga alam kung paano nagagawa ng asawa ko ang ganito. Ang tapang niya, isang klase ng tapang na hindi basta-basta makikita. Pero naiintindihan ko siya. Kilala ko si Margaux. Alam ko kung gaano kalalim ang pagmamahal niya sa kakambal niya at sa mga magulang nila. Kaya kahit may kaba sa dibdib ko, wala akong magawa kundi ang suportahan siya ng buong-buo.Ang tiwala niya sa tunay na Margareth… kakaiba rin talaga. Hindi lang basta tiwala. Parang paniniwalang walang bahid ng duda. Isipin mong naniniwala siyang kahit nasa alanganin ang sitwasyon ng kakambal niya ay may ginagawa ito para makawala. Para makabalik. Mahilig yatang manood ng kung anu-anong drama ang asawa ko o baka mas tama sigurong sabihing, sobrang cautious niya. As in, lahat ng posibilidad, pinasok na niya sa utak. Lahat ng ‘what if’, pinaghandaan na.Kesyo baka raw may suot na kung anong bagay si Margareth, isang singsing o kwintas, na konektado sa impostor, at mula roon ay nasusubaybayan niya ang bawat kilo
Margareth“You’re here,” nakangiti akong sinalubong ni Margaux pagpasok ko sa opisina ni Draco. Ang mga mata niya ay tila mas maliwanag kaysa sa dati, pero hindi ko mawari kung dahil ba ito sa saya o may iba pa.“Hi,” nakangiti ko ring bati habang dahan-dahan akong pumasok, pilit na pinapakalma ang sarili. Bakit parang ang tahimik ng paligid?“Halika, si Draco ay ayaw akong libangin…” Tila bata siyang nagtatampo habang hinihila ako papunta executive sofa. Ngiting-ngiti ito na tila walang problema.“Huwag kang maniwala d’yan sa Sugar ko, Margareth. Nami-miss ka lang niya kaya pinapunta ka niya dito.” Napatigil kami sa paglakad at sabay pang napatingin kay Draco na nasa kanyang office table, tila abala pero ramdam kong nakikinig siya. Hindi siya tumingin sa amin, pero may bahagyang ngisi sa gilid ng kanyang labi.Pagtingin ko sa kakambal ko, nakita ko ang ngiting punong-puno ng ligaya. Ano ang meron? Bakit parang ang saya naman niya?“Ikaw talaga,” tugon ko sabay yakap sa kanya. Mahigpit
Margareth"Nandito na po tayo, Ma’am Margareth," nakangiting sabi ni Rey ng ihinto niya ang sasakyan sa harap ng DZ Construction."Salamat, Rey," sagot ko. Magalang siya, maayos magsalita at palaging mahinahon. Kaya siguro tumagal siya bilang driver ni Dad.Hindi ko inaasahan ang araw na ito. Nagulat na lang ako kanina nang bigla akong sabihan ni Mommy na gusto raw akong makasama ni Margaux. Akala ko may problema, pero sabi lang niya ay gusto raw ng kambal ko na makita ako, at dahil napatunayan kong naiintindihan ko na ang tinuro niya sa akin ngayong araw, pinayagan na niya akong pumunta rito.Lumabas na ako ng sasakyan. Ngunit napansin kong hindi pa rin umaalis si Rey. Gaya ng nakasanayan, hinintay niya munang makapasok ako sa loob ng building bago niya paandarin ang sasakyan. Isang simpleng kilos, pero sa panahong ito, napakahalaga ng ganitong uri ng malasakit.Magga-Grab sana ako gaya ng bilin ni Margaux, pero nagbago rin yata ang isip niya at nakisuyo na lang kay Rey. Hindi ko ala