Ngunit sa sandaling iyon, napansin na ni Hiro si Harvey.
Ang bata ay mukhang dismayado. Dahil umalis ang kanyang magandang tita, ramdam ang tampo nito at nagreklamo, "Bakit kasi dumating pa si Daddy! Umalis na tuloy ang magandang tita!"
Nakita ni Harvey ang malungkot na ekspresyon ng anak kaya't pansamantala na lamang siyang tumigil sa paghabol.
Baka naman nagkamali lang ako ng tingin?
Matagal nang nawala ang babaeng iyon — anim na taon na ang nakalipas at wala na siyang narinig na balita tungkol dito. Paano naman siya biglang mapupunta rito?
Agad niyang ibinalik ang sarili sa kasalukuyan, tiningnan ang anak, at nagtanong, "Sino'ng sinasabi mong magandang tita? Siya ba ang sinasabi mong doctor kanina sa tawag?"
"Opo!" Tumango si Hiro habang nakatingin pa rin sa direksyong nilakaran ni Valerie. Medyo nawawala sa sarili.
Pwede pa kaya siyang habulin ngayon?
Hindi nakuha ni Harvey ang punto ng anak kaya bahagyang nagtaas-baba lang ang balikat. "Tara na."
Hindi niya iniisip na totoong nakilala ng anak niya ang isang doctor. Bukod pa roon, ang nakita niyang anino kanina ay mukhang bata pa.
Sa kabilang banda, nakuha na niya ang contact information ng kilalang 'Divine Doctor Holy Hand' mula sa Dean.
Mas promising iyon.
Naiinis si Hiro nang makita niyang hindi sineryoso ni Daddy ang sinabi niya. "Bakit ka naman ganyan!"
Sinubukan niyang kumbinsihin ang magandang tita na tulungan ang daddy niya.
Pero nababagalan siya kay Harvey at mukhang wala pa itong pake.
Nagdadabog si Hiro, naglakad nang mabilis gamit ang kanyang maliliit na paa habang nagngingitngit.
Nakita ni Harvey ang biglang pagsungit ng anak, kaya't kumunot ang kanyang noo at mahigpit na sinabi, "Anong pinagdadrama mo?"
Nakapout si Hiro. "Wala kang pake sa doctor! Akala mo siguro hindi magaling ang magandang tita na iyon!"
Hindi sumagot si Harvey, pero malinaw sa ekspresyon nito ang kanyang pagdududa.
Nagpatuloy sa pagtatampo si Hiro. "Hindi mo alam, nagtanong pa ako! Super galing niya! May ginawa siyang sobrang hirap na operasyon na walang ibang makagawa!"
Kahit ganoon pa ang sinabi ng bata, hindi pa rin ito inintindi ni Harvey.
Gayunpaman, sinubukan pa rin niyang aliwin ang anak. "Hindi ko naman sinasabing hindi siya magaling. Pero si Daddy ang may sakit, at alam ko kung gaano katindi ito. Hindi basta-basta nagagamot ng kahit sino. Pwedeng hindi kayanin ng tita na sinasabi mo."
Mas nababahala si Harvey sa kung bakit biglang interesado ang anak niya sa isang estrangherang babae.
Sa mga nakaraang taon, napakaraming sikat na babae at kilalang pamilya sa Madlen City ang nagtangkang maging madrasta ni Hiro. Pero palaging galit ang bata.
Kahit si Jasmine, na malapit sa Alcantara, halos hindi pinapayagan ni Hiro na lumapit sa kanya. Kaya nga kilalang-kilala sa buong Madlen City ang reputasyon ng maliit na prinsipe ng Alcantara bilang matigas ang ulo. Pero ngayon, ito ang unang beses na nakita niyang interesado si Hiro sa isang babae.
Hindi mapigilan ni Harvey na maghinala — baka ang babaeng iyon ay may masamang motibo at sinadyang lapitan ang anak niya.
