Mapapansin ang tatlong nakakahon ngunit mas naagaw nang pansin namin ang ikinagulat naming lima.
Tumambad sa amin ang isang malaking garapon na ang laman ay... pugot na ulo ng tao. Kulay pula ang laman nito pero maaaninag pa rin kung ano ang nasa loob. Ang buong katawan ko ay tila ba naging manhid. Hindi ko maikilos ang bawat parte ng katawan ko at hindi ko rin maalis sa paningin ko ang garapong yon.
Hindi kami ang kailangan para mabago si Ayla kun'di ang mga awtoridad. Isa siya murderer! Isa siyang kriminal!
"K-Kaya ba hirap-hirap silang baguhin ang babaeng ito dahil isa siyang mamamatay tao at hindi nila magawang ipakulong dahil pamilya nila ang babaeng yon." pagbabasag ko sa katahimikan kaya lahat sila ay napatingin sa akin maliban kay Kael. Itinayo ko siya saka hinarap siya sa ibang direksyon na hindi makikita ang bagay na 'yon.Naipasok niya ang mga pinatay niya nang hindi namin namamalayan?!
"At sa t-tingin ko... m-madudungisan ang pangalan ng mga Dawson kung ilaladlad ang impormasyon na mamamatay tao si Ayla Dawson." ani Leonaire.
"I'd rather die than be with her!" natatakot na wika ni Shawn.
"Really? Are you dumb or what?" sarkastimong tanong ni Leonaire. "Ano pang pinagkaiba ng sinabi mo kung siya rin naman papatay sayo?! Go find her and ask her to kill you!""No!" sagot agad ni Shawn.
"Paano kung tayo ang isunod niya? Ayoko pa m-mamatay." napunta ang tingin namin kay Kael.Matindi akong napalunok matapos marinig ang sinabi niya.
"Guys... shhh, don't talk out loud. She might hear us." pagsingit ni Wendell. Nababakas rin sa mukha niya ang takot. "Let's get out of here." dagdag pa niya saka tinulak-tulak kami ng mahina palabas. Sinarado niya ang pinto saka muling nagsalita. "Listen to me, guys. We must pretend that we didn't see all of these. We're in danger. ""Are you serious?! Sa tingin mo makakapag-pretend pa tayo?" pabalang na mga tanong ni Leonaire kay Wendell. Pinakatitigan lang siya ni Wendell."Bakit hindi na lang tayo tumakas kesa mag-aksaya ng panahon na makasama siya?" naagaw ko ang atensyon nila matapos kong sabihin ang suhestyon ko.
"Anong sasabihin natin kay auntie? Sa yaman niya hindi impossibleng ipahanap niya tayo." agad na gatong ni Kael. "And you know that each of us has a reason why she adopted us. Remember?" aniya kaya natahimik ako nang muling maaalala na naman ang tinutukoy niya."All we need to do right now is to find her. Ikutin natin ang buong mansion baka nasa paligid lang siya." malinaw na sabi ni Wendell.
Tulad ng sinabi niya ay kumilos na kami. Naghiwa-hiwalay kami para agad namin siyang makita. Ngayon pa lang natatakot na ako sa posibilidad na mangyari sa aming lima. Maaaring isa-isahin niya kaming pahirapan at patayin o pagsabay-sabayin kaming lahat. Hindi na nakakapagtaka dahil kagabi ay nagawa niyang pabulagtain sa sahig ang mga kriminal na yon.
Ngunit ang tanong... kung isa siyang murder bakit hindi niya pinatay ang mga taong yon? Ang isang murderer ay hindi mag-aalinlangan pumatay.
Naramdaman ko na lang nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ko. "Guys I found her in the kitchen. Quick!" pabulong na ani ni Wendell na para bang nagtatago siya sa isang gilid dahil tanging mataas na kisame lang ang nakikita ko habang tumatawag siya sa group chat namin.
7:47 amGalingan niyo ang acting habang kausap natin siya. --- Wendell Harrison Adlerseen by Leonaire, Kael, ShawnNagmadali akong pumaroon. Malalaking hakbang na ang ginawa ko para makapunta doon. Halos lahat kami ay sabay-sabay lang nakasalubong si Wendell."Where is she?" tanong ni shawn."You know what, Shawn. I really want to punch you! Kakasabi lang ni Wendell sa call kanina." angal ni Leonaire."Shh, tama na ang bangayan." pag-awat ni Wendell. "She was holding a different type of knife the last time I saw her—""Oh my god! She wants to kill us—""Silence, Shawn!" mahinang sigaw nilang tatlo. English-an sila ng english-an.Nanindig ang balahibo ko nang makarinig ako ng matinis na tunog. Nagkatinginan kaming lahat at hindi ko akalaing nagkasabay-sabay kaming lumunok. Napasulyap ako kay Kael. Konti na lang iiyak na siya. Nilakihan ko siya ng mata kaya napapikit at iling siya.
