Share

Chapter 1. 1

Nilingon ko kung saan nagmumula ang boses pero tanging hampas ng galit na alon ang natatanaw ko.

"Mahal?!" Balik kong sigaw.

Ngunit walang sumasagot, humawak ako ng mahigpit sa railing kung saan nasa isa akong barko at malakas na bumubuhos ang ulan.

Agad na dumami at nagkagulo ang mga ito na lubha kong ikinabahala.

Isang serena ang naulinigan ko sa paligid, "Lulubog na ang barko!" sigaw ng mga humahangos na tao.

But I stood still in the middle of the ship, nadepina ang lahat sa akin, my body wasn't moved kahit pa nabubunggo na ako ng mga natatarantang mga tao.

"Mahal!" Tiningala ko ang lalaking humagip ng isa kong braso. "The ship is sinking, kailangan na nating umalis dito.” His voice has full of determination lalo pa nang hilahin ako nito para makipag buno kami sa maraming tao.

Hindi ko halos makita ang dinaraanan ko dahil sa kapal ng tao, idagdag pa na dis-oras na ng gabi at sobrang dilim.

"Don't panic! Darating na po ang mga rescuer any moment now!" Pigil ng isang unipormadong lalaki kung saan nakabantay ito sa safety best na isa-isang pinamamahagi ng ilan nitong kasamahan.

"Anong sinasabi mong wag mag panic?! Mamamatay tayong lahat dito pag hindi mo kami binigyan niyang hawak mo!" sigaw nang lalaki dito.

Mariin akong pumikit dahil sa malakas na pag-agos ng ulan sa mata ko, ramdam ko ang mahigpit na hawak sa akin ni Hezekiah kaya ko ito tiningala.

"Its okay mahal, dito ka lang wag kang aalis." Bumaba ang labi nito saakin na malugod kong tinangap.

Matapos niyon at tinanaw ko nalamang ito na siyang nakikipag-usap na rin sa nag bibigay ng safety best.

Pinagsalikop ko ang mga palad ko nang magkagulo na ng tuluyan ang mga tao nang gumalaw ng malakas ang barko. Kaya hindi na rin nito na kontrol ang mga tao na siyang pinagbabasag ang mga salamin para makuha ang safety best.

"Mahal," bulong ko dahil tila natabunan na ito ng makapal na taong nag uunahan. Wala na akong nagawa kundi ang umusal ng dasal at pumikit ng mariin.

Dahil sa sunod-sunod na pag galaw ng barko ay na out balance ako at tumuwad, hindi ko na magawa pang tumayo dahil sa stampede na nagaganap, ramdam ko ang pagtapak ng mga tao sa daliri ng paa ko at kamay ko kaya ako napasigaw.

Gusto ko nang pawalan ng ulirat dahil sa tumamang tuhod sa iba't ibang parte ng katawan ko.. Pero pilit pa rin akong nag-paka-lakas at sumigaw.

"Mahal!" I shouted out loud like it was my last breath, tulo ang luha ko dahil sa matinding takot.

Sa puntong iyon may humila sa kamay ko patayo at niyakap ako ng mahigpit.

"Its alright, nandito na ako Mahal," sambit nito habang yakap ako ng mahigpit, hindi ko alam kung anong iyak pa ang kinaya kong gawin sa mga oras na ito.

"Natatakot ako, Mahal, baka–baka may mangyari sa ating masama." bulong ko kaya pinagdaop nito ang mga palad sa aking dalawang pisngi at tumitig sa mga mata ko.

"Trust me, I won't let that to happen, okay?" 

Sunod-sunod akong tumango dito na hindi maiwasang panginigan ng mga labi dahil sa lakas ng bagsak ng ulan at sa lamig na hatid nito.

"Here, suotin mo ito.” Walang pasabi nitong niyakap sa akin ang life best na mahigpit niyang itinali sa aking katawan

"P-paano ka?" malakas kong sigaw para nito marinig, napansin ko kasing wala itong suot na life best gaya ko.

"I'm okay baby," he whispered at bahagyang tinapik ang basa kong buhok bago lumingap sa paligid.

Nataranta ako dahil sa pag aalalang bumalot sa akin, "No! saiyo nalang ito!" Sigaw ko at pilit hinuhubad ang suot pero mahigpit niya akong pinigilan.

"No! Isuot mo yan at ‘wag na ‘wag mong huhubarin! Don't worry about me I can swim." Nakuha pa rin nitong ngumiti sa akin sa kabila ng lahat.

