LUNA POV
Humihikab na humiga ako sa kama paharap sa mga nakahilera mga libro sa shelf ko. Kumunot ang noo ko ng mapansin ang pagliwanag ng isang libro.
Naagaw nito ang pansin ko kaya lumapit ako para pag-masdan kung alin libro ang nagliliwanag. Ito ang libro binigay ng matandang babae. Akma kukunin ko na ang libro ng bigla bumukas ang pinto ng kwarto ko. Pumasok ang akin mga magulang na namumutla.
Nyay, Bakit kaya? May sakit ba ang mga ito?
Lalo ako nagduda ng makita ang mga itsura nito. Si Tatay na ang alam ko baldado eh bakit ngayon nakakatayo na?
Nag-sign language ang dalawang matanda.
"Wag mo hahawakan ang liwanag!"
Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi ni Nanay matilda. Paano nalaman ng mga ito may liwanag sa kwarto ko eh ilang metro ang layo ng mga kwarto nila?
"oh tang, bakit nakakapag-lakad ka na? "
"Aray! Aray ! Ang sakit! " bigla ito yumuko at napaupo sa lapag.
Bumuntong-hininga na lang ako at napakamot sa batok. Ayuko paghinalaan ang mga ito. May nabasa kasi ako na may mga magulang talaga tamad kaya sa anak inaaasa lahat. Gagawin ng ibang magulang ang magpanggap na mayroon kapansanan para hindi na magtrabaho. Pinagsawalang bahala ko na lang ito at binalik ang tingin sa libro kanina ay nagliliwanag.
Napahawak ako sa bibig ko. May hindi tama. Nawala na kasi ang liwanag, hinawakan ko ang shelf at nakapa ang isang kwintas kung saan natatandaan ko nilagay ko ang napaka-lumang libro ng matanda.
Gulong-gulo na ako, pasimple ko kinuha at binulsa ang kwintas na ang pendant ay isang libro.
Ngumiti ako kanila Nanay Matilda.
"Wala naman liwanag kayo talaga, Matulog na kayo. Maaga pa tayo bukas." Ngumiti ako sa mga ito.
Kumunot ang noo ni Nanay pero hindi na ito nakipagtalo at Tumango.
Inalalayan ko si Tatang para tulungan dalhin sa kwarto ng mga ito.
Nang bumalik ako sa kwarto hinawakan ko ang kwintas na libro. Kumislap ito at muli naging malaki libro.
Kumabog ang dibdib ko sa sobra gulat.
Magic does exit? O nanaginip lang ako?
Nang buksan ko ang libro wala namang kahit na ano sulat.
"Putcha! Pinagloloko na ata ako ng libro na ito eh!"
Ibabalik ko na sana ang libro sa shelf ng bigla lumindol.
Napa-upo ako habang yakap ang libro. Bigla ko naisip ang mga magulang ko at kahit lumindol lumabas ako ng kwarto para magulantang sa naabutan ko sa sala namin. Yari sa kawayan ang lahat ng kagamitan sa bahay maski ang bahay namin.
Nakita ko nakakatayo na si Tatang at mayroon hawak na parang stick. Maging si nanay Matilda mayroon umiilaw sa mga kamay nito. At sa harapan ng mga ito ay mga nakahood na itim na hugis ng tao pero wala ka maaaninag ng mukha pawang itim lahat.
Nakatulala ako at nanlalaki ang aking mga mata sa nakikita.
"K-kulto!! " sigaw ko,
"Luna! Magtago ka sa kwarto mo ! Kami ng bahala na ni Aris dito!? "
Napatingin ako kay Nanay. Nakakapagsalita si Nanay?!
" Prendi l'erede', Moon! " sabi ng nasa unahan na leader ata ng mga kulto.
"Luisa! Magtago ka na!" Napakislot ako ng marinig ko muli ang boses ni Nanay.
Saglit ako na-loading at pilit pinapasok sa utak ang nangyayari. At dahil na rin sa sobra takot dahil ang mga mata ni nanay ang kanya eyeball ay naging kulay pula kaya mabilis ako bumalik sa akin kwarto.
Iniisip ko kung may sore eyes lang ba si Nanay dahil sa itsura ng mga mata nito.
