Si Kiara Morris ay isang babae na may pangarap—masipag, matalino, at hinahangaan sa kanilang kompanya. Kasama ang kanyang boyfriend na si Benedict, kilala sila bilang “couple goals” ng kanilang opisina. Ngunit paano kung ang lalaking minahal niya ay may tinatago palang inggit at galit sa kanya? Nang dumating ang pagkakataong sila ang pinagpilian para sa isang mataas na posisyon, hindi inakala ni Kiara na ito ang magiging simula ng kanyang bangungot. Sa isang gabi ng selebrasyon, inalok siya ni Benedict ng inumin—hindi niya alam, may mas madilim itong plano. At ang akala ni Kiara na ito ay isang panaginip, ay siya ay mainit na nakikipagtalik sa isang lalaki. Sa isang iglap, nagising na lang siya na masakit ang kanyang katawan at ang kanyang pagkababae. Isang buwan ang lumipas at natuklasan ni Kiara ang isang nakakagulat na katotohanan—siya ay buntis. Ngunit sino ang ama? Dahil dito, nagtagumpay si Benedict na sirain siya at tuluyang mawalan ng trabaho. Limang buwan ang lumipas, may bigla na namang lumapit sa kanya na misteryosong matanda na tinulungan siyang magkaroon ng trabaho. Doon nagtagpo ang kanilang landas ng kinakainisan niyang janitor. Wala siyang magawa kundi pakisamahan ang lalaking kinaiinisan niya, para lamang sa trabaho na kailangan na kailangan niya. Hanggang saan ang kaya niyang gawin para mabuo ang buhay na sinira ng kanyang ex? At paano kung ang hinahanap niyang kasagutan ay nasa taong hindi niya inaasahang magiging bahagi ng kanyang buhay?
View More“Deserve mo ng magkabilang sampal!” masayang sabi ni Ekang habang pumapalakpak pa.
Malaking ngiti lang ang binigay ko sa kanya. Sa sobrang saya, halos wala na akong masabi. Bago pa man magsimula ang trabaho kaninang umaga, pinatawag ako para sabihing isa ako sa mga nakapila para sa promotion. Sino ba naman ang hindi matutuwa? Nagbunga rin ang ilang taon kong paghihirap.
Patuloy lang si Ekang sa pag-iingay tungkol sa promotion. Break namin ngayon kaya malaya siyang mag-ingay.
“Ano ka ba? Kilala ka naman ng mga katrabaho natin, ah. Tsaka alam nila na mabait kang tao.”
“Kahit na! Tsaka baka mausog, noh! Biglang hindi ako mapili,” sagot ko. Napahinto naman siya sa pagnguya at nanlaki ang mga mata habang nakatitig sa akin. Oh, ‘di ba?
“Hindi na… Pero kahit mausog man o hindi, deserve mo ang promotion dahil sa effort, sipag, at dedikasyon mo. Lahat na! Aba, kapag hindi pa ‘yan nakita ng kompanya, iba-bash ko sila nang todo.”
Patuloy lang ang kwentuhan namin ni Ekang hanggang bigla siyang sumimangot at nagpaalam na aalis. Nagulat ako pero agad kong naintindihan nang makita kong umupo sa pwesto niya ang boyfriend kong si Benedict. Ngumiti siya sa akin nang matamis, kaya ngumiti rin ako.
“Sweetheart, may balita ako sa’yo,” masayang sabi niya na halatang kita sa mga mata niya.
“Talaga? Ako rin!” sagot ko, nae-excite.
“Really? But I’ll go first.” Ngiti niyang malaki na tinanguan ko na may kasamang ngiti.
“Nakapila ako para sa promotion,” masaya niyang sinabi, na ikinatuwa ko rin.
“Talaga? Oh my, ako rin!” masaya kong sagot, pero bigla kong napansin ang pagbabago ng ekspresyon niya. Parang hindi niya nagustuhan ang narinig. Saglit siyang natigilan pero bumawi agad ng ngiti.
“Wow, that’s good. Tayo pala ang magkaribal sa pwesto.”
