Share

Chapter Two

LUNA POV

Napatingin ako sa babae kasama ko at nagligtas sa akin. Mayroon ito espada sa likod at ang ganda ng suot nito damit. Parang sasabak talaga sa digmaan.

Samantala ako natural na damit na nakapantalon at white na long sleeve. Galing amg kasuotan ko sa mundo ng mga mortal kung saan naisama bit-bitin ng libro na may nakasulat na nakakainsulto 'para sa babae Baduy' napaismid ako, minsan iniisip ko iyon babae nag-bigay sa akin ng libro ang spirito gumagabay sa aklat, masyado matabil ang nilalaman eh,

Napahaba tuloy ang nguso ko sa naiisip,

"Hoy! Umayos ka nga! Para ka talaga timang! Makinig ka nga sa akin!" angil sa akin ng babae madaldal na ito na siya nag-ligtas sa akin. 

Kanina pa kaya ako nakikinig sa kanya, Kanina pa niya sinasabi ang mga patakaran sa pagpasok dito sa Arcane.

Keso kailangan daw namin makapasa sa pagsubok para maging studyante kami. Haller? Wala kaya ako alam sa powers things na iyan! Paano ako makakapasa aber? Simple lang naman talaga ang pagsusulit kailangan namin makapasa sa una at  sa pangalawa pag-susulit para official kami maging mag-aaral sa nasabi paaralan.

Ang Una, maipakita at maipalabas ang amin kapangyarihan. Pangalawa ang kalabin ang isa sa labing-dalawa nasa matataas na rank ng school.

Pinaliwanag din nito ang tungkol sa Ranking. Hay naku.. kahit sobra maintindihin ako, Mahirap parin intindihin ang lahat kasi paano ko maipapalabas ang akin kapangyarihan at paano ko kakalabanin ang mga tinutukoy nito eh, wala nga ako powers!

"Nakikinig Ka ba Luisa? " napahinto ako at napatingin dito.

"Oo! At ilang ulit ko rin ba sasabihin sayo na wala nga ako Power things na iyan!"

"Look out!" Mabilis ako hinila nito padapa para maiwasan ang bolang apoy.

"At ilang beses ko rin ba sasabihin saiyo na imposible makapasok ka sa entrada ng Arcane kung wala!"

Isa din Iyon sa pinag-tataka ko eh, kasi kanina noon bago kami mag-kakilala ng babaita na ito sa mismo entrada ng paaralan marami kagaya ko ang gusto pumasok pero ng makapasok kami sa tarangkahan kunti na lang ang nakikita ko na para ba sila o kami lang ang nakapasa.

Sabay kami tumayo At muli naglakad, Huminto kami sa tapat ng isang itim na pinto.

"Andito na tayo. " bumuntong-hininga si Freya at hinawakan ang baba, bigla nito hinawakan ang kamay ko at binigay sa akin ang isang stick.

"Ano gagawin ko sa stick na ito? Haller, ikaw kaya ang bandido sa atin, bakit ako pag-bubuksanin mo ng pinto na ito? " kunot na kunot ang noo ko sabi dito. Ano ba alam ko sa pagbukas ng pinto, Eh Diba ang mga bandido magagaling sa pagnanakaw? Kaya bakit ako ang magbubukas?May pagka-sunga din 'to.

Binatukan ako nito. "Cast a spell, gaga!"

"Cast ng spell? Wala nga ako alam eh?"

"Sabihin mo abre la puerta"

"Huh?"

"Gawin mo na?!"

Bumuntong-hininga muna ako bago sinunod ang gusto nito, kulit talaga. Tinapat ko ang stick sa pinto.

"Abre la puerta!" Matapos ko sabihin ang salita na iyon tila mayroon kuryente dumaloy mula sa braso ko hanggang sa kamay ko at umilaw ang stick na hawak ko.

Nagulat naman ako ng bumukas ang pintong itim. Tila mayroon kasiyahan sa akin puso matapos ko bigkasin ang mga salita na iyon.

"Isa ka palang wizard!" Tila natutuwa sabi ni Freya sa akin.

Napangiti naman ako at magkahawak kamay kami pumasok sa loob ng pintuan.

Tumambad sa amin ang nakakasilaw na liwanag, Kaya nabitawan ko ang kamay ni Freya.

