Share

Turn Her Into Demure Woman
Turn Her Into Demure Woman
Author: desire_ru

Prologue and Chapter 1 She's here

Prologue of Turn Her Into Demure Woman

"Walong buwan, para mabago niyo siya tungo sa disente at malumanay na dalaga." Nakadekwatrong pangbabae si Auntie matapos niyang sabihin ang misyon na inilatag niya sa amin.

Walong buwan? Ga'non ba kahirap ang misyon namin para mabago ang pamangkin ni Auntie Madeline. Napansin ko ang pangamba sa mga mukha ni Wendell, Kael, Shawn, at Leonaire. Mukhang pare-parehas rin kami ng iniisip. 

Ngumisi si auntie bago magsimulang magsalita. "Kapag hindi niyo nagawa ang misyon, sisingilin ko kayo ng mahigit na milyong dolyar-dolyar."

"Ha?!!!" sabay-sabay naming reaksyon nang marinig 'yon.

Samu't saring ingay na ang nabuo ng apat sa loob ng main living room habang ako ay tahimik at stress na stress na nag-iisip. Halos lumuwa na ang mata ko nang marinig ko 'yon. 'San ako pupulot ng gan'yang pagkalaki-laking pera?! Hampas lupa lang ang isang tulad ko!

"Auntie," binaling niya ang tingin sa 'kin. "Pa'no ko naman po babayaran 'yan? Alam niyo naman po kung bakit ako narito..." tanong ko sa kanya at naramdaman ang tingin ng apat sa 'kin. "...hindi lang ako, kun'di naming lima."

Nag-iba siya ng direksyon ng tingin. "Hmm... hindi ko na problema 'yon."

Halata sa mga aksyon at tono ng pananalita ni Auntie Madeline na hindi siya nagbibiro.

"Sumaglit lang ako para kamustahin kayo dito," unang sabi niya matapos ay tumayo at nanatiling magkakrus ang braso. "Kailangan ko nang magpunta ngayon ng ibang bansa para manlalaki." saka malawak na ngumiti.

Hindi pa 'man kami nakakapa-react sa sinabi niyang 'yon nang makarinig kami ng ingay na nagmumula sa himpapawid. Tatlong nagsisilipadang helicopter ang nakaparada sa harap ng mansion. Inaladlad pa nito ang hagdan may malambot na tali. Malakas ang ihip ng hangin na nagmula sa bukas na balkonahe.

"Pero auntie kulang pa ang info niyo sa pamangkin niyo!" malakas na sigaw ni Shawn. Mabuti na lang narinig ito ni Auntie.

"She's Ayla Desire Dawson! Darating siya mamayang 8 p.m.!" malakas ang sagot ni Auntie bago tuluyang umapak sa hagdan.

Lordan's P.O.V

"Do you think we can do Auntie Madeline's challenge?" tanong sa 'min ni Wendell na kanina pa nakatayo sa harap naming apat.

Narito kami ngayon sa main living room ng mansion. Nakaupo sa mahabang sofa si Leonaire at Shawn. Samantalang nasa magkabilaang single sofa kami ni Kael.

"Oo naman, bakit hindi?" bilib na sagot ko kaya't napabaling ang tingin nila sa akin. Lahat sila ngsimulang magsitaasan ang isang kilay nila sa akin. "Oh? Anong tingin yan? Madali lang yon panigurado! Dalhin lang natin sa beauty parlor o di kaya sa mall at magshopping siya hangga't gusto niya. 'Yun naman ang gawain at gusto ng mga kababaihan 'di' ba? 'E di tapos ang misyon." bilib na bilib na paliwanag ko na ikinatawa nila na akala mo may nakakatawa sa sinabi ko. "Anong nakakatawa?"

"Kung magpatawa ka naman kasi Lordan, as if kilala mo na at naobserbahan mo na ang pamangkin ni auntie Madi." madadama ang sungit sa tono ng pananalita niya. "Iba't iba ang ugali ng babae kahit itanong mo pa d'yan sa cassanova." pagtukoy niya sa isa kaya napatingin ang lahat kay Shawn.

