แชร์

CHAPTER 7

ผู้เขียน: Raynosorous
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-02-21 23:27:48

“Ano ba naman itong pinag-oorder mo?” nakasimangot kong tanong ng makita ang napakaraming kahon sa tapat ng gate.

Sinilip ko siya sa likuran ko na naglalakad papunta sa akin, walang suot na pang-itaas at naka-sweatpants na gray. Kaya hindi maiwasan na hindi… bumakat, nevermind.

“If you say thank you, mas matutuwa pa ako.” Tinaasan ko siya ng kilay.

“May sanib ka na naman ba? At bakit naman ako magpapasalamat?” Tinawag naman niya ang mga bodyguard ni Sir Kez at inutusan ang mga ito. Akala mo naman siya ang boss.

Ang lakas talaga ng sanib. Napailing na lang ako at dahan-dahang naglakad papasok sa bahay. Umupo ako sa sofa habang hinahaplos-haplos ang tiyan ko.

“Palaki na ng palaki ang baby ko ah,” malambing kong bulong habang nakangiti nang malaki.

 “Put it here.”

Napaangat naman ako ng tingin nang makita ang lalaking walang pang-itaas habang tinuturo kung saan ipapalagay ang mga kahon na pinabili niya. At nang makuntento na siya sa kung ano ang pinalagay sa mga bodyguard, pinaalis niya na ang mga ito at naupo sa harap na sofa.

“Which one you wanna open first?”

 “Bakit ako? Sayo yan ah.” Sumimangot naman siya.

“I bought it for you. Choose, you can't bend since your baby is getting huge.” Bumuntong-hininga na lang ako at tinuro ang malaking kahon. Agad naman niyang binuksan ito. Nanlaki ang aking mga mata nang makita kung ano ang laman ng kahon na iyon.

“Bakit mo ako inorderan ng ganyan?” Tumawa naman siya na parang ang saya-saya niya.

“Well, your baby is going to come into this world, so, yeah?” Hindi ko alam pero parang naiiyak ako. Parte ba ito ng pagbubuntis? Masyadong madrama? Tumutulo ang aking mga luha kaya agad ko naman itong pinunasan. Ewan ko ba pero parang ang gaan-gaan sa dibdib ko. Sobrang na-touch ako sa ginawa ng lalaking ito. Kahit minsan napakasiraulo niya.

 “Salamat,” madamdaming sabi habang pinagmamasdan ang di pa naaayos na crib.

“It’s plain for now, you can decorate it if the baby comes out.” 

"Wag mo munang ikabit, kapag malapit na siyang lumabas.” Napatango-tango naman siya sa sinabi ko at tinabi muna niya ang crib. 

“Anak, meron na akong mapaglalagyan sa'yo.” 

“Nag-abala ka pa. Natanggal ka na nga sa trabaho, gumastos ka pa.” 

“Nah, don’t worry about it. Money is easy.” Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. 

“Anong 'money is easy'? Magsabi ka nga. Akala ko ba dito ka na rin nagtatrabaho kay Sir Kez. Pero bakit parang negatibo naman ang sinasabi mong 'easy money'?” 

Wag naman sana galing sa illegal ang pinangbili sa crib ng anak ko. Dibale nalang sa sahig matulog ang anak ko kesa sa ganyan. 

“I’m a hard-working man, preggy.” Nakangisi niyang sabi. 

Dahan-dahan naman akong tumayo. Nakaramdam ng antok. Palibhasa kasi hapon na at busog na rin. 

“Where are you going? You're not finished opening the others.” Sabi niya na parang bata na iiwan sa cashier. 

“Mamaya. Magpapahinga muna ako. Inaatok.” 

Hindi ko na inantay ang sasabihin niya at naglakad na ako papunta sa kwarto ko. Pagka-lock, lumapit agad ako sa kama at nahiga ng dahan-dahan. Lalo na’t medyo bumibigat na rin si baby. Kinuha ko ang cellphone sa gilid ng lamesa at tinignan ang mga message ng mga kapatid ko. Ang daily routine, ang pag-uupdate namin sa isa’t isa. Buti nalang at kahit papaano andun ang Lola ni Ekang na nakakasama nila pati na rin si Ekang. 

Palibhasa kasi malapit lang ang bahay nila sa amin at the same time, yung Lola ni Ekang ang nagbabantay ng tindahan ko doon. 

“Hind parin ako pinapansin ng gago mong ex.” Napasimangot ako sa chat ni Ekang. 

Halos ilang buwan na rin niyang kinukulit si Benedict, pero magaling daw talaga itong umiwas. Binaba ko ang cellphone sa gilid ng kama ko at pinunasan ang luha na di ko inaasahang tutulo. Kahit ilang buwan na pala ang nakalipas, masakit parin pala talaga. Halo-halo kasi e, pero ang lalaking minahal ko, tinaraydor ako para lang sa posisyon sa kumpanya.