Nang mawala ang liwanag, agad ko hinanap si freya pero hindi ko ito makita. Napansin ko nasa asa kagubatan ako, kanina ang alam ko papasok kami sa isang pintuan paano nandito ako ngayon sa isang masukal nakagubatan at kahit ano anino ni Freya hindi ko ito makita. Nakaramdam ako ng kakaiba sa akin puso, para bang nag-aalala ako pero hindi para sa akin sarili. Nasaan ka Freya?

"Welcome new student, Welcome to Arcane Academy! Isang pagsusulit na lang mga Magicus! At magiging officially na kayo Bago studyante ng paaralan, Mangyayari lang iyon kung sa pagsusulit na ito ay matatalo niyo ang isa sa mga magigiting  at malalakas na magaaral ng Arcane! Hanggang sa muli, Goodluck!"

Pilit ko hinahanap ang boses na pakiwari ko nasa isipan ko. Napahawak ako sa ulo kumikirot ito. Hinanap ko sa buo ko katawan ang stick na binigay ni Freya pero di ko mahanap.

Bigla ako kinabahan, Paano ako lalaban nito kung wala sa akin ang stick. Pero paano din lalaban si Freya kung wala sa kanya ang stick niya.

Hay naku! Mamatay na ata ako sa pagsusulit na ito.

Bigla umilaw ang kwintas na suot ko. Hinawakan ko ito at bigla na lang may lumabas sa isip ko na mga salita.

"Clipeum!"

Napaupo ako ng tila may malakas na tumama sa akin. Napatingin ako sa likod ko ng makita ko ang isang babae may asul na buhok maging ang mga mata nito. May hawak ito na kutsilyo o dagger na kumikintab.

Napatingin ako sa patch na nasa kwelyo nito, Unicorn. Ibig sabihin pang-apat siya sa malakas na Ayon kay Freya. Mabuti na lang at na-briefing ako ng babaita na iyon, Atleast lam ko kung sino ang dapat ko iwasan!

"Luisa Naris Moon! A witch!"

Witch? Akala ko ba wizard ako? Gulo naman ni Freya! Saka paano naman nalaman ng babae na ito ang pangalan ko?

"Paano mo naman nasabi Witch ako? "

"You can cast without you're wand! You dont know?" Tila saglit ito natigilan, At bigla din ngumiti. Hala may Baliw!

"So meaning, I can easily win!"

Para na-iinsulto ako sa sinabi nito, Para bang  sinasabi nito matatalo agad ako!

Tila mayroon sarili pagiisip ang katawan ko at lumayo sa babae na hindi ako nagalusan, maaari dahil narin sa binigkas ko kanina.

Hinabol ako kaagad nito,  pero tinakbo ko ang kagubatan.

"Run, weaklings! Because once I catch you! You're Dead!"

"Asa ka naman, Mukha ka sisiw!" Dinilaan ko ito at lumiko sa kabilang dako ng gubat.

Ano gagawin ko? Paano ko matatalo ang babae na iyon? At paano ko siya makikita?

Napahinto ako ulit ng muli umilaw ang kwintas.

"Ano nalaman ba problema mo libro ka?! " hinawakan ko ito at nakaramdam ako ng kakaiba kuryente ulit at mula sa kanan ko na hindi nakahawak sa kwintas lumabas ang isang mahaba espada na mayroon isip na sumangga sa babae sisiw na nasa taas ko na pala.

"Ay sisiw! Putcha wala gulatan!"

Narinig ko ang pagtagis ng mga ngipin nito na binaon ang kutsilyo nito naging mahaba espada na mayroon brilyante hugis ng unicorn, Sa nakasangga ko espada.

"Ang espada ng mga moonfire! Bakit nasasayo?!"

Kita ko ang galit sa mga mata nito. Pahamak naman ito espada ko na may nakaukit na bilog na pula.

"Wala ako alam sa sinasabi mo, sisiw!"

"Ikaw!!! Stop calling me sisiw! Unda!"

Napa-luhod ang isa ko tuhod sa lakas ng impact ng espada nito na mayroon puti.

"Clipeum!"

"Hangal ka! Hindi mo magagamit ang kapangyarihan mo habang nagigipit ka, witch! Imposible taga Moonfire ka! Dahil walang witch sa angkan nila!"

Ano ba pinagsasabi nito? Pambihira iyon nga apelyido ko eh! Gusto ata nito sa kanya na lang ang apelyido ko. Jusme!

Think, Luna, think!