Kung ganito nga ang kaso…Mas mabuti nang tapusin na ang ideya ni Hiro.
Kaya, idinagdag ni Harvey, "Nakahanap na si Daddy ng tunay na 'doctor.' Nakuha na natin ang kailangan ngayon, kaya umuwi na tayo. Huwag ka nang magtampo."
Nang marinig ito, mas lalo pang nagalit si Hiro.
Sa isip niya. Ang doctor ba na hinahanap ni Daddy ay iba sa magandang tita? Kung gano'n... baka hindi ko na siya makita ulit? Kahit minsan ko lang siya nakita, hindi ko maintindihan pero nagustuhan ko na agad siya. Pagkahiwalay pa lang namin, naiisip ko na siya. Kung pwede lang ulit kaming magkita...
"Desidido na ako, hahanapin ko siya! Kung hindi niya magamot ang sakit, edi maging mommy na lang siya!”
Biglang naging masigla ang isip ng bata at napawi ang lungkot na nararamdaman kanina.
***
Paglabas ng ospital, dumiretso na si Valerie pauwi. Habang nasa biyahe, hindi pa rin mapanatag ang isip niya. Kahit anim na taon na mula nang maghiwalay sila ng taong iyon, wala na siyang nararamdamang pagmamahal para dito.
Pero sa tuwing naaalala niya si Hiro, hindi niya maiwasang maapektuhan ang damdamin niya.
Ang bata... parang kasing-edad ng natutulog niyang anak.
Ibig sabihin, hindi nagtagal matapos silang maghiwalay, nagkaroon na ng anak ang lalaking iyon kasama ang iba.
“Kanino kaya? Kay Jasmine ba?” bulong niya sa sarili.
Napailing si Valerie sa naisip.
Noong mag-asawa pa sila, ilang beses niyang gustong magkaanak pero ayaw talaga ni Harvey. Palaging sinasabi nitong uminom siya ng birth control pills pagkatapos nilang magtalik. A higit doon, hindi rin sang-ayon ang Alcantara sa kanya.
Matagal silang nagsama pero hindi siya nabuntis, kaya palagi siyang inaapi at minamaliit ni Maricar.
Wala itong alam na pagkatapos nilang maghiwalay, bigla na lang nagkaroon ng anak.
Sa muling pagbabalik ng mga alaala, gusto na lang murahin ni Valerie si Harvey.
Ang lalaking iyon? Isa talagang aso!
Habang nagmumura sa isip, biglang nag-ring ang telepono niya — si Chesca Ventura ang tumatawag.
Huminga nang malalim si Valerie para pakalmahin ang sarili bago sinagot ang tawag. "Hello, Chesca? Bakit napatawag ka?"
Sa kabilang linya, masiglang boses ni Chesca ang narinig niya, "Tapos ka na ba?"
Sumagot si Valerie, "Kakatapos ko lang. Pauwi na sana ako ngayon."
Napangiti si Chesca, "Huwag ka munang umuwi! Nandito ka na rin lang sa Madlen City, hayaan mong magpakitang-gilas ako bilang host! Isa pa, sobrang tagal ng operasyon mo kanina, kailangan mong bumawi."
Napatawa si Valerie. "Sige na nga, padalhan mo ako ng address. Pupuntahan kita."
"Yes! Ligang Restaurant, hintayin kita doon!"
Pagkatapos sabihin iyon, binaba na ni Chesca ang tawag.
Itinago ni Valerie ang telepono at nagsabi sa driver na nasa unahan, "Mang Boy, hindi na po ako uuwi sa bahay. Pakidiretso na lang po ako sa Ligang Restaurant."
"Sige, Miss Val," sagot ng driver bago pinaandar ang sasakyan.
Pagkalipas ng kalahating oras, nakarating si Valerie sa restaurant at nakita si Chesca.
Matagal na rin mula nang huling magkita ang dalawa. Pagkakita pa lang ni Chesca kay Valerie, mabilis itong tumakbo papunta sa kaibigan at niyakap siya nang mahigpit. "Chuchu baby! Sa wakas nandito ka na!"