"Ako unang papasok." pagboluntaryo ko.
Nagkatanguan lang kaming lahat na para bang naiintindihan kaming lahat.
Matapos kong tumalikod, napatalon ako sa gulat dahil kaharap ko na ngayon si Ayla. Nagulat ako sa hawak niyang dalawang kutsilyo na parehas niyang pinanghahasa. Umatras ako dahil masyadong malapit sa akin ang bahagyang nakatungong si Ayla.
"A-Ahmm... Nan'dyan ka pala A-Ayla h-hehehehe." basag ni Shawn sa katahimkan . Mabuti na lang dahil may nambasag sa katahimikan."Hmm... Hindi naman ako na alis," sagot niya habang nasa kutsilyo pa rin ang tingin niya. "Sinong gusto niyong mauna?" tanong niya na ikinalakas ng kabog ng dibdib ko."A-Anong ibig mong sabihin?" marka sa boses ko ang takot ang kaba habang tinanong ito.
Narinig ko lang siyang ngumisi saka pumasok na ulit siya loob ng malaking kusina.
"Papatayin niya tayo, guys. Papatayin niya tayo, guys... sinasabi ko sa inyo." paulit-ulit na bulong ni Kael habang natataranta ang daliri niya sa kamay."Ikaw na lang mauna Leonaire. Masungit first." suhestiyon ni Shawn. Aambaan na sana ni Leonaire si Shawn ng suntok pero pinigilan siya ni Wendell. Akala ata ni Shawn ay biro lang ang lahat ng nangyayari.
"Stop it. Walang mamamatay, okay?" mahinang sabi ni Wendell."Mauuna ako.""Ha? Wait, what do you mean?! Lordan nahihibang ka ba?!" ani Wendell."'Yan si Lordan! Nagvolunteer nang maunang mamatay." tulad nila'y sinamaan rin si Shawn ng tingin."Why?!" curious na curious na tanong niya na akala mo'y walang mali sa sinabi niya."Makinig kayo. Ano 'bang iniisip niyo? Ang ibig kong sabihin maauna akong pumasok ng kusina. Wala naman siyang sinabi na papatayin kaya umayos kayong apat d'yan. Kung totoo 'man na murderer siya kanina pa niya tayo napatay." paliwanag ko sa kanila.
"At paano mo maipapaliwanag yung nakita natin sa kwarto niya?" tanong ni Leonaire.
"Aalamin natin, syempre." sagot ko saka nauna nang pumasok.Pumasok na ako nang tuluyan at lumapit sa kanya. "Tinatanong kita, Ayla Dawson. Kaya sagutin mo ang tanong ko." wika ko. Nasa may mismong lababo siya habang may kinukutkot doon.
"Hmm... mabuti naman at naisipan mong mauna." mahinahon na sabi niya dahilan para mapakunot ang noo ko at ikinabilis ng tibok ng puso ko.
Inaasar niya ba talaga kami?!
Dahil sa inis ay agad ko na siyang nilapitan saka hinablot pataas ang pulso niya. "Bakit ba hindi mo ako na lang ako sagutin?! Ha?!" nainis na tanong ko sa kanya. "Bakit dinadaan mo pa kami sa pananakot mong 'yan?! Sino ka ba talaga?!" dagdag ko pa.
"Lordan!" dinig kong sigaw ni Wendell pero hindi ako nagpatinag. Kahit sobrang lapit na namin sa isa't isa pero hindi ko pa rin maaninag ang buo niyang mukha."Bitawan mo ko." mahina ngunit may banta sa mga himig niya. Matigas ang ulo ko kaya hindi ko siya binitawan.
Hindi pa rin nawawala ang inis ko sa kanya. Lahat kami ay natatakot na sa kanya at parang ikinatutuwa pa niya. Para bang pinaglalaruan niya kami. Lumuwag ang pagkakahawak ko sa pulso niya nang makarinig ako ng kumukulong tiyan.At oo, sa akin nagmula 'yon. Nakakahiya! Narinig ko na lang si Leonaire at Shawn na malakas na tumatawa.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!""Sabi nang bitawan mo ko." aniya sabay halit sa kamay niya. Natahimik ako habang sinusundan ng paningin ko ang babaeng ito. "Kung hindi kayo nagugutom. Bahala kayo." naupo siya sa pangalwang upuan ng dining area sa bandang kanan. "Pinauuna ko kayong tikman ang niluto ko dahil baka hindi niyo magustuhan."Napalunok na lang ako. Napatingin ako sa kinatatayuan niya kanina. Bumungad sa akin ang isang balot ng plastik na may laman na lamang loob ng isda kaya napangiwi ako sa dahi sa amoy lansa. Bungad rin sa akin ang mga pinaggamitan niya at balat ng kung anu-ano. Pagkaharap ko sakanya, kasama na niya ang apat sa hapagkainan. Lumapit ako roon at nakita ang mga mukhang masasarap at yayamaning pagkain. Parang mga kumikinang ang mga pagkaing nakahain.
