WADE'S POV: 1 week later… Naka-recover na ako at nakalabas na ng Ospital. Gusto sanang sabihin ni Rosenda kay Lola Sasing ang aking kalagayan ngunit pinigilan ko siya, masyado ng matanda ang lola ko para mag-alala pa kung kaya't hindi na lang namin pinaalam ang nangyari sa akin. Tinawagan naman ako ng manager ng Hotel ko na si Luis na kailangan na daw ng renovation ng Hotel kung kaya't nagpunta ako doon. Napatingin ako sa tumutulong ceiling, maging sa sirang mga pipes na parang may dagang kumagat doon. "Please Luis, paki-contact si Architect para malaman kung anong gagawin dito, and also the pest control, para mawala mga daga dito tignan niyo oh, hindi tayo basta basta pwedeng mag renovate. Ang dami na palang damages, bakit hindi niyo sinasabi sa akin? tangina niyo!" saad ko na naiinis dahil ngayon lang nag report 'tong mga tao ko kung kailan apektado na ang buong daily operations nila."And please close this area, make the rooms here unavailable for the moment, kaya nagagalit ang
WADE'S POV: KINAUMAGAHAN ay nakita ko si Rosenda na focus na focus sa pinapanuod niya at tila dalang dala sa mga eksena at may hawak pang tissue dahil naiiyak na siya. "Sana ako na lang, sana ako na lang ulit," saad nito na sinabayan ang linya ng bida sa pinapanuod habang humahagulgol ng iyak. Hindi niya naman namalayan na kinuha ko ang remote at nagulat siya ng biglang namatay yung TV. "Uncle naman eh! bakit mo pinatay?! panira ka talaga ng moment, nanunuod ako eh! Bwisit ka!" inis na inis na saad niya sa akin. "Eh baliw ka mas lalo mo lang tini-trigger yung sarili mo, sinaktan ka na nga ng gagong iyon, break up scene pa yang pinapanuod mo, kabisado mo na nga yung linyahan nung bida," saad ko sa kanya. "Wala kang pakialam! Alam mo bang ang sakit sakit ng ginawa sa akin ni Edward?!" galit na saad niya. Tinawanan ko siya. "Eh hindi ka nakikinig sa akin sinabi ko na nga sayo na babaero din iyon tinuloy mo pa rin, oh ayan, mag-iiyak ka dyan," saad ko."Kainis ka, kung wala kang ma
WADE'S POV:FUSION PARADISE BARMas lalo pang tumindi ang pagnanasa ko kay Rosenda to the point na naghahanap na ako ng ibang babae sa Bar para lang may mai-kama at hindi ko na siya maisip dahil siguradong pag nalaman ito ni Kuya na pinagnanasaan ko ang anak niya ay patay ako.And there's this solo singer in Rosenda's Bar having a good time while singing, enjoying the moment of crowd. She was wearing paired with a classic black fitted evening gown with a side slit paired with a black stilettos and her hair is amazingly wavy that makes her look so damn attractive in my eyes."Edward, I said leave me alone?! Ban ka dito diba?! Bakit pinuntahan mo pa rin ako?!" narinig kong saad ni Rosenda na nagagalit nasa likod ko pala silang dalawa at nag-aaway kung kaya't humarap ako sa kanila."Rose if you just listen to me you will understand, you know my heart, you know me. Please don't throw this away," saad ni Edward."Wala ka bang ibang linya? gasgas na yan Bro," saad ko kay Edward."Shut your