Parang babaeng manyak, hinawakan nito ang baba ni Valerie at pabirong tinukso, "Bakit lalo kang gumaganda? Ang unfair talaga ng langit! Ang ganda mo na, ang talino mo pa! Naiinggit na ako sa'yo!"
Napailing si Valerie at nagsalita nang seryoso, "Una sa lahat, ang ganda ko ay mana ko sa mga magulang ko. Pangalawa, ang talento ko? Natural lang 'yan!"
Tumingin nang maloko si Chesca, "Mayabang ka talaga!"
Hindi napigilan ni Valerie ang tumawa.
Sa tono ng sinabi ni Jasmine, para bang sinasabi nitong si Valerie ang walang modo at walang utang na loob noon pa man.Siyempre, malinaw kay Valerie ang ibig iparating ni Jasmine. Napangisi siya, mapait at puno ng panlilibak. “Nag-aalala ka raw sa’kin? Jasmine, naniniwala ka ba talaga sa sinasabi mo? Or are you just being disgusting, as usual?”Hindi na siya nag-abala pang magkunwaring mabait.Para sa pamilya Lozano, hindi na niya kailangang maging magalang. Lalo na kay Jasmine—na kahit kailan ay hindi niya kinilalang kapatid.Biglang sumingit si Jonah, ang ina ni Jasmine, at hindi na napigilan ang galit nang makita niyang kinontra si Jasmine. “Valerie! Anong klaseng asal 'yan? Si Jaja, nag-aalala lang sa’yo, tapos ganyan pa ang isinukli mo? Don’t forget, kung ano-ano ang ginawa mo sa kanya noon! Pinakain ka na nga ng pamilya namin ng maraming taon, pero ni kaunting pasasalamat, wala kaming narinig sa’yo! Para kang asong inalagaan pero ang ganti, kagat!”Sa puntong iyon, lumamig ang
Humarap si Harvey sa anak at mahinahong tinanong, “Bakit ka biglang tumakbo? That was rude, you know.”Hindi sumagot agad ang bata. Pinagdikit niya ang mga labi at suminghal na parang hindi sang-ayon sa sinabi ng ama. “Eh polite ba sila? Ang hilig nilang pag-usapan ’yung ibang tao na parang wala lang. ’Yung magandang tita na nakita ko sa kindergarten dati—siya ’yung dati mong asawa, ’di ba? Ang ganda-ganda niya, parang diwata! Pero ang sama ng sinasabi nila tungkol sa kanya...”Kung siya ang tatanungin, si Jasmine ang tunay na masama!Hindi agad nakapagsalita si Harvey. Tahimik siyang napaisip dahil hindi niya inasahang ganito kaapektado ang anak niya sa mga narinig.“Galit ka ba dahil do’n?” tanong ni Harvey matapos ang ilang sandali.“Syempre naman!” sagot ng bata na parang natural lang iyon.Ngunit agad ding nagdagdag si Hiro, na tila natatakot na baka mapansin ng ama na sobra ang kanyang reaksyon. “Pero hindi lang naman ’yon! Pinipilit ka pa nilang pakasalan si Jasmine. Ayoko siya
Napangiti si Jasmine, ngunit halatang pilit. Lutang ang lungkot sa mukha niya habang sinabi, “Okay lang, Harvey. Kahit anong mangyari, hindi ako magrereklamo. Basta makasama lang kita, sapat na ’yon sa akin. Kung sakali man na hindi ka gumaling, I can be your eyes…”Habang binibigkas niya ito, dama ang pagkukunwaring taos-puso. Naging emosyonal ang tono niya at halos maantig ang damdamin ng ilang matatanda sa mesa.Si Maricar, na matagal nang may pabor kay Jasmine, ay agad sumalo sa usapan at sinubukang kumbinsihin si Harvey. “Anak, si Jasmine ‘yan—isang mabuting babae na hanggang ngayon, nandyan pa rin. Hindi ka na makakahanap ng kasing bait niya.”Kung ibang lalaki lang si Harvey, siguradong natunaw na sa panliligaw ni Jasmine. Pero hindi nagbago ang ekspresyon ni Harvey—matigas at walang bahid ng pag-aalinlangan.“Ang kasal ko, ako ang magpapasya,” malamig niyang tugon. “At kailan pa naging normal na pinag-uusapan ‘yan sa harap ng pagkain?”Napakunot-noo si Jonah at hindi napigilan
