LOGINAURORA ANGELINA
“Feeling mo naman,” wala sa sarili na sambit ko.
Nanlaki ang mga mata ko ng marealize ko ang sinabi ko.
“What did you say?” tanong niya sa akin.
“May sinabi po ba ako? Parang wala naman,” sabi ko sa kanya.
“Narinig kita,” sabi niya sa akin.
“Narinig mo naman pala kaya bakit ka pa nagtatanong,” sabi ko pa kaya bigla na lang huminto ang sasakyan.
Ako naman itong kinakabahan sa kanya. Dapat talaga ay hindi na ako sumabay sa kanya. Sana ay nagpahatid na lang ako sa driver namin.
“Wala ba akong karapatan na maging feeling? Guwapo naman ako at single naman ako,” sabi pa niya sa akin.
“Guwapo ka po ba?”
“Hindi ba?” tanong niya sa akin at mas lumapit pa siya sa akin kaya naman ako itong kinakabahan sa kanya. Gwapo siya kaya mas lalo akong kinakabahan. Natatakot rin akong tumingin sa mga mata niya.
“H–Hindi po. Sakto lang,” sagot ko sa kanya.
“Okay, sabi mo,” sabi niya at pinatakbo na naman niya ang sasakyan.
Ako naman ay mapakapit ng mahigpit sa seatbelt ko dahil ang bilis niyang magpatakbo ng sasakyan niya. Hindi ko tuloy alam kung galit ba siya o hindi. Hindi ba niya kayang tanggapin na hindi siya guwapo sa paningin ko kahit pa kasinungalingan ito. Bakit ko naman kasi sasabihin sa kanya na guwapo siya? Hindi pa nga ako naka-move on sa ginawa niyang paghalik sa akin kagabi na mukhang nakalimutan niya. Tapos gugustuhin ko na naman na maulit.
“Uncle ninong, salamat po sa paghatid. Ingat ka po,” sabi ko sa kanya dahil nakarating na agad kami sa school ko.
“Bumalik ka sa clinic next week,” sabi niya sa akin.
“Okay po,” sabi ko na lang at lumabas na ako sa sasakyan niya.
Paglabas ko ay sinalubong ako ng iba kong classmates.
“Hindi ka nagmotor ngayon?” tanong nila sa akin.
“Hindi, bukas na lang,” sagot ko sa kanila.
“Sino ang naghatid sa ‘yo? Ang ganda ng sasakyan eh. Boyfriend mo ba?” tanong nila sa akin.
“Hindi,” sagot ko naman dahil hindi naman talaga.
Nang lumingon ako ay hindi pa rin pala siya umaalis. Hinayaan ko na lang at pumasok na ako sa loob ng school namin. Pero nagulat ako dahil itong isa kong kaibigan ay inakbayan ako. At pinakamatalik kong kaibigan sa lahat. Siya rin ang nagturo sa akin na magmotor. Kaya minsan ay nagra-rides kaming dalawa.
“Wala ang motor mo?” tanong niya rin sa akin.
“Wala, tinatamad ako ngayon. Hindi ako nakatulog ng maayos,” sabi ko sa kanya at halos lahat na yata sila ay nagtataka na wala akong gamit na motorsiklo ngayon.
“Sana sinabi mo para isinabay kita,” nakangisi na sabi niya dahil malapit lang naman sa amin ang bahay nila.
“Hindi mo ba kasabay ang jowa mo?”
“Hindi, break na kami,” sagot sa akin ni Marky.
“Ang bilis mo talagang magpalit ng babae parang damit lang,” sabi ko sa kanya.
“Ang boring kasi tapos demanding pa,” sabi niya kaya inirapan ko siya.
“Alam mo, lahat naman talaga ng babae ay gusto ng sweet na boyfriend at caring. Ikaw kasi pinaglalaruan mo lang sila—”
“So, siya na ba? Siya na ba ang bago mo ngayon? Siya na ba ang ipinalit mo sa akin?” tanong nga babae na sa tingin ko ay ex nitong nakaakbay sa akin.
“Nagkakamali ka, Miss. Hindi ko type ang isang ito. Kaibigan ko na siya since grade school pa kaya naman tumigil ka sa kaka-accuse sa akin dahil kasama pa nga niya ako noong nagpatuli siya,” sabi ko sa babae kaya naman tinakpan ng isang ito ang bibig ko.
“Hindi mo na ‘yan kailangan pang sabihin,” pabulong na sabi ni Marky sa akin.
