Isang malaking kahihiyan ang nangyari ‘yon kagabi. Ilang beses ko pang sinubukan pakalmahin ang sarili ko dahil tila may kumakalabog sa dibdib ko tuwing naaalala ko ang titigan namin ng lalaking ‘yon. Kinaumagahan, ginawa ko ang makakaya ko upang hindi ko na pakaisipin ang pagdampi ng daliri niya sa daliri ko. Kailangan kong kontrolin ang emosyon ko dahil baka kung ano pa ang maisip ni Lordan sa ‘kin. Hindi pwedeng humarap ako sa kanila na para may iba sa kinikilos ko. Mabuti na lang wala ‘don ang apat dahil baka sa pambubuyo nila lalo na si Leonaire at Shawn ay baka mas lalo ko pang ikahiya ang sarili ko. “Oh, Ayla? Kanina ka pa ba d’yan?” tanong niya sa ‘kin ni Wendell habang kinukusot ang kanyang mata. Halatang bagong gising ito dahil malat ang boses nito. Lumabas siya ng kwarto. “Hindi naman.” Pagsisinungaling ko sa kanya. Ang totoo niyan ay kanina pa ako dito ng ala sais ng umaga at ngayon ay malapit na mag-ala siete ng umaga. Nakatayo lang ako dito, nag-iintay na bumukas ang
Lordan P.O.V “Hey, Lordan,” bati sa ‘kin ni Wendell nang makita niya ako. “Saan nagpunta si Ayla?” “Sa kwarto niya, bakit?” sagot niya sa ‘kin. “Magkasama kayo kanina hindi mo alam?” Namewang ako habang nakatingin sa malayong direksyon, “Tinakasan ako ni Ayla ‘e.” “Huh? Wait, what do you mean?” nagtatakang tanong niya.Ibinalik ko ang tingin sa kanya, “Tama pala ang hinala ko na wala siyang seat belt noong araw na sabay kayong pumasok,” sagot ko sa kanya. “Sabi pa niya ‘e hindi raw siya komportable na maglagay ng safety seat belt.” “Ohh, ‘yun ba? Napansin mo pala ‘yon, for sure napansin mo din na mabagal ang pagmamaneho ko noong araw na ‘yun, haha!” aniya. “Ang sabi niya kasi ay may trauma siya sa paglalagay ng seat belt.” Nagtaka ako sa sinasabi niya sa ‘kin, “Trauma?” “Yes,” Sagot agad niya sa akin saka pinagpatuloy ang sinabi, “Paslit daw siya noon ng makulong s’ya sa loob ng sasakyan and she was unable to remove the seat belt that was wrapped around her. Ilang beses raw siy
Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakialam sa buhay ng may buhay. Mas gugustuhin ko pang magkulong sa isang madilim na kwarto kesa makihalubilo sa kanila pero sa nakikita ko ngayon ay mas hinahayaan ko pa ang sarili ko na makalapit sila sa akin. Kung noon, mas iniisip ko pa ang sarili kong buhay, ngayon maging sila ay pumapasok na rin sa isip ko. Kung anu-anong mga pangaral pa ang sinasabi ko kay Shawn na parang alam na alam ko ang lahat ng sinasabi ko. Sa kabilang banda, tingin ko ay wala namang mga mali sa pinagsasabi ko. Sinabi ko lang kung anong gusto kong ipabatid sa kanila ngunit hindi ko pa rin maiwasan na isipin kung bakit ko ba ginagawa ang lahat ng ‘to. Nangangamba ako sa hindi maipaliwanag na kadahilan dahil iniisip ko na baka matuloy-tuloy pa ito.Hindi ko na talaga nakilala ang sarili ko sa tuwing kaharap ko sila. Dapat ko bang ipagpasalamat ‘yon o kagalitan sila dahil may nagbabago sa ‘kin. Hindi ko din alam. Hanggang dito ba naman ay wala akong maisip na kasagutan.
