Isang buwan na ang nakakaraan mula nang magsimula ang internship. Ngayong buwan din iaanounce kung saang hospital kami magkakaroon ng O-OJT.Walang araw na hindi ako tinatawagan ni Zairon, pero napapansin kong may iniiwasan siyang topic. Lalo na kapag magtatanong ako tungkol sa pamilya niya. Mula nang sabihin niya sa akin tungkol sa isang tao, nag-iwas na siya sa topic na iyon.Nakakapagtaka, pero hindi ko pinipilit na buksan ang topic na iyon. Alam kong may dahilan siya, at hinihintay ko lang na sabihin niya ito sa akin kapag handa na siya.And it's been a month rin na hindi na ako sinusundan ng lalaki noon. It feels like he vanished suddenly after that na pinasalamat ko rin naman. "Girl! Dalian mo nga diyan! Nandoon na si Sir! Ngayon na iaanounce kung saan tayo mag O-OJT!" excited na anas ni Dalcy sa akin at hinihila pa ako. "T-teka lang naman, iyong sintas ng sapatos ko! Kalma ka lang!" Reklamo ko at bumaba para maayos man lang. Washday namin ngayon kaya simpleng shirt at pantalo
May mga doctors rin na dumadaan at binabati namin habang naglalakad kami sa pasilyo. "Beh, gwapo ng iyon oh. Mukhang inosente ang mukha." Turo ni Jazz sa isang Doctor na parang bata pa rin dahil babyface. May kausap rin itong ibang doctor. "Ay, feel ko beki iyan." Sagot ni Dalcy habang nakatingin roon. "Paano mo nasabi? Parang hindi naman." Depensa ni Jazzm "Tingnan mo nga kung paano ngumiti sa isang lalaking doctor.. parang nag da-daydream! Masyadong suspicious ang ganyan." Agad na paliwanag ni Dalcy na parang expert talaga. Napailing nalang ako habang nakasunod sa kanila. Nang matapos kami mag-explore, nagpasya kaming kumain sa cafeteria. "Ang daming pagkain dito! Parang buffet lang unlike noong na hospital ang mother dear ko, wala man lang ganito sa pinuntahan namin." sabi ni Dalcy at parang uubusin na ang mga putahe sa plato niya. Natawa nalang kami dahil sa trip niya. Pinagtitinganan na tuloy kami ng mga tao sa loob. Bago pa kami makaupo, nag ring agad ang phone ko. Kinuha
"A-are you sure, Doc? I mean, I'm still a trainee. I don't have experience with this kind of patient," Saad ko, nag-aalala na baka hindi ko magawa ng maayos ang trabaho ko. Lalo na sa lolo ni Zairon! Ano ba ang nangyayari?! "Don't worry. I believe in you. I know you can do this. And besides, there will be a senior nurse who will guide you," aniya na mas lalong nagpakaba sa akin. Hindi na ako mapakali nang umalis na lamang si Doctor. Naiwan ako roon, nag-iisa at nalilito. Parang gusto ko na lang tumalon sa bintana kaysa sa harapin ang sitwasyong ito. Hindi ko ito inaasahan! "H-hi.. Um, hello po.. Don. I'm your nurse for today," Kinakabahan kong sabi. Parang may malaking bato na bumabagsak sa aking dibdib dahil sa kaba. Nasaan na ba ang senior nurse dito? Bakit ako lang?! Tiningnan niya lang ako ng blanko na parang wala siyang interes sa kung ano man ang sasabihin ko. Kinuha niya ang newspaper na nasa tabi niya at nagpatuloy na magbasa. Napakagat ako ng labi. Anong gagawin ko ng
Napalunok ako sa biglaan at sakit ng sinabi niya. Hindi ko inaasahang maririnig ko iyon. Tila bigla akong nawalan ng lakas at naramdaman ko ang mga tuhod ko na nanginginig. I thought that he didn't know me? Then now.. I can't even think properly. Pinilit kong pigilan ang aking mga luha na dumaloy at pinanindigan ko ang aking sarili. Tiningnan ko siya ng diretso sa mga mata. "Alam kong hindi ako kasing yaman ninyo, Don. Hindi ako mayaman, hindi ako kilala, at hindi ako may-ari ng malalaking negosyo tulad ninyo," sagot ko, pinipigilan ang sarili na hindi umiyak. "Pero hindi naman po yaman ang sukatan ng pagmamahal. Mahal ko po si Zairon at alam kong mahal din niya ako." Akala ko ay coincidence lang na nagkita kami sa lugar na ito, pero nang sinabi niya ito, bigla kong narealize lahat. Kilala na niya pala talaga ako. Ito ba ang magiging first day ko? Ang saklap naman pala. Tumawa siya pero hindi ito masaya. Hindi ito ang tawa ng isang taong masaya, kundi tawa ng isang taong nagpapahi