Natigilan ako sa tono ng boses niya pero binalewala ko lang. Maybe he’s joking?
“Pero kung sino man ang mapili sa atin, tatanggapin ko nang buong buo. We both worked hard over the years, kaya support lang ako.”
Tumango naman siya, may simpleng ngiti sa labi.
“Anyways, may gagawin pa pala ako. See you later.”
Natigilan ako sa biglaan niyang paalam at sa paghalik niya sa pisngi bago umalis. Hindi ko alam kung anong hangin ang umihip at biglang nagbago ang mood niya. Kanina lang sobrang saya niya.Umiling ako, pilit iniwas ang pag-iisip ng negatibo. Pagod lang siya o maraming kailangang gawin. Tama, tama.
Pagsapit ng uwian, hinatid niya ako pero hindi na namin pinag-usapan ang tungkol sa promotion. Parang iniiwasan niya. Kaya hinayaan ko na lang at hindi ginawang big deal. Matagal na kami sa relasyon na ito. Ngayon pa ba ako kakabahan?
Nabanggit ko rin kay Ekang ang napapansin ko kay Benedict at wala siyang ginawa kundi sermunan ako, kesyo dapat ang lalake raw na patulan ko ang katulad ng apo ng boss namin.
Ilang araw akong hindi tinantanan ni Ekang tungkol sa “walking ulam” na sinasabi niya. Ilang beses na rin niyang sinubukang ipakita ang picture pero umaayaw ako. Napaka-red flag na kaibigan nito, alam nang may jowa ang tao.
Akala ko uuwi na naman akong malungkot, pero bigla niya akong pinapunta sa kotse niya sa parking lot. Madali akong pumunta. Pagsarado ko pa lang ng pinto, bigla niya akong niyakap. Naiyak ako habang niyayakap siya pabalik. Hinalikan niya ako saglit sa labi at ngumiti nang malaki.
“I’m sorry about my attitude. Let’s have a date tomorrow night?”
Pagsapit ng gabi, excited akong nag-ayos ng sarili. Nakasuot ako ng short strapless dress na may rhinestones at black high heels. Sinuklay ko ang buhok gamit ang aking mga daliri at hinayaan itong nakalugay.
Napakagat ako sa labi—halong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayong gabi. Napagtanto kong tama lang talaga na walang kakaibang nangyayari sa relasyon namin ni Benedict.
Cellphone at panyo lang ang dinala ko dahil sabi ni Benedict, siya na raw ang bahala ngayong gabi. Nang magtext siya na nasa baba na siya, agad akong bumaba at pumasok sa sasakyan niya. Pagkasara ko pa lang ng pinto, agad niya akong hinalikan. Sinagot ko naman iyon pabalik. Sobrang saya ko habang nasa biyahe kami papunta sa lugar na gusto niyang puntahan namin.
Katulad ng dati, madaldal si Benedict. Ngunit nang makarating kami sa lugar na iyon, ako naman ang napatahimik.
"Bar?" bulong ko habang inaalalayan niya akong pumasok. First time kong makapasok sa ganitong lugar dahil buong buhay ko ay ginugol ko sa pagtatrabaho.
"Ayaw mo?" malambing niyang tanong habang inaakay ako paupo sa couch katabi niya.
"Okay lang," sagot ko nang may bahagyang kaba. Tinawag niya ang waiter, at maya maya pa’y may dala na itong dalawang baso at isang inumin na hindi ko alam kung ano.
"Dali na, sweetheart. Minsan lang 'to," nakangisi niyang sabi habang itinatapat ang baso sa labi ko. Kahit labag sa kalooban ko, dahan dahan ko iyong ininom. Napaubo ako at pinunasan ang labi masyadong matapang ang lasa para sa akin na unang beses lang uminom.
Tiningnan ko siya, at nginitian niya lang ako nang malambing. Dahan-dahan niya akong hinalikan bago ulit ipinainom ang alak. Habang umiinom kami, panay ang panlalambing at haplos niya sa akin, hanggang sa hindi ko na namamalayan ang paligid.
