MasukMANILA, PHILIPPINES
TAGUMPAY na ngiti ang gumuhit sa labi ni Alessia nang tumuntong ang kanyang mga paa sa loob ng NAIA. She made it this far. Kinailangan niyang bumili ng dalawampung plane tickets patungo sa iba-ibang destinasyon sa mundo para kahit paano ay ma-delay ang paghahanap sa kanya. Although they would trace her here in the Philippines sooner. Sisiguraduhin niyang hindi iyon magiging madali.She looked at the map on her phone. Halos tatlong taon na ang huling pagbisita niya sa Pilipinas. Madalas siyang nasa Beijing dahil na rin doon ang sentro ng kanyang mga operasyon. Her father invested a lot of resources on her to the best in the field. Kahit hindi niya gusto ang ginawa nitong pagmamanipula sa buhay niya ay nagpapasalamat pa rin siya sa pagkupkop nito dahil hanggang ngayon ay buhay pa siya.Matagal na niyang planong lumayo at alam na niya kung saan pupunta. It took her a while to find the person she needed to see. Ang kanyang dating tagapangalaga ang hinahanap niya noong bata pa siya. Tiyak na makikilala siya nito at hindi siya tatanggihan. Nag-background check din si Alessia sa mga taong nakapaligid dito kaya lang wala siyang masyadong mahanap na importanteng detalye.Isuot niya ang itim na aviator sunglasses at pumara ng taxi. Magulo ang isip niya pero desidido siya sa gagawin. Nagtaka pa ang driver dahil walang pasabing nagsuot siya ng maluwang na damit at itinago ang ilang mamahaling gamit sa loob ng kanyang bag. Ginulo rin niya ang buhok bago bumaba.Narating niya ang paroroonan at tumambad sa kanya ang higanteng asul na gate. Hindi siya nag-alinlangan na pindutin ang doorbell. Nakailang ulit siya bago lumabas ang isang naka-unipormeng guard.“Sinong hinahanap mo, Miss?” tanong ng malaking bulas na lalaki na tantiya niya ay nasa mid-thirties.“Hinahanap ko si Gloria Asuncion. Dito siya nagtatrabaho ‘di ba?” sinikap ni Alessia na maging mukhang inosente na tila ngayon lang napadpad sa syudad. Suot kasi niya ang isang pulang oversized t-shirt na tinernuhan ng punit-punit na maong na pantalon. Nakasukbit naman sa kanyang balikat ang isang malaking kulay pink na ecobag na naglalaman ng mga gamit niya.“Ah, si Yaya Glo? Kaano-ano mo ba siya?” Nagdududang tanong ng guwardya.Alessia had expected the security would be this strict. Hindi basta-basta ang lugar na ito na pawang mga mayayaman ang nakatira kaya hindi na siya nagtaka.“Kailangan ko siyang makausap. Importante lang… N-naglayas kasi ako sa probinsya. Muntik na akong gahasain ng tiyuhin ko at siya na lang ang tanging kamag-anak na malalapitan ko.” Napasinok si Alessia. Mabilis na namuo ang luha sa mata niya hanggang sa napahikbi siya.“Kawawa ka naman. Ang bata mo pa.”“Tulungan mo ako, Manong Guard. Kahit ilang minuto lang, parang awa mo na.” Humawak si Alessia sa braso ng guwardya. She suppressed her smile as soon as she saw his face softened. Maliit na bagay lang ito. Madaling magmanipula ng tao gamit ang emosyon.Binaklas ng guwardya ang kanyang kamay. “Sandali, Ineng. Tawagin ko lang.”“Naku, maraming salamat po!” Pinunas niya ang luha sa mata. But she secretly scrutinized the place around, marking every CCTV camera to be sure she stood at an angle that could not reveal her whole face.Kinuha ng lalaki ang radyong nakasukbit sa baywang nito. “May babaeng naghahanap dito kay Yaya Glo. Kamag-anak daw.” Binalingan siya nito at nagtanong, “Anong pangalan mo, bata?”“A-Ali…” tipid na sagot niya. Iyon naman ang tawag sa kanya ng tagapangalaga noong bata pa siya.Ilang minuto pang nakipag-usap ang guwardya bago ito nagbigay ng kumpirmasyon. “Papunta na raw, Ineng. Pero wala daw siyang kamag-anak na Ali.”“H-ho? P-pati pala siya kinalimutan na rin ako. Dios ko, ano nang mangyayari sa buhay ko.” Alessia sounded helpless.Nagbuntong hininga ang lalaki at kahit nagpipigil ito at halata nang awang-awa sa kanya.