Share

Chapter 2 Missing

"D-Dito Ayla ang kwarto m-mo h-hehehe" ani Kael na may bahid sa kanyang mukha ng takot habang itinuturo ang pinto. "Sana magustuhan m-mo hehehe kami nag-ayos niyan."

Nang buksan niya ang pinto ay mahahalata sa kilos ng ulo niya na nililibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng kwarto niya. Nagulat na lang kami nang malakas ang pwersa nang pagpatay niya sa switch ng ilaw sa kanyang kwarto. Ang kaninang sobrang liwanag na sinag ng ilaw sa kanyang kwarto ay napalitan ng kadiliman at ni-isang parte ng kwarto ay hindi na maaninagan.

Halos tumalon ang puso ko sa lakas ng barog ng pinto matapos niyang isara.

"Amm... Hindi naman halatang galit siya." mahinang sabi ni Shawn.

"Nakakatakot ang presence niya!" sabi pa ni Leonaire habang nakatingin pa sa braso niya sa hinagod 'yon. "Errr, nanindig lahat ng balahibo ko!" pilit pa niyang binababa ang naninindig na balahibo niya sa braso.

Sumasang-ayon ako sakanya dahil totoong nakakatakot nga siya. Hindi ko halos makita ang buong mukha niya dahil sa mahaba at tuwid na hibla ng buhok niya ang bumabalandra sa buong mukha niya.

Para siyang si Sadako nang akalain namin kanina na isa siyang multo. Kaliwang mata lang niya ang tanging nakikita ko at ang mga matang yon ang mas nakadagdag ng nakakatakot niyang awra. Kahit sino ay matatakot sa itsura niyang 'yon.

"Hindi ko kinaya yung nakakatakot na awra niya kanina. Ang titilos pa ng kuko niya! Mula ulo hanggang paa ay nakakatakot talaga. Para siyang may dinadalang kadiliman sa katawan!" komento ni Leonaire.

"Hinaan niyo ang boses niyo baka naririnig niya kayo. Halika na kayo tulungan niyo ko magluto. Late na, hindi pa rin tayo kumakain ng hapunan. At baka hindi pa rin nakain si Ayla. " ani Wendell saka naglakad na siya palayo sa amin. Sumunod na lang kami sakanya.

"Ikaw na lang kaya Lordan ang magluto." pagsusumamo ni Shawn. "Tutal mas maayos ka pang magluto kesa kay Wendell..." nagkipit balikat si Wendell matapos niyang marinig 'yon saka nanguna sa 'min malakad. "Kaso ang luto mo ay hindi nga lang ganong masarap." may kumpyansang dagdag pa niya dahil namewang siya at talagang nakangiti pa.

Pabiro ko siyang aambain ng suntok kaya bigla siyang napaatras. "Ikaw! Nahiling ka na nga lang may lait pa!"

"Hehehe biro lang." nagpeace sign siya. "Please, ikaw na ang magluto." aniya na habang hinahalit ang manggas ng t-shirt na suot ko.

"Lagi na lang ba ako? Kung magsi-aral rin kaya kayo magluto para naman magkaroon kayo ng alam sa gawaing bahay." naiinis na sagot ko. Kung tutuusin ay hindi na bahay 'to. Pero basta bahay na rin 'to dahil tinitirahan namin. Mabilis akong naglakad para iwan sila.

Nang malapit na akong makarating sa kusina ay nagtaka ako nang mahimigan kong  may kinakausap si Wendell. "Sinong kausap—" napahinto ako sa sasabihin ko nang mahagip ng mata ko ang mga lalaki na nagpupumiglas sa kanilang pagkakatali. Walong mga kalakihan na narito. Mayroong mga nakabuglagta at iilan lang ang mga may malay. Gusto ko sana matawa nang mamataan ko, ang isa sa kanila ay may kagat-kagat ng mansanas.

"Ahhh... Ahh ahhh ahhh!" pagbuo ng ingay ng may kagat ng mansanas.

"Hmm... Yes, here on Dawson Residence. Please, come here immediately." rinig ko pa na sabi niya saka binababa at ibinulsa ito.

"G-Ginawa mo yan?" nagtatakang tanong ko sakanya.

Umiling siya. "Me?" nakangiti pa niyang tinuro ang sarili niya. "haha, of course not."

Nahimigan kong paparating na ang tatlong halatang nag-aasaran sa nangyari kanina. "Tara na magsimula—" boses ni Kael. "Woooah-woooah! Ahmm... W-What's going on, guys?!" bakas rin sa mga mukha nila ang pagtataka at nahaluan na rin ng takot.

"I think Ayla did all of these." hula ni Wendell. "Look over there." itinuro niya ang bukas na pinto ng switch. Napagtanto ko na bukas yon at hindi pa ayos ang pagkakataas ng switch.