ROSENDA'S POV: It's been a week since Uncle Wade called me "Cupcake" for no reason. It feel so weird dahil may nickname na ako sa kanya ngayon? I wonder, ganoon din kaya ang ginagawa niya sa mga babae niya? Binibigyan niya ng special nickname para matandaan niya dahil sa sobrang dami? Ate Halle broke up with him. Ang akala niya daw ay siya na ngunit mukhang wala daw balak si Uncle na pakasalan siya kung kaya't pinakawalan niya na ito. Nasa akin pa rin ang singsing at pinagmamasdan lamang iyon habang nakikinig sa lecture ni Uncle Wade. Muntik ko na naman makalimutan na nasa klase pala ako dahil naiisip ko na naman siya. There's something's wrong about his aura today. Pinagpapawisan siya habang nagle-lecture at panay din ang ubo. Uminom siya ng tubig at pinahid ang pawis niya gamit ang panyo niya. Hindi kaya masama ang pakiramdam ni Uncle? Naudlot ako sa pag-iisip ng biglang tumunog ang school bell. "Okay, class dismissed, bukas na lang ituloy, masama ang pakiramdam ko," saad ni
WADE'S POV: Since that night happened ay palagi ng ilag sa akin si Rosenda. Hindi na sumasabay sa amin ni Kuya mag-almusal, pag nasa bahay naman ay madalas lang sa kwarto niya but she's doing great in school. May improvements sa mga grades niya at mukhang nag-aaral siya ng mabuti. School. Bahay. Bar. Yan lang ang buhay niya, habang ako naman ay patuloy lang sa pagtuturo kahit na sinabihan na ako ni Kuya na mag resign dahil tuturuan niya na daw ako tungkol sa daily operations ng kumpanya. Pa-uwi na ako ng tawagan ako ni Kuya. "Where are you? Hindi ba't sabi ko ay kailangan kita dito ngayon sa kumpanya?" saad niya na tila dismayado sa kabilang linya."Kuya, nagturo pa ako eh, hindi ba pwedeng bukas? Pasensya na talaga," saad ko. "Wade, hindi naman matatapos ang bukas, pumunta ka na dito, ngayon na" saad niya at bago pa man ako magsalita ay binaba niya na ang tawag. Wala akong nagawa kundi pumunta doon ngunit pagdating ko sa Dela Vega Corp. ay naroon din si Rosenda. "Cupcake, nandi
WADE'S POV: Nasa malawak na bukirin ako ngayon ng hacienda habang sakay ng isang kabayo. Minsan lang ako mag horseback riding dahil sa sobrang busy ko sa pagtuturo ngunit tuwing nagkaka-oras ako ay sinisigurado kong masusulit ko iyon. Mayroong isang lawa sa likod ng Hacienda kung kaya't pumunta ako roon. Pinagmasdan ko muna ang singsing na isinauli sa akin ni Rosenda at akmang itatapon ko na iyon ngunit hindi ko maitapon. Tangina, isang milyon pero nasasaktan ako pag nakikita ko yung sing-sing. Nagpe-play sa utak ko ang paulit-ulit na pagsauli niya sa akin nito. Itinago ko nalang iyon sa bulsa ko at dinial ang number ng isa sa mga abogadong kilala ko. "Hello, Attorney Bermejo, I need your help," Atty. Crisan Bermejo is one of my women. Nagsimula iyon ng hawakan niya ang kaso ng pagkamatay ng nanay ko. Nakilala ko siya kama-kailan lang ng muli kong pinabuksan ang kaso dahil hindi ako naniniwalang ang ama ko ang nagpa-patay sa nanay ko. My father is a man of virtue. Hindi iyon mag
ROSENDA'S POV: Studying is great and my business as a bar owner is doing well. Simula ng sinauli ko nag singsing kay Uncle Wade ay hindi ko na siya kinausap. Ayaw niya na rin akong pansinin pagkatapos non, pag nagkikita kami sa bahay ay sinisimangutan lang ako. Marahil ay galit siya sa akin dahil gusto na ni Daddy na siya nag humawak ng kumpanya at hindi ako. Dad is right. I'm not ready yet, pag pinilit ko ay matataranta lang ako sa sobrang pressure. Paano nga naman uunlad ang kumpanya kung nag nagpapatakbo nito ay walang alam, hindi ba? Uncle Wade knows the operation very well dahil nai-trained na siya ni Daddy noon hindi nga lang natuloy dahil matigas ang ulo niya at sinunod niya ang sarili niya na mag Professor sa University pero ngayon na ipinipilit na naman ni Daddy sa kanya ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Baka magalit lang lalo sa akin si Uncle dahil siya ang aako ng posisyon na dapat ay sa akin. "Rosenda," narinig kong pagtawag sa akin ni Uncle Wade habang nagtitim