“Doon ka muna sa guard house maghintay. Mahigpit kasi rito, ayaw ni Boss na magpapasok ng kung sino lang.”Tumango si Alessia. “N-naintindihan ko po. Salamat.”Alessia smirked in silence as soon as she entered the gate. Tahimik siyang naupo sa monobloc chair sa loob ng guard house habang pinag-aaralan ng paligid.A four-storey house stood at a distance. Napakalawak ng hardin na natataniman ng iba-ibang makukulay na mga bulaklak. Nakahilera rin sa gilid ng daan patungo sa malaking bahay ang matatayog na puno ng Persimmon na hitik sa bunga. The place would be perfect for her to hide.Ilang sandali pa ay tumambad na sa harapan niya ang may katandaang babae. Namumuti na ang buhok nito at nakasuot ito ng asul na uniporme ng isang kasambahay. Yaya Glo’s plump figure remained the same.Tumayo si Alessia. “Nakikilala n’yo pa po ba ko? Ako na po ito, si Ali.”“Dios ko, Alessia. Ikaw na ba ‘yan?” Halos hindi makapaniwala ang matanda sa nakikita. Maluha-luha itong niyakap siya. “Ali, ikaw nga! Anong nangyari sa ‘yo? Paano ka napunta rito?”“Ako nga po.” Gumanti siya ng yakap sa matanda. This was the first in a very long time that she felt loved. Hindi maipagkakaila ang sayang bumalot sa puso niya.“Yaya Glo…” she whispered.“Dalagang-dalaga ka na. At ang ganda-ganda mo.”Kumalas ito sa pagkakayakap nang lumapit ang security guard. “Kaano-ano mo ba ito, Yaya Glo? Mukhang tumakas sa probinsya ha. Kawawa naman, gusto raw siyang pagsamantalahan ng tiyuhin. Tutal malakas ka naman kay Boss, ipakiusap mo na lang siya na mamasukan dito.”“Ito si Ali…apo ko.” Puno ng galak ang mukha nito. Pinunas nito ang luha, “Bert, dalhin ko muna sa loob para makapag-ayos. Ako nang bahala kay Sir Caio.”“Sige na.” Pagtataboy sa kanila ng lalaki.Hindi pa nakakahuma ang matanda kay Alessia. “Anong nangyari sa ‘yo anak? Paano mo ako nahanap? At bakit ganyan ang itsura mo? Nabalitaan kong inampon ka ng kaibigan ng daddy mo kaya naibsan ang pag-aalala ko. Pero Diyos ko, pinabayaan ka ba niya?” Sunod-sunod ang tanong nito.Mariing umiling si Alessia habang kuyom ang kamao. Kung malalaman lang nito ang impyernong dinanas niya. “Isang napakahabang kuwento, Yaya.”Agad siyang sinaway ng matanda. “Lola ang itawag mo sa akin, Ali. Ayaw kong pagdudahan ka ni Sir. Masyadong maingat iyon sa mga taong pumapasok sa bahay.”“Opo…Lola.” Nakuhang ngumiti ni Alessia. Mula pagkabata kasi ito na ang nag-alaga sa kanya. Mabuti na lang at umuwi ito sa probinsya nang gabing pinaslang ang mga magulang niya. At mula noon ay hindi na sila nagkita pa.Sa likod ng bahay sila dumaan at walang pag-alinlangan na pinapasok siya ni Yaya Glo sa loob ng silid nito.“Maligo ka muna at mamaya ipapakilala kita kay sir. Hindi kita pipilitin na magkuwento kung anong nangyari sa ‘yo. Pero puwede kang manatili rito pansamantala. Masaya akong nagkita tayong muli.”“Salamat, Yaya Glo. I spent most of my time in Beijing these past few years. I ran away from home. I didn’t want Papa to find me. I’ve been through hell, Yaya.” Bakas ang matinding poot sa mukha niya na agad namang nahalata ng matanda kaya hinaplos nito ang likod niya.“Dito ka muna, safe ka rito.” Pinayapa nito ang kanyang loob. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman nito na nagmula si Alessia sa mayamang pamilya na maraming illegal na negosyo. Pero hindi na ito nag-usisa pa.“I won’t stay here for long. Gusto ko lang magpalamig muna.” Naupo siya sa kama at marahas na nagbuga ng hangin.“Hanggang nandito ako, wala kang magiging problema. Basta hangga’t maaari ay iwasan mo si Sir Caio.”“I will do it.”“Sabihin mo lang kung ano ang maitutulong ko anak. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na magkasama tayo ngayon. Masayang-masaya ako na maayos ang lagay mo.”Lumambot ang ekspresyon ni Alessia. “Ako rin, Yaya.”Iniwan siya nito saglit nang ipatawag ito sa isang kasambahay na dumating na raw ang kanilang amo galing sa trabaho. Kaya mabilis na nag-ayos si Alessia. Isang kulay puting oversized shirt ang ipinalit niya at purple na pajama. Hinayaan niyang nakalugay ang hanggang leeg niyang buhok at wala siyang kahit anong kolorete sa mukha.Alessia knew who the boss was. He was Caio Alfieri, a CEO of a well-known construction firm in the country. Pero mailap ito dahil sa kabila ng galing niya sa pagkalap ng mga sensitibong impormasyon, ay wala siyang nakitang litrato nito maliban sa lalaking sekretarya nitong si Giovanni Mardetti. Both men were of a mixed heritage of Filipino and Italian.Nakapagpahinga naman siya buong maghapon ngunit biglang pumasok si Yaya Glo na tila nagmamadali bandang takip-silim. “Ali, halika rito. Ipakikilala kita kay Sir. Sinabi kong ipapasok kita ritong kasambahay.”“H-ho?!” Nagulat si Alessia dahil hindi niya ito inaasahan.“Bilis na at mainit ang ulo baka mapagdiskitahan ka. Mabuti nang magtrabaho ka rito para kahit magtagal ka walang magdududa.”“Sige.” Tumayo siya at agad na sumunod rito.Natagpuan niya ang sariling natutulala nang makarating sa loob ng mini bar. Naroon ang may-ari ng bahay. Para siyang itinulos sa kinatatayuan nang mapagsino ang lalaking abalang umiinom ng alak.“Sir, ito po si Ali ‘yong sinasabi ko.” Atubiling sabi ng matanda.Lumingon ang lalaki. “I don’t need another maid. But since you’re Yaya Glo’s grandchild, you’re hired.”“Y-yes, sir.” Yumuko siya.“Ali, ito si Sir Caio, ang amo natin.” Pagpapakilala ni Yaya Glo.“P-pagbubutihin ko ang trabaho ko, sir.” She averted her gaze as soon as she raised her head. Mukha lang siyang kalmado pero sobrang eratiko ang tibok ng puso niya. Paanong hindi siya magugulat? Caio Alfieri was the man she spent a wild night in Italy!ISANG araw bago ang kasal, tuwang-tuwa si Hyacinth nang malaman na dumating ang kanyang mga magulang. The Gaudencio sisters maintained a safe distance from her, and Varo never left her side so everything was peaceful.“You have an older brother?” Varo was shocked upon learning about it.Noong isang gabi, ilang ulit itong humingi ng pasensya sa kanya dahil nasa usapan nila ang pagtatago sa kanyang pamilya tungkol sa kanilang kasal.However, Hyacinth was calm about it. Paul Chan was too meticulous that every member of the Great White Shark had a perfectly crafted persona to hide their real identity in the underworld. Not just one, but countless fake identities. Depending on a mission they were in.Pero katulad ni Varo, nagulat din siya sa sinabi nitong nakatatandang kapatid na naroon kasama ng magulang. She wasn’t briefed about this ahead of time. But knowing her, she’d adapt.“Of course, I have an older brother,” wika ni Hyacinth na walang bakas ng pagkabahala sa mukha.Kasalukuyan sil
HYACINTH enjoyed playing a damsel in distress in front of the Gaudencio Patriarch. Lalo pa at siya ang kinakampihan nito kumpara sa anak nito. She could tell, even though Varo was his adopted son, Felipe favored him more. That made her more curious. Sino kaya ang biological father ni Varo? “Are you hurt?” Varo checked her if there was any visible injury. Matapos ay inayos nito ang magulong buhok niya. “I’m okay.” Umakto si Hyacinth na talagang kinawawa. Kaya niyakap ni Varo ang asawa. Matapos ay tiningnan nito ng masama si Yelena. “Apologize to her!” udyok nito. Pigil ni Hyacinth ang ngiti nang makita si Yelena na kuyom ang mga kamao at nagpipigil. Hindi ito natinag sa sinabi ni Varo.“She stole my bracelet!” Yelena said with conviction. Varo chuckled. “I know you don't like my wife, Yelena. But are you insulting my capacity to provide for my wife? I can buy her a hundred pairs, thousands even.”“The maid saw her steal it!”Lahat ng atensyon ay natuon sa nanginginig sa babaeng k