Maya maya, inalalayan niya akong tumayo at dinala kung saan. Parang nahihilo ako at umiinit ang katawan ko. Napansin kong nakatigil kami sa harap ng isang pintuan.
"Be a good girl," bulong niya bago ako pumasok sa silid. Hiniga niya ako sa sofa.
Pumikit ako, at ilang minuto ang lumipas. Umupo ako at pinalibot ang tingin sa madilim na kwarto. May nakita akong nakaupo sa kabilang dulo ng silid. Napangiti ako at lumapit doon. Dahil siguro sa epekto ng alak, umupo ako sa kandungan ng taong iyon.
Napatigil ako nang maramdaman ang matigas niyang katawan. Parang mas malaki ang katawan ni Benedict kaysa dati? Ganito ba talaga kapag nakakainom?
Napahagikgik ako at mas idiniin pa ang sarili sa kanya. Nag-iinit na talaga ang pakiramdam ko, at parang hindi ko na ma-control ang sarili ko.
"Such a naughty girl," bulong niya.
Naglilinis ako sa tindahan habang naliligo si Kvein. May pasok kasi yung dalawa, at habang wala sila, ganito ang ginagawa namin ni Kvein. Sayang naman kung magsasara kami at wala naman kaming ginagawa kundi maglandian lang. At least may pera pang pumapasok. Tsaka malakas-lakas na rin yung tindahan.Habang inoorganize yung mga lalagyan ng candy, may babaeng lumapit. Nakagrills ang nakaharang sa tapat, pero maninipis lang. Mahirap na kasi minsan kung di ang Lola ni Ekang ang nagbabantay; minsan si Tania lang.“Ano po yun?” nakangiti kong tanong. Kilala ko ang babae at alam ko na hindi ang pagbili ang pinunta dito ng bruha.“Talagang nakabalik ka na noh? Diba?”Suminghap ako bago tumango-tango.“At talagang buntis ka.” Napangiti ako ng peke. Mga ganitong paraan ng pagsasalita, halatang chismosa.“Oh ano naman?” tanong ko habang patuloy pa rin sa pag-aayos.“Tapos hindi na namin nakikita yung palagi mong kasama na lalaki noon? Nung hindi ka pa buntis.”Napailing ako at binitawan ang hawak
“Good morning, preggy.” Napairap ako nang maramdaman ang pagyakap ni Kvein mula sa likuran ko. Wala kasing pasok yung dalawa kaya late na late na kami nakatulog. Kasi kung saan-saan kami pumunta kahapon. Pero syempre, as promised kay Sir Kez, pumupunta kami ni Kvein dun pag may pasok yung dalawa para maglinis-linis kahit papaano. Ayy… si Kvein lang pala ang naglilinis-linis. Palagi niyang inaagaw ang trabaho ko, kaya more on sa dilig lang ng mga halaman ang ginagawa ko.Nagluluto ako ng almusal kahit magtatanghalian na naman. At akala ko mahimbing din ang tulog ni Kvein, pero eto, bumangon na rin ang lalaki. At kung makalambing, akala mo mag-asawa na nasa kusina. “Grabe sa yakap ah.” Bigla naman siyang natawa at di ko mapigilan ang mapalunok sa pagka-gwapo ng tawa niya. Pati pala talaga, pagtawa ang gwapo na rin? Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa bewang ko mula sa likuran at siniksik ang mukha sa leeg ko.“We already kissed, and…”“Tumigil.” Naramdaman ko ang pagnginig ng katawa
