Share

Twin Of Destiny
Twin Of Destiny
Penulis: Rosellie

Prologue

The Beginning

Arriva POV

"Fulgur!" I waved my wand and an angry lightning bolt came out of it, but as I expected, it was quickly avoided.

"Do you think you can beat me, Arriva!.... Just you?" He mocked. " Fulminis Ignem!" out of his hand came fire-like lighting.

Nanghihina na ang akin katawan, pakiramdam ko sa mga sandali na ito, ilang oras na lang bibigay na ang akin katawan.

"Kaizer, sa tingin mo rin ba basta-basta na lang kami susuko sa isang kagaya mong sakim sa kapangyarihan? Nagkakamali ka, dahil hindi naming hahayaan ikaw ang mamuno sa ating mundo! Vis aquae et ignis, Inimicus egrediens!" I uttered a spell.

Napahalak-hak si Kaizer ng masalag nito ang lumabas na spell sa akin wand. Sa mga oras na ito alam ko wala na ako laban sa kaharap na nakamit na ang antas ng kapangyarihan. Sino nga ba ang hindi lalakas kung marami na ito nahigop na kapangyarihan mula sa iba't ibang Wizard at Witch. Tanging ang kapangyarihan namin ni Arsella, ang hindi nito kaya makuha dahil sa mayroon kakaiba sa amin.

Arsella! Nasaan ka na? Sister!

"Kahit magsama pa kayo ni Arsella na pareho mga inutil at walang kwenta hindi niyo ko matatalo! Hyacinthinum nigrum ignem!"

Isang kulay violet na apoy ang dapat na sa akin ay tatama, pumikit ako at hinintay ito tumama sa akin, Ang presensya yong, kahit malayo pa ito, pero alam ko sa kanya galling yon, dahil ako o siya lang makakaramdam ng aming presensya. Muli ako dumilat at hind inga ako nag-kamali sa akin pakiramdam.

Sister!

"Protegas me Geminae!"

Napaluhod ako sa sobra pagod, wasak-wasak na ang akin kasuotan. Nawala ang isang bola apoy na dapat tatama sa akin.

"Arriva! Tumayo ka diyan! Kahit kailan talaga ang bilis mo mapagod! You really weak!" she frowned.

Nakatayo sa harapan ko ang babae nakaitim na bistida literal na mukha ito mangkukulam Mabuti na lang at maganda ito kaya wala natatakot na nilalang sa kanya. Hawak nito sa kaliwa ang isang broom, sa kanan ang akin wand na nabitawan ko pala kanina.

Kinuha ko ang wand ko at unti-unting tumayo, natawa ako na alam ko lalo nagpainis sa kapatid. Kahit hindi ko ito tingnan alam ko naka-kunot ang noo nito habang nakatingin sa lalaki naka-ngisi sa aming harapan. Inaabot nito sa akin ang isang maliit na boteng mayroon lamang kulay pink na likido, isang potion na alam ko matagal nito pinag-aralan.

"Inumin mo para manumbalik ang iyong lakas."

Ngumiti ako, agad ko ininom ang binigay nito potion. Nakaramdam ako ng mainit na pakiramdam mula sa akin lalamunan papunta sa akin sikmura, Maya-maya lang naramdaman ko na ang pagbabalik ng akin lakas, Bumalik sa dati ang suot ko puting bistida at Nawala ang lahat ng mantsa ng sugat sa akin katawan. Muli na-braid ang akin buhok na nagulo habang nakikipaglaban kay Kaizer.

"Kamusta, Mahal ko Arsella. Ang babae mahal na mahal ako." bati ni Kaizer sa aking kapatid.

Nakita ko napahigpit ang hawak ni Arsi sa broom ng marinig nito magsalita si Kaizer. Alam ko nahihirapan na ito sa sitwasyon , alam ng lahat kung gaano kamahal ng aking kapatid ang lalaki pilit sinisira ang tahimik na mundo ng aming lahi.

Nararamdaman ko ang lungkot ng aking nagiisa kapatid, at alam ko rin na nakapag-desisyon na ito. Tumingin ito sa akin, Nagtagpo ang aming mga mata.

