Share

Two Playful Hearts(R-18)
Two Playful Hearts(R-18)
Penulis: Cherish Averdheen

Chapter 01

last update Terakhir Diperbarui: 2022-12-26 11:32:09

"SAAN ka na naman pupunta?" pagalit na tanong ni Mama sa akin.

"Magkikita kami ni Cedrick ngayon," walang kaabog-abog kong sagot habang naglalagay ng pulang lipstick sa maninipis kong labi. Nag-blink-blink pa ako ng mga mata sa harap ng salamin upang matiyak na tuyo na ang mascara na pinahid ko sa aking mga pilik. Saka ko ginamitan ulit ng curler para umangat.

"Mukha ka na namang p****k diyan sa ayos mo," sabi pa ni Mama saka ipinatong sa upuang kahoy ang bitbit na hamper na may lamang mga tikluping damit.

Umasim ang aking mukha. "Sus! Kayo talaga hindi na nasanay." Sunod ko namang nilagyan ng light pink na blush on ang aking mga pisngi.

"Nakakahiya sa mga estudyante mong makita ka nang ganiyan ang ayos mo. Teacher ka pa naman."

Nagkibit-balikat lang ako. "Pakialam ba nila? 'Pag wala ako sa school, ibang tao na ho ako." Dinampot ko ang sling bag na nakasabit sa likod ng pinto saka isinukbit iyon sa balikat ko. "Alis na nga ho ako." Saka ako lumabas ng pinto ng aming bahay.

Wala namang masama sa ayos ko. Crap-top at maong na skirt. Hindi naman iyon sobrang iksi pero hindi rin naman sobrang haba. Desente pa namang tingnan para sa akin.

At mahilig talaga akong mag-ayos ng sarili. Lalo na ang mag-make up. Pakiramdam ko ang pangit-pangit ko kapag walang kolorete sa aking mukha.

And yes, I'm a teacher. Sa isang private school ako nagtuturo. Kaya imposibleng makita ako ng mga estudyante ko dahil tiyak na sa mga exclusive subdivisions nakatira ang mga 'yon. Samantalang kami, dito sa tabi-tabi ang bahay. Pero hindi naman matatawag na squatter's area.

I have my own life too. At ngayong araw ng Sabado, magkikita kami ni Cedrick, ang first boyfriend ko. We're four years and counting.

Mahal na mahal ko ang taong iyon dahil siya lang ang tinuturing kong kaisa-isang kakampi sa mundong ito. Napakabuti niya sa akin at palaging nakasuporta sa anumang planuhin ko sa buhay. Nagkakilala kami noon sa isang online app, nagka-chat at napagpasyahang magkita nang personal. Sa una ay wala naman akong balak siyang seryosohin pero noong tanungin niya ako kung puwedeng manligaw noon ay pumayag ako. Ilang buwan niya rin akong sinuyo-suyo bago niya nakamtan ang matamis kong oo. At sa tagal ng inabot ng aming relasyon ay masasabi kong siya na nga ang lalaking gusto kong makasama habang buhay.

"Pst! Heto na naman si Ma'am Sandy o. Ang ganda at sexy mo talaga, Ma'am!" sabi ng isang tambay roon na suking-suki na ng alak at sigarilyo sa katapat na tindahan.

Hindi ko siya pinansin at nagdere-deretso lang ako. Sanay na ako na nakakarinig ng ganoon sa mga tambay tulad nito. Hanggang salita lang naman sila. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil ganoon naman ako talaga. Maganda na, sexy pa! Charr.

Sa paglalakad ko pa ay nakasalubong ko naman ang isang fifties na lalaki na halatang bangag na naman sa alak at pinagbabawal na gamot.

"O, saan ang punta mo? Pahiramin mo nga muna ako kahit limang daan lang. May babayaran lang akong utang."

Natigilan ako.