Sinariwa ko paisa-ida ang mga nangyayari. Una, umilaw ang libro at naging kwintas ito, pero makalipas lang ng ilang minuto muli ito naging libro. Pangalawa may mga kulto na pumasok sa amin bahay at nilalabanan ng akin mga magulang. Pangatlo nakakapag-salita si Nanay at nakakapag-lakad naman si Tatay? Alin ba sa mga nangyayari ang totoo? Isa ba ito panaginip oh, totoo ang aking nakikita?
Napa-iling ako, napatalon ako sa gulat ng muli lumindol na may pagkalakas.
Muling umilaw ang hawak ko libro, kusa ito bumukas. Ang libro kanina lang ay wala kahit ano lettra, unti-unting magkaroon ng salita. Tila ba mayroon sarili buhay na nagsulat. At ganoon din ang aking dila. Kusang lumabas ang lenguahe kahit ako ay hindi ko maintindihan.
Fatum Autem Geminos.
Naghintay pa ako ng ilang minuto bago masira ang pinto ng kwarto ko at pumasok ang akin mga magulang.
"Hindi na ligtas dito sa mundo ng mga mortal si Luna, Aris! Malalakas ang pinadala nila, kailangan na natin lumisan!"
Matapos sabihin ang mga salita na iyon tumingin sa akin si nanay Matilda. "Buburahin natin muli ang alaala niya!"
Muli? Ibig sabihin matagal na pala nangyayari ang mga ganito senaryo pero binubura lang ng mga magulang ko? Ngunit bakit?
Napalingon kami ng pumasok din sa kwarto ko ang lima parin na mga mukha kulto. Kung kulto nga ba sila?
"Haredis dare Nobis!"
"Hindi maari! Hindi niyo siya makukuha." Muli umilaw ang kamay ni nanay at akma susugod, muling umilaw ang libro hawak ko. Nagliwanag ito, nakakasilaw na nagpapikit sa akin mga mata. Para ako hinihigop papunta sa walang humpay na walang kamalayan. Nang dumilat ako ng mata totoo hinihigop ako, hinihigop pababa kasama sina Nanay Matilda.
Bumagsak kami sa isang malawak na damo. Makikita ang naglalakihang mga bundok, sq aking gilid dalawang tila matandang malalaki puno. Binundol ako ng kaba dahil hindi pamiliar ang lugar.
"Magicus!" Mahina bulong ni Nanay, nahihimigan ko sa boses nito ang lungkot at pagkasabik.
"Kay tagal na panahon na Matilda, Labing-walong taon na ang nakararaan ng huli tayo naka-apak sa ating mundo."
Teka eighteen years? Mundo nila? Teka nga naguguluhan na ako eh,
" T-teka, eighteen years? Sa iniyo ang mundong ito? Pwde ba ako magtanong kung mundo niyo ito, Eh ano ako?"
"Isa ka rin sa amin, Luna. Pero hindi ko maari sabihin sayo ang buo katotohanan, Siya lang ang maari magsabi sayo." Tiningnan nito ang hawak ko Libro.
"Kung ang libro na iyan na hawak mo ang nagdala sa atin dito. Panahon na siguro para malaman mo ang isang bagay, Hindi tayo pangkaraniwan na mortal, Isa tayong mamamayan ng magicus, Mga wizard, warlock at witch ang mga naninirahan dito. At, H-hindi kami ang totoo mo magulang Luna. Kami ang naging pamilya mo sapagkat hinabilin ka Niya sa amin. Malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil siya ang nagligtas sa amin. Wag ka sana magmadali malaman ang lahat dahil may panahon para malaman mo paunti-unti, Sa ngayon isa lang ang dapat mo gawin sa lugar na iyon makikilala mo ang isa sa mga dahilan kung bakit tayo lumayo, kailangan mo pumasok sa Arcane Academy."
Hindi ako umimik, Pero napapa-isip ako. Kung tinago nila sa akin ang totoo ko pagkatao, ibig sabihin mayroon mabigat na dahilan. Kinapa ko ang sarili ko kung dapat ba ako magalit o sumama ang loob, dahil all this time tinago ng mga ito ang totoo ko pagkatao. Pero sa tuwing iniisip ko na hindi naman ako pinabayaan ng mga ito, wala ako dapat ikagalit o ikasama ng loob.
