LOGINSi Ysabel Cruz, akala niya natagpuan na niya ang lalaking makakasama niya habang buhay. Limang taon niyang pinaniwalaan ang isang kasal na kala niya ay totoo, hanggang sa isang araw, habang dala ang balitang matagal niyang ipinagdasal. Nalaman niyang hindi pala siya ang tunay na asawa ni Luis. Habang dinadala niya ang anak ng lalaking minahal niya, unti-unti ring nadudurog ang lahat ng paniniwala niya sa pag-ibig. Ang isang babaeng pinagkakatiwalaan niya, ay siyang sumira sa relasyon nilang dalawa, si Trisha. Sa gitna ng sakit, kasinungalingan, at isang desisyong kayang baguhin ang buong buhay niya, pipiliin ba ni Ysabel na ipaglaban ang natitirang piraso ng sarili niya… o tuluyan na lang bibitaw?
View More“Pasensya na po, ma’am, hindi po namin maipapasok sa system ang prenatal examination ninyo.”
Parang may malamig na hangin na dumaan sa buong katawan ko. Napahinto ako, hawak pa rin ang maliit na papel na ilang ulit ko nang tiningnan kanina, ang kumpirmasyon na sa wakas may nabubuo sa sinapupunan ko. Bagay na hindi ko kailanman inakalang mangyayari sakin.
Pero, hindi maipapasok? Paano naging hindi?
Ito na nga lang ang pinakahihintay kong mangyari, na akala ko imposible pa, ito na nga lang ang patunay na may bunga ang lahat ng sakit, pag-iyak, at mga gabing tahimik akong nagdarasal na bigyan ako ng sign para manatili pa rin.
Bakit parang may mali?
Unti-unting bumigat ang dibdib ko, tila may kung anong kaba na hindi ko maipaliwanag na sumisiksik sa bawat paghinga ko.
“Bakit po?” mahina ngunit nanginginig kong tanong.
Saglit na nagkatinginan ang mga staff sa harap ko, halatang nag-aalinlangan kung paano sasabihin ang susunod nilang sasabihin.
“Ma’am,” dahan-dahang sabi ng receptionist, halos hindi makatingin sakin, “kasi po, ang asawa mo ay nakapag-register na rito kasama ang ibang babae. Gusto niyo po bang i-double check kung tama ang details sa marriage certificate at ID niya?”
Parang biglang tumigil ang mundo ko.
Hindi ko na marinig ang ingay sa paligid, ang mga yabag sa pasilyo, ang mga tawanan, ang tunog ng mga trolley. Lahat ay naglaho, at ang natira na lang ay ang malakas na pintig ng puso ko at ang unti-unting pagkabasag ng lahat ng pinangarap ko.
Dumating ako dito na puno ng saya, pero aalis ba akong wasak?
“Paano mangyayari yun? Limang taon na kaming kasal ng asawa ko, maayos ang pagsasama namin. Baka po may pagkakamali kayo?” sabi ko ng diretso, nagpirmahan pa kami, ano ako nahihibang? Anong tawag sa ginawa naming kasal? Kasal-kasalan?
Nagkatinginan ang nurse at ang kasama niya.
“Wala naman pong mali, Ma’am, sadyang doble po ang pangalan ng asawa mo po na nakaregister po samin. Ibig sabihin lang po, hindi po ikaw ang asawa na nakalagay dito.”
Walang pagkakamali? Ibig sabihin, totoong may ibang babaeng nakaregister at nakapangalan sakanila ng asawa ko?
Kung totoo ito, pano na lang ang limang taon ko? Ano na lang ako?
“Pareho po ang impormasyon, mga dalawang linggo na po ang nakalipas, nagpunta dito ang lalaking yun kasama ang asawa niyang nakapangalan sa marriage certificate, para sa prenatal checkup din.”
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Biglang umikot ang mundo ko.
Pinilit kong kumalma.
Hindi, hindi ito pwedeng mangyari! Hindi siya ganun.
Hindi si Luis, kilala ko siya.
Hindi yung lalaking halos mamatay para sa akin sa Switzerland para lang bumalik ako dito sa Pilipinas. Hindi yung lalaking bawat gabi akong tinatawag na “Ysa” na parang ako lang ang mundo niya.