"Wow! Wala ba 'tong lason?" tanong ni Shawn kaya napatingin kami bigla kay Ayla.
"Gusto mo ba?" pang-aalok niya na ikinagulat namin.
Sabik na naupo si Shaw at Leonaire saka sinundan ng dalawang nagdadalawang isip nung una.
"Ano pang tinatayo mo d'yan, Lordan? Ikaw ang pinakamalakas kumain dito pero parang ikaw pa 'tong nahihiya." pag-aya ni Shawn saka sumubo ng kinakain niya. "My goodness... ang sarap! Anong nilagay mo dito? Bakit ganito 'to kasarap?!"Parang wala kaming pinag-usapan sa labas ng kusina ah?!
Tulad nila ay kumain na rin ako. Hindi ko na rin mapigilan ang gutom ko dahil dry foods lang ang kinain ko kagabi. Unang tikim ko pa lang ay parang nabuhayan ang katawan ko. Hindi nagkamali si Leonaire. Masarap nga! Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na kumain ng kumain.
Halos maubos namin ang inihanda ng weirdong babae na 'to. Nasa kabilang dulo siya ng lamesa habang kami ay malayo sa kanya. Tahimik lang at mababa ag tingin. Ang bibig niya lang na ngumunguya ang nakikita namin.
"Tapos na ko." aniya nang hindi 'man lang bumabaling sa amin. Tumayo na siya saka umalis na sa kinauupuan niya.
"Saglit..." pagpigil ko sa kanya nang malapit na siyang makalabas. Tumigil siya ngunit hindi 'man lang lumilingon sa 'kin. Ramdam ko ang paningin sa akin ng apat pero pinagwalang bahala ko sila. Nasisiguro ko na kinakabahan na sila sa maaari kong sabihin kay Ayla. Lahat kami ay natatakot na sa kanya."Sabihin mo nga sa 'kin..."
"Lordan." tawag si Wendell na parang sinasabi na 'wag kong ituloy ang sasabihin ko.Kung hindi ko ito itutuloy baka mas lalo kaming maguluhan sa karakter ng taong 'to!
"May balak ka bang patayin kami tulad ng pagpatay mo sa taong nasa loob ng kwarto mo?" diretsahang tanong ko. Tahimik lang siyang nakatayo. Hindi malaman laman ang reaksyon niiya. "Hindi ko akalaing kami pa ang kailangan magpabago sayo gayong hindi naman kami mga pulis. Anong karapatan mo para kumitil ng tao?!" ilang segundo na ang nakakalipas pero wala pa rin siyang tugon sa akin. "Sumagot ka!"
Napakunot ang noo ko nang marinig ang bungisngis na nanggagaling sa kanya. Hindi ko malaman kung umiiyak ba siya o tumatawa hanggang sa nanindig ang balahibo ko nang bigla na lang siyang tumawa ng malakas."Hindi ko akalaing gan'yan ang tingin niyo sa akin sa kabila ng pagtulong na ginawa ko sainyo kagabi," ani niya na natatawa pa habang umaalis ng hapagkainan. Ibinaling ang tingin sa 'min "Sa lahat nang pwede niyong hinala sa akin ay talagang murderer pa. Kung tutuusin ay nakakagalak pa, hahaha." dagdag pa niya. Nababaliw na siya!Naglakad siya patungo lababo sa nagbukas ng cabinet doon. Napaatras ako nang makita ang nakita namin kani-kanina lang sa kwarto niya. Maging ang apat ay napaatras rin at nasisiguro ko maging sila ay kinakain na ng takot. "Ito ba ang tinutukoy niyo?"
"N-Nasa kwarto mo lang yan k-kanina. I-Ibig sabihin...""Oo, naroon ako. Hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan niyo. Hindi ko rin akalaing maglalakas loob kayong pumasok sa kwarto ko dahil kung tutuusin ay mga duwagin kayo.""Ohh, that's insult." dinig kong sabi ni Shawn.