Napatigil si Jasmine nang mapansing naupo na si Hiro sa kanan ni Harvey. Doon dapat siya uupo—iyon ang napagkasunduan nila ni Maricar. Ang kaliwang bahagi ni Harvey ay nakalaan kay Maricar, kaya’t sigurado siyang sa kanan siya mauupo. Plano pa naman niyang gamitin ang gabing ito para makapuntos sa pamilya ni Harvey.Ang simpleng birthday dinner para kay Don Johan ay hindi basta salo-salo lang. Ginawa itong mas intimate na pagtitipon para makausap nang masinsinan ang pamilya Alcantara tungkol sa matagal nang planong kasal ng dalawang pamilya. Ayon sa kanila, sa ganitong set-up, mahihirapan si Harvey tumanggi.Hindi inasahan ni Jasmine na may biglang papagitna—at isang bata pa ang nagharang sa plano niya. Lalong sumama ang loob niya, ngunit pinilit niyang ngumiti at nagpanggap na kalmado.“Hi Hiro, ang upuan mo ay katabi ng lola mo. Pinagawan pa kita ng special child seat,” alok niya na may pilit na lambing sa boses.Pero hindi man lang siya nilingon ng bata. “I don’t need it,” sagot ni
Hindi na nagtagal pa si Valerie sa bahay, at agad din siyang umalis bitbit ang mga cookies na ibinigay ni Hiro.Pagkaalis ng ginang, dali-daling bumalik sa kanyang kwarto si Hiro. Maingat niyang isinilid at binalot ang hibla ng buhok na nakuha niya. Pinagmasdan niya ito ng mabuti, at sa isip niya, ito na ang pagkakataon para tuluyang makumpirma kung mag-ina nga sila ni Valerie.Matagal na niyang gustong magpa-DNA test, pero ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon makakuha ng sample mula kay Valerie. Sa wakas, nakuha na rin niya ang buhok ng "Tita" niya.May bahid ng pananabik sa puso ng bata. Tahimik siyang nagdasal at umaasa na sana—sana nga—ang "Tita" niya ay siya ring ina niya.Kinabukasan, habang ihinatid siya ng driver papuntang paaralan, bigla siyang
Wala pang ideya si Valerie na nagsimula nang mag-imbistiga si Harvey tungkol sa kanya. Pero kahit malaman pa niya ito, wala rin siyang pakialam.Ang totoo, ang nalaman ni Harvey ay surface-level lang—tuldok lang sa napakalawak na iceberg ng kanyang tunay na pagkatao. Sa research institute kung saan siya nagtatrabaho, iilan lang ang may alam sa kanyang tunay na identity—at lalong hindi kabilang doon si Dr. Sevilla, na, ironically, ay may parehong pagkatao rin tulad niya...Kinagabihan, matapos ang trabaho, dumiretso si Valerie sa kindergarten para sunduin si Vanessa. Agad namang sumakay ang masiglang bata sa kotse ng ina nang makita itong dumating.Hindi na nakapagpigil si Valerie, agad siyang nagtanong, "Vanessa, baby, can you tell Mommy—paano mo nakilala sina Hiro?"Kanina pa niya iniisip ito buong hapon. Curious talaga siya.Handa naman si Vanessa. Alam na niyang itatanong ito ni Mommy. Kaya maayos siyang sumagot."Nakilala ko po sila sa community. Hinanap ko si Cotton, ‘yung pusa n