Hindi kayang gawin ni Luis yon.
Tatlong taon kong tiniis ang hirap, mga injection sa tiyan na parang paulit-ulit na parusa, herbal supplements na mapait pa sa katotohanan, mga dasal sa simbahan tuwing linggo na halos lumuhod ako hanggang mangalay, lahat ginawa ko para lang mabuntis. Lahat ng kailangan kong gawin at mga bagay na imposibleng gawin, ginawa ko para lang mabigyan siya ng anak.
Ilang beses akong umiyak sa CR habang hawak ang syringe, ilang beses kong tinanong ang sarili ko kung sapat ba ako bilang babae, kung bakit sa dami ng babae sa mundo, ako pa ang hindi mabiyayaan.
Pero tiniis ko, para sa kanya, para samin. Kasi alam kong gustong-gusto niya, kaya binigay ko na lahat ng kaya ko para lang magkaroon kami ng anak.
At ngayong sa wakas ay nangyari na, saka naman ganito?
Gusto ko pa sanang gawing sorpresa kay Luis ang balita. Half a month na siyang nasa business trip sa Cebu.
Sigurado, may mali lang baka hindi siya yung lalaking yun, kasi hindi ba’t sa NBI nga minsan may kaparehas tayo ng pangalan. Oo, baka parehas lang ang pangalan nila pero magkaibang tao.
Paglabas ko ng elevator, balak kong pumunta sa PSA para i-verify ang marriage records namin.
Pero bigla akong napahinto.
May dalawang pamilyar na pigura na papalapit, parang kusang kumilos ang katawan ko.
Nagtago ako sa likod ng haligi, kanina lang gustong-gusto kong maniwalang mali lang ang lahat, pero ngayon, harap-harapan na akong sinasampal ng katotohanan.
Marahang hinawakan ni Luis ang baywang ng babaeng kasama niya, dahan-dahan niyang hinaplos ang tiyan nito.
Para bang, may inaalagaan siyang pinakamahalaga sa mundo. Business trip, mukhang iba ang inasikaso niya buong linggo niya sa ‘business trip’ niya.
Nang makita ko ang mukha ng babae, parang may sumabog sa loob ko.
Hindi pwede! Hindi kahit sino wag lang siya.
Si Trisha, twenty years old siya, sampung taon ang agwat namin, kita naman sa mukha niya ang ganda at pagiging bata niya sakin.
Walang bakas ng pagod, ng sakit, ng sakripisyo, kabiyak ng mundo na hindi ko na kayang ibalik.
Naglalakad sila papunta sa direksyon ko.
“Love, sa tingin mo ba kamukha mo o kamukha ko ang baby natin?”
Baby natin, dalawang salita lang yan, pero parang libong patalim ang bumaon sa puso ko.
Kitang-kita ko ang malawak na pag ngiti ni Luis, “mas maganda kung kamukha mo, para mas cute.”
Dumaan sila sa harapan ko, pero hindi nila ako napansin, para bang wala ako paligid, parang hindi naman ako importante para makita nila.
Parang hindi ako yung babaeng limang taon niyang pinangakuan ng habang-buhay.
Mariin kong nakuyom ang mga kamao ko, gusto kong hilahin ang buhok ni Trisha, pero iniisip ko lang din ang kapakanan ng anak ko, at alam ko rin inosente ang bata sa sinapupunan niya.
Ito ba yung lalaking nagsabing ako lang ang gusto niyang makasama habang buhay? Ito ba yung lalaking nangakong kahit hindi ako magkaanak, sapat na ako?
Hindi ko maramdaman ang sakit kahit bumaon na ang kuko ko sa palad ko.
Mas masakit yung nasa dibdib ko! Sa loob ng dalawang linggo, habang gabi-gabi niya akong kinakausap, sinasabihang miss na niya ako, kasama pala niya ang ibang babae.
Habang ako naman ay u***g-uto sa mga sinasabi niyang mabulaklak na salita!
Nagpaka-tanga! Kilig na kilig pa ako sa mga salita niya, panay pa siya sabi kung gaano niya ako kamahal. Ang masakit, hindi ko lubos maisip kung anong itsura nila habang kinakausap ako ni Luis ng ganun, tinatawanan kaya nila ako? Nagtatawanan kaya sila?