"May isang kakayahan ang mga moonfire na hindi alam ng iba, Ang isipan. Ngunit iilan lang ang nagkakaroon noon.  At hindi ako sigurado kung meron ka rin 'non, Luna. Tangi matatalino na mga taga moonfire lang mayroon kakayahan 'non at dahil kilala kita sa tingin ko wala ka utak,"

Naalala ko ang sinabi ni Nanay matilda 'non hinahanda nila ako para sa pag-pasok sa Arcane. At sa tuwing i-tra-train ako nakakatikim ako ng pang-iinsulto. Minsan ahhh hindi madalas, Madalas  pala ako tawagin wala utak !!! Haistz.... At sa tingin ko nga  sa nangyayari sa akin ngayon parang ganoon na nga, kulang talaga ako diskarte.

Putcha naman! Ano ba kasi isipan iyon!

Napapikit ako dahil sa malakas na pwersa mula sa sandata ng babae na ito. Hindi ko na ata makakaya ang bigat, Gusto ng sumuko ng katawan ko.

May isang liwanag sa akin isipan ang bigla lumabas at nakita ko ang kulay abo na baby na lobo.

'Princessa! Maligaya araw! Kay tagal kita hinitay na akoy iyong tawagin. '

Akala ko 'non ang logic na sinasabi ni Nanay ay dapat maging matalino. Puta! Lobo pala.

" Aba eh malay ko kung sino ka? Tinawag ba kita?"

"Ako ang magiging bantay mo, mahal na prinsesa. Ikaw din ang maaari magpapangalan sa akin."

"Pangalan? Pwede ba Canis Na lang? "

"Napaka-gandang pangalan, Prinsesa. Tugma sa akin "

"Bakit ba tinatawag mo ko prinsesa? Eh di naman ako Prinsesa. ?"

"Sa tamang panahon malalaman mo rin. "

Muli ako nilamon ng liwanag at ng makabalik ako sa akin ulirat may isa lalaki na ang nasa amin gitna ni Sisiw. Hawak nito ang dulo ng espada ko na naging kulay abo na lumiliwanag. Sa sahig nakaluhod si Sisiw na may dugo na sa bibig at hawak ang dibdib na mayroon umaagos na dugo.

Hala, anong nangyari? Paano ? Naguguluhan na tumingin ako sa lalaki naka-itim na kapa at itim din kasuotan.

"U-uno.!" Narinig ko tawag ni Sisiw.

Nagtama ang amin mga mga mata, ang kanya mga mata nakakagulat ang itsura nito. Magkaiba, ang kanan nito ay dilaw at violet ang kaliwa mata.

"Wag mo sabihin, Hindi mo alam ang ginawa mo? " madiin nito sabi sa akin. May naaanigan ako galit sa mga mata nito.

Paano ko nga ba malalaman kung nagdedeliryo nga ako kanina.

"H-hindi ko alam ang sinasabi mo?"

"Kalokohan!! Muntik muna siya mapatay! " ramdam ko ang pagpipigil nito ng galit.

Nagtataka 'man bigla na lang nawala ang espada ko at napatingin sa mga kamay ko.

"Hindi... hindi ko talga alam. " napalunok ako at masama ko din tiningnan ang lalaki kaharap.Sino ba ito? Wala ito karapatang sigawan ako!

" eh bakit ka ba nangingi-alam? Eh muntik na nga rin ako mapatay ng sisiw na iyan!"

Napa-atras ako ng lumapit sa akin ang lalaki naka-black.

Magsasalita sana ito ng mamilipit nalaman ako sa sakit ng ulo kaya napahawak ako sa buhok ko.

You pass! Congratulations! You are now part of Arcane Academy!! Ms. Luisa Naris Moon!

"Ahhh.. putcha! Gumamit na lang kayo ng speaker kapag mag-aanounce ! Bakit sa utak ko pa!! !!"

  Tumindi pa ang sakit na nararamdaman ko ng tila may kung ano kirot sa akin puso. Maya-maya pa ay Unti- unti nagdidilim ang akin paningin.

Bago ako mawalan ng malay nakita ko may dumating pa na tatlo lalaki. Ang isa ay tinulongan si Sisiw at ang lalaki tinawag na 'Uno' ni sisiw ay kunot ang noo tiningnan ako bago umalis.

Ang isa lalaki mayroon brown na buhok ang tumulong sa akin. At doon tuluyan na ako nawalan ng malay.  Pero may nag-flush sa akin isipan,

Freya! Sana ligtas ka!!

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status