Share

Chapter 1

“Good morning, Ma,” pagbati ni Andrea sa kanyang ina na si Alicia bago h*****k sa pisngi.

“Oh! Kumakain ka na muna, may adobong sitaw dyan sa lamesa na bigay ni Aling Pasing,” saad ng kanyang ina bago inayos ang mga labahin niya. 

Umubo ito at agad naman nilapitan ni Andrea. “Ma, sabi ko naman kasi sa’yo wag na kayong tumanggap ng labada, ako na lang ang bahala,” sambit niya habang hinahaplos ang likod nito.

“Nak, hayaan mo na ako, gusto ko rin naman tumulong,” wika nito. Humarap ito sa kaniya. “Ikaw asikasuhin mo rin ang sarili mo pag minsan, ha? Baka mamaya tumanda kang dalaga,” pagbibiro nito kay Andrea.

“Ma, saka na 'yon, ang mahalaga, e, makaalis tayo sa tagpi-tagping bahay na ito,” nakangiting sambit ni Andrea sa kanyang ina.

“O, siya maglalaba na ako para makarami, kumain ka na ha,” huling sinabi nito bago umalis sa harap niya at inumpisahan ang paglalaba.

Nag-umpisa nang kumain si Andrea, bagaman medyo malamig ang kanin dahil tira nila ito kagabi ay pilit niyang inubos ito. Nang matapos kumain at makapag toothbrush ay humarap muna si Andrea sa salamin.

“Kumusta ka na kaya?” bulong niya bago marahan na hinaplos ang mukha niya. Hindi maikakaila na sa paglipas ng panahon ay mas na-developed ang katawan niya at nagkaroon iyon kurba.

Matapos ang ilang minutong pagtitig sa salamin, lumapit na si Andrea sa kanyang ina at nagpaalam.

Gustuhin man samahan ni Andrea ang kanyang ina, hindi pu-pwede, kailangan niya kasing magtrabaho para may pang bayad sa mga utang, gamot ng kanyang ina at ilan pang pangangailangan nila.

Ilang taon na rin nang ito ay magkasakit, simula kasi nang mangyari ang hiwalayan ng kanyang mga magulang ay tila dinamdam na ito ng kanyang ina. Ni hindi na rin nito nagawa pang humanap ng iba.

Dahil sa hirap ng buhay ay napilitan si Andrea na mag part time job at isabay sa pag aaral niya. Gusto niyang makapagtapos kaya naman ginagawa niya ang lahat. Sa umaga ay estudyante siya at sa gabi naman ay waitress sa isang bar. At kapag weekend naman ay nasa isang sikat na fast food chain siya.

Bunga nang pagpupursigi niya ay nagawa niyang makapagtapos ng kolehiyo sa kursong Fashion design ng may karangalan.

Pero kahit ganun ay hindi niya pa rin maiwasang malungkot. Kailangan niya pa rin kumayod para masustentuhan ang mga gamot ng kanyang ina.

"Saan po kayo, Maam?" bungad sa kanya ni Manong Driver.

Bahagya naman siyang ngumiti. "Sa Fashion Inc. po kuya." 

Kilala ang company na pinagtatrabahuhan niya sa Manila. Kaya naman laking pasasalamat niya nang magkaroon siya ng trabaho at mapabilang sa mga designer ng nasabing kompanya.

Pagkasabi niya n'on ay umandar na ang tricycle. Wala pang ilang minuto nang makarating na ito sa tapat ng pinagtatrabahuhan niya.

Nang nakapagbayad siya ay bumungad sa kanya ang mataas na building. Mag iisang taon na rin mula nang mapapasok si Andrea dito at masasabi niyang masaya siya sa ginagawa niya kahit pa sa tingin ng iba ay hindi siya karapat-dapat sa larangang iyon.

Sapat din lamang ang sinasahod niya rito para sa pambili ng gamot ng kanyang ina at iba pang mga pangangailangan. 

