Mapanukso ka, Draco!
Third PersonSa isang nakaparadang itim na van sa hindi kalayuan sa property ng mga Pinto, nasa loob ang dalawang babae at ilang lalaki na nagsisilbing driver at gwardya."Siguraduhin mo lang na wala kang pinakitang iba sa pamilyang ‘yon. Dahil kung hindi, hindi mo na rin sila makikitang buhay."Nagtagis ang bagang ni Margareth. Nanginginig ang kanyang buong katawan, hindi lamang sa galit kundi sa takot na pilit niyang ikinukubli. Sobrang tindi ng poot na nararamdaman niya sa babaeng kaharap, isang aninong kopya ng kanyang mukha, ngunit puno ng panlilinlang at kasamaan.Nang una niya itong makita, inakala niyang isang himalang magkakambal sila. Pareho ang mata, ang hugis ng labi, pati ang tono ng boses. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, mas lalong luminaw kay Margareth ang katotohanang hindi sila kailanman magkapareho. Isa itong huwad. Isang perpektong kopyang nilikha para sirain siya.Noong una ay maayos ang pakikitungo nito. Mapagkumbaba. Mabait. Mapagmasid. Ngunit ngayon alam n
MargauxMatapos ang lunch namin, agad na bumalik si Margareth sa kanyang trabaho kasama ang marketing team. Naiwan naman akong mag-isa sa opisina, tahimik, pero ang isip ko ay gulong-gulo.Napatingin ako sa maliit na round table kung saan kami kumain kanina. Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang bumabalik sa isip ko ang eksena, ang mango shake.Yung mango shake na buong tuwa niyang sinis****p sa harap ko, na para bang paborito niya ito. Yung ekspresyon niya ay nakapikit pa, parang ninanamnam ang bawat s****p. Gusto ko na siyang tanungin kanina, pero pinilit kong panatilihin ang composure ko.She’s allergic to mango.Alam ko ’yan. Sinabi niya sa namin, sa memory lane game namin nung outing. Tinandaan ko lahat ng trivia tungkol sa kanya dahil gusto kong makilala siya. Gusto kong maging totoo ang koneksyon namin bilang magkakambal.Pero bakit? Bakit siya uminom nito nang walang pag-aalinlangan? Nagkakamali ba ako ng alaala? O may mas malalim pa itong ibig sabihin?Parang may mat
MargauxNaging tunay na makabuluhan ang naging outing naming mag-anak. Hindi lang ito basta simpleng bakasyon. Parang naging panibagong simula ito para sa aming lahat. Masayang-masaya sina Mommy at Daddy, at lalong higit ako. Para bang matagal na naming inaasam ang ganitong pagkakataon, na makumpleto at magaan ang bawat sandali.Si Draco… napaka-genuine talaga ng pakikitungo niya sa pamilya ko, lalo na sa kambal kong si Margareth. Hindi siya ‘yung tipong pakitang-tao lang. Nakita ko kung paano siya makinig, ngumiti, tumawa, at minsan ay tumahimik kapag siya’y siniseryoso.Kaya naman doon pa lang, pakiramdam ko ay mas lalo akong naging panatag. May kung anong seguridad sa puso ko na nagsasabing okay na ang asawa ko. Na hindi na siya nag-iisip ng hindi maganda sa kakambal ko.Thankful talaga ako kay Yvonne. Kung hindi dahil sa suggestion niyang subukan ko raw isama si Draco sa mga ganitong bonding moments, baka hindi ko pa ito naranasan. Buti na lang at sinunod ko siya. Nang yayain ko s
MargauxHabang abala ang asawa ko sa pag-iihaw, napansin kong hindi nagtagal ay sumali na rin si Dad sa kanya. Pareho silang may hawak na wine glass habang masiglang nagkukuwentuhan sa harap ng nagbabagang uling, tila ba dalawang matagal nang magkaibigan na ngayon lang muling nagkita at nagbabalik-tanaw sa mga panahong tila kailan lang lumipas. May halakhakan, may kunot-noong seryosong saglit, pero sa lahat ng iyon, dama ko ang isang tahimik na pagkakaintindihan sa pagitan nila.Kami namang tatlo naman, sina Mommy at Margareth, kasama ako ay parang mga misis sa isang lingguhang get-together. Nakangiti, punô ng kwento, magagaan ang loob habang inaayos ang hapag-kainan. Napuno ng mabangong aroma ang paligid mula sa mga lutong ulam na dinala namin; tanging ang inihaw na lang talaga ang hinihintay namin para mabuo ang handa.Habang abala sa pagtatawanan at pagkukuwentuhan, hindi ko maiwasang mapatingin kay Draco. Para din talaga sa ikagagaan ng kanyang kalooban ang outing na ito.Matapos
DracoGaya ng gusto ni Margaux, natuloy nga ang outing kasama ang kanyang mga magulang at si Margareth. Pinilit kong maging kalmado at umakto nang normal. Hindi dahil komportable ako, kundi dahil ayokong biguin ang asawa ko. Ayokong makaramdam siya ng lungkot o pagkadismaya kung makikita niyang may distansya pa rin ako sa kakambal niya.Sa totoo lang, ginagawa ko ito para sa kanya. Para sa amin.“Wow, anak. Hindi ko akalain na maiisip mo ito,” masayang bungad ng biyenan kong babae habang nakatingin sa paligid. Nasa isang private resot kami sa Laguna na ayon sa aking Sugar ay si Rey ang naghanap at nagpa-book.Merong swimming pool at malapit doon ay pahabang lamesa. May dirty kitchen at videoke area. Apat ang silid kaya naman sobra pa sa swak sa amin.“Naku Mommy,” sagot ni Margaux na bakas sa mukha ang kasiyahan, “gusto ko lang talaga na magkaroon tayo ng time. Para mas makilala pa natin si Margareth… at makilala rin niya tayo.”Ngumiti siya sa akin habang sinasabi iyon. Iyon ‘yung ng
DracoDahil dumating ang asawa ko, nagdesisyon na kaming kumain sa labas. Pinauwi ko na si Gustavo dahil gusto kong sabay na kaming umuwi ni Margaux.Sa restaurant na walking distance mula sa kumpanya kami nagtungo. Gusto ko sanang dalhin siya sa isang tahimik na rooftop bistro sa kabilang distrito, yung may view ng buong siyudad ngunit masyado pang maaga. At isa pa, hindi siya pumayag.“Kailangan mo pang bumalik sa trabaho,” sabi niya sa malambing pa rin na tono ng kanyang boses. Syempre, wala akong nagawa. She’s the boss… and honestly, I love whatever she likes.Nag-order kami ng seafoods para maiba naman daw. Madalas kasi kaming meat and vegetables.Nang tangkain niyang ipagbalat ako ng hipon, agad kong hinawakan ang kamay niya para pigilan siya, dahilan upang takang-taka siyang tumingin sa akin.“Let me, Sugar,” bulong ko, puno ng malasakit.“Pero—”“Wala ng pero-pero.” Tinitigan ko siya nang diretso. “Ako ang dapat na gumawa nito para sa’yo. I should be the one to take care of you