"You sure?" natatawang tanong ni Shawn na para 'bang hindi siya naniniwala na magagawa ito ng isang babae.

"Then, who do you think would do these?" tanong ni Wendell. Natauhan si Shawn kaya natahimik siya.

"Maaaring binababa ni Ayla ang main switch kaya siguro namatay lahat ng ilaw sa buong mansion o di kaya ang mga magnanakaw na 'to ang nagpatay," komento ni Kael.

Napatingin kami sa 'di kalayuang main switch. Hindi ayos ang pagkakataas nito kaya siguro kumukurap-kurap pa ang ibang ilaw.

Napansin ko rin basag ang window glass sa harap ng sink. Maaaring dito pumasok ang mga masasamang loob na 'to.

"Kung tinatanong kaya natin si Ayla?" suhestyon ni Shawn.

Napataas ang kilay ko. "Hibang ka ba? 'Ni pagtitig nga ng matagal sakanya ay hindi natin matagalan, tapos hahanapan pa kaya natin siya ng sagot." sagot ko kay Shawn.

"Sinong gumawa sa inyo nito?" nakita na lang namin tinatanong ni Leonaire ang isa sa mga kriminal na nasa harap namin. Inalis niya ang malaking mansanas sa bibig niya.

"Ah... Ahh... Aray, ang sakit ng bibig ko!" ngumanga-nganga pa siya. Bakas ang malaking pagkakakagat ng lalaki sa mansanas. "Na'saan na yung babae na kasa-kasama niyo?! Babawian ko pa-accckk—" natawa kami ng mahina nang biglaang ipalsak muli ni Leonaire ang mansanas sa bibig ng lalaki.

Tumikhim si Wendell. "Well, my guess seems right." dagdag pa niya.

"Ang alat, huhuhuhu" naiiyak na sabi ni Shawn. "Yaya Loren, I miss you and all the delicious dishes you prepare huhuhu!"

Imbis na ina niya ang hanapin niya 'e yung paboritong pa niyang yaya ang hinahanap niya. Napailing na lang ako sa inaasal niya.

"Kung ikaw kasi ang nagluto, Lordan!"

Hindi ko siya pinansin. Wala ako sa mood magluto. Tinamaan ako ng katamaran. Napalunok na lang ako ng sobra dahil sa sobrang alat talaga ng pagkain na nakahain. Kumuha na lang ako ng cup noodles sa cabinet kesa tiisin ang pagkain na 'to. Nakatira nga ako sa magandang mansion pero ang pagkain ay hindi angkop sa kapaligiran ng mansion.

Naalala ko pa nilagyan ni Wendell ng asin ang niluluto niyang adobo kaya mas lalo pa itong umalat. Ilang beses ko na siyang tinuruan ng mga luto na natutunan ko sa ina ko pero palpak pa rin ang ginagawa niya.

"Parang ayoko na magtangkang lumapit kay Ayla lalo na kapag naaalala ko ang nakakakilabot niyang boses." ani Kael na natatakot pa rin.

"Ayaw mo nang lumapit? You mean aatras ka na?" natatawang tanong ni Shawn. "Siya sige, bayadan mo si auntie, hahaha." pang-aasar niya. Napapaub-ob na lang si Kael.

Nagpangalumbaba si Wendell na para bang may iniisip siya. Dahil siya naman ang matalino samin, inaantay namin ang sasabihin niya. "Why you all looking at me?" tanong niya ng mapansin niya nakatingin kami sakanya.

"Baka may naiisip ka?" tanong ko saka bago ko ubusin ang natitirang sabaw ng cup noodles. Hay nako, nagugutom pa rin ako kahit nakatatlo na ako nito

“Hmm, napag-usapan na natin yan di ba? We'll try all of your suggestion.”

"So, kahit suhestyon niyang si Shawn ay gagawin natin?" tanong ni Leonaire.

"Uhm... susubukan natin." sagot ni Wendell na ikinatawa ni Shawn samantalang kami ay ikinamulat namin ng mata dahil nabigla kami sa sinabi niya. "Kung kinakailangan ay gagawin natin yon."

"Si Shawn ang nakaisip. Kaya siya ang sumubok. Tutulungan na lamang natin siya sa plano niya." ani Leonaire. Napatingin kami kay Shawn. Tuwang-tuwa naman siya habang pinagkikiskis ang kanyang mga palad. Parang nawala ang takot niya bigla.

"Sa ngayon, susubukan natin ang suggestion ni Lordan. Absent tayong lahat bukas. Don't worry sa professors niyo. I handle it." ani Wendell na katabi ko lamang sa lamesa. Tumayo siya saka kinuha ang isang tray.

Nang maisipan kong tumayo, umalis na ako sa dining area dahil gusto narin magpahinga ng katawan ko. Habang 'yung tatlo nagtitiis sa hinain ni Wendell na american dish daw. Hindi ko alam ang tawag.