"Hay, nako! Ayan na naman kayo. Wala na ngang trabaho puro bisyo pa. Wala akong perang maipapahiram sa inyo, doon kayo sa asawa n'yo manghingi," nakasimangot na sabi ko saka ko minadali ang aking paglalakad. Iyon ang stepfather ko. Napangasawa ni Mama ten years ago. Lasenggero, tamad. Nag-aadik pa. Ewan ko ba kung bakit iyon pinatulan ni Mama kahit alam naman niya ang track record nito. Nagkaanak pa sila ng dalawa. Kaya imbes na si Sandro lang na bunso kong kapatid ang bubuhayin ko ay nadagdagan pa.

"Ate Sandy!"

Natigilan na naman ako nang may dalawang batang tumawag sa pangalan ko.

"Ano?" mataray kong tanong kina Paulo at Denmar, ang mga stepbrother ko. Palapit na sila sa akin.

"Pahingi kami pambili ice cream."

Bigla ay nadagdagan ang pagkakunsumi ko.

"Wala kong pera. Doon kayo sa magulang n'yo humingi!" asik ko.

Hindi ko na hinintay pa ang mga sasabihin ng mga ito. Sumakay na ako sa jeep na tumigil. Bibiyahe na ako papunta sa pinagtatrabahuhan ni Cedrick.

Matapos ang almost 30 minutes na biyahe ay bumaba na ako ng jeep. Naglakad-lakad pa ako kaunti paakyat sa may overpass. Tapos ay sumakay ulit sa mga nakaparadang jeep. Dalawang sakay bago makarating sa pinagtatrabahuhan ni boyfie.

Nang malapit na ako ay panay ang retouch ko ng makeup. Ewan ko kung bakit lipstick pa rin ako ng lipstick eh hindi rin naman makikita dahil naka-mask. Siguro kasi nasanay na ako. Gustong-gusto kong naha-highlights ang isa sa mga best assets ko. Itong lips ko na manipis sa taas at medyo makapal sa baba.

Sa isang factory nagtatrabaho si Cedrick. Production Engineer siya roon. Medyo malaki ang sahod niya kumpara sa akin kaya naman, kapag date namin ay siya talaga ang halos gumagastos.

Kaya kung aayain na niya ako magpakasal anytime ay talagang hindi ko siya hihindian. Kayang-kaya niya akong buhayin.

Sakto alas-singko na ng hapon nang makarating ako. Labasan na ng mga empleyado 'pag ganoong oras. Habang naghihintay sa isang tabi ay panay ang imagine ko sa maaaring mangyari mamaya. Ang balak ko kasi ay ayain siya ngayong gabi. Tutal Linggo bukas at wala kami parehong pasok ay hindi ako uuwi ng bahay. Buong magdamag kaming magsasama ni Cedrick.

"Drick!" sigaw ko nang makita ko na siyang paparating. Kuntodo kaway at ngiti pa ako. Parang ang tagal naming hindi nagpangita.

"S-Sandy?! W-Why are you here?" Hindi ko alam kung natutuwa ba siya o hindi nang makita niya ako. Medyo nanlaki pa ang mga mata niya nang mapatingin sa akin hindi dahil nase-sexy-han o nagagandahan siya sa akin kung hindi dahil sa gulat ng sa bigla kong pagsulpot doon. Na tila ayaw at hindi niya inaasahang mangyari.

"Surprise!" Pero kahit ganoon ang una kong nabasa sa reaksyon niya ay masaya pa rin ang pagkakabanggit ko sa katagang iyon.

"Who is she?" tanong ng isang babaeng galing mula sa likuran ni Cedrick. Nakabestida ito at halata na ang malaking tiyan. Sa tantiya ko ay nasa anim o pitong buwan na ang dinadala nito.

"A-Aahh... who? I wasn't talking to anyone," kaila ni Cedrick na agad umiwas ng tingin sa akin. "Tara na, baka maubusan tayo ng makakainan." Inalalayan pa niya sa paglalakad ang babae. Lumampas lang ang mga ito sa akin na parang hindi ako nag-e-exist sa kinatatayuan kong iyon.

T-Totoo ba ito?

Ilang sandali akong nakatulala lang doon at hindi makapaniwala sa nangyayari. Kung hindi pa ako nabangga ng isang dumaraan ay hindi ako babalik sa huwisyo.

"Cedrick! Hoy!" malakas kong sigaw habang naglalakad sa gawi ng mga ito. Pinagtitinginan ako ng lahat pero wala akong pakialam.