Nagbago ang kulay ng mga ito, hinawakan ni Arsella ang akin kamay. Nakita ko ang pag-iba ng mata nito, naging kulay Violet at alam ko naging asul naman ang akin.

Ang kulay ng aming mga mata ay tanda ng isang responsibilidad na minana ng ilang panahon, kami ang tinatawag na Kambal ng tandahana.

"Hanggang sa huli, Kakambal ko! Ipag-laban natin ang nararapat! Kahit ano mangyari, Wag na wag mo kalilimutan ang atin tungkulin!"

Tumango ako at sabay naming tinitigan ang lalaki minsan naging parte ng aming buhay na dahil sa kasakiman ngayon ay isa ng kalaban.

LUNA POV

Haist! Nakakapagod ngayon ang araw na ito para sa akin. Grabe iyon pagod ko sa pag bebenta ng mga paninda ni Nanay Mildred para lang may makakain kami ngayon araw hanggang para bukas ng umaga.

Nagpunta ako ng park habang bitbit ang dala-dala ko bilao. Dahil sa sobra ko pagod umupo muna ako sa isang mahaba upuan at hinilot hilot ko ang sintido ko bago ko naalala mayroon pala ako biko na nasa bulsa ko.

Isusubo ko na sana ang biko almusal,tanghalian at merienda ko ng mapansin ang isang matanda babae naka tingin sa akin..

Kumurap kurap ako at naki-pagtitigan sa matandang babae . Nakatingin talaga sa akin eh.. Teka, mali sa biko ko pala. Maya-maya pa nakalapit na ito sa akin at umupo na din sa tabi ko.

"Neng,Baka pwde sa akin na lang iyan biko mo..?"

Agad ko nilayo sa matanda ang pagkain ko. Hindi naman sa pagdadamot pero jusme! Di pa kaya ako kumakain. Naku ah, Hindi kaya ako katulad sa mga palabas na mabait at bibigay lahat depende kung busog ako pero sa mga oras na ito, naku pasensya na po gutom na gutom na ako.

Akmang kakagatin ko na ang nag-iisa ko biko ng bigla na lang ito agawin ng matanda. Aba'y napaka barubal naman nito matanda na ito. Hindi ako papayag na maagaw ang pagkain ko, kaya nakipag-agawan ako.

Pero pisti! Napakalakas naman ng matandang ito. Hanggang sa ako na ang sumuko at binigay ang nagiisa pagkain ko!!

Napasimangot ako at pinag-krus ko ang mga braso. Masama ko tiningnan ang matanda na pangiti-ngiti habang kumakain.

Mabilaukan ka sana!!! Sabi ko naman sa iniyo di ako mabait. Umirap ako tiningnan ang kalangitan. Tiningnan ko ito muli ng marinig ko muntik na ito mabilaukan ito, paliham ako natawa. Pero dahil may konti pa naman ako puso, Binigyan ko na lang ng tubig si Lola.

Maski ang tubig ko konti na lang. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Maraming Salamat Neng, kahit pinagdasal mo ko mabilaukan.."

Nagulat naman ako ng sabihin niya iyon. Napaisip ako, nasabi ko ba ng malakas iyon nasa isipan ko kanina?

Kunot ang akin noo , lalo ng may dukutin si Manang sa Ilalim ng palda nito.

Jusme! Wag naman sana ako bigyan ng mahaba buhok. Aanhin ko naman kasi iyon?

Pero hindi mahaba buhok ang nadukot nito kung hindi isa lumang Libro at inabot sa akin.

Inamoy-amoy ko pa ito baka maroon kakaiba amoy. Nang tatanungin ko iyon matanda paglingon ko sa side ko kung saan ito nakaupo hala! Wala na iyon nang-agaw ng biko ko!

Sa sobra ko taranta muntik ko ng mabitawan iyon libro dahil para ako nasa fantasy bigla na lang nawala iyon matanda. Kinap-kap ko yong bulsa ko baka nawala din yong kinita ko. Nakahinga ako ng maluwag kasi nasa bulsa ko pa. Napa-isip ako kung paano nawala ang babae matanda na 'yon.