Napahiwalay ako kay Kvein nang marinig ang pinto na bumukas. Paglingon ko, si Maru na kakauwi lang galing school. Ngumiti ako sa kanya at pinunasan naman ni Kvein ang pisngi ko. Napakunot-noo si Maru nang makitang umiyak ako kaya agad niyang sinarado ang pintuan at lumakad papunta sa amin ni Kvein."May problema ba, Ate? May...may masakit ba sa'yo? Ano na naman ang ginawa ni Benedict?" Mabilis akong umiling nang marinig ko ang takot at galit sa boses niya.Bumuntong-hininga muna ako at hinaplos ang pisngi niya. "Nakwento ko lang kay Kuya Kvein mo yung buhay natin noon." Natigilan naman si Maru sa sinabi ko at napaiwas ng tingin. "Akala ko tungkol na naman kay Benedict.""Ang aga ata ng uwian mo ah." Pagbabago ko ng usapan at agad naman siyang naupo sa katabing sofa."May pinatapos lang kasi sa amin, Ate. Kaya tinapos ko agad kasi gusto ko nang makasama ka agad." Napangiti ako sa sinabi ng aking kapatid."Did you eat already? Or do you want to eat something?" tanong ni Kvein na agad na
Halos isang linggo na kami dito sa bahay at sa araw-araw na dumadating, sinisigurado ko na sulit na sulit ito. Pero kahit naman gusto kong magkasama kami buong araw, alam ko na hindi pwede, kasi may mga pasok pa sila. Kaya habang wala pa sila, ang ginagawa ko naman ay kalikutin ang buong bahay, naghahanap kung ano ang pwedeng ipaayos o pwedeng linisin.Pero siyempre, hindi ko iyon magagawa kasi halos lahat ng dapat kong gawin ay si Kvein ang gumagawa. Hindi ko maiwasan na hindi mapaluha habang pinagmamasdan ko ang bahay na ito. Sa bawat sahod ko, simula sa pinakaunang trabaho ko, paunti-unti akong nag-iipon para sa bahay na ito. Nakatira kami sa isang subdivision na hindi naman mahal.Maliit pa ang bahay na ito noon. Kasi once na bayad ka na sa bahay, pwede mo na siyang palakihin o ipagawa ng gusto mo. Kaya ang inuna ko muna ay pag-ipunan ang monthly na bayad sa bahay. Hanggang sa napunta ako sa dating kumpanya na pinapasukan ko. Nakaipon at nabayaran na.Paunti-unti, pinapaayos ko an
“Ate, ang gaganda naman ng mga damit dito. Ang mamahal pa,” bulong ni Tania habang nakahawak sa braso ko.Napagpasyahan kong dalhin sila sa mall para bumili ng mga kailangan at syempre kahit papaano ay mga gusto nila, kasi minsan-minsan lang naman. Nasa isang menswear store kami at tinutulungan ni Kvein si Maru na mamili ng kung ano-ano. Ako naman ang magbabayad; napag-usapan na rin namin 'yan ni Kvein kanina bago umalis.Kasi syempre itong lalaki na 'to hindi naman pumasok sa trabaho, tapos pabawas na ng pabawas ang savings niya dahil sa amin. Kaya agad kong ibinigay kay Maru yung debit card ko para siya na ang pumunta sa cashier.Habang busy ang dalawa, hindi ko maiwasang hindi mapansin ang ilang babae na nakatingin kay Kvein; yung iba pasulyap-sulyap lang, habang yung iba ay nakatitig at palihim na pinipicturan.Okay lang 'yan, hanggang tingin lang naman sila—Kiara, ano na namang iniisip mo? Girlfriend? Girlfriend?“Maru, pumunta ka na sa cashier.” Hindi ko napansin na nasa harap k
Pagsapit ng gabi, bigla akong na-stress kung saan matutulog si Kvein. Kahit na magaan na ang loob sa kanya ng mga kapatid ko, nahihiya pa rin ako na sa isang kwarto kami matutulog. Ewan ko ba, feeling virgin ang momentum ko pero hindi ako mapakali.Pinagmamasdan ko silang tatlo na nagkukwentuhan. Parang close na close na sila. Tinignan ko naman ng matagal si Kvein, hindi plastic ang pakikitungo niya sa mga kapatid ko. Parang matagal na niyang kilala.Ang sarap pala talaga sa pakiramdam kapag ganito. Yung magkakasundo yung mga mahal mo sa buhay. Hindi napipilitan para lang magpalakas sa akin. Kasi kay Benedict, ni minsan, never ko pa silang nakitang tatlo ganito. Parang bihira pa ngang magkaroon sila ng salitan na usapan. Kadalasan, mga di pa nga tatagal ng limang segundo yung usapan nila.Kasi noon pa man, pinapakita na sa akin ng mga kapatid ko na ayaw nila kay Benedict. Masama raw ang kutob nila at minsan, inaattitude-dan sila. Masakit dahil mga mahal ko hindi magkasundo. Kaya hindi