Bakas ang taranta sa mga mata ni Cedrick. Taas kilay naman akong pinasadahan ng tingin ng kasama nitong babae mula ulo hanggang paa.

"Sino ka ba, Miss? Bakit kilala mo ang asawa ko?" mataray na tanong ng babae sa akin. Kumapit pa ito sa bisig ni Cedrick.

"Asawa?" sarcastic kong tanong. "Hoy babae! FYI, jowa ko for four years iyang inaangkin mong asawa mo." Pinandilatan ko pa siya.

"N-Naku, Miss! Sorry, pero hindi ko alam iyang mga sinasabi mo," biglang singit ni Cedrick habang nakatingin sa akin na parang hindi niya talaga ako kilala. Pinigil ko ang emosyon ko. Ano'ng gustong ipalabas ng walang hiyang ito? Ginagago ba niya ako?

"At saka puwede ba, Miss, huwag ka nang mag-eskandalo rito? Hindi ko alam kung paano at saan mo nakilala si Cedrick, pero isang taon na kaming kasal at limang taon kaming naging magnobyo. Alam kong maraming naging babae ang asawa ko noon, but nobody has ever claimed na naging boyfriend niya ito for a few years --- until you. You're so unbelievable."

Magsasalita pa sana ako nang may tumigil na jeep sa harap namin. Pasimple muna akong sinulyapan ni Cedrick bago sila sumakay ng asawa niya. Naiwan akong tulala roon at pinagtitinginan ng mga tao. Ninamnam ko pa rin sa utak ko ang mga sinabi ng babae.

Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo. Mukha rin siyang matino at may pinag-aralan.

Limang taon? Limang taong naging sila ni Cedrick? Paano mangyayari 'yon eh apat na taon kami ng lalaking 'yon? Ano 'yon? Niligawan niya ako na may girlfriend pa siya? E 'di ibig sabihin, ako ang third party? Paano niya iyon nagawa? Bakit hindi ko nahalata? All this time, Cedrick became a 'full-time boyfriend' to me. Kapag may okasyon at anniversary o kahit monthsary namin, present siya palagi. Nadala ko na rin siya sa bahay. Kilala na siya ng buong pamilya ko. So saang part niya ako roon naloko?

"Wow!" napapantastikuhang bulalas ko habang sinusundan ng tingin ang jeep na sinakyan ng dalawa. Para akong baliw. Nakangiti pero pumapatak ang mga luha. Literal na speechless ako sa nangyari.

Ni hindi ko man lang narinig ang side niya, ang paliwanag niya. Ganoon ba ako kababa para bastusin niya? Gano'n-gano'n lang 'yon? Sa isang iglap wala na? Kung hindi ko pa pala naisipang puntahan siya ngayon, hindi ko ito malalaman. Ang walanghiya, balak talaga akong lokohin hangga't gusto niya. Buti na lang, hindi ko pa naipagkaloob ang sarili ko sa kaniya.

Bago pa ako tuluyang pagpiyestahan ng mga chismosa roon ay naglakad na ako palayo. Parang ayaw ko pang umuwi. May bitbit akong limandaan sa pitaka ko at hindi ko alam kung saan iyon makakarating. Pero gusto kong makalimot kahit sandali.

"Gago ka!" sabi ko habang nagde-delete ng mga picture namin sa cellphone ko. Noong una ay nanghihinayang ako dahil mahal na mahal ko talaga siya. Naiisip ko na baka may pag-asa pang magkausap at magkabalikan kami pero kapag nakikita ko sa aking gunita ang babae at ang malaki nitong tiyan ay pinanghihinaan ako ng loob.

Isa pa, napansin ko, pareho nga silang may suot na wedding ring. At sa hilatsa ng mukha ng babae, alam kong hindi ito papayag na basta ko na lang aagawin si Cedrick sa kaniya. Tapos ang gago naman, halatang wala nang pakialam sa akin.

Bakit naman gan'on? Kahapon lang okay pa kami. Kahapon lang, sinabihan niya pa ako sa chat ng 'I love you'.