Dahil sa nangyari, punong-puno ng tanong ang buhay ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari; daming tanong. Pakiramdam ko, sinira ni Benedict ang buhay na ilang taon nang maayos. Pero kahit ganun, kahit hindi ko man alam kung paano ako nabuntis, o ginago ni Benedict para iwan ang anak namin, para sa akin, may mga tao akong kinakapitan para lumaban.

Hindi ko namalayang sa kakaiyak ko ng mahina, nakatulog na pala ako. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog, nang may naririnig akong nagsasalita. Sino na naman ba ‘to?

“Preggy, it's 6:58 PM. You need to eat.” Naramdaman ko ang dahan-dahan niyang yuyugyog sa balikat ko.

“Mamaya na,” bulong ko.

“No, you need to eat. Let me feed you, come here, doggy.” Agad akong napadilat at dahan-dahan na naupo.

Siraulo, sa dami ng pwedeng itawag, “doggy” pa talaga, at ginawa pa akong aso ng siraulo.

“Gago ka na naman ba?” naiinis kong tanong. Bagong gising pa talaga.

Tumawa naman siya.

“I need to think how to wake you up. Anyway, I cooked sinigang. I heard you last night, you want to eat it.”

Napatitig naman ako sa kanya. Hindi ko alam bakit naiiyak na naman ako. Bakit ba ang drama ko ngayong araw?

“Bakit mo ba ‘to ginagawa?” bumulong ako, pero tinaasan lang niya ako ng kilay. As usual naman, syempre, may magbabago pa ba?

“Your ex is a little boy for sure, let him be. Stop waiting.”

Napangiti ako ng mapait.

“Hinding-hindi naman maiiwasan. Ang tagal din naming nagkasama.”

"And yet he didn’t ask you to marry him? If I were him, I’d marry you right away."

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Twisted Fate with the Disguised Billionaire   CHAPTER 29

    Ilang araw na ang nakalipas simula nang mangyari kay Maru. Ilang araw na akong di makatulog ng maayos sa gabi. Pati pagpasok niya sa school, kinakabahan ako sa pag-uwi niya. Ayoko na nga sana siyang pasukin na muna, pero pinilit lang niya kasi ayaw niyang may ma-missed.Alam kong nararamdaman ni Kvein ang pagkabalisa ko, kaya di na ako magugulat na pinabalik niya ang mga bodyguard na kilala niya.Pero hindi ko sila nakikita kasi hindi raw ito nagpapahalata mga to. Hindi ko maiwasang magalit; bakit kasi kailangan pa nilang mawala? Pero hindi ko rin alam na may sayad talaga si Benedict at pinagawa ito sa kapatid ko.“Preggy, please. I know you're worried about your brother. He is safe, same with Tania. Trust me.” Napabuntong-hininga ako at humarap kay Kvein.“Gustong gusto ko humarap kay Benedict…” naiinis na sagot ko. Nakita ko naman na parang di niya gusto ang sinabi ko.Umiwas ako ng tingin. Kating-kati na ang mga kamay kong sumuntok sa pagmumukha ni Benedict. Pero hindi pa pwede… ayo

  • Twisted Fate with the Disguised Billionaire   CHAPTER 28

    Dahil tuyo na ang mga nilabahan ni Kvein, ako naman ngayon ang magtutupi. Akala ko nga pati pagtutupi ay pagtatalunan namin. Pero hinayaan lang niya ako at naglinis na siya ng bahay. Pakiramdam ko tuloy para kaming mag-asawa habang nag-aantay ng mga anak na pauwi galing school.Grabe talaga ang imahinasyon, self. Kaya masasaktan, e.“Ate! Ate!” Nabitawan ko ang mga tinutupi at lumingon sa pintuan. Bigla akong nakaramdam ng panghihina at nanginginig ang aking katawan sa nakita.“What happened—oh shit. Sit here, sit here,” biglang sabi ni Kvein na kakapunta lang mula sa sala at inalalayan ang duguan na si Maru habang umiiyak si Tania.Napatakip ako sa aking bunganga at patuloy pa rin ang panginginig ng aking katawan. Anong nangyari? Okay naman sila ng pumasok kanina, ah?“Ate,” umiiyak na yumakap sa akin si Tania kaya niyakap ko siya pabalik at nanghihinang pinapanood si Kvein na inaasikaso ang duguang si Maru.Hindi ko alam ang gagawin kung wala si Kvein sa oras na ito. Kitang-kita ko