Habang naglalakad si Andrea papasok ng building ay napansin niya ang pagtingin ng mga kasamahan niya sa trabaho. May mga ilan na nagbubulungan na tila pinagtatawanan ang kasuotan niya. Ramdam niya kung gaano kainit ang mga matang mapanghusga na nakatuon sa kanya at hindi na iyon bago pa kay Andrea dahil noon pa man, nararamdaman na niya iyon sa halos lahat ng katrabaho niya.

Salungat sa trabaho niya kung ano ang suot niya na simpleng puting t-shirt at kupas na maong na pantalon. Kaya grabe na lang kung pagtawanan siya ng mga co-workers niya. Kagaya ng palagi niyang ginagawa, hindi lang niya iyon pinansin at pinagsawalang-bahala na lang.

Uupo na sana si Andrea sa table niya nang may lumapit sa harapan niya. "Ms. Bautista, come to the manager's office," seryosong saad sa kaniya ng sekretarya ng boss nila. Kapansin-pansin kung paano manlisik ang mga mata nito at kung paanong taas noo nitong tiningnan si Andrea.

"Yes po," matipid na sagot ni Andrea at hindi na pinansin ang mga umuugong na bulungan sa paligid. Hindi na bago sa kanya ang mga ganitong pangyayari. Minsan nga naiisip niya kung pumasok lang ba ang mga ito para makipag tsismisan at pag-usapan ang buhay ng iba.

Nakayukong sumunod naman siya sa sekretarya. Kahit na hindi niya pansinin ay naririnig pa rin niya ang mga bulong na sinadyang magparinig sa kanya.

“Tatanga-tanga kasi,” natatawa na wika ng isa sa mga kasamahan niya sa trabaho.

“Bagay nga sa kanya ‘yan, napakayabang akala mo kung sino,” sagot naman ng kausap nito.

Ilan lamang iyan sa mga naririnig ni Andrea habang naglalakad siya. Kaya naman mas pinili na lang niya na tingnan ang dinadaanan niya at hindi lingunin ang mga chismosa niyang katrabaho.

Hindi alam ni Andrea kung ano ang kailangan ng boss niya sa kanya. Pero wala siyang magagawa kung 'di ang sumunod. Nang makarating sila sa isang silid ay kumatok ang sekretarya bago binuksan ang pinto.

"Sir, nandito na po si, Ms. Bautista," anunsiyo nito sa lalaking nakaupo sa swivel chair na seryoso ang mukha.

Pagpasok pa lang ni Andrea sa loob ay nagulat siya sa sumalubong sa kaniya. "You're fired!" sigaw sa kanya ng Boss nila. Nandoon din sa gilid nito ang manager niya na nanlilisik ang mga mata.

Inismiran nito muna si Andrea bago ibinato ang ilang piraso ng papel na naglalaman ng mga designs niya. Naguguluhan siya sa nangyayari at tiningnan ang ilang design na siya mismo ang gumawa.

"B-bakit po? May nagawa po ba akong kasalanan?" sambit niya habang pinupulot ang mga papel na nagkalat habang sinasalakay siya ng kaba.

Nang mapulot ni Andrea ang mga iyon, tumayo siya at pinagpagan ang kanyang pantalon. Napansin niya kung paano umusok ang ilong ng mga taong nasa harapan niya dahil sa galit.

Inayos niya ang kanyang damit bago nilingon ang nasa harapan niya. Tumikhim ang manager ni Andrea para kunin ang atensyon niya. "Nangopya ka ng designs?" sambit nito na may halong pagtitimpi.

"P-paanong nangopya po? Sariling gawa ko po ang mga iyan, sinisigurado ko po iyon," nangangatal na pangangatwiran ni Andrea.

"Sarili? Pinagloloko mo ba kami? Pinapalabas mo ba na sinungaling kami?" Napatayo at napahampas naman sa lamesa ang boss niya.