"Kahit naman di niyo ko kinakausap sa loob ng eighteen years of existence ko, pinalaki niyo naman ako maintindihin eh, kaya kahit masama loob ko sa iniyo, Iniintindi ko parin kayo. Kasi kahit hindi ko kayo totoo pamilya, Mahal na mahal ko kayo. " yumakap ako sa mga ito.
"Manang mana ka talaga sa kanya."
Gumanti ng yakap ang mga magulang na kinilala ko. At kahit hindi sila ang totoo ko magulang, mananaili parin ang mga ito sa puso ko.
Pinaliwanag ng mga ito ang kina-kailangan ko malaman tungkol sa Arcane Academy. Kailangan ko makapasok sa lugar na sinasabi ng mga ito para malaman ang kapangyarihan kung meron man ako. O kung ano Uri ng Magicus ako napapabilang, Isa ba ako Warlock, Witch or isang sorcery oh ang tinatawag na Mage ang pinakamalakas na uri ng Magicus.
Pero sa sinasabi ng mga ito about sa Kanya, hindi ako hahabulin ng mga kulto na iyon at itatago niya kung wala ako kapangyarihan. Sino nga ba siya? Ano uri ng magicus siya?
At alam ko balang araw , Makikilala ko rin Siya.
Freya POV
Nasa likod ang espada ko habang naglalakad sa masukal na kagubatan. Pinalaki ako ng mga bandido at sinanay humawak ng espada. Suot ko ang paborito damit na kitang kita ang hugis ng akin katawan habang mapapansin ang malulusog ko dibdib sa kaliwa nito nakaukit ang Hugis bungo na kumakatawan o sumisimbolo na kasapi ako sa pangkat ng mga bandido. Habang sa akin dalawang pulsuhan naka-kabit ang mabibigat at malapad na bracelet na kung minsan siyang nagiging panangga ko.
Papasok na ako ngayon sa isang malaking gate na lumang-luma, Parang hindi ito nalilinisan dahil sa itura nito. Nakasulat sa malaki gate ang pangalan ng eskwelahan 'Arcane Academy'. Tinitigan ko muna ito bago ko sinimulang ihakbang ang aking mga paa.
Nakikita ko ang iba't-ibang mamamayan ng magicus na ka-idaran ko lang. Napansin ko din ang isang babae pangkaraniwan ang suot nito tila ba galing ito sa mundo ng mga mortal.
Tumaas ang isang kilay ko habang pinagmamasadan ang babae. Bakit? Kasi sa nasasabi ko itsura nito mukha ito timang at wala alam sa papasukin.
Pinagsawalang bahala ko ito at saka tinuloy ang paglakad.
Mayroon ako kakaiba nararamdaman na sa buo buhay ko ngayon lang ito nangyari, lumaki ako sa aming pinuno na dapat tanggalin ang ano mang takot o emosyon. Pero iba ngayon, ano ito nararamdaman ko? Bakit ganito? Tila ba ako ay natatakot, nagkaroon ng kakaiba emosyon ang akin dibdib.
At hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, siguro dala ng reflex ng akin katawan, mabilis ako nakalapit sa babae na mukha timang at iniiwas ito sa naka-ambang na panganib na dala ng lumilipad na apoy. Tila ba hindi nito nakita ang paparating na panganib ngunit ako ay nagawa ko malaman.
Gulat ito napatingingin sa akin, kung ito nga nagulat paano pa kaya ako? Maski nga ako nagulat sa ginawa ko, basta ko na lang naramdaman kanina na para bang mayroon enerhiya na mabilis na bumabalot sa akin katawan o parang isang magnetic at nakalapit ako agad sa kanya.
"T-tanga ka ba? Nasa pagsusulit ka ng Arcane dapat maging alisto ka!"
Tiningnan ako nito na para kakaiba. At nararamdaman ko, parehas kami ng bugso ng damdamin kanina. Pero napakislot ako ng taasan lang ako ng kilay nito.
Sabay kami tumayo matapos masubsob sa damuhan.
"Aba! Malay ko ba sa lugar na ito! Bakit naman kasi kailangan ko pa pumsok dito?! Hay naku ! Ni hindi ko nga alam kung mayroon ba ako kapangyarihan!" Nakapameywang na anas nito.
Nagsalubong ang kilay ko. Kung ganoon bago lang ito, paano wala ito kaalam-alam sa pinasukan. Tiningnan ko ang trangkahan ng gate, wala na hindi na pwede lumabas. Pasara na, wala ng atrasan pa ito.