WADE'S POV: "Nurse Marvie, may I have the result please?" tanong ni Doc Sarmiento na isang urologists. Kaagad na pumasok ang magandang nurse. Postura ito at maganda ang hubog ng katawan, it's a 10/10 for me, ang mahaba nitong buhok ay nakalugay ng maayos. "Wade?" Bagay sa kanya ang nurse uniform at sa lako ng dibdib niya ay parang matatanggal na ang butones ng suot niyang blouse."Wade? Still there?" nagulat ako ng biglang pukpukin ng marahan ni Doc ang tuhod ko. "Ah y-yes Doc , sorry. Just daydreaming again," saad ko kay Doc habang nakatingin sa nurse. Napangisi naman sa akin ang nurse at napa-kagat labi. Inabot na ng nurse na si Marvie ang result ko kay Doc Sarmiento. "Vital signs are good, normal and your reproductive system is healthy and clean after having some physical examination so, I think you're good to go Wade, but I'll suggest you to use some condoms when having a sexual contact with anyone, okay? Alam mo naman tayong mga lalaki, hindi natin maiiwasan iyan pero pwed
ROSALINE'S POV: ONE YEAR LATER…“Joaquin! nasaan ba tayo? sabihin mo naman! nakakatakot parang dagat na ‘to, lumulundo eh, nasa bangka ba tayo?!” tanong ko kay Joaquin habang kapit na kapit sa kanya, naka blindfold kasi ako. Pinilit niya pang isuot sa akin yan dahil ayoko talaga baka kasi mamaya ay kung ano na naman ang gawin niya sa akin. “Yes, nasa dagat tayo.” “Joaquin, tanggalin na natin ‘tong blindfold, ayaw ko na, natatakot ako!” “Relax. Wag kang matakot, nandito lang ako. Almost there.” saad niya habang inaalalayan ako. “Hawak ka sa may handle,” utos niya na ginawa ko naman. Nang tanggalin niya ay blindfold ko ay halos malaglag ang panga ko sa sobrang ganda ng view. “Oh my god! We're on a big yacht Joaquin! This is a big yacht and the sea!” saad ko sa kanya na hindi makapaniwala sa ganda ng view habang siya naman ay nakangiti lang sa akin. “You should have seen your face, you’re full of joy right now.” “Thank you, Mahal! I really need a vacation grabe, ngayon nalang u
JOAQUIN'S POV: Nang magising ako ay si daddy agad ang una kong nakita. “P-pa.” saad ko ngunit tuyot ang lalamunan ko. “Joaquin, gising ka na.” napalingon naman ako sa kaliwa at nakita ko si Rosaline. Alalang-alala ang mukha niya at may hawak siyang isang baso ng tubig. Dahan-dahan akong umupo sa hospital bed. Itinapat naman ni Rosaline sa bibig ko yung baso upang makainom ako. “Kamusta na pakiramdam mo? okay ka na ba? sabi ng doktor, stress at over fatigue daw.” “Okay na ako, sa tingin ko. Dad, ikaw ba? okay ka na?” “Sorry, I lied. I’m not really sick, gusto ko lang na puntahan mo ako, Anak.” saad ni lolo. “Uhm, doon lang po muna ako sa labas. Nandoon po kasi si mommy at daddy.” pagpapaalam naman sa amin ni Rosaline kung kaya't hinayaan ko siya. Ngayon ay kami nalang dalawa ni daddy ang nasa kwarto. Walang hiya, na-confine pala ako dahil sa pesteng lagnat. “Noong kabataan ko Anak, ganyan din naman ako sa mommy mo. Die hard na die hard halos ayaw kong pakawalan dahil ako ang