“TELL me, Cinth. What happened earlier?” May pag-aalala pa rin sa tinig ni Varo.Kasalukuyan siya nitong tinutulungang magpatuyo ng buhok gamit ang blower sa loob ng banyo. Kinarga siya nito mula sa swimming pool patungo sa kanilang silid kanina. “You gave me a blessing to fight back, right? Please don’t blame me if I acted that way.”“I’m curious, how did you make them so mad?” Hindi napigilan ni Varo ang matawa. “It was very satisfying to see them that way,” dagdag pa nito.Napangiti si Hyacinth. “They were trying to bribe me to leave you. Parang telenovela lang. Name my price daw e.”“And what did you say?”“I said it’s something money can’t buy—their lives.”Humagalpak ng tawa si Varo. “Kaya naman pala galit na galit.”“Your sisters, they are something.” Hyacinth shook her head.“Be careful, they will surely retaliate.”“I’m enjoying their game. As long as you’re with me, I don’t worry at all.”Inilapag ni Varo ang blower at yumakap ito sa kanya mula sa likuran. “Hindi ko pinagsi
“GIRLS, you made it!” Agad na nagliwanag ang mukha ni Valeria pagkakita sa dalawang anak na babae.Sa unang tingin pa lang ni Hyacinth sa dalawang babae, mukha ngang mga maldita at hindi gagawa ng maganda. She knew it, because she’d been raised from hell and they could pass as her lowly minions. Tutal pare-pareho lang naman halang ang kaluluwa nila.The Gaudencio sisters appeared to be a socialite with all the signature clothes and accessories in their bodies. Puno rin ng kolorete ang mukha ng mga ito.“Is that her?” sabi ng isang babae na matangkad na may mahabang kulot na buhok na kulay brunette. She was the eldest, Victoria Gaudencio.“See? She looks like a bargirl, pretending to be decent,” sabi naman ng isa. She was the younger sister, Yelena—a petite young girl with short blonde hair.Sabay na humagikhik ang dalawang babae sa nakakainsultong paraan.Hyacinth just ignored them. They were not even worth her time. Pero kung sasalingin siya ng dalawa ay hindi siya mangingiming makip
ISANG itim na limousine ang sumundo sa dalawa nang lumapag ang eroplanong sinakyan nila sa airport ng Beijing. There were six cars on the convoy. Nanatiling walang kibo si Hyacinth dahil tahimik siyang nakikiramdam. “Are you all right?” nag-aalalang tanong ni Varo sa tabi niya. Pinisil nito ang kanyang kamay na wari ay sinisiguro nitong magiging maayos din ang lahat.“These bodyguards, it could rival the security around the president,” pagbibiro niya. “Don’t mind them. Papa just wants to show off.” Marahang tinapik nito ang ibabaw ng kanyang palad.“Indeed, the Gaudencios are filthy rich that you could afford to buy the Interpol if it's allowed.”“Are you scared?”“Your family’s wealth is scary.”Natawa nang pagak si Varo. “When we arrive home, just play it by ear. Okay? Well leave immediately.”Tumango si Hyacinth. “As long as you're with me, why should I be bothered? I signed up for this. I'm actually excited.”“Just a reminder, stay away from my sisters as much as possible. They
MABILIS na lumipas ang mga araw hanggang sa dumating ang kanilang kasal. In the past few days, Varo ensured the preparation went smoothly. Pinili nilang magpakasal sa Hong Kong dahil iyon ang pinakamalapit at may dugong tsino naman si Varo.Pinili ni Hyacinth na simpleng celebration lang sana dahil ayaw na niyang magsayang pa ng oras at pera, pero mapilit si Varo. Kahit dalawang matandang pareha lang ang magsisilbing witness sa kanila na hindi niya alam kung saan kinuha ng lalaki, pero pinili pa rin ni Varo na magsuot sila ng isa sa pinakamahal na wedding dress at gumastos nang bongga sa venue.They were walking on the aisle going to the marriage officiant. Napapalibutan ng puting mga fresh na bulaklak ang paligid. Everything was exquisite, except that there were no visitors except from the two witnesses.There was only one musician playing a violin.“See? You spent a fortune for a dress that we won’t be able to use again.” Napapailing na saad ni Hyacinth habang sabay silang naglalakad







