Margaux“Ito, bagay ‘to sa magiging mga apo ko,” masiglang bulalas ni Mommy habang pinipisil-pisil ang isang maliit na sapatos na kulay asul na may burdang kotse sa gilid.“Hindi, Mommy! Mas babagay ito,” sabat ni Margareth habang hawak naman ang isang pares ng kulay rosas na sandals na may kumikislap na bituin. “Tsaka dapat pambabae at panlalaki ang bibilhin natin. Dapat prepared!”“Margareth, Mommy… tigilan niyo nga yan,” natatawa kong sabi sa kanilang dalawa na parang sila pa ang nagdadalang-tao. “Hindi pa nga natin alam ang gender ng kambal, kung ano-ano na agad ang gusto niyong bilhin.”Napailing ako habang tinatago ang ngiti. Ang totoo niyan, mas excited pa silang lahat kaysa sa akin. Dalawang buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang insidente sa mall kaya dalawang buwan na rin mula nang madakip ang grupo nila Teresa. Sigurado na ang pagkabulok nila sa kulungan, at mula noon, parang nakahinga kami ng mas maluwag.Dalawang buwan na rin mula nang malaman ng pamilya ko ang tungko
Draco“Margaux! Margareth!” sabay na tawag ng mga magulang ng kambal nang makita nila kami sa pagpasok ng bahay. May panginginig sa boses nila, halatang hindi pa rin lubusang nawawala ang kaba at takot sa kanilang dibdib.“Mom, Dad!” sabay na sigaw din ng magkapatid habang mabilis na lumapit sa mga ito, agad silang yumakap sa mga magulang nilang parang matagal na panahong nawalay sa isa’t isa.Mahigpit ang yakapan, sabay-sabay silang napaluha sa labis na emosyon, takot, ginhawa, at pasasalamat.“Okay lang ba kayo? Hindi ba kayo nasaktan? Sabihin n’yo sa’kin agad kung may masama kayong nararamdaman, mga anak,” halos garalgal na tanong ng kanilang ina habang hinahaplos ang mukha ng dalawa, para bang kailangan niya ng pisikal na patunay na ligtas nga ang kanyang mga anak.“Okay lang kami, Mommy,” sagot ni Margareth habang pinipilit ngumiti, pero nangingilid pa rin ang luha sa kanyang mga mata. Tumango si Margaux bilang pagsang-ayon habang pinipisil ang kamay ng kapatid.Napansin ko ang b
DracoAng determinasyon sa mukha ng asawa ko pati na sa tinig niya noong magkausap kami ng sarilinan ay hindi matatawaran. Ramdam ko ang bigat sa dibdib niya habang ipinapaliwanag ang plano, pero higit doon, kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang matinding kagustuhang matapos na ang paghihirap ng kanyang kambal.Hindi ko na kailangang tanungin pa. Mahal ko si Margaux, at bilang asawa niya, buo ang loob kong suportahan siya kahit saan man humantong ang lahat ng ito.Ngunit hindi ito isang simpleng pagsuporta. Alam kong delikado. Alam kong sa oras na magkagulo, hindi lang kami ang maaaring masaktan, pati ang mga inosente.Kaya hindi ako maaaring tumunganga lang. Hindi ako pwedeng maging tahimik na tagamasid.Hindi ko kilala ang may-ari ng mall, ngunit ginawa ko ang lahat para makakuha ng appointment sa kanya as early as possible. Ginamit ko ang lahat ng koneksyon ko, bawat pabor na pwedeng hingin. Mabuti na lang at may halaga pa rin pala ang pangalan ko sa industriya. May impluwensya pal
Margaux“Bakit nandito pa tayo, Sissy?” tanong ni Margareth. O dapat ko bang sabihing, ang impostora?Ngumiti ako ng bahagya, mapanatag. “Kain pa tayo,” sagot ko ng kalmado, parang wala lang. Pero sa loob-loob ko, ang puso ko'y tila may sariling buhay na tumitibok ng mabilis, ngunit hindi sa takot… kundi sa pag-aabang.Paglingon ko kay Gustavo, agad ko siyang nakita na nakangiti rin sa akin, marahan ngunit may seguridad. Tila sinasabi ng kanyang mga mata na, “Huwag kang mag-alala. Tama ang diskarte mo.” At sa sandaling iyon, ramdam kong hindi ako nag-iisa.Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko para manatiling ganito ka-relax at ka-confident, kahit alam kong nasa paligid lang ang mga kalaban. But maybe… just maybe… it’s because I finally know, kumikilos sila Gustavo sa likod ng mga anino.May dahilan ang katahimikan. May plano.Alam kong ligtas si Margareth. Alam kong ang tunay kong kakambal ay nasa mabuting kamay na sa mga oras na 'to. At higit sa lahat, nakita ko sa mga kilos n
MargarethNagulat ako nang bumungad sa akin ang babae sa restroom, ang babaeng peke. Nakangisi siya na para bang alam niyang lamang siya sa laro. Mabilis ang mga pangyayari. Hinawakan niya ako sa braso at buong lakas akong hinila papasok sa isang cubicle. Doon niya ako pinilit na makipagpalit sa kanya ng suot, habang bumubulong sa tenga ko, "Gusto mo bang may masamang mangyari sa pamilya mo?"Nahigit ko ang aking paghinga kasabay ang panlalamig ng aking mga kamay ko. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko na para bang may nagbabantang panganib. Gusto kong tumanggi, sumigaw, lumaban. Pero nang banggitin niya na nasa labas lang ang tauhan niya, handang dukutin ako kapag di ako sumunod ay napako ako sa kinatatayuan ko. Wala akong nagawa. Gusto ko mang tumanggi, mas nangingibabaw ang takot ko.Mas lumala pa ang kaba ko nang marinig ko ang tinig ng kakambal ko. Naroon siya. Sinundan niya ako. Napakagat ako sa labi, pinipigilan ang sarili na maiyak. May kutob na kaya siya? Nararamdaman na
Third PersonNagpaalam si Margareth na mag-CR, ngunit may hindi maipaliwanag na kutob si Margaux. Hindi siya mapalagay, animo'y may malamig na hanging dumaan sa batok niya. Mabilis siyang tumayo mula sa kanilang table at walang pasubaling sinundan ang kapatid.“Sandali lang,” habol ni Gustavo, na abalang-abala sa pagbitbit ng kanilang mga pinamili. Napailing ito habang nagmamadaling sumunod, bahagyang kumakabog ang dibdib. Kailangan niyang maabutan si Margaux kahit hindi pa malinaw kung bakit, ayaw niyang may masamang mangyari.“Margareth!” tawag ni Margaux matapos pumasok sa ladies’ restroom ang kakambal. Ngunit sa kanyang paglingon sa paligid, hindi niya ito nakita sa loob. Wala namang ibang lumabas o dumaan, kaya imposibleng mawala ito nang ganon-ganon lang. Kumunot ang noo niya. “Margareth?” ulit niya, mas marahan pero may diin na sa tono.“Ahm, wait lang,” sagot mula sa isang cubicle, bahagyang basag ang boses.Nilingon ni Margaux ang cubicle na iyon. Mabilis ang tibok ng puso ni