Pero bakit ganoon? Tila ba mayroon sa bahagi ng puso ko na dapat ko bantayan ang babae na ito? Parang bumubulong ang hangin sa akin tenga at sinasabi wag ko ito iwan. Nang mga sandali na iyon, pakiramdam ko ngayon ako nakaramdaman ng isang mabigat na responsibilidad.
Nagtitimpi bumuntong-hininga ako at nilahad ang kamay ko sa babae tanga.
"Francen Yhisa Altamonte, Freya for short. "
Tiningnan ako nito bago nakipag kamay sa akin.
"Luisa Naris MoonF--" bigla ito napahinto sa huling sinabi. Pero agad din ngumiti "Luisa Naris Moon, Luna for short. "
Lihim ako nagtaka sa babae kaharap ko. Pero maaari mayroon ito dahilan para ilihim ang buo nito pangalan. Napakagaan ng loob ko dito sa hindi malaman na dahilan.
Taena! Freya kailan ka pa naging mabuti mamayan ng magicus?
Luna POVPinagmamasdan ko ang puting liwanag na parang ulap sa aking harapan, Para itong malaking screen na makikita sa theater kung saan pinapakita ang ibat'ibang senaryo. Parang nanonood ako sa isang malaki tv screen. Nakikita ko doon ang isang lalaki tahimik na pinagmamasdan ang kalangitan at ang nalalapit na pagbagsak ng ulan.Zhryno? Siya ba si Yno? ang lalaki lagi ko nakikita tuwing kaarawan ko? Ano ang connection ko sa kanya? Lumipat ng ibang senaryo ang pinapakita sa akin ng screen, Tatawagin ko na lang ito screen dahil para itong balik-tanaw sa nakaraan kung saan makikita ang nakasulat na forty years ago. FORTY YEARS AGOYNO POV.Nakatingin ako sa babaeng naglalakad papasok sa loob ng palasyo habang nakasuot ng magarbong pangkasal na kakulay ng isang gold. Sa ulo nito ipapatong ang korona sa oras na matapos ang seremonya. Ang araw na ito ang pinakamahalaga araw sa akin. Bukod kasi sa araw na ito ibibigay na sa akin ang trono bilang susunod na hari ng buong Magicus, ito rin
LUNA POVForty years ago.Ito ang nakikita ko nakasulat sa puting puti na langit,Kung gayon nasa panahon ako na hindi pa ako sinisilang,Nakita ko ang isang lalaki nakatayo sa may isang kahoy habang pinagsusuntok ito,Si Yno! Ang gwapo pala talaga nito kahit sa ganitong edad, para bang hindi ito tumatanda.Lumapit ang isang babaeng mayroong mahabang buhok, napakaganda nito. Maamo ang mukha na para bang hindi ito makakagawa ng kahit na anong kasalanan."Pea!" Nakangiti sabi ni Yno,"Inom ka muna," inabot nito ang isang baso ng pulang likido.FORTY-YEARS AGO - YNO POVTinitigan ko ang babaeng may hawak na pulang likido, napangiwi ako sa isipin kung kanino ito galing.Napakamot ako sa ulo, parang kilala ko na kung sino itong kausap ko."Arsella! Kinikilabutan talaga ako sa isiping muntik mo na ako malinlang,"Natawa naman itong kausap ko, saglit lang at may usok na lumabas sa katawan nito. Mukha na-perfect na nito ang isa sa mga portion nito sa pagpapalit ng anyo."May isa pa ako natut
LUNA POVPinilit kong ikalma ang sarili ko habang nililibot ang aking mga mata sa buong paligid. Napansin kong nasa hindi ako pamiliar na lugar. Nasa isang liblib na lugar ako na napupuno ng naglalakihang mga puno, at napaka-dilim sa buong paligid. Naglakad ako ng bahagya, nakita ko ang pagsilip ng malaking buwan na bilog na bilog. Tila gumagalaw ito kaya sinundan ko, medyo malayo-layo na rin ang nilakad ng mga paa ko, kaya marahil nakaramdam ako ng kapaguran at saglit na umupo sa isang bato. Medyo maliwanag na sa may parte kung saan ako nakapwesto, dahil nabawasan na ang mga puno at kitang-kita ko na ang nakakasilaw na liwanag ng buwan. "Nasaan ako?" na-ibulong ko sa aking sarili at nilingon ang likuran. Makikita doon ang isang malaking bundok nasa gitna nito ang isang maliit na pintuan. Napakunot ang noo ko, dahil kanina wala naman ito sa aking likuran. Tumayo ako at nilapitan ko ang kulay brown pintuan. Nilapit ko ang kamay ko sa may pintuan para sana ito ay tulakin dahil wala a