Nanlaki ang mata ni Shawn. "What?! Why me?!" overreact na tanong ni Shawn na may pagturo pa sa sarili niya.

Natawa muna si Leonaire bago nagsalita, "Ang dami na niyang na-encounter na babae, malay natin siya pa ang maging life saver natin," dagdag pa niya sa una niya puna kay Shawn.

"Ouch! Grabe naman ang accusation mo sa 'kin, bff!"

"Bff ka d'yan! Corny mo." umirap pa siya kay Shawn ngunit hindi nawala ang angas sa sarili niya. Nagdekwatro siya habang sumisimsim ng red wine sa baso. "Marami ka na kasing nauutong babae." pahabol ni Leonaire saka ipinagpatuloy ang pag-inom ng wine.

Nagdekwatro din siya. "Friendly lang talaga ako pero hindi ako babaero, hahaha." depensa niya sa sarili na natatawa pa.

"Tyaka hindi tayo hahamunin ni auntie kung ganon lang kadali, Lordan. Lalo na binigyan tayong ng iilang buwan para ma-accomplish natin yung task niya." pagbibigay punto ni Kael pagkatapos ay pinagkrus niya ang kanyang mga braso.

Napaisip si Leonaire, "Hindi naman mangmang si auntie kung hindi niya alam yung sinabi mong solusyon." pagsingit ni Leonaire.

"Kung narinig ni auntie 'yang mangmang, husay ka 'ron!"

"Oh? Sinabihan ko ba siyang mangmang?"

"Hey, stop fighting." pag-awat sa kanila ni Wendell matapos ay naupo sa gitna ng dalawa.

"Hmm, ano... ahm.. what if akitin na lang natin siya pero walang malisya?" seryosong suhestyon ni Shawn.

Napailing si Leonaire sa sinabi nito. "What a lame suggestion, Shawn?!" seryoso 'rin sabi ni Leonaire pagkatapos ay humigop ng wine na tila ba nai-stress sa suggestion ni Shawn.

Saglit kong tiningnan si Wendell, malayo ang tingin niya habang uminom din ng wine.

"Why?" tanong niya na para ba'ng hinahanapan niya ng mali ang sinabi niya. "Lahat ng babae sa campus ay pinagkakaguluhan tayo. Walang hindi." pagmamalaking wika niya pa. "Hmm, kaya siguro tayo binigyan ng hamon ni auntie dahil kagwapuhan pala natin ang makakabago sa pamangkin ni auntie."

Napabuntong hininga na lang kaming nakikinig sa kanya. Para siyang may sariling mundo sa mga pinagsasabi niya.

Tumayo si Wendell sa kinauupuan kaya napunta ang tingin namin sa kanya. "Basta lahat ng naiisip niyong solusyon ay gagawin natin, nakakatawa 'man yan o hindi. Malay natin mag-work. But I am not agree to Shawn's suggestion." ani Wendell.

"I agree. Sa tingin ko hindi ordinaryong babae ang pamangkin ni auntie. Kinakabahan na tuloy ako makita siya." sabi ni Kael. Mababakas nga sa mukha niya na nangangamba siya.

Wala kaming lahat ideya kung anong uri ng babae si Ayla Desire Dawson. Ni-itsura nga niya ay wala kaming kaide-ideya. Patuloy pa rin kaming nag-iisip kahit ngayong gabi na namin sasalubungin ang babaeng yon. Nakakainis! Bakit kasi kailangan kami pa gayong pwede naman siyang mag-ayos ng sarili niya. Wala akong maipangbabayad kay auntie kung papalpak kaming lahat. Paano na 'to. Teka... Hindi... Ako lang pala... Tinamaan ako bigla ng reyalisasyon dahilan para masapo ko ang noo ko.

"Anong iniisip mo d'yan, Lordan?" nawala ako sa pag-iisip ko nang marinig kong tanungin ako ni Kael. Umayos ako nang upo at tiningnan sila.