"Ayoko niyan!" matigas na sabi ni Valerie.Napatigil ang sales clerk sa kinatatayuan niya, litong-lito. Sa dami ng customer na dumaan sa boutique na iyon, ngayon lang siya nakakita ng taong ayaw ng mamahaling damit at mas gusto pa ang mas mura—lalo na kung galing ito kay Mr. Alcantara!Para sa mga tulad ni Harvey, kahit milyon o sampung milyon pa ang halaga, parang barya lang 'yon. Wala lang sa kanya.Pero si Valerie, ramdam na ramdam ang pagkainis habang tinitigan si Harvey. Para bang sinadya nitong kontrahin lahat ng desisyon niya. Naiinis na talaga siya.Galit niyang sabi, "Harvey, sobra ka na ha! Ang dami mo sigurong pera kaya sinusunog mo na lang, ‘no? Kung gusto mong gumastos, mag-donate ka na lang! Hindi mo kailangang gamitin ‘yan para lang maramdaman ko presensya mo!"Huminga siya nang malalim at muling binalingan ang sales clerk. Matalim ang tono niya pero malinaw, "Yung worth around 2 thousand lang, 'yun lang ang gusto ko. Okay?"Ngunit malamig na tumugon si Harvey, "Alcanta
Narinig din ni Harvey ang sigaw ni Valerie kanina, pero hindi niya inasahan na gano'n pala ang eksenang aabutan niya paglapit.Napakunot ang noo niya. “Nasira ba ang damit mo? Anong nangyari? May na—”Hindi na siya pinatapos ni Valerie. Galit na galit itong sumagot.“Saan pa ba? Napaka-ginoo mo raw pero hinihila-hila mo ko? Paano ako makakalabas nang maayos niyan, ha? Hayop ka!”Hindi agad nakasagot si Harvey. Saglit siyang natahimik, pero maya-maya’y nagsalita siya na para bang wala siyang ginawang masama.“Eh sino ba’ng nagsabing tumakbo ka?”Bagaman matigas ang tono niya, tumalikod ito sandali, hinubad ang suot na coat, at iniabot iyon kay Valerie.“Here, isuot mo muna. Sasamahan kitang bumili ng bago. Babayaran ko.”Hindi na nagpasalamat si Valerie. Galit niyang inagaw ang coat at walang pag-aalinlangang ibinalot iyon sa baywang niya.Malaki ang coat ni Harvey kaya't sakto nitong natakpan ang punit sa palda niya. Kahit hindi bagay sa suot niyang blouse, ayos na rin kaysa mas lalon
Nang makita ni Vanessa na seryoso na ang ekspresyon ng mommy niya, hindi na siya naglakas-loob na maglihim pa. Agad niyang ipinaliwanag ang buong nangyari—mula umpisa hanggang dulo—sa mabilis pero malinaw na paraan.Habang nakikinig si Valerie, ramdam niyang halo-halo na agad ang emosyon niya.Hindi ako makapaniwala! Paano nangyari ‘to? Paano ko naipasok si Vanessa sa paaralan kung saan nag-aaral si Hiro?Para sa kanya, isa itong napakalaking coincidence—o malas.Ni hindi ko siya matakasan kahit nasa bahay, tapos ngayon pati sa eskwelahan nandito pa rin siya?!Bagama’t panic na siya sa loob, pinilit niyang manatiling kalmado sa panlabas. Hindi siya puwedeng bumigay. Lalo na at mukhang naitawid na ni Vanessa ang sitwasyon, kaya hindi na siya puwedeng pumalpak pa.Huminga siya nang malalim, saka tumingin kay Harvey at nagsalita sa pinakakalmado niyang tono, “Thank you, Mr. Alcantara, for protecting Vanessa kanina. Nandito ako para magpasalamat.”Hindi inakala ni Harvey na makikita niya