ROSALINE'S POV: Pagdating namin sa Ospital ay kaagad kaming nagtungo sa private room ni lolo. “Nandoon sila lahat pati sila ate Noreen at Neri. This is bad.” saad sa akin ni Joaquin habang papasok kami ng kwarto. “Joaquin, anak.” nanghihina na sambit ni lolo. Lumapit naman kaagad si Joaquin at hinawakan ang kamay ni lolo. “Pa, ano bang nangyari sayo?” tanong niya ngunit napakunot ang noo ni lolo. “Teka, mainit ka.” “Oo Dad, nilalagnat ako eh pero mas importante ka.” “Mabuti pa magpatingin ka para magamot ‘yang lagnat mo.” “Hindi na, Dad, okay lang ako.” saad ni Joaquin na nagmamatigas pa rin. Lumabas nalang ako at bumili ng paracetamol at mineral water. Pagbalik ko ay nasa labas na sila lahat at nag-uusap-usap kung kaya't sumilip ako sa loob ng kwarto ni lolo at nakita ko si Joaquin na nakahiga na sa sofa na nasa gilid ng kama.Kaagad akong lumapit kay Joaquin. “Mahal oh, bumili akong gamot, inumin mo na ‘to.” “Kanina pa masakit ulo ko, akala ko kung saan ka nagpunta, hind
ROSALINE'S POV: “Hello?! bakit ngayon niyo pa sasabihin sa akin kung kailan nakauwi na ako ng bahay?! hindi ba pwedeng ipagpabukas yan?! talagang bibigyan niyo pa ako ng stress sa gabi?! mga putang ina niyo!” singhal ni Joaquin habang may kausap sa cellphone galit na galit na siya kung kaya't hinawakan ko ang braso niya ngunit hinawi niya lang ako. “Hindi ba nag quality check ‘yang mga yan bago ipadeliver dyan sa fabrication?! hindi niyo chineck ng maigi?! tapos sasabihin niyo sa akin ngayon hindi tama yung sukat mali-mali yung mechanisms na pinadala at mali ako ng bili?!” Pilit kong pinapakalma si Joaquin ngunit ayaw niyang kumalma. Sinisigawan niya talaga yung kausap niya. “Gusto kong makita yan ng personal bukas ah!” iyon lang at pinatay niya na ang tawag. “Mahal… tama na yan, hayaan mo na.” “Hayaan eh ginagago na ako ng mga ‘to eh!” singhal niya at nag dial na naman ng isa pang number. “Hello?! Hello?! ano yung nirereklamo ng foreman ko?! mali daw yung pinadala niyong mecha
ROSALINE'S POV: Simula ng mangyari ang pagbisita na iyon sa amin ni lolo at daddy ay mas inigihan ni Joaquin ang pagtatrabaho niya. May mga kumukuha sa kanyang clients kaya sinasamantala niya basta maganda ang bayad ngunit kapalit ng pagiging abala niya ay ang kawalan namin ng oras sa isa’t-isa. Palagi akong naiiwan sa Penthouse. Naglalaba, naglilinis at nagluluto nang sa gayon ay pag-uwi ni Joaquin ay may pagkain na. Hindi ko akalain na ganito pala kahirap maging housewife and what more having kids pero hindi ako pwedeng sumuko. I know what we want. I know what I want for my babies at ito na iyon. Ang binubuo naming pamilya ni Joaquin. Isang gabi ay malakas ang ulan at nag-aalala na ako kay Joaquin dahil wala pa rin siya. 10:00 pm na ng gabi kung kaya't tinawagan ko na siya pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Nasa kama lang ako at nakaupo lang ngunit hindi na ako mapalagay kung kaya't pilit kong tinatawagan ang cellphone niya ngunit nagri-ring lang ito. Damn it, Joaquin. As
Maya-maya ay dumating naman si Joaquin na halos mataranta at muntik pang madapa papasok ng Penthouse. “Uncle, Daddy! hayaan niyo na nga sabi kami bakit ba kayo nandito?!” singhal niya sa dalawa na inis na inis. “Matigas ka pa rin?! Hindi ko alam kung saan nanggagaling ‘yang ugali mo na yan Junior!” saad naman ni lolo. “Eh kasi naman, bakit niyo ba kami pinapakialaman?! Dad, we’re old enough, we can handle ourselves.” “Yeah, sure, you can handle yourself but what about Rosaline? she's young, she can't do this alone Joaquin, don't be so selfish!” “I'm not selfish, I’m doing this for her, bakit Dad?! akala mo hindi ko kakayanin ng wala ang pera mo?!” “Look Joaquin, this is not about the money. First, you ruined her life and now you're taking her away from me. My only daughter.” saad naman ni daddy. “Ano bang gusto niyong mangyari?! parang hindi tayo nagkakaintindihan dito eh, ikaw Dad, tinakwil mo ako dahil galit ka sa bawal na relasyon namin, tapos ngayon hindi mo naman mapanindi