"Pero..” Pagmamatigas ko.

"Lets go, let's find some boat.." Mahigpit muli ako nitong hinawakan sa kamay para makipagbuno sa dami ng tao.

Narating namin ang dulo ng barko kung saan nagsisitalunan na ang iba na may suot na life belt. Ang ilan ay sadyang nahuhulog dahil sa pagtutulakan ng mga tao. 

Nilingon ko ang grupo ng mga taong nag-aagawan sa life boat, habang ang ilan naman ay nagsusuntukan pa para lang maka-una.

I sighed heavily, Isang mabigat na buntong hininga rin ang pinakawalan ni Hezekiah sa tabi ko habang pinapanood namin ang nangyayari.

" Mahal," I whispered after a long moment. Holding his arm tightly.

"We need to find a boat mahirap sumuong sa alon lalo pa malakas ang bagyo!" Sigaw nito sa tabi ko na nasa ibaba ang tanaw.

Sinulyapan ko ang aming likuran medyo nakapaling na ang barko at ano mang sandali ay pwede na itong tumaob.

"Zekiah, we need you to find a life belt for you first, para pwede na tayong tumalon,” ukil kong sinabi.

Ngunit hindi ito sumagot. 

"Zekiah?!" Tawag kong sigaw dito.

"Ubos na, wala nang life belt, Mahal, but its okay. We can make it right?” Determinado pa rin niyang sambit.

Pero hindi ako kampante sa kaniyang sinabi maging sa isasagot ko.

"Promise me one thing! Kahit na anong mangyari ‘wag na ‘wag kang bibitiw,” he said in a baritone voice. 

Sunod-sunod akong tumango habang basa ng luha ang mga mata.

"I love you.." marahan nitong sambit.

"I love you too." Mabilis kong sagot, matapos noon ay hinapit ako nito para halikan at yakapin ng mahigpit.

Doon na umuga ng malakas ang barko kaya kami muntikang matuwad, kung hindi pa ito nakahawak sa railings ay baka sabay na kaming nahulog sa tubig.

"Come on! We need to jump!" sigaw nito nang makita na sa ibaba ang mga tao, maging ang life boat ay mukhang hindi na mapapa sa min kahit pa ang makisakay doon dahil nagtutulakan na ang mga ito maging sa ibaba.

"No, I can't," sabi ko na nahihintatakutan sa maaring kahantungan.

"Yes you can baby or else we are going to die!" malakas nitong sinabi sa akin.

"No, please lets find some life best for you!" Lumingon muli ako sa paligid, pero gaya namin halos lahat ng natira doon ay pulos walang suot na life best.

Nanginginig akong sumilip sa ibaba, malakas ang alon, ang iba ay pilit na lumalangoy habang ang ilan ay nalulunod. Hindi ko kayang tingnan ang ilang nakalutang na bangkay dahil sa wala itong suot na life best.

Hindi, hindi ko kayang makita si Hezekiah na lumulutang at wala ng buhay, no! Sunud-sunod akong umiling.

"Come on, we have no time Emory!" Malakas na nitong tawag sa pangalan ko.

Ngunit hindi pa ako nakasasagot ay may humila na saaking isang lalaki. "Akin na yang suot mo kung wala kang balak tumalon!" Malakas nitong hila sa suot ko.

Napasigaw ako dahil sa pagkabigla. Ngunit malakas itong sinuntok ni Hezekiah at kinuwelyohan.

"Don't you dare touched my wife!" sigaw nito na muli ay inundayan ng suntok kaya bumagsak ito sa sahig.

Bumaling naman ito sa akin at mahigpit akong hinawakan sa kamay. 

"Talon!" sigaw nito kaya nanlaki ang mata ko sa takot. Napansin ko rin ang muling pagtayo ng lalaki na handa ng lumapit sa amin.

"I said jump, now!" Sumulyap ako dito at walang pasabing umakyat sa railing, ganoon rin ang ginawa nito at mahigpit akong hinawakan sa kamay.

"Stop thinking, I'm just here for you!" Ngumiti ito sa akin kaya nakampante ang puso ko at pumikit ng mariin.

"Haah!" Marahas akong bumangon na basa ng pawis ang mga noo, unti-unti ring bumagsak ang mga luha sa mga mata ko na agad kong sinapo ng dalawang palad. 

Panaginip, hanggang panaginip nalang ang lahat.

"Hezekiah," sambit ko sa mahinang tinig.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status