Namumula kong binaling ang paligid at nakatingin na pala ang mga babaeng nakasunod lang sa akin. Sinurprise niya nga ako at naging staff na siya ng sariling cafeteria ng hospital niya. “Ang gwapo ng staff.. girlfriend niya kaya ang babaeng ‘yan?” rinig kong sabi ng nasa likod ko. “Mukha nga pero masyadong inosente naman ang girlfriend niya.” Gusto ko nalang tumawa sa komento ng isa. Inosente pala talaga tingin nila sa akin? Pinatong ni Zairon lahat ng mga naka paper na mga pagkain sa harap ko. “Pinabalot ko na mga pagkain. Just share it with your friends.” “Ang dami yata..” komento ko nang makita ang ilang mga paper bags. “Don't worry baby, doon ako kakain. I'm not eating yet. Bagong dating lang kasi ako.” Sagot naman niya habang hinuhubad ang suot niyang apron at ginulo ng bahagya ang buhok niya para maging messy. “Bakit ka nasa Cafeteria? Bakit naging staff ang may ari ng hospital?” Biro ko sa kaniya. Tiningnan ko lang siya ng maigi at ang ginagawa niya sa loob. “My au
Napatutop ng bibig si Dalcy habang si Jazz naman ay napanganga nalang. “Oh, my Goodness. Jazz, sa labas muna tayo.” Hindi agad makaahon sa pagkagulat si Jazz dahil alam nilang dalawa na hindi ko pa sinabi kay Zairon na may mga anak kami. Hinila nalang siya ni Dalcy dahil parang napako itong nakatingin lang sa amin. Nagising lang siya at gumalaw nang hinila na siya ni Dalcy sa labas ng walang lingon-lingon. Mas lalong domoble ang kaba sa puso ko. Hindi na ako halos makaisip ng isasagot at napaawang na lamang ang bibig. Tumigas ang expresyon ni Zairon habang nakatingin lang sa akin. Hindi ko na alam kung ano ang iniisip niya ngayon. “What do you mean by that, Laurene?” Malamig niyang tanong. “May anak ka?” I swallowed hard. Nabibigatan ako sa mga tingin niya pero wala na rin naman akong idadahilan pa at hindi na dapat pang itago. “Oo, Zairon. I-I’m sorry.” Iyon lang ang tánging nasagot ko. Hindi ko alam pero natatakot ako sa magiging reaksiyon niya pagkatapos niyang malaman
Dahan-dahan niyang nilapat ang palad niya sa noo nito at saka hinaplos. Nakita ko ang pagngiti niya ng unti-unti, isang ngiti na malambot at may pagmamahal sa mga mata. “No doubt. He's my son. I can feel it.. I can feel that he really is.” emosyonal niyang sambit. Naging mapait at masaya ang sandaling pinanood ko si Zairon na makipag-ugnayan sa aming anak. Gusto kong maging masaya, ngunit hindi ko maiwasang maramdaman ang bigat ng mga nangyari. "You're my son. I never thought I would have this moment to hold you and see you with my own eyes." He said softly. Tumango ako habang humihikbi. Pinunasan niya ang mga luha gamit ang palad niya at hinalikan si Cole sa noo at at saka umayos ng tayo. “I will find my daughter,” Bumaling siya sa akin. Nawala ang ngiti niya kanina at napalitan ng blanko. “And you have no other choice but to give them to me after this.” Nabigla ako sa sinabi niya. “Z-zairon.. hindi mo pwedeng kunin sila sa akin.” “Hindi para sa akin pero allowed sayong i
Hindi nila agad ako maabutan dahil mabilis ang pagpasok ko sa loob. Kumatok pa si Zairon sa bintana pero hindi ko na ito pinansin at agad pinaandar ang Van. Habang nagmamaneho pabalik sa bahay, hindi ko mapigilan ang mga luha ko sa pagtulo. Nakauwi na ang anak ko. Nakauwi na si Calia. Ngunit bigla na lamang nag break ang Van ni minamaneho ko. Nabagok na naman ulit ang ulo ko at ramdam ko na ang sakit nito. Hindi ko na nga alintana na tumulo na ang dugo sa noo ko kanina pa. Nahihilo kong tinaas ang tingin ko at hindi sinasadyang tingnan ang salamin at napatalon ako sa gulat nang makitang may tao roon. Taong akala ko ay hindi ko na makikita dahil nawala siya bigla ng isang buwan. Paano siya nakapunta rito? Hindi ba at nasa Pampanga siya? “S-sino ka? Bakit lagi lang nagpapakita sa akin?” Nahintatakutan kong tanong. Hindi ito sumagot at nakayuko lang. Naka hoodie pa rin siya at may face mask siyang suot. Bigla siyang gumalaw, kaya agad akong kumilos. Nang akmang lalabas na ako, h