Hindi ko napansin na kanina pa pala tumutulo ang mga luha ko. Pagpahid ko ng panyo, sumama na ang kulay itim na tinta ng eyeliner at mascara na suot ko. Tumabi ako saglit sa gilid ng kalsada at inayos ang sarili ko. Buti na lang, hindi ko tinanggal ang mask na suot ko at hindi masyadong na-exposed ang mukha ko kanina. Hindi masyadong nakakahiya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
galing naman ng Cedric magtago kong me asawa o Wala grabe
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Two Playful Hearts(R-18)   SPECIAL CHAPTER 03

    FOUR years later."BILISAN mo na! Andaming reklamo!" Konting-konti na lang talaga, masusugod ko na ang lalaking ito. Napakakupad kumilos. Halatang sinasadya. Alam nang may hinahabol ako."Nalaglag nga ang wallet ko. Pinulot ko pa.""Alam mong ito iyong pinakahihintay ko tapos andami mong pasaring. Bilis na!" Nagtatakbo ako at hinabol naman ako ni Francisco. Akay-akay ko ang aming kambal. Nagpabili pa kasi ng ice cream sa daddy nila, sabi ko mamaya na, pero dinalihan ako ng iyak. Ito namang isa, antagal-tagal bumili. Sinabing sumingit na lang, pumila-pila pa. "Bullshit!" Ayun na nga. Muntik nang madapa, nakapalampa. "Mommy, Daddy dropped the ice cream!" umiiyak na sabi ni Karlize. "The other one is mine!" pang-aasar naman ng isa sa kakambal. Bumitaw si Kristoff sa akin at nilapitan ang ama. Kinuha sa kamay nito ang isang ice cream na hindi nadisgrasya ni France."Mommy!" Tuloy ang iyak ni Karlize.Pero ako, sa ibang bagay nakatingin. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makitang nagkukum

  • Two Playful Hearts(R-18)   SPECIAL CHAPTER 2

    1 YEAR later..."NAKAKAINIS ka talaga! Dito na naman tayo!" nakasimangot na himutok ko paglabas namin ng airport. Actually, kagabi pa ako nagrereklamo. Pero hindi ako pinapakinggan ng aking asawa. Panay sabi na sumama na lang daw ako kasama ang aming kambal. Tig-isa kaming may buhat kina Karlize at Kristoff. At nagsama kami ng isang assistant para may magdala naman ng maleta. "Dapat nga dati pa kita dinala ulit dito," kalmadong tugon ng tukmol.Lalo akong napasimangot sa sinabi niya. "Andaming bansa, Francisco. Bakit dito ulit?"India."I promise next time, sa ibang bansa na talaga tayo. But right now, may mahalaga tayong taong kikitain dito. Trust me."Sumakay na kami ng taxi. Habang nasa biyahe ay abala siya sa cellphone niya. Hindi na lang ako kumibo at inasikaso na lang ang mga bata. Mayamaya, tumigil na kami sa tapat ng isang mataas na building. "Remember that time, baby, noong isinama kita rito?" ani France pagkakababa namin ng taxi. Napatingala naman ako. Paano ko malilimuta

  • Two Playful Hearts(R-18)   SPECIAL CHAPTER 1

    "CONGRATULATIONS! It's a baby girl!" masayang anunsiyo ng sonologist."Yes!" Ngiting tagumpay na napasuntok pa ako sa ere. Hinampas ko pa ang balikat ni France na nasa tabi ko lang. "Pa'no ba 'yan? Panalo ako sa pustahan."Nang-uuyam siyang tumingin sa akin. "Saglit lang, I still have another card." Nakangising bumaling ito sa sonologist. "What about the other one?"Nanlaki ang mga mata ko. Ano'ng other one?Nangingiti naman habang nakatingin sa monitor ang sonologist habang pinaiikot-ikot sa tiyan ko ang object na gamit para makita ang loob ng sinapupunan ko."The other one is a boy. Congratulations for having a fratenal twins!"Sa isang iglap ay nawala ang ngiti sa aking mga labi. Shocked! A-Ano'ng fraternal twins? "A-Ano hong kambal? Ano'ng girl at boy? Iisang baby lang ang laman ng tiyan ko!" histerikal ko pang sabi sa sonologist."I'm sorry, baby." Agad ginagap ni France ang isa kong kamay. "But it's true. Kambal ang anak natin. I'm sorry, I convinced the doctor na huwag munang i