Hindi ko na inaksaya pa ang pagkakataon na ito, kahit ayaw ko, kahit alam kong risky ang gagawin ko, pero nandito na ako, kaya sumunod ako sa kanila.
Hindi ko alam kung bakit.
Parang may sariling isip ang mga paa ko parang kailangan kong makita ang buong katotohanan, kahit alam kong madudurog lang ako lalo.
Hanggang sa makarating kami sa isang eksklusibong KTV bar sa Makati.
Pumasok sila sa isang private room.
Tumayo ako sa labas ng kwarto, hindi ako kumatok.
Hindi ako pumasok, pero kita ko sila sa maliit na bintana ng kwarto.
Doon lang ako, nakatayo, parang multo na walang karapatang magpakita.
Naririnig ko ang tawanan sa loob.
“Pre, grabe ka! Dala-dalawa pa ang asawa mo, yung legal nasa bahay, tapos itong si Trisha naman kasama mo gumala!”
“Solid ka talaga, idol. Sana all!”
“Nakabingwet ng twenty years old ang trentahin!” sabi pa ng isa, sa lahat ng sinabi, dito ako mas pinaka nasaktan, ang fact na mas bata sakin ang ginawa niyang babae.
Parang bawat salita ay sampal sa akin, hindi pala siya parang, kundi talagang sampal lahat yan sakin.
Namula si Trisha at yumakap kay Luis, at talagang kinilig pa siya sa mga sinabi ng tropa ni Luis? Hindi manlang ba siya kinilabutan?
“Tumigil nga kayo,” sabi niya, halatang natutuwa pa. “Nahihiya si baby ko.” at nakita kong hinaplos niya ng marahan ang tiyan ni Trisha.
“Isang taon at dalawang buwan na kayo, hindi ba? Buti hindi nalalaman ni Ysabel?”
“Pre, wag mo nga binabanggit muna ang pangalan na yan sa harap ng asawa ko, nasstress ang anak namin.”
Unti-unting lumubog ang pakiramdam ko.
Isang taon na pala.
Isang taon na relasyon, at dalawang linggo na ang nakalipas, nabuntis si Trisha.
Kaya sila nagpakasal, tunay na kasal.
Isa lang ang ibig sabihin, ang kasal namin ay peke! Peke ang marriage certificate, peke ang mga pangako, peke ang pagiging “asawa” ko sa kanya,
Hindi ako kailanman naging Mrs. Cruz, hindi ako ang pinili.
Para kay Luis, kailangan niya ng tagapagmana, at hindi ko kayang ibigay iyon.
Kaya niya ako niloko, hindi dahil mahal niya ako, kundi dahil kailangan niya ako.
Tahimik na tumulo ang luha ko.
Hindi ako umiyak nang malakas, wala akong karapatang gumawa ng eksena.
Hindi naman ako totoong asawa, ‘di ba?
Hanggang sa nakita ko ang dapat hindi ko nakikita ngayon, kahit sana konting pagdadalawang-isip, kahit sana konting kahihiyan sa mga kasama nila, pero wala.
Hinila niya si Trisha, at hinalikan. Halik na talagang masasabi mong may pagmamahal, matagal at malalim.
Walang bakas ng pagsisisi sa ginagawa ni Luis, para bang iyon ang pinaka-tamang bagay sa mundo niya.
Napahawak ako sa dibdib ko habang ang isang kamay ko ay napahaplos sa tiyan ko, tuluyang nadurog ang puso ko.
Ganun lang pala kadali ang limang taon, kapalit ng isang halik na parang wala kaming pinagsamahan.
Paglabas ko ng KTV, hindi ko na maalala kung paano ako nakasakay ng taxi.
“Manong, sa PSA po,” mahina kong sabi.
Habang umaandar ang sasakyan, nakatingin lang ako sa labas.
Iniisip ko, sa lahat kaya ng taong nasa kalsada, may kaparehas kaya ako ng sitwasyon? Paano kaya nila nalalagpasan? Parang tuloy-tuloy lang sila sa buhay, samantalang ako parang huminto na.
Natatawa ako sa isip ko, nang marealize kung ano lang ang ganap ko sa buhay niya, isang babaeng ginamit para punan ang oras niya habang wala pa siyang “tamang” babae.