Tumawa naman ako at ang babae na nasa harapan namin ay halatang nagulat. Hinayaan ko na lang at inalis ko ang braso ni Marky sa balikat ko.
“Mag-usap na lang kayong dalawa. May class pa ako,” sabi ko sa kanila at iniwan ko na sila.
Lagi na lang akong napagkakamalan ng mga babae niya. Kaibigan ko lang talaga ang isang ‘yon. Ewan ko ba pero never ko naman siyang naging crush. O baka hindi ko lang talaga siya type. Wala akong interes sa kanya dahil sapat na sa akin na maging magkaibigan kami. Mabait siya pero babaero nga lang.
Pumasok na ako sa class ko at parang wala namang pumapasok sa utak ko. Pero okay lang dahil ang mahalaga ay present ako. After class ay bumili lang ako ng pagkain ko. After ay pumunta ako sa library para matulog. Oo, dito ako matutulog dahil bawal ang maingay dito kaya walang manggugulo sa akin. Naramdaman ko ang vibration ng alarm ko kaya naman gumising na ako dahil may isang class pa ako. Gabi na ang uwi ko dahil sabog ang schedule ng class ko. Ewan ko ba naman at hindi na lang tuloy-tuloy para sana maka-uwi ako.
Kahit pa inaantok pa ay nagmamadali akong pumunta sa next class ko. Ito na ang last class ko hanggang gabi na ito. Seven pa ang uwi ko at magtaxi na lang ako pauwi. Nagpapasalamat naman ako dahil ang bilis ng oras ngayon. Natapos na sa wakas ang class ko. Ngayon ay nag-aabang na ako para umuwi. Magbobook na sana ako pero may sasakyan naman na tumigil sa harap ko at ito ang kotse ni uncle ninong. Ibinaba na niya ang bintana niya.
“Sabay ka akin!” nagulat ako dahil narinig ko ang boses ni Marky. Nakita ko na may is pa siyang hawak na helmet. Oo nga pala, alam niya na wala akong dalang motorsiklo ngayon.
“Get in,” seryoso ang boses na utos naman sa akin ni uncle ninong kaya hindi ko na alam kung kanino ba ako sasabay.
“Tara na, sumabay ka na sa akin. Hinintay talaga kita,” nakangiti na sabi sa akin ni Marky kaya tumingin naman ako kay uncle ninong na ngayon ay naghihintay rin sa akin at seryoso na ang ekspresyon ng mukha niya.
“Kanino ba ako dapat na sumabay? Sa kaibigan ko ba o sa uncle ninong ko?” tanong ko na lang sa sarili ko.
AURORA ANGELINA“Feeling mo naman,” wala sa sarili na sambit ko.Nanlaki ang mga mata ko ng marealize ko ang sinabi ko. “What did you say?” tanong niya sa akin.“May sinabi po ba ako? Parang wala naman,” sabi ko sa kanya.“Narinig kita,” sabi niya sa akin.“Narinig mo naman pala kaya bakit ka pa nagtatanong,” sabi ko pa kaya bigla na lang huminto ang sasakyan.Ako naman itong kinakabahan sa kanya. Dapat talaga ay hindi na ako sumabay sa kanya. Sana ay nagpahatid na lang ako sa driver namin. “Wala ba akong karapatan na maging feeling? Guwapo naman ako at single naman ako,” sabi pa niya sa akin.“Guwapo ka po ba?” “Hindi ba?” tanong niya sa akin at mas lumapit pa siya sa akin kaya naman ako itong kinakabahan sa kanya. Gwapo siya kaya mas lalo akong kinakabahan. Natatakot rin akong tumingin sa mga mata niya.“H–Hindi po. Sakto lang,” sagot ko sa kanya.“Okay, sabi mo,” sabi niya at pinatakbo na naman niya ang sasakyan.Ako naman ay mapakapit ng mahigpit sa seatbelt ko dahil ang bilis