"Dyosa ata iyon.. Jusme! Sana bahay at lupa na lang binigay sa akin!"

Tumingin ako sa relo, pasado alas singko na pala. Pupunta pa ako ng palengke para may makain kami nila tatang at nanay matilda, Panigurado nagugutom na ang mga ito.

Tiningnan ko ang libro na binigay ng matanda saka nilagay sa bilao.

Wala na ako choice kung hindi isama ang lumang libro sa mga collection ko..

I am a collector of books, by the way, I'm Luisa Naris Moonfire, eighteen years old and the only child of Aries Moonfire who is disabled, and Matilda Moonfire. They are old and Nanay Mat has never told me any story because she is dumb.

I am thankful because even though my parents have disabilities I am fine.

FREYA POV

Mabilis ko winasiwas ang akin ispada sa isang punong Kahoy. Nakarinig ako ng kaluskus kaya mabilis ako nagtago sa malalaki halaman..

Hawak ang akin wand ng magcast ako ng isang spell.

"Indespectus!"

Napangiti ako ng dumaan ang mga ito sa harapan ko. Base sa mga suot nito masasabi ko sa Arcane Academy nag-aaral ang mga ito, Isang kilala school sa buo Magicus.

"Magbubukas na ulit ang gate of wall kung saan mamimili ng mga bago studyante ang buo Arcane!" Ani ng babae blonde ang buhok.

"Balita ko nga!" Wala sa mood na sabi ng kulay pulang buhok habang kinukutkot ang kuko.

Napansin ko ang mga patches na nasa kaliwang kwelyo ng mga ito palatandaan kung ano leveling nila sa nasabing academy.

Ang babae nakablonde ang buhok ang patch nito ay Ahas, Nasa pang labing dalawa na antas at pinaka-mababa sa lahat ng ranking.

Ang pula buhok naman ang patches nito ay pulang Tigre. Nasa pangatlo antas.

Sa Arcane Academy ay meron apat na ranking. O tinatawag na top four ranking.

Una ang Dragon, ibig sabihin kapag meron ka patch na katulad ng Dragon isa ka sa pinaka magaling .

Pangalawa ang Agila, Pangatlo ang Tiger at pang apat ang Unicorn.

Meron din top eight na sumusunod sa apat na rankings.

Top five black elephants, Top six Rhinoceros unicornis, Top seven lions, Top eight Bubalus, Top nine blue bull, Top ten pythons, Top eleven black panthers, Top twelve snakes.

Ang bawat Ranking ay base sa kanila lakas. Hindi sila basta-basta masasabi malakas kung wala sila sa ranking. At kung pagbabasehan ko ang lakas ng babae kulay pula ang buhok, masasabi ko alam nito kung nasaan ako, kung basehan ang presensya.

Nakaramdam ako ng kaba ng bahagya umangat ang sulok ng labi nito.

"Mukha alam na niya, alam ko kung nasaan siya! Bitch!"

At tulad nga ng inaasahan ko Lumipad papunta sa akin ang dagger nito na ginagamit nito sa sa pagkutkut ng kuko.

Mabilis ko nasalag ng espada at nagawang ibalik sa babae na nagawa nito saluhin.

"Gretha!! Nakikita mo ba sya?" Nanlalaki ang mga mata sabi ng blonde buhok.

"Nope! Sa muling pagkikita natin tampalasan. Hihintayin kita sa araw na magbubukas ang gate of wall! Maamoy at maamoy ko ang amoy mo kahit naka-invisible ka, Bitch!"

Nakahinga ako ng maluwag ng mawala na ang mga ito sa paningin ko. Nang nakakasiguro na ako wala na ang mga ito tinanggal ko na rin ang spell ng pagka-invisible ko.

Whoa! Muntik na, Mabilis ko binalik sa likod ang espada ko at matuling tumakbo.

Pag-iisipan ko Redhead kung papasok ako sa Arcane School para hanapin ang nag-iisa ko kakambal!

I am FRANCHEN YHISA ALTAMONTE, eighteen years old, completely orphanage, abandoned. The only thing I hold is the moon necklace; inside this is a picture of two babies.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status