Nang makarating na ako sa PSA, agad kong inasikaso ang mga kailangan ko.
Wala pa sigurong fifteen minutes, pinalapit ako sa counter, napansin ko agad ang tingin sakin ng staff.
Nang makita ko ang record, doon ko nalaman talaga ang hindi ko dapat malaman.
Limang taon pala akong mukhang tanga.
___
Bumalik ako sa ospital, parang wala na akong nararamdaman.
Parang ubos na ubos na ako sa isang buong araw na ito.
“Doc, gusto ko pong ipalaglag ang bata.”
Kung wala siyang ama na kayang panindigan ako, anong klaseng buhay ang ibibigay ko sa batang ito?
Pero, kaya ko ba talaga?
Tahimik ang doktor.
“Sigurado po ba kayo?” diretso niya akong tiningnan sa aking mga mata.
Hinawakan ko ang tiyan ko, ang batang matagal kong ipinagdasal, ang batang akala ko bubuo sa pamilya namin, tapos ngayon, magiging paalala na lang ng kasinungalingan.
Tumango ako.
Habang naghihintay ako ng resulta, tumawag si Luis.
Sinagot ko agad at naka videocall pa ito.
Hindi ko alam kung bakit sinasagot ko pa, siguro gusto ko lang makita kung gaano siya kagaling magsinungaling.
“Ysabel, nasa ospital ka ba? May sakit ka ba?” tanong niya na may pag-aalala pa sa boses niya, ang galing mo, Luis!
Kaya mong mahalin ang dalawa ng sabay o baka naman, hindi mo talaga minahal ang isa?
“Hindi. Sinamahan ko lang si Jenny, sumasakit tiyan niya.”
“Ah, ganun ba, sige. Mag-ingat ka ha. Uuwi ako this weekend.”
Weekend, nakakatawa.
Babalik pa siya, o babalik lang para siguraduhing hindi ko malalaman ang lahat?
“Okay.” simpleng sagot ko.
“I love you.” sagot niya.
Ilang beses ko itong pinaniwalaan, ilang beses ko itong pinanghawakan, pero ngayon, parang kutsilyo na paulit-ulit na bumabaon.
Hindi ako sumagot.
Hindi ko na kaya.
Sa loob ng consultation room, nakatingin lang ako sa doktor.
“Manipis ang lining ng matres mo.” mayamayang sabi niya.
Napahigpit ang hawak ko sa damit ko.
IIto na nga lang ang pagkakataon ko maging ina, mawawalan pa ba?
“Kung ipapatuloy ang abortion, posibleng hindi ka na magkaanak ulit.”
Hindi ako nakasagot.
Paglabas ko ng ospital, umaambonbna.
Karaniwang eksena sa Maynila, trapik tapos ang lalakas pa ng busina.
Ambon na parang hindi makapagdesisyon kung uulan ba nang malakas o hindi.
Napangiti ako nang mapait.
Siguro ito na ang kapalit ng pagiging bulag sa pag-ibig.
Kapag binigay mo lahat, darating ang araw na wala nang matitira kahit para sa sarili mo.
Biglang may sasakyang dumaan nang mabilis.
Hindi ko namalayan, kaya nawalan ako ng balanse.
Parang gusto ko na lang bumigay, dahil bigla na lang ako nakaramdam ng pagkahina.
Pero may kamay na sumalo sa akin, mahigpit siyang nakahawak sakin.
Parang may lakas na hindi ko na kayang ibigay sa sarili ko.
Napatingala ako, at nagtama ang mga mata namin.