  • Twisted Fate with the Disguised Billionaire   CHAPTER 27

    “Oo nga pala. Napansin ko parang wala yung mga bodyguard na kilala mo. Ngayon ko lang na-realize,” sabi ko pagkalabas namin ng simbahan. Nakatayo kami sa gilid ng kotse habang inaantay ang dalawa. Pinabili ko kasi ng sampaguita para ilagay mamaya sa altar namin.“Oh, I let them have a day off first... s-since we're here naman.” Tumango-tango ako at hinaplos-haplos ang tiyan ko.“Hungry? Where do you wanna eat?” Ngumuso ako at naghanap ng makakainan na malapit lang. May natanaw akong karinderya na malapit dito sa simbahan. Kaso... kakain ba tong lalake na ‘to? I mean, sosyalin ang aura niya tapos englishero pa.Pero alam ko noon sa kumpanya, mga janitor sa amin kumakain sa mga karinderya, kasi minsan nakakasabay namin ni Ekang kumain. Baka for sure, nakakain din ‘to?“Sa karinderya. Pero okay lang kung ayaw mo.” Kasi kaming tatlo magkakapatid, sanay naman na.Umiling naman siya at hinapit ang bewang ko papalapit.“No, I’ll eat,” sagot niya at hinalikan ang gilid ng ulo ko.Ano ba naman

  • Twisted Fate with the Disguised Billionaire   CHAPTER 26

    Naglilinis ako sa tindahan habang naliligo si Kvein. May pasok kasi yung dalawa, at habang wala sila, ganito ang ginagawa namin ni Kvein. Sayang naman kung magsasara kami at wala naman kaming ginagawa kundi maglandian lang. At least may pera pang pumapasok. Tsaka malakas-lakas na rin yung tindahan.Habang inoorganize yung mga lalagyan ng candy, may babaeng lumapit. Nakagrills ang nakaharang sa tapat, pero maninipis lang. Mahirap na kasi minsan kung di ang Lola ni Ekang ang nagbabantay; minsan si Tania lang.“Ano po yun?” nakangiti kong tanong. Kilala ko ang babae at alam ko na hindi ang pagbili ang pinunta dito ng bruha.“Talagang nakabalik ka na noh? Diba?”Suminghap ako bago tumango-tango.“At talagang buntis ka.” Napangiti ako ng peke. Mga ganitong paraan ng pagsasalita, halatang chismosa.“Oh ano naman?” tanong ko habang patuloy pa rin sa pag-aayos.“Tapos hindi na namin nakikita yung palagi mong kasama na lalaki noon? Nung hindi ka pa buntis.”Napailing ako at binitawan ang hawak

  • Twisted Fate with the Disguised Billionaire   CHAPTER 25

    “Good morning, preggy.” Napairap ako nang maramdaman ang pagyakap ni Kvein mula sa likuran ko. Wala kasing pasok yung dalawa kaya late na late na kami nakatulog. Kasi kung saan-saan kami pumunta kahapon. Pero syempre, as promised kay Sir Kez, pumupunta kami ni Kvein dun pag may pasok yung dalawa para maglinis-linis kahit papaano. Ayy… si Kvein lang pala ang naglilinis-linis. Palagi niyang inaagaw ang trabaho ko, kaya more on sa dilig lang ng mga halaman ang ginagawa ko.Nagluluto ako ng almusal kahit magtatanghalian na naman. At akala ko mahimbing din ang tulog ni Kvein, pero eto, bumangon na rin ang lalaki. At kung makalambing, akala mo mag-asawa na nasa kusina. “Grabe sa yakap ah.” Bigla naman siyang natawa at di ko mapigilan ang mapalunok sa pagka-gwapo ng tawa niya. Pati pala talaga, pagtawa ang gwapo na rin? Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa bewang ko mula sa likuran at siniksik ang mukha sa leeg ko.“We already kissed, and…”“Tumigil.” Naramdaman ko ang pagnginig ng katawa

  • Twisted Fate with the Disguised Billionaire   CHAPTER 24

    Napahiwalay ako kay Kvein nang marinig ang pinto na bumukas. Paglingon ko, si Maru na kakauwi lang galing school. Ngumiti ako sa kanya at pinunasan naman ni Kvein ang pisngi ko. Napakunot-noo si Maru nang makitang umiyak ako kaya agad niyang sinarado ang pintuan at lumakad papunta sa amin ni Kvein."May problema ba, Ate? May...may masakit ba sa'yo? Ano na naman ang ginawa ni Benedict?" Mabilis akong umiling nang marinig ko ang takot at galit sa boses niya.Bumuntong-hininga muna ako at hinaplos ang pisngi niya. "Nakwento ko lang kay Kuya Kvein mo yung buhay natin noon." Natigilan naman si Maru sa sinabi ko at napaiwas ng tingin. "Akala ko tungkol na naman kay Benedict.""Ang aga ata ng uwian mo ah." Pagbabago ko ng usapan at agad naman siyang naupo sa katabing sofa."May pinatapos lang kasi sa amin, Ate. Kaya tinapos ko agad kasi gusto ko nang makasama ka agad." Napangiti ako sa sinabi ng aking kapatid."Did you eat already? Or do you want to eat something?" tanong ni Kvein na agad na

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status