  • Two Playful Hearts(R-18)   FINAL CHAPTER

    FOUR months after...Hinintay ko talaga 'to. Sabi ko kay Francisco itaong ika-fifth month ng tiyan ko ang kasal namin. Aba sabi niya kasi 'pag at least five months na ang tiyan ko puwede na ulit. Hindi 'yon nawala sa isip ko. Halos bilangin ko nga ang mga araw na dumaraan. Nitong mga nakaraan, sinusubukan ko pa ring makiusap sa kaniya, pero ayaw niya talaga. Sabi ko kahit once a month, ayaw pa rin. Nag-research na nga ako lahat-lahat. Kahit ipinakita ko na sa kaniya na okay lang basta hindi maselan ang pagbubuntis ay ayaw talaga. Pero minsan napapaisip ako. How about him? Alam kong hindi niya kaya 'yong tiisin ng ganoon katagal. Not unless, may pinagdedepositohan siya.Pero minsan, nakikita ko siya sa madaling araw. 'Yong 'pag akala niyang tulog na ako. Babangon siya at pupunta sa CR at inaabot siya ng halos isang oras doon bago lumabas. Minsan nga nakakatulugan ko na lang ang paghihintay. Pero isang beses tinangka ko siyang pasukin kaya lang ni-lock niya ang pinto. Nang tanungin ko s

  • Two Playful Hearts(R-18)   Chapter 90

    "GOOD morning!" Ang matamis na halik sa labi ni France ang gumising sa akin. Agad akong napamulat nang maamoy ang mabango niyang katawan. Bagong ligo."B-Baby..." namamaos na anas ko nang muli niya akong gawaran ng marubdob na halik sa labi. Tinugon ko siya nang puno ng pananabik. Mahigpit pa akong kumapit sa batok niya para mas maging malalim ang aming halik. Lalo akong nanabik nang maramdaman ang dahan-dahang paglapat niya ng katawan sa akin."I'm sorry about last night. 'Yong totoo, hindi ko rin kayang magtiis. I want you too," bulong niya pa sa tainga ko na mas nagpabaliw sa akin. "Ang sabi ko naman kasi sa 'yo puwede pa eh. Nagpapaniwala ka sa doktor na 'yon," segunda ko pa. "That's why I'm sorry. Gusto kong palagi kang maligaya."Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Ako na ang nangunang maghubad sa sarili ko. Dahil wala siyang ibang suot nang mga sandaling iyon maliban sa nakatapis na tuwalya sa ibabang bahagi ay naging mabilis ang lahat. Ramdam na ramdam ko kung gaano katigas

  • Two Playful Hearts(R-18)   Chapter 89

    "OY, ano'ng ginagawa mo diyan?" nakapameywang na tanong ni Francisco.Napaangat ako ng tingin. "W-Wala, may sinisilip lang ako."Na-miss ko kasi ang office niya. Ilang taon din akong hindi nakatungtong doon. Curious lang din naman kasi ako kung sino na ang tumatao. So hindi na pala talaga siya. I wonder, ano na kayang pagkakaabalahan niya sa buhay? Tatambay-tambay na lang din ba?"Tara na! May makakita pa sa 'yo diyan!"Umakyat na nga ako ng hagdan. Inabot niya ang kamay ko nang malapit na ako sa dulo. Hinila niya pa ako pataas. May mga kinuha lang siyang ibang gamit sa penthouse kaya nandito kami ngayon. I miss this place too. Naalala ko noon patakbo-takbo pa ako rito no'ng may dumating siyang hindi inaasahang 'buwisita'. I wonder where they are now too. Kapag may nanggulo ulit talaga, mananapak na ako."Kanina pa ako hanap nang hanap sa 'yo akala ko kung saan ka na nagpunta," sabi pa niya."So saan na tayo pupulutin nito? Saan tayo titira?" tanong ko."Ikaw, kung saan mo gusto-""T

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status