AURORA ANGELINA“M–May kailangan pa po ba kayo?” tanong ko sa kanya.“Mayroon,” sagot naman niya sa akin.“Ano po ang kailangan mo–”Hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko dahil bigla ko na lang naramdaman ang labi niya na nakadikit na ngayon sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil bigla na lang niya akong hinalikan sa labi. “Oh my gosh! Ang first kiss ko!” Mabilis ko naman na itinulak si uncle ninong dahil hindi ako makapaniwala na ninakaw niya ang first kiss ko. Gusto ko siyang sampalin pero mas pinili ko na lang na umalis. Tumakbo ako paakyat sa room ko at hindi ko na pinansin ang daddy ko. Kailangan ko kasi na ipagluksa ang first kiss ko na bigla na lang nawala.Para pa naman sana ‘yon sa magiging boyfriend ko pero bigla na lang nawala. Bakit ba kasi ako hinalikan nang matanda na ‘yon? Nakakainis siya! Hindi na talaga ako babalik sa clinic niya. Dapat lang, bakit pa ako babalik doon kung ganito naman ang ginawa niya sa akin.Kung kanina ay hindi na ako makatulog. Mas la
AURORA ANGELINA“Bakit? Bakit siya nandito?” tanong ko sa sarili.“Good evening po,” bati ko sa kanya.“Good evening, angel,” nakangiti na bati niya sa akin.“Umupo ka na, anak,” sabi ni daddy kaya umupo naman ako sa tabi ng mommy ko at nasa tapat ko si uncle ninong.Ang dalawa ko naman kuya ay nasa tabi niya. Kumpleto kami lagi sa dinner dahil iyon ang gusto ni mommy. Ayaw niya na hindi kami buo. Kahit naman ako ay ‘yon rin ang nais ko dahil lahat kami dito sa bahay ay laging busy. At sa gabi na lang talaga kami nagkakasama-sama.“Parang kailan lang. Dalaga na si Angel, ang bilis niyang lumaki. Nakakagulat talaga,” sabi ni uncle ninong habang nagsisimula na kaming kumain. Angel talaga ang tawag niya sa akin kahit noon pa. Rora ang tawag ng lahat sa akin pero siya lang ang bukod tangi na angel ang tawag sa akin.May times na Aurora at kung ano na lang ang maisip niya na itawag sa akin. Pero most of the time ay angel talaga lalo na kapag nasa harap ng pamilya ko.“Kaya nga. Parang kail
AURORA ANGELINA“U–Uncle Ninong?” nauutal na sambit ko.“Aurora?” halatang nagulat rin siya na makita ako.“Okay na po pala ako,” sabi ko sa kanya at akmang aalis ako ng bigla na lang niya akong hinawakan sa kamay.“Bakit ka pa aalis kung nandito ka na? Ang sabi mo sa secretary ko ay kailangan mo na ngayon.”“Sa iba na lang po ako magpapatingin, uncle ninong.”“Are you shy? Nahihiya ka ba sa akin? Why? I’m professional in this job,” sabi pa niya sa akin.“Okay lang po ba talaga? Kasi po—”“Trust me, alam ko ang ginagawa ko,” sabi pa niya sa akin pero napalunok ako dahil ako ang hindi alam kung kaya ko ba na magpahawak sa kanya.“Sasayangin mo ba ang pagpila mo dito? Bakit hindi mo na lang ako tinawagan para sana nauna ka na kanina?” tanong pa niya sa akin.“Hindi ko po alam na ikaw ang OB dito,” nakayuko na sagot ko sa kanya.“Magsimula na tayo. ‘Wag ka ng mahiya sa akin, this is my job at hindi lang naman ikaw ang nahawakan ko. Marami na,” sabi niya sa akin.“O–Okay po,” kinakabahan
AURORA ANGELINASobrang nagmamadali ako habang pababa ako sa hagdan namin. Pero bigla na lang akong napatigil at napahawak sa tiyan ko dahil sumakit ito. Huminga na lang ako ng malalim at bumaba na ako dahil ayaw kong ma-late.“Rora, are you okay?” tanong sa akin ni mommy na makakasalubong ko dahil paakyat na siya.“I’m fine, mom. Pasok na po ako sa school,” paalam ko sa mommy ko dahil kailangan ko ng umalis.Sinabi ko lang sa kanya na okay ako kahit ang totoo ay sumasakit talaga ang puson ko. Masakit ang puson ko kahit pa wala naman akong period. Irregular period ko kaya nahihirapan rin talaga akong malaman kung ano ba itong nararamdaman ko.My mom and dad are always busy kaya ayaw ko na mag-alala pa sila sa akin. Siguro ay mawawala naman ito mamaya kaya aalis na ako ngayon. May big bike ako at ito ang ginagamit ko kapag papasok na ako sa school. Kaya ko naman ang sarili ko kaya hindi na ako nagpapahatid pa sa driver namin. Si mommy na lang ang hinahatid ng driver sa flower shop niya