Ibig sabihin kanina niya pa kami pinapanood maghanap sa kanya. Unti-unti niyang binuksan ang garapon. Namumutla na ako panigurado sa oras na ito. Nahihibang na siya! Bakit kailangan niyang buksan ang garapong yon?!"May naamoy ba kayo kahit katiting na mabahong amoy?" tanong niya.
Nagulat kami sa sunod niyang ginawa. Pwersahan niyang ibinagsak ang garapong hawak niya at bumungad samin ang isang..."Is that p-printed paper na may mukha ng natutulog na tao?!" nauutal at hindi makapaniwalang tanong ni Shawn.Bukas na bukas ang mata ko nang makita ko na isang papel lang ang laman nito at sa tingin ko ay food coloring lang ang tubig na nakalagay sa garapon. Napanganga ako dahil para talagang totoong ulo ang nasa loob ng garapon. Halos humiwalay ang mga kaluwawa namin tapos mali pala kami ng iniisip."Kung pwede lang pumatay marami na siguro akong nilagutan ng hininga," wika niya sa umalis sa kinatatayuan niya para magtungo palabas ng kusina. "Palalampasin ko ang pagpasok niyo sa loob ng kwarto ko. Ito na ang huli. Baka kung ano pa ang magawa ko sa inyo." dagdag niya pa bago makalabas.
Lordan’s P.O.V“Be my date on February 28, Ayla.”Natigilan siya sa pagkakataong ito. “28? In two weeks?”“Nagkaroon ng announcement sa campus. May grand ball na magaganap for all year level.” Masayang anusyo ko sa kanya.Nawala ang ngiti niya sa kanyang labi at umiwas siya ng tingin. “Ayoko.”Nadismaya ako sa sagot niya. “Ayla naman.” Hinarap ko ang mukha niya. “Gusto ko ikaw ang maging partner ko, ayaw mo ba?”“Hindi sa gano’n.” maikling sagot niya. “‘Wag mo ng ipilit.”Ipipilit ko kung kaya ko’ng ipilit. Gusto ko, siya lang ang maisayaw ko sa gabing 'yon.“Mas sasaya kaming lima kung makikita ka naming na’ron.” Mahinahong sabi ko.Binalikan niya ako ng tingin. “Umamin ka nga…”“Umamin? Anong aaminin?” nagtatakang tanong ko.Ikinagulat ko ng i-alis niya ang kamay niya sa kamay ko. Napalitan ng seryosong tingin ang mga mata niya.“Hindi mo talaga ako gusto.” walang anu-ano'y sabi niya.Naguluhan ako sa sinabi niya.“Sinabi mo lang na gusto mo ko dahil alam mo’ng gusto kita.”“Ano ba’
Ayla’s P.O.VAno ba’ng pumasok sa kokote niya at nagawa niya akong yakapin sa harap ng apat na ‘yon?!Nakakahiya!“Ayla!”Binilisan ko pa lalo ang pagtakbo nang marinig ko ang pagtawag niya.‘Bakit pa ba niya ako sinusundan?!’ bulong ko sa isip.Nanlaki ang mata ko nang makuha niya ang kamay ko at agad na hinarap sa kanya. Nakangiti na para ba’ng nagtagumpay siyang mahuli ako. Ngunit mas ikinagulat ko nang hatakin niya ako papalapit sa kanya.“Na-miss kita.”Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.Naiilang ako sa mga tingin niyang hindi ‘man lang maalis kahit na isang beses sa ‘kin. Gusto ko’ng sampalin ang sarili ko, dahil paniguradong nagmumuka akong ewan na hindi alam ang gagawin. Sinubukan ko’ng kumalas sa pagkakayakap niya ngunit hindi naman ako nagtagumpay.“Sabi ko na-miss kita.”Kailangan ko ng hangin! Hindi ako makahinga ng ayos sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.“Dalawang linggo mo na ko’ng iniiwasan, ‘ni lingunin ‘man lang hindi mo nagawa.”Tss, para naman sa kanya ang g