FREYA POVPinagmasdan ko si Luna habang tinititigan ang mga gamit na nasa lamesa, mga libro na nakakalat sa sahig, kasalukyan kaming nasa kwarto niya ata habang ang iba ay nasa baba. Nilibot ko ang paningin sa buong paligid. Kasalukuyan kaming huminto sa bahay na tinutuluyan dati ni Luna. Dahil na rin kay Ms. Anna, hindi ko lang alam kung ano ang purpose nito pero tingin ko naman gusto din naman ni Luna kahit hindi nito sabihin. Napakaluma na ng lugar, mahahalata sa mga gamit na narito na parang sina-una pa ata ang mga gamit. Nakakalat din sa buong paligid ang ilang mga gamit na tila ba nagkaroon dito ng kaguluhan, nanakawan ba ang lugar na ito? Nakakalat kasi ang mga libro na sa palagay ko dating nakalagay sa cabinet.Lumapit ako sa isang lamesa kung saan nakalapag ang mga picture frame na naka-tumba. Kinuha ko ang isang frame at tinitigan ang sanggol na hawak ng dalawang matandang mag asawa marahil ito ang mga magulang ni Luna. May kung ano sa aking puso na ikinabigla ko, napah
ALISTAIR DAMIANA POVPinagmasdan ko ang batang babaeng lumapit kay Luna na kasalukuyang nakatayo at sinalubong ang mga bata na nakasama nito noong nasa mundo ng mga tao ang babae. Ito ang bahay-ampunan na madalas nitong puntahan, hindi kalayuan sa lugar na ito ang dating tinitirhan nito na ilang kilo-metro din ang layo. "Ate Luisa!""Ate Luna!!!!!"Ilan lang iyan sa mga sigaw ng mga batang maririnig ko ng makita si Luna. Napa-ngiti ako ng may maalala sa katauhan nito. "Sabihin mo sa akin, Damiana. May nakikita ka ba sa katauhan niya?" inabot sa akin ni Arriva ang isang basong tubig pag-kalapit nito sa akin."Dalawa ang nakikita ko sa kanya, Arriva. Nasa lahi na siguro nila iyon, sa ilang dekada ko pamumuhay sa mundong ito, ilan sa kanila ang nakita at nakilala ko na. At kailanman mukhang hindi naalis sa kanila ang pag-uugali na iyon." napailing ako. isang bagay na hiniling ko sana nabago sa bagong henerasyon."Mukha bang nabigo sila Matilda tanggalin ang bagay na iyon, Damiana." pi
LUNA POVNapasigaw ako ng unti-unti ko nararamdaman ang mabilis na pagbulusok ko pababa dahil sa gravity.Hanggang sa masob-sob ako sa lupa kasabay ko bumagsak mula sa portal si Freya na sa likod ko tumama ang pwetan at nadulas sa lupa. Parehas kami napa-ngiwi sa gulat at naramdaman. Samantala ang dalawang lalaki na kasabay naming pumasok sa portal ay naka-chill lang habang merong ulap sa mga paa nito na siya'ng dahilan kung bakit maayos naka-landing ang mga ito sa lupa. Kasabay ang na-aamaaze na si Ms. Arriva, "Mukhang kailangan ko pa talaga kayo hasaain at dagdagan pa iniyong kakayahan, girls." naka-ngiti sabi ng babae bago kami inalalayang tumayo. Nakita ko ang pag-irap ni Hudson, Yawa bakit ba kasama namin ang mga ito?Tinaasan ko ng kilay si Hudson, "Bakit ba kasama namin kayo dito? Wag niyo sabihing kasama namin kayo sa buong pagsasanay?""parang ganoon na nga," naka-ngiting sabi ni Blixs."No!" sabay kaming napa-sigaw ni Freya. Aba! Hindi kami papayag na makasama ang mga ito