“Atee, di mo naman sinabi na uuwi ka. Edi sana nakaluto ako,” agad kong sinabi at niyakap si Maru. Mas gumwapo itong kapatid ko na 'to ah. “Hindi na, may binili ang Kuya Kvein niyo na makakain natin ngayong tanghalian,” nakangiti kong sagot. Tama naman ang term na ginamit ko; mamaya mag-iinarte na naman kasi ang isa diyan.Sumilip naman si Maru kay Kvein, binalik ang tingin sa akin, at ngumiti. “Nasa magandang kamay ka, Ate.”Huh? Bigla akong napakunot-noo sa sinabi ng kapatid ko na 'to. Sinilip ko si Kvein na nakikipagkwentuhan kay Tania. Hindi ko rin maiwasang hindi mapangiti, kahit palagi kami nagkakainisan at tanging sa landian lang kami nagkakasundo, masasabi kong komportable akong dinala ko siya dito sa bahay namin. Masaya akong magaan ang loob ng mga kapatid ko sa kanya.Lalo na’t alam kong nasaktan at nagalit din sila sa nangyari kay Benedict, kaya hindi ko inaasahan na tatanggapin agad nila si Kvein kahit hindi pa nila lubos na kilala.“Paano mo naman nasabi?” tanong ko kay M
Masayang-masaya ako habang nag-aantay kami ni Kvein ng pagkain dito sa isang restaurant. Hindi naman kasi talaga ako madalas mag-day off. Lalo na't sobra ang pag-iingat ng mga kapatid ko sa akin. Pansamantala kaming nag-uusap palagi sa Messenger. Kaya sobrang saya ko nang napag-isipan ni Sir Kez na mag-stay ako sa bahay ko muna habang wala pa siya.Napalingon ako kay Kvein na abala sa kanyang cellphone habang nakakunot ang noo. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung paano napa-oo si Sir Kez na sumama sa akin dito. Napairap na lang ako ng maalala ang pagtatalo nilang dalawa."No, I’m coming with her." Parang naiiyak si Sir Kez nang makita niyang may dalang maleta. "We already talked about this, Kvein." Napalingon ako kay Sir, na parang sukong-suko na siya kakapilit kay Kvein na huwag bumuntot sa akin."No," nakasimangot na sagot ni Kvein. Parang bata. Hindi ko rin talaga alam ang gagawin ko. Excited na akong makaalis kasi syempre, sayang ang oras. Gusto ko nang mayakap ang mga kapatid k
“What? Don’t tell me you’re ashamed?”Sinilip ko si Kvein na may mapaglarong ngisi sa labi na parang tuwang-tuwa.“Gaga ka ba? Si Sir Kez 'yun. Boss natin,” sabi ko at binato siya ng unan. Tawa naman siya ng tawa. At nang mahimasmasan na siya sa kaligayahan niya, inabot niya sa akin ang kamay at naiinis na tinanggap ko naman iyon.“Boss mo lang.” Umirap na lang ako. Wala namang sisisihin dito. Nasarapan din naman ako.Napanguso na lang ako sa iniisip at umiling bago sabay na lumabas ng kwarto ko kasabay ni Kvein. Bawat hakbang, lakas ng tibok ng puso ko ang naririnig ko. Kinakabahan ako. What if madismaya sa amin si Sir Kez? I mean, nakakadismaya naman talaga. Hindi naman niya kami… I mean ako lang pala, boss ko lang daw e. Hindi naman niya ako binabayaran para lumandi. Tapos ko naman na ang trabaho ko pero nakakahiya pa rin! Boss ko, narinig ang mga ungol ko?Napalunok ako ng makitang nakaupo si Sir Kez sa sofa na walang expression sa mukha.Eto na nga ba ang sinasabi. Sapul ka talag
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments