Share

Chapter 2

Wedding ring

Gustong mag-ulap ng mga mata ko habang nakatingin sa malakas na paghampas ng alon sa dahat. The cold ocean breeze feels right and yet it brings pain in my heart.

Hindi ko alam kung ilang oras naba akong nakatanaw lang sa malawak na dagat. Simula ng dumating ako dito sa San Marcelino ay araw-araw na akong bumalik dito sa dalampasigan. Nagpapalipas ng maghapon na tila walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid.

Sinulyapan ko ang relos kong pambisig at bahagyang umiling. Isang araw nanaman ang lumipas. I don't know how I survived my day without him, without his touch, his kiss and his warm hug. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako kakaisip kung paano ko malalampasan ang mga darating pang araw na wala siya.

Pinasya kong bumalik nalang sa inuupahang apartment. Mula sa dalampasigan ay minabuting kong maglakad para kahit sandali ay maabala ang utak ko sa nakikita. This is not my usual routine but I find it good and relaxing. 

Pero bigla akong napatigil sa paglalakad dahil sa parating na sasakyan. Isang busina nalang ang tanging narinig ko bago magdilim ang aking paningin.

***

Ramdam ko ang mabigat na talukap ng aking mata, pero hindi ko magawang pumukit dahil sa babaeng nagsasalita sa tabi ko.

"Please, wake up ‘wag kang matutulog!"

Pinilit kong igalaw ang braso ko pero hindi ko magawa, dagdag pa ang masakit kong balakang.

"Oh my God! Gab, where are you?!" Malakas nitong sabi kaya ako napadilat. 

Hawak nito ang cell phone at panay ang lakad sa harapan ko kaya pinilit kong tumayo kaya ito lumingon sa akin.

"No! Huwag kang gagalaw baka mas lalong lumala ang injury mo!" Pigil nito sa akin.

"Ayos lang ako miss," sabi ko sa mahinang boses.

"You're definitely not, just wait a little more minute please?" Pagsusumamo nitong sabi kaya bumalik ako sa pagkakahiga.

Pinakiramdaman ko ang sarili at palagay ko ay ang balakang ko lamang ang masakit at ang siko ko na may sugat. Ilang sandali pa ay ang langit-ngit ng gulong ng kotse ang naulinigan ko kaya muli akong napadilat.

He walk towards to my direction, looking straight into my eyes. Bahagyang kumibot ang mga labi ko, matapos ay mariin iyong kinagat. My heart skip so fast, and I was tense. Ngayon ko lang ulit naramdaman na tumibok ang puso ko ng ganito kalakas sa matagal na panahon. My tears started to seep down on my face and my emotions shattered like hell.

Hindi ko rin mapigilang pasadahan ito ng tingin. Halos walang nagbago dito. He's still looking good, his muscle tone define how strong and healthy he is right now. Perfect jaw and a set of dark stonily eyes. I must say na mas lalong nadepina ang mga masel nito sa braso dahil sa suot nitong puting T-shirt. And the rest is perfect beyond his imperfection.

Gustong bumuka ng mga labi ko para ito tawagin ngunit mabilis na naputol ang titig na iyon nang sumulyap ito sa babaeng nakaluhod sa harapan ko.

"Are you alright?" Bakas ang matinding pag-aalala sa boses nito sa katabi lalo pa nang gagapin nito ang balikat ng babae na nasa akin ang atensyon.

Napalunok ako hindi dahil sa sakit ng sugat na natamo ko kundi sa kirot na gumuhit sa puso ko.

"We need to take her to the hospital," sambit ng babae.

Doon ito muling bumaling sa akin ng tingin at mataman akong tinitigan

"Dadalhin ka namin sa ospital, sabihin mo kung ano ang masakit, okay?" His voice has full of authority, very far from the man I known before, very far from the man I loved the most.

Hindi ko nagawa pang sumagot dahil agad ako nitong kinarga na walang pasabi. Sa bigla ko ay nai-yapos ko ang mga braso sa kaniyang leeg. He take a deep sigh as a sign of discomfort kaya bumaba ang tingin ko sa kaniyang dibdib pero mukhang mas mali ang ginawa ko dahil napatitig ako ngayon sa malapad niyang dibdib.

Sa puntong iyon ay pumikit ako ng mariin at mahigpit na ginagap ang kaniyang balikat palapit sana sa akin ngunit bigla akong natauhan ng marinig kong nagsalita ito.

"Mahal.”

Gustong mangilid ng mga luha ko sa kaniyang tinuran at tumingala dito na may lamlam ang mga mata, ngunit agad akong napalingon sa babaeng palapit.

"Yes, Mahal,” anang babae na siyang nagbukas ng pinto ng kotse.

"Okay, I'll drive her to the hospital," sambit nito sa babae matapos akong maupo sa front seat.

"Sige susunod ako." Mabilis nitong dinampian ng halik ang lalaki na hindi nakaligtas sa akin.

Bumaling naman ito agad ng sa akin matapos ay bumaba ang tingin sa seat belt na mabilis niyang naikabit bago umikot sa driver seat at walang pasabi itong pinaharurot.

Napapikit ako sa bilis nitong magpatakbo, gusto tuloy tumaba ng puso ko dahil alam kong nag-aalala ito sa kalagayan ko.

Bumaling ako ng tingin dito kaya mabilis itong lumingon sa akin.

"May masakit ba saiyo?" he asked.

"Ayos na ako, hindi n'yo na ako kailangang dalhin sa ospital." Mahina kong sinabi.

"No, we have to make sure na wala kang injury o kahit na anong fracture,” he impatiently said.

"But, I-I'm okay." I utterly answered back.

Again I heard a deep sigh coming from him, kaya sa bintana nalang ako tumingin. Madilim na ang paligid pero mapapansin pa rin ang dagat dahil sa mga cottages at ilang resort na nasa paanan ng burol na tinatahak namin.

Gusto kong pumikit dahil gaya ng malayang hanging dumarampi sa buhok ko ay ang natural na amoy niyang nanunuot sa ilong ko. Bumaling ako dito ng tingin na abala sa pagmamaneho.

I still remember every thing about him, dahil hindi siya nawala sa puso ko. I treasured the moment when he said that he never leave me behind, that he loves me more than anything in this world. He promise me that he hold my hands and he never let go whatever happens, but its all dead gone, because the man beside me right now is not the man who made the promised of forever.

Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at magkulong sa mga bisig niya gaya dati, gaya noon na ang mahal pa niya ay ako..

Marami akong gustong tanongin sa kaniya kung paano siya nakaligtas at kung bakit siya nagpakasal sa iba? Kung sinubukan ba niya akong hanapin? Mas lalo kong gustong malaman kung bakit hindi niya ako nakikilala.

Napansin siguro nito ang mga tingin ko kaya ito muling bumaling sa akin.

"I'm Gabriel Magnus, and the woman behind us is my wife, Alessandra Magnus.” Bahagya pa itong sumulyap sa rear view mirror kung saan lulan ng sasakyan ang sinasabi niyang asawa daw niya.

I can't help but to shook my head repeatedly, hindi ako sang ayon sa kaniyang sinabi. His wife?? That’s bullshit!

"Why?" he chuckled.

Mabilis ang ginawa kong pagsulyap dito na nakakunot ang noo.

"Ah, nothing. I'm Emory Meredith Grant." May bikig sa lalamunan kong sinabi bago mag-iwas ng tingin.

"Hmm, nice name..”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status