Ngayon pa lang talaga makakapag-enjoy ng college life si Margaux. Kaya lang mukhang bantay sarado naman si Draco sa kanya... Makapag-enjoy na nga kaya si Sugar??
MargarethAng tanong lang, gagawin ko ba?Nanatili akong nakatitig sa kanya. Parang tumigil ang oras habang pinagmamasdan ko ang mukha niyang sobrang lapit na parang sapat na ang isang hakbang para maglapat ang aming mga labi. Lalong bumigat ang dibdib ko. Ang bawat tibok ng puso ko ay para bang naririnig ko na sa aking mga tainga.Sam didn't speak.Hindi siya gumalaw.Pero nanatili ang titig niya, mabagal, tapat, at mariin. Para bang hinihintay niya akong magsalita. O baka hinihintay niyang ako ang maunang lumapit.Napakagat ako sa labi, pilit inaawat ang sarili ko. Pero hindi ako makatingin sa iba. Nakatali ako sa kanya."You sure you're okay?" ulit niya, pero mas banayad ang tinig, mas mababa, at para bang mas malapit sa paghinga kaysa sa salita.Napalunok ako. "Y-Yeah… I'm okay. I think.""You're not acting like it," tugon niya, bahagyang nakangisi ngunit hindi biro ang tono. "You look like you're about to fall.""Maybe I am," bulong ko, halos hindi ko na makilala ang sarili kong
MargarethNagpaalam na ako kay Sam na babalikan si Tita at tango lang ang itinugon niya. Walang emosyon, hindi man lang ako pinigilan at wala man lang kahit na anong sinabi. Kahit sana simpleng "enjoy" lang ay wala. Kainis!Iniwan ko na silang dalawa, bahala na sila sa buhay nila. Kung sa bagay, wala naman akong karapatan na magtanong. Hindi ko rin alam kung bakit sa halip na makaramdam ako ng ginhawa sa paglayo, ay para bang mas lalo lang bumigat ang dibdib ko.Ang Chloe na ‘yon, I’m sure tingin niya sa akin ay isang malaking threat. Hindi ko siya masisisi dahil nga sa iisa ang mukha namin ni Margaux.Halata sa kilos ni Chloe na gusto niya si Sam. Pero I doubt kung gusto rin siya ni Sam pabalik. Hindi ko nakita ang ningning sa mata niya habang kausap ang babae. Nakita ko kung gaano magliwanag ang mga mata ni Draco sa kambal ko kaya alam kong walang amor si Sam sa kanya. Normal lang na magkakilala sila kaya siya kinakausap ng lalaki.Isa pa, sinabi na sa akin ni Tita na ayaw ni Sam sa
MargarethHindi ko inaasahan na mag-eenjoy ako sa party. Akala ko, magpapanggap lang akong masaya habang nakaupo sa isang tabi, pero nagkamali ako. Grabe ang mga taong nakilala ko bago pa man magsimula ang programa at lahat well-mannered, classy, pero hindi intimidating. Masasabi kong iba talaga ang impluwensya ng pamilya nila Sam. Mula sa pananamit hanggang sa paraan ng pakikitungo sa mga bisita, ramdam ang breeding at ugat ng karangalan.We were eating, at kasalukuyan kaming nagkukwentuhan ni Tita Samantha sa aming table. Kasama rin namin sina Tito Dennis at, syempre, si Sam, na ngayon ay katabi ko sa kaliwa. Maaliwalas ang pakiramdam ko, para bang may sariling mundo ang table namin na magaan, puno ng halakhak, at parang matagal ko na silang kakilala kahit na naiilang ako sa tingin na pinupukol sa akin ng katabi ko.Pero biglang naistorbo ang payapang atmosphere nang may lumapit na babae."Hi, Sam. Long time no see.Napatingin ako sa direksyon ng boses. Dahan-dahan akong nag-angat n
SamHindi ko alam kung ilang segundo ang lumipas mula nang nagtama ang mga mata namin ni Margareth, pero para sa akin, parang may bumalot na katahimikan sa buong ballroom. Parang tumigil ang mundo. Ang tunog ng mga nag-uutugang wine glass, halakhak, at soft jazz music ay naging muffled background na lang.Hindi siya nagsalita. Hindi rin ako. Pero may sinabi ang mga mata niya na hindi ko lang matukoy. Galit ba iyon, lungkot, o isang lihim na damdaming katulad ng akin na matagal nang ikinukubli?At doon ako kinabahan. Hindi dahil sa takot na may ibang makaalam. Kundi dahil baka ako mismo ang hindi handang harapin ang sagot.Nang muling bumalik ang atensyon ko sa mga negosyanteng kausap ko, wala na siya. Ang Margareth na ilang segundong nagpako sa akin sa kinatatayuan ko ay tila naglaho na parang usok.“Sam?” tawag sa akin ni Mr. San Andres, patuloy sa pagsasalita tungkol sa bagong merger ng kumpanya nila. Tumango lang ako, mechanical, parang robot na sumusunod sa script. Sinubukan kong i
MargarethHuminto ang sasakyan sa harap ng isang marangyang hotel na nabalutan ng mga ilaw at dekorasyong tila ginto sa liwanag ng gabi. Mula sa loob ng sasakyan, saglit akong nanatiling nakaupo, pinagmamasdan ang engrandeng harap ng venue. Nakapila ang mga mamahaling sasakyan, at isa-isa nang bumababa ang mga bisitang halatang sanay sa ganitong sosyalan. Mga babaeng naka-gown, mga lalaking naka-coat, at may ilang kilalang mukha sa industriya.Napalunok ako.Ito na nga. Wala nang atrasan.Bumukas ang pinto ng sasakyan at agad akong inalalayan ng valet. Muli kong inayos ang suot kong damit at pilit kong hinugot ang lakas mula sa pagkakatapak ko sa marmol na daan paakyat sa lobby.Habang papasok, nararamdaman ko ang ilang matang nakatuon sa akin. Hindi ko alam kung totoo o imahinasyon ko lang, pero tila ba ang bawat hakbang ko ay sinusukat. Siguro dahil hindi ako madalas makita sa ganitong mga event o baka naman iniisip nila na si Margaux ako."Margareth, dear!"Napalingon ako. Nandoon
MargarethMabagal ang bawat hakbang ko pababa ng hagdan, tila bawat yapak ay may kasamang buntong-hininga na pilit kong kinikimkim. Parang bawat hakbang ay pag-akyat din sa entabladong hindi ko alam kung papalakpakan ako o pagbubulungan. Hinawakan ko ang makintab at pulang kahoy na handrail, pinipigilan ang bahagyang panginginig ng aking mga daliri. Hindi ito dahil sa kaba na karaniwang nararamdaman bago ang isang event, kundi dahil sa bigat ng mga inaasahang makikita at mararamdaman ko sa party ngayong gabi.Mula sa ibaba, nakausli ang ulo ni Mommy. Nang makita niya ako, napanganga siya, at saglit na hindi naka-imik. Para siyang napatigil sa paghinga.“Anak...” Mahina niyang tawag, halos bulong, pero dama ko agad ang paghanga, ang gulat, at ang isang uri ng tuwang bihirang-bihira niyang ipakita.Sunod namang sumilip si Daddy na kagaya ng aking ina ay may ngiti din sa mga labi at kislap sa kanyang mga mata. Bihirang magbigay ng papuri ang Daddy ko pero ngayong gabi, hindi niya napigil