"Bakit kayo kakabahan gayong anak mayaman naman kayong lahat?" Mahina akong natawa bago magpatuloy. "Pumalya 'man o hindi, makakabayad din kayo."

Tumikhim si Leonaire. "Nag-iisip ka ba? Para namang bibigyan kami ng ganong kalaking halaga ng parents namin para lang may maipangbayad ng renta kay auntie. Sa sitwasyon ko pa talaga 'to?"

Hindi talaga nawawala ang pagiging masungit ni Leonaire tuwing nagsasalita.

"At kung mabigyan 'man ako ng ganong halaga ni mom and dad," napunta naman ang tingin ko sa pangalawang nagsalita. "Baka hindi na ako makatakas sa kanila at buong buhay kong babayaran ang utang ko sa kanila. Ayokong habang buhay akong manilbihan sa company namin," paggatong ni Wendell. "Baka kapag nangyari 'yon ay hindi ko na magawa ang gusto kong gawin sa buhay." dagdag pa niya.

Napatingin ako kay Shawn. Nakapikit na siya ngayon habang nakasandal sa sandalan ng sofa at nakalagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo niya. Ganyan talaga siya kapag usapang pamilya. Wala siyang pakialam. Hindi naman namin alam kung ano rason at ayaw rin naman niyang sabihin.

"Lahat tayo hindi kagustuhan na pumalya. Kaya guys, do our best para mabago natin si Ayla Dawson tungo sa disente at malumanay na dalaga." wika ni Kael na pinalalakas ang loob namin. Tumugon kami sa kanya, kahulugan ay sumasang-ayon kami.

Nagtaas ng tingin si Wendell kaya napunta rin ang tingin ko kung saan siya nakatingin. "It's already 9:32 pm, but she's not here yet. I thought she'll come before 9? What now?" nag-aalalang tanong ni Wendell.

Oo nga 'no. 30 minutes na pala ang nakalipas wala pa rin siya. Kaninang pa kaming 8 p.m. na nagtitipon-tipon dito sa living room.

"What if we go outside and wait for her there?" tanong ni Kael.

"Kayo na lang tinatamad ako." pagtanggi agad ni Leonaire saka tumayo at para kumuha ng libro sa book shelves na may kalayuan sa pwesto namin.

Nagkatinginan kaming tatlo nina Wendell at Kael. Sabay-sabay kaming tumayo sa kinauupuan namin. Hindi na rin ako nage-expect na sumama si Shawn dahil mukhang enjoy na enjoy ang pwesto niyang 'yon. Kasama ko ang dalawa na lumabas ng malaking formal living room.

Mala palasyo kung tingnan itong mansion ng mga Dawson. Isang french chateau na nakakahalaga $462,000,000. Halos walo hanggang kinse minuto ata kami bago marating ang labas ng mansion ng mga Dawson dahil sobra-sobra ang laki ng manyon na 'to para sa aming lima... anim na pala, kasama ang pamangkin ni auntie pero kulang pa rin ang anim para tumira sa ganito kalaking bahay. Hindi naman kami gumagawa ng kalat dito dahil kung gagawa 'man kami dito, kami at kami lang din naman ang maglilinis ng kalat.

Ang bawat isa sa 'min ay may kanya-kanyang rason kung bakit kami naririto, naninirahan sa mansion. Maliban na nga lang kay Shawn. Hindi na lang namin siya kinukulit dahil mukhang wala sa plano nito na magsabi sa 'min.

Kilalang mga bilyonarya ang mga Dawson lalo na si auntie Madeline Dawson. Panganay sa tatlong magakapatid. Hindi namin kilala ang dalawa niyang kapatid. Ang alam lang namin ay may dalawa lamang siyang kapatid at may mga pamilya na ang mga 'to.

Walang anu-ano'y naisip ko na baka lesbian ang pamangkin ni Auntie.

"Baka naman lesbian ang pamangkin ni auntie kaya nasabi niya na gawin si Ayla sa tunay na ganap na dalaga?" basag ko sa katahimikan habang naglalakad kami sa corridor.