Napagod ang paa ko kakatakbo sa loob ng mansyon. Napadaan ako sa may malaking living room na tinatambayan namin kanina. Mahina akong natawa nang mapagtanto ko na maling paraan pala ng pagbukas ang ginagawa naming lima sa pintong 'to. Dala na siguro ng kaba at takot kaya nawala na sa isip namin kung  paano buksan 'to.

Naguguluhan rin ako sa plano namin para bukas dahil ko hindi ko maintindihan kung ano ba ang uunahin o sadyang wala lang ako sarili.

Malayo palang ay natatanaw ko na ang server table na may nakapatong na bowl. Nasa tapat ito ng kwarto ni Ayla. Napakunot ang noo ko nang mapansin kong wala 'man lang bawas ang nakahain doon. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung anong oras na. 11:57 pm na. Anong oras na pero hindi pa rin siya nakain. Lumapit ako sa pinto niya para katukin ang pinto pero kakatok pa lang ako nang biglang bumukas ang pinto.

Ito na naman ang nakakatakot niyang awra. Bumaling ng kaunti ang ulo niya sa akin kaya medyo napaatras ako ng kaunti. Napaurong ulit ako nang akalain kong lalapit siya sakin. Kukunin pala niya ang pagkain na hinain ni Wendell sa kanya. Kinuha niya ang kutsara saka tinikman ang sabaw. Hindi ko makita ang itsura niya dahil nakaladlad ang buhok niya kaya kahit nasusubo na niya ang ilang mahabang hibla ng buhok niya sa mukha ay balewala lang sakanya. Nang ilabas niya ang kutsara sa bibig niya ay kanya agad itong binitawan dahilan para makabuo ng matinis na ingay dahil mataas ang pinagbagsakan ng kutsara.

Hindi niya gusto ang lasa.

"Alisin mo ang paningin mo sa 'kin." ani niya na hindi tumitingin sakin.

Natauhan ako bigla sa kinatatayuan ko nang magsalita siya. Sasagot pa lamang pa lang ako nang umatras siya saka tuluyan ang isinara ang pinto.

"H-Hoy! Hindi kita tinitingnan 'no! Asa ka!" sigaw ko sa kanya kahit nasa loob na siya. Hindi ko rin alam ang inaakto ko pero ngayon lang nag-function ang utak ko. Swerte siya at nilapitan ko ang isang weirdo at nakakatakot na tulad niya 'no.

Makatulog na lang at isipin na wala siya dito. Wala rin naman saysay kung kakausapin ko siya dahil halata naman na hindi siya interesado makihalubilo saming lima.

"Lordan, gising! Gumising ka na, may pupuntahan tayo!" malakas na boses ni Kael ang naririnig ko.

"Tulog mantika talaga 'to kahit kailan! Lordan bumangon kana bilis!" dinig kong sigaw naman ni Leonaire.

"Bakit niyo ba ko pinapabangon?!" sagot ko saka nagtaklob ng unan sa mukha ko. Makalipas ang ilang segundo ay ginawa na naman nila ang pinakaayaw ko habang natutulog ako. Nagtulong-tulong sila para ibangon ako dahilan para mabigla ang katawan ko. Muntik ko pa ikatumba dahil wala pa sa huwisyo ang katawan ko. Narinig ko ang tawanan nila.

"Take a bath. Please be quick," ani Wendell sabay hagis sa akin ng tuwalya. "Dadalhin natin si Ayla sa mall."

"Bakit kailangan kasama pa ako?" medyo naiirita na tanong ko.

"Nagtataka ka pa 'e misyon mo rin 'to." masungit na sagot ni Leonaire saka lumabas ng kwarto ko.

Wala na akong nagawa kaya naligo na agad ako. Kapag napaalis pa kami sa bahay na ito hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Sinisingil din kami ni auntie Madeline ng renta dito na akala ko'y libre lang.

"Guys!!!" boses ni Kael sa malayo. Nang makalapit siya sa amin ay hingal na hingal. " Wala sa kwarto si Ayla!"  pahayag niya dahilan para mapatayo kaming apat.

Mula informal living room hanggang makapunta kami sa kwarto ni Ayla ay tinakbo namin. Bumungad lang samin ang madilim na kwarto ni Ayla. Naglakas loob ako buksan ang mga ilaw sa kwarto niya. Halos binuhasan kami ng malamig na tubig dahil sa nakikita namin ngayon. Napaupo sa sahig si Kael dahil hindi niya siguro kinaya ang nakikita niya.

Nararamdaman ko pangangatal ng katawan ko. Kahit ang paglunok ko ay hindi naging madali sa akin. Pinilit kong maglabas ng salita. "P-Pumapatay s-siya..." nauutal na sabi ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status