Sa tulong ni Ayla nakalaya kami sa mga taong ‘to. Dahil sa takot ni 4’11 kahit may panlaban ang baril niya, nagawa na niya ibaba ang baril pero hindi pa rin inaalis ni Ayla ang patalim niya.“Labas.” Sinunod agad ng driver ang sinabi ni 4’11.“Buksan mo.” Hindi maayos ang pagkakasabi ko dahil sa busal.Nang makababa kami, agad kaming nagpunta sa likod ni Ayla na nasa unahan ng sasakyan. Hindi ko maipaliwanag, sobrang angas niya!“Baba.” Maawtoridad na utos ni Ayla.Sumunod agad sila kay Ayla. Pinaluhod ni Ayla ang mga ito sa harap niya.“Ako si Ayla Desire Yamamoto.” Taas-noo pakilala ni Ayla.Nagpalitan kami ng mga tinging lima dahil sa pagtataka na ibang apilyido ang ginamit niya.“Pamangkin ni Madeline Dawson.” Dagdag pa niya.Nan’laki ang mata nila nang marinig kay Ayla. Anong ba talagang may’ron kay Ayla? Kung hindi makapaniwala, pagkagulat naman.Matunog na napangisi at napailing si Ayla. “Matagal nang nahanap ang lungga niyo, talagang nakipagkasundo pa kayo sa may ari ng hotel
Lordan P.O.VIisang sasakyan lang ang dinadala namin pagpapasok kami sa trabaho. Pang-apat na gabi na namin dito sa hotel, sabi nila kaya madalas sila kumuha ng part timer dahil madalas ma Hindi naman ga’non kahirap ang trabaho dahil hindi lang naman kami ang nagt-trabaho. May Narito kami ngayon sa isang room para magbihis ng uniporme pa’ng waiter.“Guys hindi ba kayo nagtataka simula nang magtrabaho tayo?” panimula ni Shawn. “Tayo lang ang gwapong empleyado nila.”Natawa kami sa sinabi niya pero hindi sa panghuhusga ay masasabi ko’ng may punto nga siya.“Tinatarantado lang ata nila ‘yung mga taong gusto rin mag-apply sa kanila.” Komento ni Leonaire. Kakatapos lang niya magsuot ng uniporme.“Huy Wendell, kanina ka pa tahimik. Anong nangyayari sayo?” si Shawn. Napunta ang atensyon namin kay Wendell na nakaupo sa isang bench sa dulo nang kwarto’ng ‘to.Inisa isa niya kaming tiningan. “I feel so worried, guys.” Nangangambang sabi niya. “I think one guest is observing us from far. Ilang b
Kasama naming umuwi si tita Crissa ng mansion, pati na rin ang pa’ng bodyguard ni auntie. Nalungkot pa ko dahil nagpabukod si Ayla ng sasakyan, hindi ko ‘man lang siya nakausap nang umaga dahil para ba’ng iniiwasan niya ko. Dali-dali pa siyang pumasok sa loob ng mansion nang makababa sasakyan.May sinasabi pa si tita Crissa kanina sa ‘min pero hindi ko na maintindihan ang ilan dahil si Ayla ang nasa isip ko. Ang nagkausap sila ni Ayla at ayos na rin raw sila.Matamlay ako’ng nakahilata ngayon sa sofa. Nasa taas ang tingin, nasa balikat ng long sofa ang ulo, at ang isang paa ko ay laylay sa sahig. Dumagdag pa sa isip ko na hindi ko siya makikita tuwing may trabaho kami.“Oh, hindi lang kayo nagka-eye contact ni Ayla para nang pinagsakluban ng langit at lupa ‘yang mukha mo.”Hindi ko siya sinagot.“Ba’t mo kasi pinakilig? Tapos alam pa niyang narinig namin.” nabaling agad ang tingin ko kay Shawn. Nagningning bigla ang mata ko. Kanina ko pa tinatanong sa sarili kung bakit hindi niya ‘man
Mabuti na lang may pagkukusa ang kasama ko. Hindi naman masyado naglagyan ng dumi ang pool dahil may kalayuan naman naman kung saan pumesto ang helicopter ni Auntie. Nagbabasaan pa si Leonaire at Shawn sa pool area kaya bago itago ang panlinis ng pool. Nagwawalis naman si Kael at Wendell sa magkaibang pwesto.Tumigil ako sa pagsungkit ng dahon sa pool. “Huy! Tama na ‘yan!” saway ko sa dalawang nasa dulo ng pool.Biglang nagkatinginan ang dalawa at para ba’ng iisa sila ng nasa isip, may samang balak to’ng mga ‘to panigurado. Humarurot silang tumakbo papunta sa ‘kin.“Peste sabi na.” sambit ko bago mabilis ako’ng tumakbo papalayo sa kanila.Baka nakakalimutan nilang runner ako! Sa lugar namin, ako ang pinakamabilis tumakbo. Walang nakakatalo sa ‘kin. Utas na ko kakatawa dahil naghihingalo na ang dalawa kakahabol sa ‘kin.“Ako pa talaga ang hinabol niyo! HAHAHAHA!” tawang-tawa sabi ko habang nakapamewang pa.Muli silang tumakbo kaya agad akong tumalikod para tumakbo pero ang hindi ko ala