Agad silang nagkatinginan at napaisip sa sinabi ko. "Possible," unang komento ni Wendell. "Kung ganon 'e hindi natin basta-basta mababago yon dahil gender sensitivity na 'yon." saad pa niya na sinang-ayunan din ni Kael. "Malalaman natin kapag nakita na natin siya." dagdag pa niya.

Napasimangot ako. "Seryoso ba talaga si auntie sa sinabi niyang babayaran natin siya ng ganong kalaking pera? Kulang na kulang ang ibabayad ko kung ibebenta ko ang isang kidney ko." naiinis na sabi ko na ikinatawa nila.

Narinig kong malakas na tumawa si Kael na sinundan din ng tawa ni Wendell. "Hahaha! Mas worst ka pa pala magpatawa kaysa kay Shawn! Hahaha!"

Napasimangot ako. "Anong magagawa ko pinanganak akong mahirap pa sa pulubi." nakangusong sabi ko.

"Napag-usapan na natin yan kanina di 'ba? Lahat tayo ay sabit." agad na sagot ni Wendell. "And anyway, huwag kayong panghinaan ng loob. Magagawa natin ang hamon ni auntie. Tiwala lang." kampanteng sabi ni Wendell na bihira lang magtagalog. Minsan pa nga'y kung anu-anong lengguwahe ang binabanggit niya.

Taimtim kaming naglalakad pa rin sa corridor hanggang sa napansin namin na kumukurap ang mga ilaw. "Anong nangyayari?" tanong ni Kael na nagsisimulang mataranta. Napakaduwagin nitong si Kael.

Kumukurap-kurap na nga ang mga ilaw hanggang sa namatay bigla ang lahat ng ilaw. Sobrang dilim at wala kaming makita kahit na konting liwanag. May naramdaman akong biglang may kumapit sa aking braso. Napakahigpit pa naman ng pagkakahawak niya. "Nasaan kayo?!" boses ni Kael.

"Nakahawak ka sa braso ko, Kael."

"N-Natatakot ako, guys."

"Wala ba kayong cellphone dala?" boses ni Wendell.

"Wala." tugon agad namin ni Kael sa kanya. 

"Paano na tayo makakalabas niyan? Wala pa tayo sa kalahati sa nilalakaran natin." wika ko.

"What if bumalik muna tayo? Kapa-kapain natin ang wall para—"

"Guys!!!" sigaw galing likod. Naaninag namin ang sinag ng ilaw na nagmumula sa cellphone na hawak nila.

"Buti dumating kaagad kayo!" wika ni Kael. Napatingin sila sa kaliwang braso ko na ikinatawa nila ng mahina kaya napabitaw siya agad.

"Bakit kaya namatay lahat ng ilaw? Ngayon lang 'to nangyari." sabi ni Shawn.

Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Baka may magnanakaw na nakapasok." sabi ni Leonaire na bakas na sa kanya ang pagkakaba.

"Kung mayroon 'man, kailangan natin tumawag agad ng pulis." desididong sabi ni Wendell.

Agad na nagdial sa 911 si Shawn. Pipindutin palang niya ang call sign nang biglang nagsalita si Kael.

Napatigil kami sa paglalakad sa corridor ng awatin kami ng isang dipa ni Kael. "A-Ahh, guys... nakikita n-niyo ba ang nakikita ko?!" aniya kaya napatingin kami sa direksyon kung saan siya nakatingin.

Napalunok ako ng matindi sa nakikita ko.  Nararamdaman ko ang pangangatog ng tuhod ko dahil siguro sa takot na nararamdaman ko. Ngayon lang ako nakakita ng white lady sa buong buhay ko. Totoo pala talaga sila!

"A-Ano... t-tatayo lang ba tayo dito?" natatakot na tanong ni Kael. Tila walang mga nakarinig sa sinabi niya dahil ang atensyon namin ay nasa babaeng nakaputi sa medyo padulo ng corridor.