ROSALINE'S POV: Abala ako habang naglilinis ng bahay nang may biglang kumatok. Si Joaquin siguro iyon, baka may naiwan siya. Nagmadali akong lumapit sa pinto at binuksan iyon ngunit nagulat ako nang tumambad sa harapan ko si daddy at si lolo Joaquin. “Da-daddy? lolo?” saad ko na uutal-utal at halos hindi makapaniwala.Sumilip-silip si lolo Joaquin sa Penthouse. Kaagad ko namang kinuha ang kamay niya at nagmano. “It's a nice place you two have here, Hija.” saad ni lolo. Nakangiti siya at good mood lang habang si daddy naman ay mukhang dismayado pa rin at masama ang loob sa ginawa namin ni Joaquin. “Would you want to invite us inside? Rosaline?” tanong ni daddy. “Sure.” saad ko na niluwagan ang bukas ng pinto para makapasok sila.Luminga-linga na naman si lolo Joaquin sa paligid at maging si daddy. “Not bad for a prodigal son of yours, kuya.” saad ni Daddy habang parehas nilang tinitignan ang Penthouse. “How did you find us here?” tanong ko sa kanilang dalawa. “Connections, Da
ROSALINE'S POV: Kakatapos lang ng check-up ko sa clinic ngunit nagulat ako nang makita ko na nasa labas si Joaquin at hinihintay ako. Bakit? ano kayang nangyari? bakit siya nandito? hindi ba’t may trabaho siya? Nang makalabas ako ay tumayo siya ng maayos at sinalubong ako. Kanina kasi ay nakasandal siya sa kotse niya at nakasimangot. “Mahal, bakit nandito ka? akala ko ba may project kang inaasikaso?” tanong ko kaagad sa kanya. “Get in.” malamig ang mga utos na it n at mababakas sa mga mata niya ang kanina pa’y pagkagalit. Sumunod nalang ako at pumasok na sa kotse. Tahimik siya buong byahe namin ngunit nang makapasok na kami sa elevator ay hindi ko na nakayanan pa kung kaya't tinanong ko na siya. “What happened? Is there something wrong?” “Nothing.” iyon lang ang sinabi niya. “Fine, if there's nothing to worry about then get yourself together!” nainis na ako kung kaya't iyon ang nasabi ko. Hindi ako punching bag na pagbubuntungan niya ng sama ng loob niya kapag badtrip siya.
JOAQUIN'S POV: “Nag enjoy ka ba sa out of town natin?” tanong ko sa kanya nang makauwi na kami sa Penthouse. Nakaupo kami sa couch at magkayakap lang. “Yes, sobrang nag enjoy ako, Mahal, alam mo ba first time ko nag-dagat ulit kasi wala naman akong time mamasyal noon sa States. Na-miss ko mag-beach!” “Sige, uulitin natin ‘to promise ko sayo, mamamasyal tayo ulit pag pwede na. Just focus on your pregnancy right now.” “Promise yan huh.” “Yes, I promise.” saad ko na ngumiti sa kanya, hinaplos niya naman ang pisngi ko. “Ay, Mahal, bukas pala may check-up ako sa OB, doon na rin malalaman yung gender ng babies natin.” “Sige, sasamahan kita, anong oras bukas?” “Uhm, maybe 10 a.m. pero wag na, okay lang, kahit ako nalang mag-isa,” “Huh? Bakit?” “Eh diba bukas yung ocular para doon sa malaking project na sinasabi mo?” “Bukas ba iyon? damn it, nakalimutan ko.” “It's alright. Ako nalang.” “Ihahatid nalang kita doon sa Clinic.” “Sige.” “Balik trabaho na bukas, magiging busy na nam