“Na’saan na si Ayla?” tanong agad sa akin ni Wendell nang makalapit siya sa ‘kin. “Hindi ko rin alam ‘e.” nagkibit-balikat na sabi ko. Narito kami ni Wendell at Shawn sa tapat ng main door ng mansion iniitay na makalabas si Ayla. “Guys,” napatingin kami kay Kael na papalapit sa ‘min galing sa loob. “Kanina pa nakaalis si Ayla, napansin ko kanina nang buksan ko ang curtain sa sliding door sa balcony,” aniya saka natawa siya at pinagkrus ang braso. “Haha! Kakagsing ko lang ng mga oras na ‘yon, mukha siyang excited sa foundation ng school dahil sa bilis ng takbo niya papunta sa sasakyan!” Napakaaga naman ata niya masyado. 8 am pa naman ang start ng event. Hindi ko rin napansin ang araw na lumilipas dahil masyado ginugol ko ang mga oras ko sa paglalaro sa court pati na rin ang madalas kong pagmamasid kay Ayla sa mansion. Lagi siyang nakangiti at kung minsan para s’yang may sariling mundo dahil minsan ay nahihimigan namin siyang tumatawa tuwing nagluluto siya at napapadalas din ang pag
Chapter 20 We are one Ayla Point of View Maaga akong pumasok dala nang aking pagkasabik. Nagputing t-shirt lang ako katerno ng puting sapatos ko at medyo maluwag na pants. Kahit isang beses ay natuwa rin akong pumasok sa university na ‘to. Hindi ko pinapansin ang nasa paligid ko habang papunta sa sasakyan kong nakaparke na sa tapat ng fountain na kaharap lang ng mansion. Inihanda ko na ito noong gabi pa lang dahil hindi na talaga ako makapag-intay pa. Nabubuhayan ang dugo ko sa tuwing nakikita ko ang mga bagay na gusto ko. May liwanag na nang umalis ako. Nang makarating agad ako ay agad kong pinarada ang ibang sasakyan na gamit ko sa may parking lot. Iilang sasakyan pa lang nagparke sa malawak na parking lot. Isinuot ko ang sumbrero kong itim bago ako bumaba upang hindi ako masyado pagtuunan ng pansin ng mga studyanteng abala sa kanilang ginagawa. Nais ko sanang pasukin ang mga room sa third floor ngunit inaayos pa nila ang nasa loob. Time checked, 6:42 a.m. na ako nakarating sa fo
Shawn’s P.O.V “Alamin niyo ang nangyari.” Bilin ni Lordan bitbit si Ayla bago lumabas ng lab. Binagyan namin sila ng way para makalabas. May pogi points na naman si Lordan kay Ayla. “Pa’no ba ‘yan, nilalamangan ka na ni Lordan?” natatawang sabi ko kay Wendell na katabi ko lang. “Huh?” Slow niya talaga kahit kalian pagdating sa ganitong buyuhan. Nasa unahan naming si Leonaire at nasa likod naman kaming tatlo. “You’re Blaire’s big sister, right?” dinig kong tanong ni Leonaire kay Mindy. Napamaang si Mindy nang marinig niya mula kay Leonaire ‘to. “How did I knew? Of course, she is Shawn's ex fling.” Tinapunan ako ng tingin ni Leonaire matapos sabihin ‘yon. “Ex mo pala ‘yon.” bulong ni Kael sa ‘kin. “Correction, ex fling.” pagdidiin ko sa kanya. “Ga’non na rin ‘yun.” Sagot pa niya. Sabi na nga ba’t isasama ako nang isang ‘to. Yes, she’s my ex fling slash kalaplapan pero hindi rin nagtaggal ay inayawan ko rin siya. Of course may rason. She acts like my girlfriend at higit pa ‘don,
Lordan P.O.VDali-dali akong bumaba ng bawat palapag, hirap ‘man ay pinilit kong bilisan ang pagbaba. Ang babaeng ‘to, lagi na lang siyang nilalapitan ng gulo. Hindi ko ‘man alam ang buong nangyari pero nasisiguro ko na hindi siya ang nagsimula ng gulo. Naobserba ko na sa kanya ‘yon simula nang mapanood ko ang nangyari sa may parking lot at pati na rin ang sinabi niya sa may dean’s office noon, nagiging agresibo lang siya kapag may hindi siya nagustuhan. Kaya mo siyang gawing mahina pagdating sa masasakit na salita pero nag-iiba siya sa tuwing may hindi siya nagustuhan lalo na ang masaktan siya dahil panigurado, sa huli, ikaw ang sasalo sa sarili mong bitag.Pinagtitinginan kami ng students kaya nagsimula na sila magbulungan pero hindi ko na lang sila pinansin, “Ano bang ginawa nila para mawalan ka ng malay?” tanong ko sa kanya kahit wala pa rin siyang malay. Binilisan ko ang pagmaneho ng sasakyan matapos ko siyang ihiga sa back seat.Nang makarating sa mansyon, sa kwarto ko siya dina
Ayla P.O.V Nakahinga ako ng maluwag matapos kong marinig ang pagsara ng pinto. Naalala ko ang reaction niya nang humingi ako sa kanya ng tawad. Marahil naguguluhan siya dahil hindi niya alam ang nararamdaman ko tuwing sumisipot siya kapag nasa gitna ako ng gulo. Napakalakas ng kutob niya, ‘ni hindi ako naghabilin sa kanila kung na’saan ako pero hindi ko akalaing matutunton kaagad nila ako. Aminin ko ‘man o hindi, alam ko sa sarili ko na… pinapakalma niya ang buong sistema ko sa tuwing naririnig kong binabanggit niya ang pangalan ko. Basta, hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko sa tuwing naririnig kong binabanggit niya ang pangalan ko. Muli kong naalala ang aksidenteng pagdampi ng kamay niya sa mga daliri ko. Alam kong sa mga oras na ‘yon, may iba pero pilit ko lang inaalis sa isip ko ‘yon at pilit ko rin tinatanggi na may iba. Kanina ay napasulyap ako sa mga labi niya, hindi maiwasan ng isip ko na purihin ang maganda pagkakahugis ng kanyang labi. Napahawak ako sa dibdib ko nang ma