Nakaputi ang pagtaas niya habang ang kanyang palda ay umaabot hanggang paa. Tuwid na tuwid ang kanyang itim na buhok. Hindi ko maaninagan ang mukha niya dahil tanging sinag ng buwan lang liwanag ang tumatama sa katawan niya.

"Run!" sigaw ni Leonaire.

Bumalik kami kung saan kami nanggaling.

"Ano nang gagawun natin?! Hanggang dito na lang ba ang buhay natin?! Bakit niya tayo minumulto?!" hindi ko alam kung matatawa ba kami sa pag-iyak na parang bata ni Kael o matakot sa tinatakasan namin. 

Nagsimulang mag patay-buhay ang ilaw na mas nadagdagan ang kaba at takot na naramdaman ko. 

"Teka... s-saan tayo lalabas nito?!" tanong ni Shawn na natatakot na rin.

"Bumalik na lang tayo sa living room! Bilisan niyo!" sigaw ni Leonaire.

Patuloy pa rin nagpapatay-bukas ang mga ilaw sa hindi malamang dahilan o baka naman kinokontrol ng white lady na yon ang ilaw dahil hindi pala siya basta-basta isang multo?! Posible, huhu!

"Guys, ayaw magbukas!" sigaw ni Shawn na nangungunang magbukas ng pinto.

"Ha?! Paano na... Hindi pwede 'to!" sagot ni Kael.

 Nag-isip ako ng prayer dahil sigurado akong makakatulong 'to.  Nagsimula ako kaya nakisabay na rin sila pero patuloy pa rin nilang sinusubukang buksanang pinto ng living room.

"Ama namin, sumasalangit Ka.

Sambahin ang ngalan Mo.

Mapasaamin ang kaharian mo—"

"T-Teka... Anong dasal yan?! Hindi ko saulo yan—" pagpigil samin ni Shawn.

"Ano?!" pasigaw na tanong naming apat sa kanya. Nagpatuloy na lang ako kesa pansinin ang sinabi niya. Mas lalong napalakas ang pagdarasal namin nang biglang nagbukas ang bintana na malapit sa 'min at napalakas ang sigaw naming lima nang mabasag 'yon?!

"WAAAHHH!!!"

"Sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan Mo kami ng aming kakanin sa araw-araw

At patawarin Mo kami sa aming mga—"

"Wala na siya! Effective yung dasal niyo! Hoo! Lakas mo talaga, Papa Lord!"

 "Nagpapatay-bukas pa rin ang mga ilaw kaya wag kang makampante." sagot ni Leonaire kay Shawn.

Nagpresinta ako na pwersahin namin ang pinto. "Tulungan niyo ko!" Hindi pa rin namin mabuksan kahit anong pwersa. Ano ba kasing nangyari at hindi umayon sa sitwasyon ang pintuang ito! Nakakainis!

"Ano ginagawa niyo?"

"Ano pa ba, 'e di nagbubukas ng pinto!!!" sabay-sabay na sagot naming lima nang marinig ang tanong na 'yon.

"Sliding door 'yan hind hinged door."

Nanlaki ang mata namin lahat nang mapagtanto na wala sa 'min ang boses na 'yon.

Sabay-sabay kaming napasigaw nang mapatanto namin kausap namin ang multo na hinabol pala kami! "AAAAAAHHHHH!!!! AMA NAMIN SUMASALNGIT KA SAMBAHIN—"

"Na'saan ang kwarto ko."

Natigil lang kami sa paghiyaw nang sabihin niya yon at mareyalisasyon namin na siya pala ang iniintay namin. Umayos kami ng tayo.

Malalim ang boses ni Shawn nang umubo matapos niluwagan ang butones sa suot niyang polo. "Kalalaki niyong tao mga baklain kayo."

"I-Ikaw na pala 'yan, Ayla." napapakamot sa ulo na sabi ni Wendell.

Hindi siya tumugon sa halip ay tinalikuran lang niya kami hanggang sa naglakad at nag-iwan ng salita na nakapagpakilabot at nakapagtaas ng balahibo samin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status