"P-pero sir—" Hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya ay pinigilan na siya ng kanyang boss.

"Huwag ka nang magpaliwanag, You've disappoint me Andrea," Umiling-iling na saad nito bago lumabas ng nasabing silid.

Tila nabuhusan ng isang timbang malamig na tubig si Andrea dahil sa narinig sa mga ito. Alam na niya ngayon ang ibig sabihin ng mga ito na hindi niya kayang tanggapin.

Bago pa man makalabas ang boss ni Andrea ay hinabol niya ito at pilit hinawakan ang braso.

"Boss, sorry po, promise gagawin ko po ang lahat huwag niyo lamang po akong tanggalin sa trabaho," naiiyak na pagmamakaawa ni Andrea.

Hindi alintana sa kanya ang mga matang nakamasid at mga ilan na kinukuhanan siya ng video.

“Boss, kailangan ko lang po talaga ang trabaho na ito.” Hindi na napigilan ni Andrea ang pagtulo ng mga luha niya dahil sa nangyayari. Hindi siya pwedeng mawala ng trabaho lalo na't kailangan niya ng pera para sa kanyang ina.

Tinaasan lamang siya ng kilay ng kanyang boss bago tumikhim. Lumingon ito sa mga empleyado niya. “Tandaan niyo ito, huwag na wag kayong tumulad dito na nangongopya ng designs!” anunsiyo nito habang tinuturo siya.

Tila nanliit si Andrea sa narinig at mga matang nakatutok sa kanya. Hindi niya ito pinansin dahil mas importante sa kanya na hindi mawala ang trabaho niya.

‘Boss, please give me a chance,” pagmamakaawa ni Andrea. Kahit nagmukha na siyang katawa-tawa ay wala na siyang pakialam. Pero sa kabila nang pagmamakaawa niya ay tiningnan lamang siya nito na parang isang basura.

"Guard," pagtawag nito sa mga guwardiya.

"B-boss, please—" 

Wala na siyang nagawa nang damputin na siya ng mga guwardiya at pilit inilabas ng building. Pinagtitinginan na rin siya ng ilang mga tao sa loob. Bagsak ang balikat naman siyang umupo sa isang bench malapit  sa kompanya nila nang mailabas siya sa silid na iyon.

“Paano na ako?” wika niya sa sarili? Hindi niya na rin mapigilan ang mapaiyak. Iniisip niya pa lang ang mga bayarin at ang kalagayan ng kaniya ina ay parang nanlulumo na siya.

“S-sariling gawa ko 'yon, eh,” humagulgol na wika ni Andrea. 

Pinagtitinginan na rin siya ng mga tao sa paligid pero ang tanging nasa isip ni Andrea ay kung paano niya mapapagkasya ang natitirang limang daan sa wallet niya. Halos lahat kasi ng mga sinasahod niya ay diretso sa mga bills at maintenance ng ina niya.

Hindi niya sukat akalain na aabot sa ganito. Gusto niya lang matupad ang mga pangarap niya at matulungan ang kanyang ina. Kinuha niya ang kanyang selpon at tinawagan ang kaibigan niya na nagtatrabaho rin sa bar. 

“Hello, Jeff,” Bungad niya sa kausap.

“Oh! Andrea napatawag ka?” sagot naman ng nasa kabilang linya.

“Patambay ako d'yan,” sambit niya. Hindi na niya hinintay pa na makasagot si Jeff at tinapos na agad ang tawag.

Maaga pa lang pero ayaw niya munang umuwi. Wala siyang mukhang maihaharap sa ina niya. Pagtayo niya ay siya namang paghablot ng hindi kilalang lalaki sa pera na hawak niya.

"Tangin—" sambit ni Andrea nang ma-snatch pa ang natitira niyang pera. Lalo siyang nanlumo at nawalan ng pag-asa. Paano na siya ngayon? Ano'ng gagawin niya ngayong walang-wala na naman siya?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status