Kinuha ko ang notebook. Siguro, kaya ko ito nakita dahil para malaman ko kung anong mga nakasulat dito. Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang mga daliri ko habang binubuksan iyon, parang may kutob na ako na may mababasa akong hindi ko na kayang burahin sa alaala ko kahit kailan.Pagbukas ko pa lang, parang may malamig na hangin na dumaan sa dibdib ko.Sulat kamay ni Trisha, sobrang ganda ng penmanship niya, halata mong pinagisipan muna ang mga isusulat dito. Ang daming nakasulat sa kapal ng diary na ito, halata mong puno ng pag-ibig.“100 Wish List with Kuya Luis.”Napahinto ako.Saglit akong natawa, isang maikling, mapait na tawa na ako lang ang nakarinig.Kuya Luis.Ganun pala siya sa kanya.Hindi “Mr. Cruz.”Hindi “Luis.”Hindi katulad ko na buong pangalan ang ginagamit kapag seryoso, kundi isang tawag na puno ng lambing.Isa-isa kong binasa.At sa bawat linya, parang may mabigat na bagay na unti-unting dumidiin sa dibdib ko.March 2. Birthday ko. Gusto kong pumunta kami ni Kuy
“Magwo-work na ulit ako,” sabi ko nang kalmado, kahit sa loob ko parang may bagyong hindi mapigilan. “Yung mga luma kong damit, na hindi na pang-opisina. Kaya tinanggal ko na. Bibili ako ng bago, hindi ka naman siguro masasaktan kung gagastos ako, ‘di ba?”Tahimik siyang tumingin sa akin sandali.Lumambot ang mukha niya.“Of course,” sagot niya agad. “Bilhin mo lahat ng gusto mo. Kung ayaw mo, palitan mo lang.”Wow, ang sweet, walang pakielam kung gaano kalaki ang gagastusin ko, kikiligin sana ako kung wala akong alam ngayon, pero dahil may alam ako, mag gamitan tayong dalawa.Alam niya kung gaano ako katipid.Kung paano ko iniipon kahit yung binibigay niyang allowance, kung paano ako natutong mamuhay nang simple, kahit nasa loob ako ng isang marangyang bahay sa isang exclusive subdivision dito sa Makati.Sinasabi ko lang lagi na ginagastos ko ang perang mga binibigay niya, pero ang totoo ay hindi. Ni singkong duling, hindi ko ginagastos, nakatabi lang, iniipon ko lang. Hindi na ako
“What?” alam kong nagulat siya. “Opo, Sir—”“Ysabel.” tawag niya sakin. Ano, naalala ba niya, nagpa-premarital check-up kami noon. Sinabi ng doktor na less than 1% lang ang chance kong mabuntis.Kaya nga niya ako niloko.Kaya nga niya pinili ang pekeng kasal.Dahil alam niyang hindi ako magiging ina.Pero hindi niya alam, posible pa rin akong mabuntis, sa kabila ng lahat, nagpunta ako sa ospital mag-isa.“Ysabel, mag-usap tayo.” mahinahon ang boses niya, tila nakakaramdam yata siya ng konsensya o ng awa sakin?Nakakatawa na kaya pa niyang maawa, habang siya mismo ang dahilan ng pagkawasak ko.“Uuwi ako sa Sabado,” sabi niya bigla sa kasama niya doon, kay Trisha. “Sasamahan ko si Ysa.”Kung makatawag siya ng Ysa akala mo hindi niya ako niloloko, parang hindi niya kami pinagsabay at itong babae naman parang walang pakielam!“Kung hindi ka sanay mag-isa, pwede kang bumalik sa old house. Si Mama, si Wilma, matutuwang alagaan ka.”Si Wilma Cruz, ang babaeng hindi ako kailanman tinanggap.
Ang tunog ng mga paparating na sasakyan ang nagbalik sa akin sa ulirat.Parang bigla akong nagising mula sa isang masamang panaginip.Mabilis akong kumalas sa pagkakahawak ng lalaki, halos matisod pa sa pagmamadali.“Salamat.” mahina kong sabi, halatang naguguluhan pa.Hindi ko alam kung saan ako titingin, hindi ko alam kung paano ako hihinga nang normal.Nilingon ko siyang muli. Nakasuot ng custom-made na suit na halatang hindi basta-basta, yung tipong makikita mo lang sa mga CEO sa Makati o BGC.May aura siya na hindi mo kailangang hulaan, isang lalaking sanay utusan ang mundo, at hindi siya ang inuutusan. Bigla akong na-conscious, para akong galing sa bagyo, samantalang siya, parang hindi man lang naaapektuhan ng kahit anong gulo.Nakakahiya.Nakakahiya na nakita niya ako sa ganitong estado.“Okay na ako,” halos pabulong kong sabi, kahit hindi naman niya tinanong.Tiningnan niya ako sandali, parang sinisigurong hindi ako babagsak ulit.“Sige,” kalmado niyang sagot. “Walang anuman


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.